0

NINAKAW NA SANDALI Continuation of Chapter 1


Report

Bagong mukha ang lalake at Hindi niya kilala ito. Pero sa tingin niya ay apo ito ni Mang Kantor dahil tinawag nitong Lolo ang matanda. Napaiwas siya bigla nang tingin dito nang malingonan din siya nito..nahiya Tuloy siya.
“Miss anong binibili mo?”bigla ay tanong nito sa kanya
“Makoy ikaw nga magkilo ng feeds na binibili nitong si Bella. At tila sumama ang aking pakiramdam.”anang matanda
“Walang problema Lo..leave ko naman sa presinto Kaya ako na Muna ang magbabantay dito.”ani nito
“Wow naman..ang bait mo namang apo.”sabat ni Chacha rito na halatang nagpapa-cute naman sa Lalake”Charlene nga Pala Pero Chacha in short. Pulis ka?”
“Mark Selvestre Pero Makoy in short.”pakilala naman nitong Makoy sa kaibigan niya
“Iyong feeds na binibili ko Kuya.”kapag kuwan ay sabi na lamang ni Bella rito
“Pasensya na Miss.”agad namang kumilos ito na takaran siya ng feeds na ibinibili niya
“SAlamat.”sabay talikod niya sa Lalake at hinila na niya rito ang kaibigang malandi
Siya ang nahihiya sa pagiging malandi nitong si Chacha.
Hindi naman mapakli ang ngiti ni Makoy sa dalawang dalaga na suki nang kanyang Lolo Kantor. Wala na sa kanya ang mga ganong Klase ng babae na mahilig magpacute sa kanya. Pero tila yata...


Hindi niya inaasahan na suplada ang isa roon.At napapailing siya dahil Hindi naman iyon maganda dahil sa pilat na nakita niya sa pisngi niyon. Pero kung Wala sana ang pilat niyon sa pisngi ay parang napersonal na niya ang iniidolo niyang si Shanaira Ledezma. Halos may hawig kasi iyon sa iniidolo niya.
Biglang nagring dito ang cell phone niya Kaya agad naman niyang sinagot nang malaman na sa Departamento ang tawag.
“Sir. Ah sige ho..pupunta na ako diyan.” Agad na tinapos na niya ang tawag nang kanyang chief at agad na nga niyang ikinuha agad ang susi nang kanyang motorsiklo
Hindi inaasahan ni Makoy na biglaan siyang ipapatawag ng Departamento. Wala yata talaga siyang panahon para makapagleave man lang.Panigurado siya May bago na naman na assignment ang ibibigay sa kanya ng Departamento.
NAng makarating si Makoy sa Departamento ay sinalubong agad siya rito ng kanyang kabuddy na si Lester.
“Oh buddy AKAla ko ba leave ka ngayon?”tanong agad nito sa kanya
“Tinawagan ako ni Hepe. Mukhang May bago na naman akong assignment na lulutasin.”ani ni Makoy sa kanyang kabuddy”Sige.”
Dumiretso agad si Makoy sa opisina ng kanilang Hepe. At dito ay sumaludo agad siya rito.
“Sir!”
“Halika Sgt. Selvestre. Maupo ka.”


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.