0

MY POSSESSIVE BROTHER CHAPTER 6


Report

MY POSSESSIVE BROTHER ( SEASON 2 )
CHAPTER 6
BREATHE’S P.O.V
“Huy! nakita kita kanina, kasama mo si sir lj, yung gwapong instructor nang club nyo. Sabihin mo nga sakin, close ba kayo?”, taas kilay na tanong ni querty nang makapasok ako sa room.
“Hah? ah hehe, niyaya nya kasi akong kumain. Ayoko sanang pumayag kaso ang kulit eh, kaya ayun sinamahan ko na”, ani ko.
Ngumiti naman ito nang nakakaloko.
“H-huy, anong nginingisi ngisi mo dyan? wag kang ano. Walang something dun noh!”, pagpapaliwanag ko.
“Hahaha, wala akong sinabi bruha hah, masyado kang halata”
“Halata ka dyan, nagpapaliwanag lang ako. Alam ko naman na iba ang iniisip mo eh”, nakangusong ani ko.
Ngumisi lang ito at siniringan ko naman sya. Maya maya lang ay dumating na ang proff namin.
“Good afternoon class, ngayon ay ico-combined ko ang section 1-A dito sa section nyo”, ani ni proff.
HUWATTTT????
Dont tell me, magiging kaklase namin ang tatlong unggoy na yun?
Maya maya lang ay nagsipasukan na sila, malaki ang classroom namin at naka aircon ito, marami ri’ng space kung tutuusin kaya kahit tatlong section pa ay kasya sa room namin.
Pagpasok nila ay nagtama ang paningin namin nang asungot na yun. Siniringan ko lang ito, nasa mahigit dalawampu sila, sampung babae at sampung lalaki.
Pagpasok nila ay agad nag ingay ang paligid at ang tanging sinisigaw lang naman ay ang pangalan nang tatlong sikat na unggoy na yun.
Tsk!
Mga artista ba ang mga yan para pagkaguluhan? sawang sawa na ako sa mga gwapo, wala bang panget dyan?
Lumipat sa tabi namin ang iba naming kaklase, nahati kasi sa dalawang grupo ang upuan namin, nasa kanan kami at sila ang nasa kaliwa.
Hindi naman kami ganoon karami kaya nagkasya naman ang iba kong kaklase sa side namin.
Natigil lang ang kaguluhan nang magsimula nang mag discuss ang proff namin.
“Our topic for today is all about Science and Biology, we have a recitation for today kaya lahat kayo ay may puntos kapag tama ang sagot ninyo”, ani proff.
“Let’s start in this group”, na ang tinutukoy ay kila unggoy.
Inisa isa silang tinanong ni proff hanggang sa tatlo nalang sila ang natitira. Maayos naman na nakasagot ang dalawa nyang kasama hanggang sa si unggoy nalang ang natitira para sumagot.
“Who is the inventor of telescope?”, tanong ni miss.
Tumayo si unggoy at napalunok. Tingnan nga natin kung matalino kang unggoy ka, kapag nasagot mo nang tama, ako talaga ang unang papalakpak sayo pero kapag mali yung sagot mo, ako rin ang unang tatawa sa harap mo.
“Mr. Legaspi?”, ulit ni proff, pero parang walang ganang sumagot si unggoy .
Ah, so legaspi pala ang apelyido nya.
“Can u ask me another question? wag lang yan, i have no idea about science and psychology”, may halong inis na ani niya.
Nagsalubong naman ang kilay ni miss sa sinabi nya.
“And give me a valid reason, why i need to change my question to you Mr. Yawn cohenn legaspi?”, galit nang ani ni miss.
As in, galit na talaga sya!
“Narinig mo na kaya hindi ko na uulitin”, may diin’g ani ni unggoy este yawn.
Napanganga si miss sa sinabi nito.
Ahhh! yawn pala ang pangalan nya.
Tinaguriang gwapo pero may pagka bastos.
“I already know why you have a bad attitude mr. Legaspi. Because you are a child of my former student ms. Montenegro and now married to the youngest and most famous businessman johann legaspi, am I right?”, taas kilay na ani ni miss.
Natahimik ang buong klase, nagulat ako sa narinig ko. Maging ang iba ko pang kaklase ay gulat na gulat rin, hindi dahil sa pagkatao nang yawn na yan kundi dahil sa pang aalaska ni miss.
Papaano nya na- aatempt na sabihin sa buong klase yun, gusto nya bang ipahiya si yawn?
Inaamin kong naiinis ako sa unggoy na yan pero para sakin, walang karapatan si miss na sabihin yun.
“And who gave the permission to you para sabihin sa buong klase ang pagkatao ko?”, inis nang ani ni yawn, tinapik sya sa balikat nang isa nyang kasama at pinapakalma sya.
“And you have the guts to answer me in a unrespected way hah?”, nang uuyam na ani ni miss.
Parang ang bigat nang atmosphere sa loob, parang gusto kong magpaalam na mag cr para madistract ko sila at para matigil na din. Hindi ko na kaya ang nakikita at naririnig ko.
“I respect you the way you want, but you also respect me the way I want”, pigil ang galit na ani ni yawn.
Sandali pang nagtama ang mata namin, wala akong ibang nakikita kundi galit. Nakakatakot ang mga mata nya.
“Isa kang hambog, katulad na katulad ka talaga nang nanay mo. Tinagurian nga syang matalino pero mayabang, pasalamat sya at nakalagpas sya sa paaralang ito na walang nambubully sa kanya”, natatawang ani ni miss.
Kita ko namanaang pagtiim nang bagang ni yawn.
“Kung hindi mo masasagot ang tanong ko, i’ll gave you 500 test in your exam”,...


seryosong ani ni miss.
Napatayo ako sa sinabi nya. Nagulat si miss nang makitang tumayo ako, maging si querty at ang buong klase.
“What ms. del valle? do you have a problem?”, taas kilay at naka- pameywang nyang tanong.
Gusto kong bumalik sa pagkakaupo pero nandito na ako eh, kaya kailangan kong panindigan.
Tsaka isa pa, hindi ako pabor sa sinabi nya.
“M-miss, h-hindi naman ho yata tama na bigyan sya nang ganun kalaking test, unfair po yun sa kanya kasi kami po 1 to 100 lang tapos sa kanya 500?, sa amin nga eh, nahihirapan na kaming sagutan yung isandaan nyong tanong sa exam, ano pa kaya yung limang daan?”, ani ko.
Siniko ako ni querty at tiningnan ko naman sya nang nagtatanong na tingin.
“Ano ba ‘yang ginagawa mo bruha?”, may pag aalalang tanong nya, bakas sa mukha nya ang takot.
“Kinakampihan mo ba sya ms. del valle?”
“H-hah? a-ah hehe, hindi po. Suhestiyon ko lamang po iyun, ang unfair nyo kasi miss eh”, ani ko at ngumuso.
“At talagang kinokontra mo ako, sige mamaya after class. Go to my office with mr. legaspi, doon ko masasagot ang tanong mo”, madiin nyang ani at pabagsak na isinara ang pinto nang room.
Patay! anong ginawa ko?
Tiningnan ko si yawn at matalim ang tingin na ipinukol nito sakin.
Naglakad ito papalapit sakin.
“Kasalanan mo ‘to eh”, galit nyang ani at nilampasan ako.
NGE?
Kasalanan ko pa?
Dapat nga magpasalamat sya kasi pinagtanggol ko pa sya eh, tapos ngayon sya pa tong nagagalit. Kainis ka!
Agad na nagsilabasan ang ibang mga kaklase ni yawn, hindi na natuloy ang discussion dahil nag walk out na si miss.
“Ano ba kasing pumasok na kukute mong bruha ka, bakit mo ginawa yun?”, nag aalalang ani ni querty.
“Eh, sa pinagtanggol ko lang naman ang unggoy na yun eh tsaka ang unfair naman kasi talaga ni miss. Alam mo kapag sakin ginawa yun, malamang sa alamang magagalit talaga ako”, ani ko.
“Eh, ano ka ngayon? saan ka pululutin? may napala ka ba sa pagiging superhero mo dyan sa lalaking yan? sa halip na magpasalamat sya, nagalit pa sa’yo, kaloka!”, anas nya.
“BAhala sya sa buhay nya”, walang ganang sagot ko.
“Ikaw kamo ang bahala sa buhay mo, dahil panigurado, ‘yang patawag tawag ni miss sa inyo sa office nya, paniguradong detention ang bagsak nyo. Jusko lord! bakit kasi nakisawsaw ka pa, ‘yan tuloy napahamak ka”, mangiyak ngiyaj nyang ani.
HAYSSTTTT!!!!.
“Huy, wag kang O.A dyan, malay mo may mahalaga lang syang sasabihin at baka narealize nya yung mali nya kaya gusto nya kaming ipatawag”, ani ko.
“Yun? yung mataray nating professor mari-realize ang mali nya? jusko, magpapakalbo ako pag nagkataon”, ani nya at siniringan ako.
Sabagay, tama sya!
Nabaling ang atensyon ko sa lalaking nakasandal sa pinto nang classroom, galit ang mata nitong nakatingin sakin.
EH?
Ano nama’ng problema nang isang to?
“Don’t you have a plans to go to miss’s office? do you want me to drag you out?”, madilim ang awra na ani nito.
Aytsss! uo nga pala, pinapatawag nga pala kami, bakit ba kasi nakalimutan ko yun.
Nagpaalam ako kay querty at mabilis na sumunod sa kanya patungo sa office ni miss.
Kinakabahan ako, ano kayang magiging parusa namin.
Ibibilad ba kami sa tirik na araw?
Maglilinis ba kami nang campus sa loob nang isang bwan?
Kami ba ang gagawing janitor sa canteen sa loob nang isang linggo?
O di kaya’y ida-drop out kami……
UWAAAAAAAAAAA!!!!
LORD! NOOOOOO, GUSTO KO PANG GRUMADWEYT!
“Hoyyyyyyy”
“Ay kabayong unggoy”, napatalon ako dahil sa gulat sa lakas nang sigaw nito.
“Ano ba? ba’t ka ba naninigaw dyan?”, inis kong sigaw sa mukha nya.
“I call you many times but you didnt hear me, tulala ka masyado dyan. Ano bang iniisip mo? tsk!”, ani niya.
“Wala kang pakialam”, singhal ko at doon ko lang napansin na nasa harap na pala kami nang office ni miss.
Kumatok muna ako nang dalawang beses bago kami pumasok. Pagpasok namin ay bumungad samin ang masama at nakasimangot na mukha ni miss.
“You may sitdown”, maawtoridad nyang ani at naupo naman kami sa harap nang table nito.
“Gusto kona kayong diretsahin, nang dahil sa pinakita nyong hindi maganda kanina sa klase ko ay ikinalulungkot kong sabihin sa inyo na kayong dalawa ay kailangang maparusahan”
“Ano?”, sabay naming ani ni yawn, nagkatinginan pa kami pagkatapos.
“W-what do you mean?”, inis na ani yawn.
Ayan na naman sya sa pagiging suplado nya, kaya sya napapahamak eh.
“Kailangan nyong ayusin ang library, isalansan nang maayos ang mga libro, punasan ang mga ito at magtanggal nang mga alikabok”, maawtoridad nitong ani.
“Seriously? kaming dalawa maglilinis nang ganun kalaki at kalapad na library?”, hindi makapaniwalang tanong ni yawn.
Maging ako man ay hindi gusto yun, por pabor, palinisin mo lang ako nang classroom miss pero yung library—-
“No more questions and that’s final”
Pero mukhang wala na kaming choice.
“That’s b*llsh*t”, galit na ani ni yawn at padabog kaming iniwan.
Napabuntong hininga na lamang ako at bagsak ang balikat na lumabas nang office.
— Blythe ✍


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.