0

NIGHTMARE TALES(SEASON 2 FINALE)


Report

NIGHTMARE TALES(SEASON 2 FINALE)
“Trycicle”
🖊️R.V Nightmare
Magandang gabi ako si Amy at narito ako para ilahad ang aking kuwento.
Pahirapan talaga ang sumakay tuwing gabi kaya pinili ko nalang mag-trycicle.
Narito ako ngayon sa terminal at nakasalubong ko rito ang isa pang pasahero.
Umupo ako malapit rito at kinuha ang selpon. Pansin ko ang pagngiti nito kaya nilingon ko siya.
“Hirap talaga sumakay tuwing gabi no?”
saad nito.
“Oo nga eh kaya ito nag-trycicle nalang ako,”
“Same with you wala na akong ma-para na jeep dahil lahat puno buti pa rito sa trycicle iilan lang kaso matatagalan ka nga lang sa paghihintay dahil ang tagal nila bago makabalik,”
wika niya at pansin ko rin ang kadaldalan nito.
Kaya naman hindi na ako nailang pa na makipag-usap sa kaniya.
Naging mahaba ang kuwentuhan namin dahil natagalan kami sa paghihintay ng trycicle.
“Ang tagal no?”
ani niya.
Hindi na ako sumagot pa at tumango nalang dahil abala ako sa binabasa kong article sa facebook.
Nang mapansin niya ito ay tumabi siya sa akin...


para makibasa na rin.
“Ano yan?”
tanong niya.
“Ah ito babaeng pinatay daw kawawa nga eh ang sabi ginahasa raw at saka pinagtataga halos makatay na sinigurado na hindi makikilala,”
“Grabe na talaga panahon ngayon puro karahasan nalang,”
tugon niya.
Naputol ang usapan namin nang dumating na ang trycicle at magkatabi kaming umupo sa loob.
Akma siyang kumukuha ng barya nang patigilin ko siya.
“Ako na,”
“Salamat ah,”
tugon niya habang nakangiti sa akin.
Kinuha ko ang singkwenta pesos sa bag ko at agad na inabot sa driver.
“Kuya dalawa po,”
“Po? Eh isa lang naman po kayo sa loob,”
sagot nito na nagbigay takot sa akin.
Nang lingunin ko ang Babaeng katabi ko ay wala na ito. May kung anong malamig na bagay na humaplos sa aking balat.
Habang ang takot ay mabilis na kinain ang pagkatao ko. Nang hindi ko matiis na mag-isa sa loob ng trycicle ay pinahinto ko ito at tumabi sa driver.
Magpahanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung sino ang Babaeng ‘yon.
-Wakas-


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.