Not Like Romeo And Juliet

2

Nung mga bata palang tayo, wala pa tayong muwang sa mga bagay bagay. Kumbaga wala pang malisya sa mga sensitibong usapin kagaya ng pag-ibig. Pero iba ako, dahil na rin siguro kabilang ako sa kategoryang “broken family” at taong bahay lang ako. Puro panunuod lang ng telebisyon at pagbabasa ang nakahiligan ko. Kaya masasabi ko na noon palang naghangad na ko na magkaroon na agad ng partner. Well elementary palang ako nun haha. Nagkaron ako ng tatlong puppy love nung nag high school
, mga tukso tukso lang ng kaibigan at ng nanay ko pero walang naging seryoso hanggang isang araw. Isang inaakala kong ordinaryong araw lang. Nakilala ko ang isang babae. Love at first sight, kaso sabi ko sa sarili ko “masyadong maganda para sakin, Lord pwede po bang sya nalang?”. Turo ng pastor namin na kapag may gusto ka ipagpray mo para kung deserve mo matatanggap mo. Nagkatext muna kami. Araw araw. Haha ung feeling na kinakaantay antay mo text n’ya, na nakangiti ka sa bawat tunog ng cp mo hahaiiy. Then i decided to court her. She said yes i can court her. Sobrang tuwa ko naman feeling ko kami na agad...

haha. Umabot ng 1 month ung panliligaw ko. Sabi nya papaabutin nya daw sana ng 1 year kaso paalis na kasi ako para mag aral dito sa Baguio dahil nagshift ako ng course mula Manila. Tandang tanda pa namin nung araw na sinagot nya na ako, 6pm umaambon at nakatingin kami sa kawalan then sinabi nya out of no where “OO”. Ako pakipot wari “ha?”. Inulit nya “OO”. Tumawa na lang kami. Tahimik. Pero wala man kaming sinasabi sa isat isa alam na namin ung gusto namin. Nag hawak kami ng kamay at gumawa agad ng pangako sa isat isa. Mag four years na kami ngayon, at alam ko na sya na makakasama ko habang buhay. Pagkagraduate ko gusto magpropose sa kanya. So sa mga umiibig din na gaya ko. Irerelate ko sa title na naisip ko. True love isn’t like romeo and juliet who died for each other but true love is doing everything and anything you can to be with him/her for the rest of your lives. Hindi maiiwasan na masaktan kapag umiibig. Sabi nga sa movie na “fireproof”–“do not leave your partner, especially on a fire”. Stay strong. Thanks for reading…😊




One thought on “Not Like Romeo And Juliet