0

NAHULOG SA IYO


Report

NAHULOG SA IYO
“Beverlyn, si Steve oh ayie” mapang asar na wika ng kaklase ko sa isang transferre.
“Hoy tigilan niyoko, hindi ko iyan gusto.” saad ko ngunit hindi man lang s’ya nag-patinag.
“Beverlyn and Steve, so guys ship natin sila. Mas bagay na tags for shipping is stever diba maganda?”
“Ang panget kasing panget mo elijah.”
“Beverlyn, crush mo pala si Steve ah. Kami na bahala sa inyo.” tawang sabi ni Nicolas.
Tumayo ako at lumabas ng classroom. Ayoko na shiniship ako sa hindi ko naman gusto. Nakakaumay marinig tsk.

Buwan na ang nakalipas ay ganun parin ang sistema sa loob ng room. Palagi kaming dalawa ang pinupunterya ng mga kaklase ko. Aaminin ko man sa hindi ay kusang nahulog ako sa kaniya, ewan! Parang ginayuma niya ako.
Ngayong araw ay February 14, 2021. Valentine’s day. Sumuot ako ng pulang t-shirt, pantaloon na black at puting sapatos bago pumasok ng school.
5 minutes later, aakma na sana akong papasok ng hinawakan ni Elijah ang kamay ko at kinuha ang bag na dala ko. Nagtaka naman ako roon.
“Teka! Saan mo dadalhin bag mo?”
“Sa room malamang.” aniya at tinalikuran ako.
“Dito kana pala, lagyan kita ng piring sa mata ok? Huwag kanang daming satsat. Kami na...


bahalang umalalay sa‘yo maglakad.
“Ano ba kasi ang nangyayari ha?” tanong ko ngunit walang isang sumagot kaya tinikom ko nalang ang aking bibig.
Lakad doon lang ginagawa ko hanggang sa huminto kami, I think classroom ko na ito. Kinuha ko ang piring na nakatabon sa aking mata at tinanaw ang kabuuan ng room.
“Surpised.” saad nilang lahat.
“Ha? Para dapat ito kay ma’am hindi sa’kin pft”
“Tumalikod ka kasi.” aniya ni Elijah na kaagad ko din sinunod.
“For you, happy Valentine’s day Beverlyn.” ngiting sambit ni Steve sa’kin.
Natulala akong kinuha ang boquet of roses sa kaniya, walang pasabi ko s’yang niyakap na kaagad niyang tinugon.
Narinig ko ang tili at hiyawan ng aking mga kaklase dahil sa kilig na storyang nagaganap ngayon.
“Beverlyn, can I court you?” kumalas ito sa pagkayakap at tiningnan ako ng madiin.
“Sagutin na iyan.”
“Alam mo bang nahulog na’ko sa‘yo simula palang nong una. Hindi ko akalain na iba iyong pakiramdam ko sa tuwing nakikita ka, isa lang masasabi ko Steve. It’s a big yes.” mangiyak kong turan.
Niyakap naman niya ako at may binulong, “hindi ko rin akalain na dito kita matatagpuan. I love you so much.” aniya.
— WORK OF FICTION
— DON’T PLAGIARIZED
— ERRORS AHEAD
— @sae


Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.