1

Nainlove Sa Scammer


Report

“Nainlove siya sa scammer”

Sino ba mag-aakala na makikita mo ang taong mamahalin at magiging buhay mo facebook? Thanks Mark Zuckerberg! Anyways, nagsimula ang lahat sa pag add ko sa kanya sa isang facebook group na kung saan yung GF ko noon ay isa admin. Dahil matulungin akong BF, tinulungan ko siyang mag add ng mga members sa facebook group na ang paksa ang tungkol sa mga “sex confessions” para mas dumami ang members at mas maging active. Yes, you read it right yun ang paksa sa facebook group ng ex ko. While browsing and adding ramdom people, I saw her profile. Una hesistant pa akong I-add siya mukhang formal na tao at baka magalit siya kung i-add ko sa facebook group ni ex. Inunahan ko na siya, chinat ko na siya saying na ok lang ba i-add ko sa facebook group namin (actually nauna ko siyang i-add sa group at later part na yung nagpaalam ako hehe). Since then, regular na yung pagcha-chat at text namin (yes uso pa text that time haha). To cut to the chase, may gf ako noon at may bf naman siya noon. Yung gf ko may ibang lalaki at yung bf naman niya nasa malayo at isang paasa. we were in the wrong relationships kaya siguro nagkasundo kami bukod sa pareho kaming tanga sa mga partners namin haha. Eventually, nahuli ko yung ex ko na may iba at siya naman nakapagdecide na makipaghiwalay dahil napuno na siya sa mga “promises” ng ex niya. Then we decided to meet personally. Unang attempt, bigla akong nagcancel. Second attempt, di na naman ako tumuloy hehe. Honestly, kaya ako sumisipot dahil alam ko di pa ako ready maging tanga ulit. Finally, nagmeet na rin kami kasi na feel ko na kapag di na naman ako sumipot sa meet-up namin (bukod sa bi-bingo na ako sa kanya dahil dalawang beses ko na siyang inindian haha) ay hindi na kami magkakaroon ulit ng pagkakataon na magkita kami, ever. Buti na lang talaga at sinunod ko yung feeling ko, feelingero. Here comes the scam part, akala niya talaga matangkad ako hahaha. Hanggang ngayon di pa rin siya maka move on dahil sa picture daw mukha akong matangkad. Kaya pala noong nagkita kami sobrang tahimik lang niya at parati lang siyang nakatingin sa akin hahaha. Mula noon hindi na niya ako pinakawalan J

Pero bago naging kami, may kailangan muna akong aminin sa kanya. Isang sekretong matagal kong inilihim sa kanya at alam kong ikagagalit niya. Isa ito sa mga kasalanan na kailangan kong aminin sa kanya dahil hindi mapapanatag ang loob ko kung hindi niya malalaman. Maaring sa pag-amin na eto tuluyan...


niya akong iwasan at tapusin ano man ang namamagitan sa amin. Isa akong alien. Galing ako sa planetang nemek at nagpapanggap lamang ako na tao. I wish ganun lang yung sekreto ko. Sa tingin ko mas matatanggap niya na alien ako at kalahi ko sa Picolo haha. So eto na nga, sa kasagsagan ng “getting-to-know” each other stage naming, bigla ko naisipan na gumawa ng dummy account. Yes, at nagpanggap ako na isang babae. In short, ginawa ko siya bestfriend sa chat. Ewan ko kung anong pumasok sa utak ko noon at nagawa ko yun. Nagpanggap akong babae na friend niya sa chat at ang galling-galing kong magpanggap. Minsan naiinis ako sa sarili ko pag naalala ko yun kasi ang galling-galing ko hahaha. Ang sarap-sarap kong batukan sa totoo lang.

So yun na nga, I decided to tell her the truth. Gusto kong aminin sa kanya ang isa sa mga kasalanan ko. Gusto kong ipakita sa kanya ang mga imperfections ko. Gusto kong ipakita sa kanya ang masamang bahagi ng pagkatao ko. Hindi yun ang kabuuan ko pero parte yung “kasamaan” na yun sa totoong ako. Gusto kong aminin sa kanya ang kamalian at kahinaan ko. Gusto kong malaman niya na yung taong mamahalin niya ang may bahid ng kagagohan at kabobohan sa katawan. Gusto kong malaman kong gugustuhin niya pa rin mahalin sa isang katulad ko, bilang ako, yung totoong ako. Sinabi ko noon sa sarili ko, kung tatanggapin niya pa rin ako sa kabila ng ginawa ko, magtitino na talaga ako.

At yun na nga sinampal niya ako, sinabunutan, sinipa, sinapak, dinuraan, inihagis sa labas ng bintana, at binalibag sa pader at kiname hami wave. Isa palang super saiyan ang niloko ko hahaha. Pero sana nga ganun yung ginawa niya, mas pipiliin kong saktan niya ako. Deserve ko yun. Pero hindi, tumahimik lang siya. Hindi siya umimik. Tumalikod at tahimik na umiyak. Nakita ko na nasaktan ko siya. At nasaktan ako ng makita kong ako ng dahilan ng sakit na nararamdaman niya. Ang sakit pala sa pakiramdam na alam mong ikaw ang dahilan ng kalungkutan niya. Na ikaw ang dahilan ng sakit ng taong mahal mo. At doon ko naramdaman na mahal ko nga talaga siya. At hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung makikita ko na naman siyang nasasaktan dahil sa kabobohan ko.

Ngayon, mahigit 2 years na kaming kasal at may isang anak na rin kami. Nagpapasalamat ako kasi pinili niyang maging tanga ulit para sa akin. Sana makita niyo na rin ang taong tatanggap sayo bilang kayo. Kasi ako nahanap ko na siya at hindi-hindi ko siya pakakawalan. Promise. Cross my heart. Hope you die pa hahaha.

0918-482-0279


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.