0

My sweet surrender Chapter 4


Report

My sweet surrender
Chapter 4
Kaaakyat Pa lng ng mga magbibitaw ng manok sa ruweda ng maramdaman ni jed na nag-vibrate ang cell phone nya sa bulsa ng pantalon nya. Kinuha nya iyon at tiningnan kung sino ang tumatawag. Kumunot ang noo nya. Ang kababata nyang c Liam ang tumatawag.. “Hey, bro! “Sigaw nya rito ng sagutin nya ang tawag nito para marinig sya nito.
“Bro, kailangan ko ng kausap, “ani Liam sa kabilang linya.
Bago Pa sya makatugon dito ay kinalabit na sya ng katabi nyang handler. Itinuro nito ang talisaying manok sa ruweda. “Dehado yan, p’re, “aniya rito.
Dehado ang alin? “Tanong ni Liam mula sa kabilang linya.
Sinenyasan nya ang kumalabit sa knya na mamaya na nya ito kakausapin. “Oh,sorry, bro. Kausap ko kc young handler ko. Ano’ng meron? “Tanong nya rito.
“Nasa sabungan ka? “Tanong nito.
“Oo.,my Derby, “sagot nya. Malamang na nakalimutan nito na sinabi nya iyon dito noong weekend. Niyaya Pa nga nya ito na pumusta pero sadyang ayaw nya nito. “Malakas ang kutob ko na magtsa- champion kmi ngaun, man. ”
“Ganun ba? Sige, good luck, “walang -ganang sabi nito. Nahimigan nya sa tono ng boses nito na malungkot ito. Tatanungin sana nya ito kung ano ang problema nito pero pinutol na nito tawag.
Noong huling mag kita sila at magkainuman ay halatang my problema ito. Bandang huli ay napaamin nya itong babae ang problema ito-c juris.
Naalala tuloy nya ng ipakilala ni Liam sa knya ang babae. Hindi nya napigilan ang sarili na halikan ang kamay nito ng ipakilala ito sa knya ni Liam. Halatang nagselos ang kaibigan nya ng batukan sya nito.
Napabuntong-hininga sya. Nakaramdam sya ng inggit. Kahit mukhang nagkakaproblema amg mga ito, at least. My love life ang kaibigan nya. Samantalang siya bokya. Kadalasan ay hinihiwalayan sya ng mga babaeng nakakarelasyon nya dhil lagi raw syang busy sa pagsasabong.
Mabuti Pa c Liam, mukhang nakilala na nito amg babaeng para dito. Siya kaya? Kailan kaya darating ang babaeng iyon sa buhay nya?
Tita Lolita, tanda na non,, no! “Nangingilabot na reklamo ni Margaret sa madrasta nya. Nagbe- breakfast Pa lng sila kanina ay kinukulit na sya nito, at hanggang ngaung palabas na sya ng bahay ay hndi Pa rin ito tumitigil sa pagkumbinsi sa knya na makipag-date sa my...


edad na lalaki na kausap nito ng nagdaang araw.. Dating konsehal daw sa maynila ang matandang iyon.
“Sige na nman, Margaret. Para hndi nya tayo patungan ng interesting ngaung buwan na to, “pangungulit ni tita Lolita.
Napabuntong- hininga sya. Kung my trabaho Pa sana sya, hndi sila papalya sa pagbabayad. Sapat lng kc ang kinikita nila sa restaurant para sa mga bayarin sa bahay at pasuweldo sa mga tauhan sa restaurant. My nakuha nman sya na separation pay dhil limang taon din syang nagtrabaho sa huling pinasukan nya pero nakalaan na iyon sa pambayad sa amortization ng bahay nila na ilang buwan na rin nilang hndi nahuhulugan. Pero khit ano amg mangyari, hinding-hindi sya makakapayag na gawin syang pambayad ng interesting.
“Tita,nman. Para nyo nman akong ibinebenta nyan, “reklamo nya. Iyon ba ang pinag-uusapan ng mga ito ng nagdaang-araw? Kaya siguro kung makatingin sa knya ang konsehal na iyon ay para syang hinuhubaran. Kinilabutan sya. Bigla nyang naalala ang pamahiin ni manang thess tungkol sa mga dalagang kumakanta sa harap ng kalan.
“Exaggerated ka nman, Margaret. Kung magsalita ka, parang magmo-motel na kayo. Kakain lng kayo sa labas. Ano nman ang masama roon? “Anito.
Sumimangot sya. “Kahit na, “aniya. Ano nlang ang sasabihin ng mga kakilala nya? Pumapatol sya sa isang DOM? Nasaan na ang respeto mya sa sarili nya kpag nagkataon? “Sige na, neng, “ani tita Lolita sa malambing at nakikiusap na tono. Twelve years old sya ng huli sya nitong tawaging”neng. “Hndi umubra ang pamimilit nito kaya marahil nag-iba ito ng taktika. Pero kahit lumuluha Pa ito ng dugo, hndi sya papayag sa gusto nito. “Pasensya na, tita, pero hndi ko kayang sikmurain ang ipinapagawa nyo sa Akin, “aniya
Paano kung palihim na lagyan ng konsehal na iyon ng pampatulog ang pagkain nya habang kumakain sila at molestiyahin sya pagkatapos? OK lng snang sumama sya rito kung mukha itong matinong lolo na kailangan lng ng makakakuwentuhang apo, ang kaso ay hndi. Mukha itong naghahanap ng beinte-singko anyos na magiging lola ng mga apo nito.
Tumayo na sya at tinungo ang Pinto.
“Saan ka pupunta at bihis na bihis ka? Huwag mong sabihin na my date ka? Kung makikipag-date ka rin lng sa kung sino-sino diyan na uhugin, mabuti pang kay konsehal na lng, “


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.