0

One Nightstand With Mafia Boss Chapter 9


Report

Kinaumagahan maagang gumising si Ivanna at bumaba rin.
Nagulat siya ng makita ang sandamak mak na shopping bag na nakalatag sa sofa.
”Mukhang tinutuo niya talaga”.sambit sa isipan ni Ivanna
Nakita niya rin si Owen na may dala dala pang shopping bag.
Agad siyang lumapit dito.
“Oh good morning”.bati nito sa kanya, hindi siya tumugon dahil sa gulat parin.
“Ilalagay ko na ba ito sa kwarto mo?”.tanong nito.
“Sandali kanino lahat Yan?”.tanong niya kahit alam niyang para ito sakanya
“Syempre sayo, utos ito ni boss akalain mo ako pa talaga ang pumili ng mga damit mo buti nalang at tinulungan ako ng isang saleslady dun kung ano ang tipo Ng mga babae”.kwento nito
“Sige iakyat ko na ha!?”.paalam nito tumango nalamang siya.
Inaakyat nito Ang mga shopping bag habang si Ivanna ay dali daling tinawagan si Lazarus.
Buti nalang at my number siya ibinigay ito sa kanya kung sakaling emergency.
“Hello”.cold na rinig ni Ivanna sa kabilang linya
“Bakit ang dami nito, ano nalang ang gagawin ko sa iba!”.reklamo niya dito
“Face your punishment Ms. Garcia, hindi mo sinunod ang utos ko kaya harapin mo yan”.sambit sabay end call
Napahinga nalang siya ng malalim dahil sa mga nangyayari.
Napagdesisiyon niya na tanggapin lahat ng mga binili na ito balak niya rin na ipadala ang iba kay Karen.
“Oh aalis ka?”.tanong sa kanya ni Owen ng makababa siya.
“Oo”.tipid na sagot niya at inayos ang mga shopping bag na balak niya ibigay kay Karen.
“Teka saan mo naman ibibigay Yan?”.takang tanong nito na mapansin ang kanyang dalang shopping bag
“Ibibigay ko sa kaibigan ko, dahil hindi ko naman ito masusuot lahat”.paliwanag niya kay Owen
“Baka pagalitan ka ni boss kapag malaman niyang ipamimigay mo yan”.pagtutol nito
“Kaya wag mong sabihin”.saad ni Ivanna dito
Hindi naman tumagal ang biyahe nila ng makarating sila sa apartment.
May konting oras lang siya para bisitahin ito.
Agad siyang kumatok sa apartment nila habang si Owen ay nasa likod niya lang dala ang ibang shopping bag.
Bumukas ito at iniluwa si Karen.
“Ivanna…!”.gulat na sambit ni Karen at niyakap ang kaibigan.
“Halika pasok”.ayaya niya
Pumasok naman sila at si Owen.
“Hoy sino yun?”.takang tanong ni Karen ng mapansin ang lalaking may dalang shopping bag
“Ahh si Owen siya ang naghatid saakin dito”.sagot niya sa kaibigan
Tumango naman si Karen
“Nasan si Hanna?”.tanong agad ni Ivanna kay Karen
“Ahh nandun siya sa kwarto”.
“Sige pupuntahan ko nalang siya, ikaw nalang ang bahala kay Owen”.bilin ni Ivanna sa kaibigan at dumiretso na agad sa kwarto ng bata.
Naiwan naman si Karen.
“Hi I’m Owen”.preskong pakilala nito kay Karen
Habang si Karen hindi alam ang gagawin.
“Hehe..hi Karen”.pakilala niya rin dito
“Beautiful”. nakangiting wika ni Owen
Bigla naman namula ang pisngi ni Karen at kita rin iyon ni Owen na ikinangiti.
“Mommy!”.sabay yakap kay Ivanna ng bata
“Kamusta kana?”.tanong niya sa bata
“Malakas na po ako mommy at mag enroll na daw ako bukas sabi ni mommy Karen”. ngiting kwento nito.
Ngumiti naman si Ivanna.
“Kaya lagi kang magpalakas para makapasok kana”.bilin niya dito
“Opo”.sagot naman ng bata.
Hindi rin naman sila nagtagal sa apartment.
At umuwi na rin.
Kakatapos palang maligo ni Ivanna ng marinig niya ang sasakyan ni Lazarus.
Kakatapos niya rin magluto ng hapunan, napagdesisiyon niya rin na wag na lumabas...


ng kwarto.
Dumaan ang ilang oras na matutulog na sana si Ivanna ng biglang may kumatok sa pinto.
Binuksan niya ito at nakita niya si Lazarus na nakasuot na ito ng pambahay.
May inabot ito sa kanya na isang white folder.
Kinuha niya yun.
“Ano ito?”.tanong niya
“Yan ang rule ko at basahin mo”.cold na sambit nito at umalis agad .
Agad niya naman isinarado ang pinto at umupo sa kama para basahin ang rule Ng lalaking iyon.
MY 5 RULES
1. WAG MAGSUSUOT NG MGA MANINIPIS NA DAMIT DITO SA PAMAMAHAY KO.
Napaasim naman ang mukha ni Ivanna.
”tsk”.singhal niya
2. WAG KANG MAGSISINUNGALING KAHIT MAGSINUNGALING KA MALALAMAN KO RIN IYAN.
Napangiwi naman ang sunod na naging reaction ni Ivanna.
3. SUNDIN MO LAHAT NG UTOS KO AT KAPAG HINDI MO GINAWA IYON LAGI KA MAKAKATANGGAP NG PUNISHMENT.
4. SA TUWING LALABAS KA O MAY KAILANGAN TAWAGAN MO AKO.
5. AND LAST SAAKIN KA LANG SUSUNOD DAHIL YOU ARE MINE.
SIGNATURE OF Y OUR ONLY BOSS.
ℒ𝒶𝓏𝓻𝓾𝑠.𝓞𝓬𝒶𝓂𝓅ℴ
Pakiramdam ni Ivanna para tuloy siyang ginawa isang asawa dahil lahat ay under ni Lazarus.
Pero nagtaka siya na makita ang alpeyido nito.
“Ocampo”.basa niya
Ang pagkakaalam niya ang Smith ang alpeyido nito pero Hindi niya na ito pinansin at natulog nalang siya.
Araw ng Sabado ngayon at maaga nagising si Ivanna at nagluto ng almusal.
Ngayon ay nagdidilig siya ng mga Rosas na nakatanim dito sa harapan ng bahay.
Maganda ang mga rosas na ito dahil sa tingkad ng kulay.
Mangha si Ivanna at gandang ganda habang tinitingnan ito.
Bigla tuloy siya may naalala.
FLASHBACK!!:
Nasa taas lamang ang batang babae na si Sandra.
Ilang araw rin ang lumipas ng simula ng may kumuha sa kanyang pagkababae.
Nagulat nalang ang bata Ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa dun ang kanyang isang ate.
“Ate, nakabalik ka na pala?”.gulat na saad ng bata.
Ito ang panganay na kapatid niya doon ito nag aaral sa Italy.
“Oo, ikaw kamusta ka na ang sabi saakin ni Shai ay lagi ka parin pinag iinitan ni daddy”.may galit na saad nito
“Sanay na po ako ate”.sagot ni Sandra dito
“Pero hindi parin iyon tama kung pinoprotektahan ka talaga ni daddy hindi niya dapat ginagawa to siguro apektado parin siya sa nanyari”.inis na sambit ng ate niya
Nagtaka naman si Sandra dahil sa binanggit nitong sa una.
“Pinoprotektahan?anong ibig mong sabihin ate?”.taka niyang tanong
Nanlaki naman ang mga mata ng kanyang ate.
“Ahh wala iyon ano ka ba”.ilang na sagot ng ate niya
“Ah ito pala paborito mong Rosas”.sabay pakita nito ng kumpol na rosas.
Lumaki ang ngiti ni Sandra dahil dito.
“Salamat ate”.saad niya
Ngumiti naman ang ate.
“Mana ka talaga kay mommy paborito ang rosas”. ngiting sagot ng ate niya
END OF FLASHBACK!!!
Napangiti ng mapait si Ivanna Ng maalala niya ang isa niyang kapatid na laging nagdadala sa kanya ng rosas.
A/N: Si Ivanna at Sandra po ay iisa kaya tama po ang mga hinala nyo.
Tatlo po silang magkapatid iba po yung babaeng naglagay sa kanya ng kwintas at ang babaeng nagbibigay sa kanya ng rosas.
Marami pa pong mga alala ang magbabalik kaya sana mga Readers ko po hintay lang tayo😊.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.