0

Niloloko


Report

Hello I’m jen. I’m 24 year’s old sana mabasa nio.. Hnd ko alam kung pano ko uumpisahan hehe peo cg ito na babalikan ko yung araw na muntikan nako mabaliw sa isang tao. May bf ako dati 4years kami peo hnd kami mag kasama malau sya nasa masbate sya ako naman nasa maynila nung una maayos naman relasyon namin kahit na malau kami sa isat isat ramdam ko naman Kong gano nyako ka mahal kaya napanatag loob ko, kc walang araw na dumadaan na hnd kami nag uusap palagi sya tumatawag at ganun dn ako, ang sweet at dami nya pangarap para samin ang saya saya ng mga araw nayon. Peo may mga araw dn naman na nag aaway kami at normal lang naman yun, dati pag nag aaway kami walang natutulog pag hnd kami nag aayos kaya akala ko talaga dati sya na ang magiging katuloyan ko kc usapan namin pag uwi ko mag papakasal na kami dami plano namin kaya subrang saya 😊 peo habang patagal ng patagal kami at dumadaan yung mga araw napapansin ko nag babago na sya pag mag kausap kami parang hnd na tulad ng dati na andun yung mga ngiti nya at palagi nang daming dahilan palagi nya cnasabi sakin na may gagawin dw sya at kung dati inaabot ng madaling araw yung usapan namin dumating sa point na second nalang tapos agad minsa inaabot pa ng dalawang araw bago kami mag usap pag tinatanung ko bkt dko sya makuntak dahilan nya lobat o dkaya walang net kahit subrang hirap at sakit na tiniis at inintindi kuyon. At ito ang hnd ko makakalimutan kahit now nasasaktan pdn ako pag naalala ko mga yun nung birthday ko Oct umasa ako na babatiin nyako na bawat tunog ng phone ko dali dali ko binubuksan baka sya yun peo wala n hello d nya magawa dami ko message sakanya at mescal that time peo wala nakapatay ang phone nya mga dalawang araw na saka lang sya ng pm sakin sabi nya sorry honey ha kakalabas kulang galing hospital. Nag aalala ako sakanya nawala lahat ng galit ko kc dnya ko nabati nung birthday ko.. Sabi ko ok kana ba ano ba nangyare peo hnd panga ako tapos mag salita sabi nya agad na cg hone mamaya nalang ulit tau mag usap may pupontahan pa kc ako sya ngapala walang cgnal dun sa...


pupontahan ko ah at bigla nya agad binaba ang phone napaiyak nalang ako andun yung tampo at pag aalala ko una d manlang nyako binati kahit late naa at pangalawa kakalabas nyalang hospital kung totooman need nya nang pahinga hnd ako makatulog nung gabing yun iniisip ko kc kung kamusta sya kung ano naba ginagawa nya ang hirap subra.. At kinausap ko sya na pumonta sya ng manila sagot ko pamasahi kc subra kona syang miss nung una ayaw nya dami nya dahilan kiso dw nag papaasyus ng bahay peo pinilit ko sya at napapayag naman nag punta sya ng manila at sagot ko lahat sinundo ko sya sa terminal at kumain kami nag tataka lang ako na sa tweng makikita kami lagi nalang nakapatay ang phone nya at lobat dw to hinahayaan ko nalang kc may tiwala naman ako sa kanya. At mag kasama kami natulog sabi ko sakanya na amina phone nya at charge ko peo sabi nya wag nadw peo matigas ulo ko at binuksan ko may mga pumasok na txt number lang at sabi hello kamusta kana miss kita tawag ako ok lang ba? Napaisip ako peo ayuko makipag away kaya nanahimik nalang ako habang nakahiga kami iinisip ko na baka may babae sya kaya cguro nanlalamig na sya sakin. Kinabukasan mabalik na sya ng masbate at kinausap ko sya sabi ko mag palit kami ng phone pumayag naman sya kaya nawala sakin yung pag dududa. Kumain mona kami bago sya sumakay ng bus. Pag kauwi ko ng bahay dali dali kung binuksan ang phone nya lahat ng apps inalis nya kaya nag taka ako at kinalkal ko ng kinalkal sa tinagal tagal ko ng pag aano sa phone nya biglang may umitan na pangalan ng babae nagulat ako at kinakabahan nako pag bukas ko nakita ko lahat ng pictures nulang dalawa hnd ko alam kung ano gagawin ko para akong sinaksak sa likod napaupo nalang ako at habang tinitingnan ko isa isa hnd ko namamalayan na umiiyak na pala ako 😭😭tinawagan ko sya at tinanung kung may babae sya peo d sya umamin at syapa ang galit kc dw pagud sya iyak ako ng iyak subrang sakit para na akong mamatay. Yung mga panahon pala na ang dami nyang dahilan mag kasama pala sila ng babae nya napag tugma ko na niloloko na pala ako dati pa at may mga nangyayare pa sa kanila 😒😭

1

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.