0

My sweet surrender Chapter3


Report

My sweet surrender
Chapter3
Napailing c jed. Sino nman kayang babae ang tinutukoy ng konsehal na iyon? Kalat na kalat ang pagiging babaero nito. Itinuon uli nya ang atensyon sa binata
Nangangahalati na sya sa binabasang artikulo tungkol sa tamang pag-aalaga sa my halak na manok ng maramdaman nyang my tumayo sa gawing tagiliran nya. Tiningala nya ito. Nagtama ang mga Mata nila ng babae. Kumabog ang dibdib nya. Matangkad ito. Marahil ay mas mataas lng sya rito ng tatlo o apat na pulgada. Singkit ang mga Mata nito na bumagay sa maliit at matangos nitong ilong. Mapupula ang labi nito na halatang walang bahid ng lipstick. Morena ito. Nagtitinda rin kaya ito ng magazine? Bumili uli kaya sya rito ng sampu? Umiling sya.
“Pasensya ka na, miss maganda. Nakabili na ako, eh”aniya.
“Ng? “Nakakunot- noong tanomg nito.
Itinaas nya ang hawak na magazine.
Bahagya itong sumimangot. “Order mong pagkain ang kukunin ko. “Anito. Tila naiinip na itinapik-tapik nito sa papel ang hawak nitong ballpen.
Waitresses ito? Di- hamak na mas sexy at mas maganda ito kaysa sa mga promo girls kanina. Para itong anghel na bumaba mula sa langit. Saka bakit ngayon lng ata nya ito nakita sa kainan ni tita Lolita? Marahil ay bago lng ito roon.
“Anong masarap ngaun? ” tanong nya. Kung ito ang makakasabay nya sa pagkain, marahil ay masarap kahit kanin lng ang kainin nya.
“Lahat, “walang kangiti-ngiting sagot nito.
“Sige, bigyan mo ako ng lahat, “aniya. Tamang-tama, kapag dumating c maccoy at ang mga katropa nito ay kakain na lng ang mga ito.
Tumaas ang isang kilay nito. “Lahat? “Ulit nito sa sinabi nya. “Kaya mong kainin ang lahat ng sampung klase ng ulam? ”
Ngumiti sya. He was suddenly struck by inspiration. “Kung sasabayan mo ako, eh, “aniya, sabay kindat dito. Pero pinagsisihan din agan nya iyon dahil naningkit amg mga Mata nito. “Sabayan mo ang mukha mo! “Singhal nito sa kanya. Tinalikuran na sya nito at naglakad palayo.
“Antipatiko! “Naiinis na sabi ni Margaret ng ibalibag nya pasara ang Pinto ng kusina. “Anong akala nya sa Akin, pwede nyang I- table? ”
Nakakunot-noong nilingo sya ni mang thess. “Sinong kaaway mo? Kanina lng...


pakanta kanta ka Pa, ngaun, para kang bulkang sumabog. ”
“Eh, nakakaasar, eh! Akala nya, por que marami syang pera puwede na syang magyabang! ”
“Sino nga?”
“Yong hudas doon sa labas. Akala mo kung sinong guwapo! ‘
Ipinunas nito ang mga kamay sa suot niton apron at iniwan ang niluluto. Lumapit ito sa bintana at lumiyad doon para silipin ang kainan. “Eh, c jed lng ang nandoon, ah! “Anito ng muling humarap sa knya. Tila sinasabi ng tingin na nag- iimbento lng sya ng kuwento. “Sinong jed? “Tanong nya
“Hndi mo kilala c jed? “Tila hndi makapaniwalang tanong nito na para bng dapat ay kilala nya ang lalaking iyon.
Lumabi sya.” Bakit, sikat ba yon? “Tanong nya.
Pinaikot ni manag thess ang mga Mata nito. “Halika, bilis! “Anito na sinenyasan Pa syang lumapit. Napilitan syang lumapit dito. Tumabi ito para mabigyang-daan sya. Sumilip sya”young nka- gray na parang kambing? Yon ang sinasabi nyon jed? “Naiinis na pag kumpirma nya”oo! “Tila kinikilig png sagot nito. “Pogi, no? “Anito
Lumabi sya. “Yon, pogi? Hambog ka nyo! ”
Iiling-iling na binalikan na mang thess ang niluluto nito. “Mapagbiro lng kc tlga Yang c jed. Hndi mo lng sinakyan, “anito.
“Oo nga nman, ate Margaret, “sabat ng isang serbidora na pumasok sa kusina. “Dati nga, nililigaw-ligawan pa ako nyan,eh. Pero sempre hndi ko sinagot kc imposible nman na wala syng girlfriend. Ayokong ma-hurt, “dagdag nito na niyakap Pa ang hawak nitong serving tray.
“Gagas! Hndi ka nman niligawan ni jed. Para sinabihan ka lng nya na masarap ang kanin kapag ikaw ang nagse-serve, nag isip kna ng kung ano-ano, “sabat ng dishwashing nila.
Humahagikgik na hinampas ng serbidora ng tray ang tagahugas ng pinggan bago bumaling sa knya. “Pero, ate Margaret, mabait tlaga Yang c boss jed. Noong birthday ko nga at nagkataong nanalo sya, binalatuhan nya ako ng pam- blowout ko, ” anito
Sumimangot sya. “At ako Pa ngaun ang mali? Binigyan ka lng ng pampansit, mabait na, “nagtatampong sabi nya. Napasulyap uli sya sa konaroroon ng lalaki.
“Jed”pala ang pangalan nya. Bagay sa matamis at pilyong ngiti nya ang pangalan nya.
Ipinilig nya ang kanyang ulo. Kahit gaano Pa ito kaguwapo, hndi nyon mababago ang katotohanan na sabungero ito.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.