2

ONE NIGHT WITH MY BOSS Chapter 5


Report

“Nay naman bakit niyo pinaalis si a-” hindi niya na natuloy ang sasabihin dahil kaagad siya nitong sinigawan.
“Tumahimik ka Mia! Wag mong pakialam ang mga desisyon ko!” Galit nitong sigaw at umirap.
Tatawagan niya na sana ang kanyang ate Yanna. Ngunit may umagaw ng kanyang Cellphone.
“Ate Miles akin na yan… Akin yan ehh. Bigay yan sakin ni Ate Yanna!” Di niya na napigilan ang sarili na sumigaw.
“Ehh ano ngayon?! Akin na toh! O baka gusto mong isumbong kita kay Nanay ha!” Inis nitong sigaw sa kanya at di na ngang binigay ang cellphone.
“Ohh ayan sayo na yan! Di ko na kailangan yan sira na!” At pasalampak na binigay sa kanya ang lumang cellphone.
Umakyat ito sa kwarto at mukhang kung ano na naman ang gagawin. Baka makikipagvideo call sa jowa.
Napaupo nalang siya sa sofa nila at napaiyak.”Siguro nga mas mabuting umalis na dito si Ate Yanna.” pabulong niyang sabi.
“Melba daming pera ha! Ang laki talaga ng pakinabang mo diyan kay Yanna.!” Sabi ng kalaro niya sa sugal.
“Siyempre naman! Lalo pat nalaman kong may relasyon sila ng boss niya.” Natatawa niya pang sabi.
Hays.Ang swerte swerte niya talaga! Hindi sayang ang pagpapalaki niya kay Yanna at mukhang ito pa ang mag-aahon sa kanya sa hirap.
“Yung kapatid mo hindi na ba hindi na bumalik? Lagot ka! Wala ka ng pangsugal kapag nagkataon.” Pang-aasar ng isa niyang kalaban sa sug*l.
“Hindi na yon! Baka nam*tay na yun sa Japan hahahaha! Saka akin na ang anak niya noh!” Para siyang baliw na tumatawa.
“Oo nga noh.Paano kaya kapag nalaman ni Yanna na hindi ikaw ang Nanay niya? Hahahaha Yari ka!” Nagpanting ang tenga niya sa kanyang narinig.
Padabog siyang tumayo. At binigyan ng nakakatakot na tingin ang kalaro. Kaya halos mamutla na ito. “Bakit ikaw ang magsasabi ha?!”
“Ano ba yan Melba easy ka lang!Tayo tayo lang ang nakakaalam.Wag kang mag-alala” Nauutal pa nitong sabi. Ngumisi na lang siya at muling umupo.Sa kanyang lang si Yanna!
“Babe, anong nangyari bakit di mo na ko dinadalaw sa bahay?” Maarte niyang sabi sa ka video chat. Napaiksi ng suot niya at halos kita na ang kal*luwa!
“Tang in* Miles yang boss ni Yanna pinakulong ako!H*yop na yan nabugbog pa ako. Buti na lang piniyansiyahan ako ni Nanay at napatunayan na hindi ako p*sher! ”
“Talaga ba babe? Omyghad so totoo yung narinig ko kanina.Sila na maygosh!” gulat na gulat niyang sabi.Wahaha swerte naman talaga.
“Wag kang mag-alala babe igaganti kita sa babaeng yon!”mabilis pa sa alas kwatro niyang sabi. Tutal hindi niya naman talaga ito kapatid!
Hulog na hulog siya kay Gino kaya nung naging boyfriend ito ng ate niya inak*t niya ito at naging sila. At si Yannang tang* walang kaalam alam!
“Lucas uuwi na ko sa bahay.” Naluluha niyang sabi habang yakap siya nito. Nandoon sila sa mansyon. Gusto niyang umuwi sa kanilang bahay.
“Bakit ba gustong gusto mo don?!” Napasigaw ito na ikinagulat niya. “Ayaw mo ba kong kasama?” Parang nasasaktan ito sa pagkakasabi noon
“Hindi naman sa ga-” Hindi niya na natuloy ang sasabihin. First time na nagalit ito sa kanya at hindi niya alam kung bakit.
“Then why?! You don’t want to be with me?! Ayaw mo ba sa akin?! Tell me Yanna dahil binab*liw mo ko!Mababal*w ako sa kakaisip” sigaw pa nito.
“Dahil natatakot ako! Takot na takot!…. Dahil kapag nahulog ako sayo baka di mo ko saluhin! Baka ang katawan ko ang lang ang habol. Kasi ganun naman diba?..” Nagpapaliwanag niyang sabi.
“Yanna I love you! Hindi mo ba maintindihan yon? Mahal kita.And I’m happy that I’m your first pero hindi ang katawan ang habol ko. Ang puso mo….” Biglang bumilis ang tibok ng puso niya.
“Alam ko ang lahat ng tungkol sayo. Sayo lang ako nab*liw ng ganito. Sa tuwing nakikita hindi ko mapigilan ang sarili ko… I love you so much baby.” Sabi pa nito.
Sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Parang lalabas na yon sa kanyang dibdib. Siguro yun na rin ang tamang panahon para aminin niya ang tunay na nararamdaman.
” Mahal din kita pero mahal ko din sila. Hindi ko sila kayang Iwan. “Umiiyak niyang sabi. Wala namang ekspresyon ang mukha nito.
” Dahil sa pagmamahal mo sa kanila wala kang itinira para sa sarili mo. Laging sila na lang. You cant live without them but they can without you! ”
At tinalikuran siya nito.Napaluhod nalang siya sa sahig. Bakit ba kasi ang hina hina niya? Iniisip niya ang kasiyahan ng iba pero ang sa kanya hindi? Ang t*nga t*nga mo Yanna!
Maya maya pa ay may nagvoicemessage sa kanya.” Ate siguro nga wag ka nang bumalik dito sa bahay. Wag kang mag-alala kaya ko ang sarili ko.”
—-
Para siyang ewan na sinasapok ang sarili. Hindi niya dapat sinigawan si Yanna. Nagsisi siya sa kanyang ginawa. Sobra siyang nasasaktan...


sa tuwing nakikita niya itong umiiyak.
Hindi deserve ng pamilya ni Yanna ang pagmamahal nito.Alam niya lahat ang paghihirap niya Yanna sa pamilyang yon. Nasa harden siya ng kanyang mansyon at lumalanghap ng sariwang hangin.
“Sir si Ma’am po nakatulog sa sofa. Mukhang hanggang sa pagtulog ay umiiyak siya.” Sabi ng kanyang katulong at mabilis ding umalis.
Agad siyang bumalik sa living room ng kanyang bahay. Naabutan niya dun ang babaeng pinakamamahal at tulog na tulog ito.Sawa na siyang makita itong nasasaktan.
Hinawi niya ang takas na buhok nito.”Im sorry baby If I shout at you.” pabulong niya sabi. Nagulat siya ng magsalita ito kahit tulog. “I love you Lucas.” Bulong naman nito.
Binuhat niya ito upang dalin ito sa kwarto niya. Para sa kanya ito ang reyna niya na kailangan niyang pagsilbihan. Dahan dahan niya itong inihiga sa malambot niyang kama.
“Sleep tight baby. I promise I will never leave you. No one can make us a part even the world.” Hinalikan niya ito sa noo at agad siyang lumabas ng kwarto.
“Sir Cellphone po ni ma’am may tumatawag po.” Agad na inabot sa kanya ng katulong ang cellphone at siya na ang sumagot.
“Hello ate..” Boses iyon ni Mia. Alam niyang sa pamilya ito lang ang may labis na may pakialam kay Yanna.
“She’s asleep. Don’t worry she’s okay in here.” Sagot niya.Kaya hindi agad ito nakapagsalita siguro di alam ang sasabihin.
“Alagaan niyo po siya. Pasiyahin niyo ang po ang ate ko. Pilitin niyo po siyang wag ng bumalik dito.” Tila umiiyak na nitong Sabi.
May sasabihin pa sana siya pero biglang namatay ang tawag.Tinatawagan niya ito ulit pero di na sumasagot.
Bumaba siya para ipaghanda si Yanna ng makakain nito. Sa isip niya kailangan niyang bumawi dahil sa pagsigaw niya rito.
Maalam siyang magluto pero si Yanna lang ang paglulutuan niya. Kahit kay Cassidy hindi niya nagawa yon, ang mal*nding babaeng iyon na b*liw na baliw sa kanya.
“Dude what’s up?! Totoo ba toh ha? Nagluluto ka? O balak mo lang talagang sunugin ang mansyon niyo.”
Nagulat siya sa pagdating ni Calyx! Ang kaibigan niyang kabute bigla na lang susulpot. Oo nga pala galit siya dito dahil sa paghawak nito sa kamay ni Yanna.
” Get the h*ll out of Here Alvarez! “Inis niyang sigaw sa kaibigan. Tumatawa lang naman ito. Mukhang tuwang tuwa sa reaksyon niya.
” Easy dude! May gusto lang akong sabihin sayo. Konting kalma naman diyan. “Pang-aasar pa nito sa kanya.
” What the f*ck was that? “Inis niyang tanong.Mabuti na lang at tapos niya na ang niluluto. Siyempre kailangan masarap para kay Yanna yun eh!
” Ahhm ganito kasi yon. Uuwi na daw si Tita Lucianna at ang kapatid mo.”Tuwang tuwa pa nitong Sabi. Peto siya ay hindi man lang makaramdam ng kahit ano.
“F*ck!are you telling the truth! Calyx you know I can k*ll you kung niloloko mo lang ako.” May halos Inis niyang Sabi. Kaya natigilan ito.
“Dude, kailan ba ko nagsinungaling sayo. Kinamusta ka pa nga sakin kanina ehh. One of this days uuwi na daw sila.” Pagpapaliwanag niya pa.
Halo halo ang nararamdaman niya. Magugulo na naman ang tahimik niyang buhay dahil sa walang kwenta niyang ina.
“Did you tell her about Yanna?” Matiiim niyang tanong. Kaya natagalan ito bago sumagot.”Bro hinde I swear! Kunin man ako ni San Pedro ngayon!”
Sigurado siyang hindi magugustuhan ng kanyang ina si Yanna pero hindi niya hahayaan na apihin nito ang babaeng mahal niya!
“You can go now! You shouldnt be in here for that first place!” ayaw niyang maabutan ito ni Yanna. Oo na magpagkaseloso siya.
“Sige iisipin ko nalang yan ang pagsasabi mo ng thank you. By the way bagay na bagay kayo. Nice combination! Magandang lahi yan!” pahabol pa nitong Sabi.
Bago niya itong batuhin ng kung ano umalis na ito pero tumatawa pa rin. Sir*ulo talaga kahit kailan! Pero masaya siya na kaibigan niya ito.Kahit parang may salt*k sa ulo. Minsan kasi ito lang din ang nakakaintindi sa kanya.
Pagkatapos ayusin ang pagkain at ilagay sa tray. Umakyat na siya, gusto niyang iparamdam kay Yanna kung gaano niya ito kamahal.She wants to make her the happiness woman in the world.
Naabutan niya itong nakaupo na sa kama at nagkukusot ng mata.Ng makita siya nito bigla itong nag-iwas ng tingin. Natatakot siya na baka takot na ito sa kanya.
“Im sorry baby. I’m really sorry I shouldn’t have shout at you, I should understand you. ” Tumingin naman ito sa kanya at hinaplos ang kanyang mukha.
“Sorry rin ha. Alam ko namang concern. Dito na ko titira at sasamahan kita. Gusto ko ako naman ang magpapasaya sayo. I love you Lucas.”
Pagkasabi noon at ito na ang humalik sa kanya.At hindi niya na napigilan ang sarili at hindi lang sa halik nauwi ang lahat.
Palike po kung gusto niyo yung story♥️


2 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.