1

Not a love Story


Report

Hi I’m Kris 24,and This is my story………..
I admitted in myself na ako’y isang bisexual kasi nagkakagusto ako sa babae at lalaki, maraming nagsasabi sa akin na sinayang ko lang daw ang gandang lalaki ko, pero deadma lang ang lola nyo..haha,.wala pa akong naging seryosong relationship hanggang flirting lang ako..marami na rin akong na encounter na nakakalokang senaryo..like ng may magtapat sayong girl na gusto ka niya..dahil nga malandi ako..hahha flirting lang ang nangyayari, pero dahil nga sanay ka makipagflirt makikiayon ka sa kanya, kahit hindi mo naman siya gusto parang libangan lang ganern.same lang sa mga kapwa ko bisexual all sila flirting lang ang nangyari.
Pero nagbago ang takbo ng panahon ng makilala ko si Liza, same kami ng course but magkaiba naman ng major, so dun sa mga minor subject lang kami magkasama. Hindi ko alam kung paano nangyaring nagustuhan ko siya. Simple lang sya, alam mo yung lipstick lang ay okey na sa kanya, marami rin nagkakagusto sa kanya dahil sa ka simplehan nya unlike to the others girl, alam mo yung t’shirt and pants lang okey na sa kanya. Siguro yun din ang nagustuhan ko sa kanya. Palagi kaming magkasama nung college pa kami, masasabi kong were good friends na talaga, kapag may manliligaw sa kanya sasabihin mona niya sa akin, hihingin muna ang opinyon ko kung okey lang ba lang daw. pero ang ending hanggang dating lang sila tapos sasabihin niya na ayaw na daw niya..hahha, ako naman itong pagtatawanan lang siya. Alam nman niya binabae ako, tuwang tuwa nga siya pagmagkasama kami, kasi mas maarte ako kesa sa kanya pagdating sa mga bagay-bagy. Hanggang sa makapagtapos kami ng college magkasama pa rin kami, laging niyang sinasabi sa akin na what if tayo talga ang tinadhana? may time na sinasabi niya sa mga kabigan namin na kami na daw magsasama forever, but patay malisya lang ako kung baga deadma lang ako, hindi ko alam kasi sa...


sarili ko kung paano ko i hahandle natatakot ako..
Sa ngayon nagwowork na kmi at magkasama parin sa isang company, wala namn nagbago sa amin, alam mo yung words na parang kayo pero walang label ..ganun ang status namin ngayon, minsan tuwing walang pasok lumalabas kami o kaya naman tumatambay siya sa amin, sobrang sweet namin sa isat isa, alam mo yung galawan ng lovers ganun din kami. Pagbaba ng shuttle, dun dn ako bumababa sa sakakyan niya pauwi para maihatid ko siya kahit na malayo pa ang sakayang namin kaya ang ending double pamasahe ako..FYI siya po ang may gusto niyan hindi ako, sasabihin lagi niya sa akin na ihatid mo namn ako, kahit labag sa loob ko ggwin ko pa rin..hayysss., Minsan may time pa na habang nagma-mall kami or naglalakad bigla nalang niyang sasabihan na “hawakan mo kamay ko baka mawala ako” alam mo yung ganung trip niya sa buhay matatawa ka nalang. Kahit araw-araw magkasama kami paguwi namin galing work mag-chat pa, pagagaliatan ako kasi puro daw ML (moble legend) ako. Kaya minsan binoblock ko sa messenger at contacts ko name niya para hindi ako matawagan or machat pagnaglalaro ako..hahha…kaya ang ending kinabukasan galit sa akin..haha..lagi niyang sinsabi na kaya daw cguro hindi niya ako makontak ay may kalandian na naman ako na mga lalaki or babae, ang sagot ko naman “di gayahin mo makipaglandian ka rin” hahha..pero konting lambing ko lang at ma-uto na konti na magdinner kami paglabas ay okey na agad..hahha.
Sa ngayon, alam ko na may espesyal siya sa puso ko, takot akong mawala siya sa akin..masaya ako kung anong meron sa amin, wala man kaming label sa isang relasyon but we are happy yun ang maganda…

…nga pala nagbabalak kami ng makipagsapalaran sa ibang bansa nagaayos plang kami ng papers..Siya rin ang may gusto niyan at pinilit lang niya ako..hahaha.parang nakikita ko tuloy na sunod-sunuran ako..siya lang po nakakagawa niyan sa akin..hayyss buhay..haha


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.