6

One Nightstand With Mafia Boss Chapter 11

“Nasan sila Lalaine at Ralph?”. panimula na tanong ni lolo Lazardo sa magkapatid.
Lalaine at Ralph ay magulang nila Lucas at Liam.
“Nasa US parin po sila”.,sagot ni Lucas
Tumango naman ang lolo
“Ehh lolo kamusta naman po yung sa Brooklyn Gang?”.tanong ni Lucas
“Nagtatago parin sila”.tipid na sagot ni Lazarus
“Grabe talaga iyan mga duwag”.may galit na sambit ni Lucas
Mahaba rin ang kwentuhan nila dahil galing rin itong magkapatid sa US.




Gabi na at nagluto na lamang si Ivanna ng menudo para sa hapunan ng amo niya.
Ng biglang bumukas ang pinto at nakita dun si Lazarus na mukhang pagod na pagod.
Tumingin ito sa kanya.
“After mo maghanda pumunta ka sa kwarto ko”.sambit nito at umakyat.
Nagtaka lang siya at agad na tinapos ang paghanda.
Kumatok siya ng tatlong beses.
“Come in”.wika sa loob
Dahan dahan niyang binuksan ang pinto. Malamig ang bumalot sa katawan niya dahil sa aircon.
Napansin niya na dark ang kwarto ni Lazarus pero malinis tingnan.
“Titingin ka lang ba giyan”.nagulat si Ivanna ng may magsalita sa banda kama at nakita niya dun si Lazarus na nakadapa ang higa.
May suot itong puting tuwalya na bumalot sa bewang niya kaya makikita ang matitipunong likod nito.
“Are you deaf?”.dun na natauhan si Ivanna
“Ano po bang gusto nyong gawin sir?”.halong kaba na tanong niya
“Massage me”.,nagulat si Ivanna dahil sa gusto nito
“Huh?”.nakatanga niyang tanong
“Gusto mo bang itagalog ko? Imasahe mo ako”.may inis na saad nito kay Ivanna
Agad naman lumapit si Ivanna dahil baka bigyan siya nito ng punishment.
Umayos naman ng pagkakahiga na patalikod si Lazarus.
Nakita naman ni Ivanna ang lotion na nasa kabila ni Lazarus.
Umupo siya sa tabi ni Lazarus at dahan dahan niyang kinukuha ang lotion pero hindi niya ito maabot kaya umusog ulit siya at pilit inaabot na hindi nadidikit ang dibdib niya sa likod ni Lazarus.
Pero hindi niya nagawa dahil mukhang nadikit na ang dibdib niya sa likod ni Lazarus habang ang isang kamay niya ay inaabot ang lotion at ang isa kamay ay nakatukod sa malambot na kama para hindi siya masubsob.
Ng maabot niya na sana ang lotion ng biglang humarap si Lazarus na ikinagulat ni Ivanna dahil ang kanyang dibdib ang malapit sa mukha ni Lazarus.
Nakasuot lamang si Ivanna ng t-shirt kaya bukol rin ang dibdib niya.
Napakunot nman si Lazarus dahil sa ginagawa ng babae lalo na ang posisyon nila.
“What are you doing?”.takang tanong ni Lazarus
“Ahh..ehh.yung lotion kasi balak kung kunin”.sabay upon niya Ng maayos
“Tsk, bakit hindi mo sinabi?pinaghintay mo pa ako”. maawtoridad na saad ng lalaki at walang hirap kinuha sa kabila ang lotion at ibinigay sa kanya.
Agad naman ito kinuha ni Ivanna ang lotion.
Puwesto na si Lazarus sa pagkakahiga na nakatalikod.
Nagbuntong hininga Muna si Ivanna bago lagyan ng isang patak na lotion ang kamay niya at dahan dahang ipinahid sa matipunong likod nito.
“Hmm..”.rinig ni Ivanna na ungol Ng lalaki na nakahiga kaya parang ginanahan si Ivanna.
Idiin niya ng konti.
“Hmmm…idiin mo pa parang hindi ka pinapakain eh”.rinig niyang reklamo nito.
Kaya mas pinagbutihan ni Ivanna ang pag hagod nglikod ng lalaki.
Iniisip niya na kasalanan nito ang lahat kung bakit ngayon ay hindi niya makasama si Hanna kaya lalo niya pa diniinan at naalala niya pa kung paano siya nito sigawan ng mag away sila.
Kaya idiniin pa ni Ivanna ang paghagod sa likod ng may galit at pighati. Hindi niya na nalalaman na tumagos na ang kuko niya dahilan para mapadaing si Lazarus.
“Ouch..”.daing ni Lazarus pero parang bingi si Ivanna dahil Wala pa ito sa katinuan.
“D*nm, stopp!!”.bigla naman natauhan si Ivanna dahil sa sigaw nito kaya napaurong siya.
“Ahh”.rinig ni Ivanna na daing nito kaya para tuloy siya nakonsensiya dahil nakita niya namay konting sugat sa likod nito dulot ng ginawa niya.
“Hindi ka ba marunong magmasahe?”.bulyaw nito sa kanya
Bigla naman nakaramdam si Ivanna ng inis dahil ang sabi nito ay idiin niya kaya sinunod niya lamang.
“Pero Sabi mo diinan ko?”.may halong inis niyang sagot sa kaharap
“So diniinan mo naman?,alam mo bang kuko Muna ang dumiin saakin”.bulyaw nito
“Hindi ko naman sinasadya, ikaw naman kasi Sabi mo idiin ko tapos nag insulto ka pa!”.hindi na alam ni Ivanna na nabulyawan niya na si Lazarus.
Kaya gulat si Ivanna dahil sa sigaw niya pero ang ikinagulat niya ay ang biglaang hila at sabay higa sakanya ni Lazarus sa kama.
Nakapatong ngayon si Lazarus sa ibabaw ni Ivanna na ngayon ay kabadong kabado.
Bumilis ang tibok ni Ivanna dahil sa pwesto nila.
“Teka..an.ong gina..gawa mo”.nauutal na tanong ni Ivanna
“Sinigawan mo ako, then harapin mo ang punishment mo”.malamig na saad nito at hinalikan siya.
Nanlaki ang mga mata ni Ivanna habang ramdam niya ang malambot na labi ni Lazarus sa labi niya.
Pero mas nagulat siya...


ng biglang gumalaw Ang mga labi nito.
“Hmppp”.pigil na inaalis ni Ivanna ang katawan na nakapataong sa kanya.
Pero parang bingi si Lazarus habang naging mapusok ang halikan nila.
Nanlabot ang mga katawan ni Ivanna sa ginagawa ng binata.
Maya maya rin ay bumitaw na ang labi ng lalaki.
Tiningnan siya nito at yumuko.
“D*nm!”.rinig niyang mura nito
Umalis ito sa pagkakadagan sa kanya.
“Umalis ka na”. mahinahong utos nito sakanya
Agad naman umalis si Ivanna sa kwarto ng lalaki at dumiretso agad sa kwarto niya.
Nang isara ni Ivanna ang pinto agad siyang sumandal sa pinto.
Napahawak si Ivanna sa dibdib niya na sobrang bilis ng tibok.
Nagbathtab muna si Ivanna bago siya matulog.







Lumipas na ang 2 linggo simula ng mangyari ang gabing iyon.
Laging maaga pumapasok si Lazarus sa kanyang trabaho habang si Ivanna todo iwas kay Lazarus na magtagpo sila at natagumpay niya man iyon.
Nasa company ngayon si Lazarus nakaupo lamang siya sa kanyang swivel chair habang pinapaikot ang ballpen sa kamay niya.
Hindi parin makalimutan ni Lazarus kung paano niya hagkan ang babae ng gabing yun at alam niya na umiiwas ito.
Guilty rin siya sa kanyang ginawa hindi niya alam kung bakit niya yun ginawa.
Gusto niyang gumawa ng plano kung paano makahingi ng sorry sa pamamagitan ng pagbigay ng bagay pero parang ang corny dahil dapat ay sa kanyang nobya niya dapat iyon ginagawa.
Biglang may planong bumuo sa isip niya at agad tinawagan si Owen.
“Oh boss napatawag kayo?”.bungad nito
“Pwede bang pumunta ka ngayon dito sa office we need something to talk”. diretsahang sagot niya
“5 minutes sir nangyan na ako”.huling sabi nito at agad naman pig end call ni Lazarus.
Hindi rin nagtagal ay dumating na si Owen.
“Bakit boss?anong problema?”.halatang tumakbo ito dahil sa bilis ng paghinga nito.
Bumuntong hininga Muna si Lazarus bago sabihin ang plano niya na agad naman sinang ayunan ni Owen.
Kaya maagang uuwi ngayon sa bahay si Lazarus.
Habang naghuhugas si Ivanna dahil kakatapos niya palang kumain ng tanghalian.
Ng marinig siyang ugong ng sasakyan na pinagtaka niya.
Mabilis niyang tinapos ang paghuhugas at dumiretso sa labas at nakita niya doon si Lazarus na papasok palang.
Hanggang makalapit ito sa harapan niya. Hindi alam ni Ivanna kung anong gagawin lalo’t sariwa pa sakanya ang nangyari.
“Bakit ang aga mo atang umuwi?”.may pautal pang tanong niya pero iba ang sinagot nito.
“Magbihis ka, may pupuntahan tayo?”.mahinahon na utos nito sakanya.
“Saan naman tayo pupunta?”. tanong niya ulit
“Wag ka nang magtanong, sumunod ka nalang”. kaninang mahinahon na salita nito at naging maawtoridad na.
“Ahh..oo”.sagot niya at daling pumunta sa loob ng kwarto niya.
Napataray nalang si Ivanna dahil sa pagiging cold at masungit na amo niya, iniisip niya kung ano kaya ang itsura nito kapag nagpout.
Napatawa nalang siya sa isipan niya dahil kahit ngiti nga nito ay hindi niya nasilayan pano pa kaya kung pagiging cute nito.
Nagbihis nalamang siya ng pantalon at hoodie na white na isa rin ito sa mga binili ng amo niya.
Pagkababa niya nakita niya doon si Lazarus na mukhang bagong palit. Formal lang ang suot niya pero lakas parin ng appeal.
Tumikhim si Ivanna para makuha ang atensiyon nito dahil nakatingin lang ito sa relo na mukhang naghahabol ng oras.
Tiningnan siya nito mula paa hanggang taas.
Napataray nalang sa isip si Ivanna dahil sa tingin ng harapan niya.
“Let’s go”.Anya nito pagkatapos siya nito tingnan.
Nagpout nalamang si Ivanna at sumunod nalang sa amo.
Pagdating nila sa nila sa kotse nakita niya doon si Owen.
“Hi Ivanna!”.bati nito sa kanya
“Hello rin”. ngumiti naman siya kahit papaano ay sanay na siya kay Owen
“Ang ganda nyo talaga kahit anong suot niyo”.pagpupuri nito
“Hehehe thank you”. pasalamat niya
“Your welcome miss beautiful”. nakangising sambit nito kaya napangiti rin siya dahil sa pambobola nito
“Nangbola ka pa talaga”.asik ni Ivanna dito
“Ehem maglalandian nalang ba kayo?”.parehas sila nagulat Ng magsalita si Lazarus.
Tiningnan ni Ivanna si Lazarus at salubong ang kilay nito.
“Ahh sorry, sige alis na tayo”.sambit ni Owen at pumasok na sa driver seat.
Nakita niya rin na umikot si Lazarus sa kabilang pinto ng backseat.
Napangiwi nalang si Ivanna dahil walang gentleman ang lalaki.
Hindi rin alam ni Ivanna kung saan uupo pero napagdesisiyon niya na umupo sa tabi ni Owen.
Ng bubuksan na sana niya ng biglang bumukas ang salamin sa backseat.
“Dito ka umupo”. maawtoridad na utos ni Lazarus habang nakadungaw sa bintana at binuksan rin ang pinto para makapasok siya.
Tila ba’y kinilig si Ivanna dahil kahit papano ay gentleman rin ito. Agad siyang pumasok at umupo na may distansya sa kanila.
“Let’s go”.rinig ni Ivanna na utos ni Lazarus kay Owen.
At pinaandar narin ang kotse.
A/N: Pasensya na po kung matagal ang update busy lang po kasi ehh🤞😅

6 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *