1

One Nightstand With Mafia Boss Chapter 3


Report

Pagpasok niya sa loob ng mansyon bumungad sa kanya ang malawak at malinis na sala may dalawa ring hagdanan papunta sa taas.
“Lazarus apo!”. napatingin siya sa bandang gilid ng may sumigaw sa pangalan niya at ang kanyang lolo Lazardo.
“Lolo”.saad niya at lumapit dito sabay yakap niyakap rin siya nito.
“Halika dun tayo sa sala”.paaaya nito tumango naman siya at sumunod.
Malawak ang sala at maaliwalas ang ganda halata ring mamahalin ang mga kagamitan sa totoo lang ang White House na ito ay matagal na itinayo pero may mga binago lang sa lugar dito.
Umupo naman silang dalawa at may lumapit na isang lalaki na katulong. Walang babaeng katulong sila dito lahat ay lalaki.
“Ikuha mo kami ng tsaa”.utus ng lolo niya sa katulong tumango naman ang katulong at umalis.
“Kamusta?,balita saakin ni Owen na pumunta kayo sa casino at nakipaglaro ka ng Pai Gow kay Mr.Hommer”.ang tinutukoy nito ay ang nakalaro ni Lazarus sa casino na intsik.
Isinandal niya naman ang kanyang ulo sa sofa.”Yeah, at si Owen na rin ang tumapos ng laro”.sagot niya naman.
“Yeah, I see”.saad ng lolo niya.
Dumating naman ang katulong at nilagay ang tsaa sa harapan nila. At umalis narin ang katulong.
Sumimsim sim naman siya ang kape ng biglang may sumigaw taas.
“Boss nandito ka na pala!”.sigaw nito kaya muntik na mabulunan si Lazarus sa iniinum niya. Tumingin naman siya sa tumawag sa kanya at hindi.siya nagkamali si Owen.
Si Owen ay isa sa mga kasamahan niya maingay talaga ito at sanay naman sila.
Agad ito lumapit sa kanya na magtatankang yayakapin siya tiningnan niya ito ng masama kaya napakamot ito ng ulo.
“Sorry”.sabay peace sign nito.
“Nasaan sila Ethan at William?”.tanong niya dito.
“Nasa Red room boss”.sagot naman nito sakanya.
“Sige lolo punta muna ako sa dun”.paalam niya sa lolo niya. Tumango ito.
Sabay naman sila ni Owen pumunta sa red room.
Ang Red Room ay isang kwarto na makikita sa underground,dun rin sila gumagawa ng mga plano.
Pinagbuksan siya ni Owen ng pinto.
Pagpasok niya bumungad sa kaniya ang dalawa niya pang kasamahan nasi Ethan at William.
Si Ethan ay pinupunasan ang mga armas, marami itong alam sa mga armas na kagamitan ito rin ang naghahanda ng mga ginagamit nila kapag nakikipaglaban sila.
Habang si William nakaupo sa isang lamesa at prenteng pindot sa laptop nito, isa ito sa magaling paghack o mga computer rise.
Tumikhim si Lazarus kaya nakuha niya ang attention ng dalawa, sabay ito tumayo.
“Angyan na pala kayo boss”.gulat naman na saad ni Ethan. Tumango lang si Lazarus at umupo sa unahan.
Nagsiupo namn yung tatlo.
“Kamusta William nakuha muna ba ang code ng Brooklyn Gang?”.panimulang tanong ni Lazarus kay William.
Ang Brooklyn Gang ay isang grupo ng sindikato na kalaban nila dahil nagnanakaw ito ng mga pinagbabawal na armas. Hindi rin nila alam kung sino ang nasa likod ng grupong ito.
Tumingin naman si William kay Lazarus.”Hindi pa boss mahirap kunin ang code nila, sinubukan ko ring ihack ang website nila pero hindi ko nakuha”.sagot nito.
Nagbuntong hininga naman si Lazarus.”Update?”.tanong niya sa tatlo.
“Kahapon pumunta ako sa lumang building dahil nagkaroon ng barilan, ang sabi ng mga pulis mga Brooklyn Gang ang may pakana Wala rin nahuli kahit isa sa pumatay sa biktima”.panimula ni Ethan.
Tumango naman si Lazarus sanay na siya sa mga pinaggagawa ng mga Brooklyn dahil alam niyang pinaglalaruan sila ng mga ito. “Sinubukan ko paring ihack ang website nila pero may komukontrol nito, at may nagsend pala saakin ng picture galing sa mga Brooklyn na picture”.saad ni William at ibinigay nito ang laptop niya kay Lazarus para ipakita.
Tiningnan muna niya si William bago...


bumaling sa laptop.
Nakita niya doon ang isang lalaki putol ang ulo nakakadiri itong tingnan dahil actual ang pagkakapicture nito.
Kumunot ang noo niya habang pinagmamasdan ang putol na ulo ng lalaki dahil pamilyar ito sa kanya.
“Siya si Lito isa siyang tagadeliver ng mga pagkain dito sa White House,”.paliwanag ni Owen .
Huminga ng malalim si Lazarus bago ibinigay kay William ang laptop.
“Hindi parin sila tumitigil, pero mga duwag lang naman dahil hindi parin sila nagpapakita”.may diing sambit ni Lazarus.
“Tama ka boss”.agree ni Owen.
“Kamusta pala yung laro mo kay mr. Hommer?”.tanong ni Lazarus kay Owen.
“Panalo tayo boss”.masiglang sambit nito.
Ngumiti naman siya kinuha niya ang wallet niya sa bulsa.
Hinanap niya ang tseke na ipinanalo niya sa casino na tseke balak niya kasi ito ibigay sa pamilya ni Lito bilang paghingi ng tawad.
Pero hindi niya ito makita alam niyang dito talaga niya ito inilagay.
“Sh*t, nasaan bayun”.sambit niya.
Napansin rin ng tatlo na mukhang may nawawala sa boss nila.
“May problema ba boss?”.tanong ni Ethan.
“Nawawala yung tseke”. sagot ni Lazarus
Nagulat naman yung tatlo.
“Magkano ba boss?”.tanong ni William.
“Tsk, 5 million”.inis na sagot niya
Panay parin ang yanap niya at napansin niya ring nawala ang kwintas na mahalaga sa kanya.
Napakuyom siya ng kamay.
Lalo na at sumagi sa isip niya ang babae.
Alam niyang ito ang nagnakaw.
“William kunin mo ang CCTV sa casino”.ustos niya kay William
“Bakit boss anong nangyari?”.naguguluhang tanong ni Owen
“That girl, ninakaw niya ang tseke pati narin ang kwintas ko”.galit na sagot ni Lazarus
Gulat naman ang tatlo sa sinabi ng kanilang boss dahil kahit sila alam nilang mahalaga ang kwintas na yun sa amo nila.
“Ok boss copy”.saad ni William.
At nagpaalam na ito para kunin ang cctv.
“That girl arghh humanda ka!”.galit na bulong niya sa sarili.
“MOMMy gising na po maaga na po”.nagising si Ivanna dahil sa may yumuyogyog sa kanya.
“Hmm”.ungol niya bago idilat ang mga mata.
Bumungad sa kanya ang mukha ng isang batang anghel walang iba kundi si Hanna.
Bumangon siya at hinalikan ang pisngi ng bata.”Good morning sa Hanna ko”. ngiting bati niya dito.
“Good morning din po mommy”.bati rin nito
“Nasaan mommy Karen mo?”.tanong niya sa bata.
“Nagluluto na po siya for breakfast po”.ngiti nito.
“Sige mauna kana ok susunod nalng si mommy”.saad niya, ngumiti ito at tumango bago umalis.
Naghilamos at ngmumog siya bago lumabas ng kwarto para mag almusal.
“Good morning”.bati sa kanya ni Karen ng makita siya.
Ngumiti naman siya”Good morning din”.balik na bati niya at umupo sa tabi ng bata na kumakain ngayon ng cerelac.
“Masarap ba luto ni mommy Karen mo?”.tanong niya sa bata.
“Opo mommy”. ngiting sagot nito
“Sige, kain ka lang ng kain para mabilis kang lumaki”.saad niya, ngumiti naman ito.
Si Hanna ay 10 years old na oo nag aaral ito pero sa online dahil na rin sa sakit ni to sa puso kaya hindi siya pwedeng makisalamuha sa tao baka kasi ibully ito at atakihin.
Kumuha ng tinapay si Ivanna at isinaw saw sa kanyang chocolate milk.
“Maghahanap ka ba ng trabaho ngayon?”.tanong sakanya ni Karen.
Tumingin siya dito.”oo, maghahanap ako sa mga restaurant na pwedeng maging waiter”. sagot niya.
“Ahh,”.tanging sagot nito.
Habang nag aalmusal sila ng biglang hindi makahinga si Hanna kaya nabaling sila dalawa dun.
“Hanna ayos kalang”.tarantang tanong ni Ivanna sa bata.
“Mukahang inaatake siya, sandali papara muna ako ng taxi sa baba”.paalam ni Karen, hindi na siya tumugon dahil mabilis niyang kinarga ang bata para isugod sa hospital.
A/N: Heto na po ang update ko. Baka hindi na po ako makapag update mamaya. Thank you and enjoy your reading 😊.


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.