0

My_love_is_a_killer_and_rapist Chapter_23


Report

Nakarating na nga ako sa police station at agad ko binigay ang ibedensya..
Kumilos naman agad ang mga police nang makita ang ebidensya.
Si Mr Sanchez pala talaga ang killer at rapist.
Nagbabayad lang ito nang tao para akuin ang krimen,at para hindi na imbestigahan pa ng mga pulis..
Sumama ako sa mga pulis,pabalik sa bahay nila mon..
Agad naman nagsikalat ang lahat nang pulis sa bahay nila mon.
Maya maya ay lumabas na si Mr.Sanchez na may tama sa balikat at naka posas na ito..
Hinintay ko lumabas sila mon at reymart pero di ito lumabas.
Mamang pulis nasan ho,ang dalawang anak ni Mr Sanchez tanung ko..
Makukulong din sila dahil naging kasabwat sila nang daddy nila gumawa nang krimen.
Pero nasaan po sila sir,bakit di parin po sila lumalabas.
Miss miss umuwi kana bawal kana dito,sabi nang pulis at itinulak ako palabas nang gate..
Sir gusto ko ho,lang malaman kung ok lang sila,mangiyak ngiyak kong sabi..
Pero di nila ako pinansin..
Sir gusto ko lang ho sila makita.
Gusto ko po makita ulit si mon..
Pero wala na talagang lumabas na mon at reymart..
Naghintay pa ako hanggang sa dumilim pero wala nang tao sa loob nang bahay nila.
Kaya nagpasya na kong umuwi na umiyak..
Dahil sa lungkot at kaba.
Umuwi akong tulala..
Anak ano nangyari sayo,pag alalang tanung ni mama.
Di naku sumagot at yumakap nalang ako kay mama at humagolhol nang iyak..
Nakatulugan ko na ang pag iyak nang gabing yun.
Kinaumagahan ay narinig ko sa balita na makukulong nang habang buhay daddy nila.
Si mon naman at reymart ay makukulong nang limang taon,dahil sa pagtatago nila.
Na ang daddy nila ang killer at rapist..
Every week ako pumunta sa kulungan kung saan sinabing nakakulong sila.
Pero tuwing dumadalaw ako ay laging sinasabi nang mga pulis na ayaw makipagkita nila mon at reymart sakin.
Pero hindi ako napagod lagi ko parin sila pinupuntahan,kahit ang sagot lamang na aking makukuha ay ayaw nila ako makita.
Lumipas ang isang taon binigyan sila ng parul,pinalaya na daw sila.
Dahil napatunayan naman nila na tinakot lang sila nang daddy nila..
Hindi lang isang taon akong walang balita kay mon at reymart.
Dahil lumipas na ang dalawang taon,ay wala parin akong balita sa kanila..
Minsan naisip ko baka ayaw nila na makita ako ulit.
Dahil gusto na nilang kalimutan ang nakaraan at hindi naman talaga ako minahal ni mon..
Yan ang nasa isip ko habang naglalakad pauwi galing sa office.
Beep..beep..beep busina nang sasakyan ni tonyo.
Dalawang taon narin nanliligaw si tonyo sakin.
Pero dahil umaasa ako na makita ko pang muli si mon ay hinindian ko ang panliligaw ni tonyo..
Kahit ang mga magulang ko ay gustong gusto na si tonyo.
Dahil kilalang kilala na namin ito.
dahil kapitbahay at kababata ko na ito.
Thaliyah,sakay na hatid na kita..
Agad naman ako pumasok.
Habang nagmamaneho nang sasakyan si tonyo ay nagsalita ito..
Thaliyah,yung panliligaw ko sayo.
Wala parin bang pag asa,mahina niyang tanung.
Ngunit tahimik lang ako wala akong maisip na maisagot kay tonyo..
Diba sabi mo thaliyah,dalawang taon ka maghihintay kung babalik pa ba si mon.
Kung hindi ay bibigyan mo naku nang pag asa,paalalang sabi ni tonyo..
Ngunit lumipas na ang dalawang taon thaliyah,kalimutan muna si mon sabay hawak ni tonyo sa kamay ko at ngumiti.
Ang totoo mabait si tonyo,kaya di siya mahirap mahalin.
Kahit papano ay gumagaan loob ko sa kanya.
Siguro kung bibigyan ko siya nang pagkakatataon ay baka mahalin ko na rin siya,tuluyan nang kalimutan ang una kong pag ibig.
Sige tonyo subukan na natin,agad kong sabi kay tonyo..
Talaga thaliyah,sabi ni tonyo na parang di makapaniwala at kita sa mukha niya na sobrang saya.
Pag uwi ko sa bahay ay agad ako nahiga sa kama.
Tama kaya disesyun ko,tumutulo ang luha ko habang iniisip kung tama nga ba ang naging desisyun ko..
Nang maalala ko si mon ay agad ko pinahid ang mga luha ko.
Ayaw ko nang umiyak dahil kay mon,kinalimutan na niya ako.
Dapat kalimutan ko na rin siya..
Umaga sa office ay tinawag ako nang kaworkmate ko.
Thaliyah,tawag ka ni Mr Quan.
Si Pres Quan ay ang boss ko sa company na pinagtratrabahuhan ko.
Kaya agad naman ako pumasok sa office ni Mr Quan..
Pagka kita ni Mr,Quan sakin ay agad ito nagsalita..
Thaliyah,meron sana tayong isang investor at may meeting sana kami ngayon .
Kaso kailangan ko sunduin...


ang asawa ko sa airport.
Ngayon kasi ang balik niya galing america..
Pwede bang ikaw nalang magbigay nang mga papeles na ito..
Kailangan mapirmahan ito,hanapin mo ang pangalan ni Miss Mendez..
Alam na niya ang gagawin niya kasi natawagan ko na ito.
Ok sir agad ko namang sagot.
Thaliyah sa RR company nasa 4floor si Miss Mendez..
Maya maya ay narating ko na nga ang RR company nasa labas kapa nang building.
Kita na ang malaking pangalan nang company.
Pagdating ko sa 4floor ay agad ako sinalubong ni miss mendez..
Ikaw ba ang secretary ni Mr Quan,tanung niya sakin at pinaupo ako..
Oo ako nga,agad ko namang sagot at inabot ang mga papeles na kailangan pirmahan
Nakita ko pumasok si Miss Mendez sa malaking office at agad rin lumabas..
Miss Silva,pasok ka daw muna may kailangan sabihin sayo si Mr Chairman tungkol sa kontrata..
Tumango na lamang ako at agad pumasok sa malaking office.
Pagpasok ko ay di pa tanaw ang boss nila.
Malaki kasi ang office kaya kailangan pa lumakad sa dulo..
Nang may nakita na kung isang lalaking nakayuko at binabasa ang dala kong kontrata.
Sir ako ho ang Secretary ni Mr Quan meron pa daw kayong idiscuss,agad kung sabi habang tinitigan ang isang lalaking nakayuko.
Agad naman nito itinaas ang ulo at nagulat ako nang makilala ko kung sino at ganun rin ang lalaking nakayuko nagulat din ito nang makita ako..
Thaliyah,gulat na tanung ni reymart.
Reymart mahina ko namang sabi.
Ah sir ako ho ang secretary ni Mr Quan kung tapos na kayo sa kontrata kukunin ko na po.
Agad kung sabi kay reymart,na kunwari bago ko lang siya nakilala.
Dahil ganun naman dapat,matagal silang hindi nagparamdam at nagpakita sakin.
Kaya kinalimutan ko na sila..
Thaliyah,kamuz..hindi na natuloy ang sasabihin ni reymart nang may pumasok na babae at agad siya niyakap at hinalikan.
Kita ko naman ang pagyakap ni reymart sa kanya.
Simple lang ito at maganda mukhang mabait din..
Sorry sorry may meeting pala kayo sabi nang girl.
Sino pala siya babe agad na tanung ni girl kay reymart.
Ah si..sasagot sana si reymart pero nagsalita nku..
Ako po ang secretary ni Mr Quan maam,meron lang ho akong kukuning papeles kay Mr sachez..
Sir tapos niyo na po ba pirmahan ang mga papeles bumaling ang tingin ko kay reymart.
Ah oo ito..sabay abot Niya nito.
Ung ididiscuss ko itatawag ko na lang kay Mr Quan agad na sabi ni reymart..
Ngumiti lang ako at lumabas na sa office ni reymart.
Habang nasa taxi ay iniisip ko ang nakita ko kay reymart.
Malaki ang pinagbago niya ngayon.
Kung noon madilim tingnan ang itsura niya,ngayon ay maaliwalas na at mas lalong lumabas ang kagwapuhan ni reymart..
Masaya din ako sa nalaman na may pag ibig na si reymart at naisip ko din siguro ganun din si mon may bagong pag ibig na..
Pag uwi ni reymart sa bahay nila ay agad umupo sa lamesa na puno nang wine..
Kumuha nang isang bote at baso.
Habang inaalala ang nakaraan..
Pagkatapos niyang hinatid noon si thaliyah sa gate ay patakbo siyang bumalik sa bodega.
Naabutan niyang nag aagawan nang baril.
Itinulak niya daddy niya at sumigaw.
Tama na dad,binigay ko na kay thaliyah ang ibedensya.
Pagbabayaran muna ang lahat na ginawa mong panggagahasa at pag patay sa mga biktima mo..
Nang marinig ito nang daddy nila ay sobra itong nagalit.
Akala niyo ba ako lang makukulong,isasama ko kayo..Sigaw nang daddy nila habang nakatutok ang baril sa kanila.
Nang akmang barilin nang daddy nila si reymart ay inagaw ito ni mon..
Bang…tumama ang bala sa braso nang daddy nila,kaya napahinto si mon at bigla din siya itinulak nang daddy niya.
Babarilin sana nang daddy nila si reymart nang akmang lalapit si reymart sa daddy niya para kunin ang baril,pero itinulak ni mon si reymart.
Dahilan nang pagtama nang bala kay mon malapit sa batok nito.
Mabilis naman kumilos si reymart at naagaw niya baril nang daddy niya pero huli na bulagta na si mon at duguan..
Mon,mon sandali lang dadalhin kita sa ospital.
Hinawakan ni mon kamay ni reymart.
ingatan at protektahan mo si thaliyah,wag mong sabihin sa kanya kung anong nangyari ngayon.
Ayoko siyang masaktan,sabi ni mon sabay nang pagluha nang kanyang mga mata..
Maya maya bumagsak narin kamay ni mon sa sahig.
Nang makita iyon ni reymart ay agad tumulo luha niya at sinagaw ang pangalan ni mon..


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.