1

MY PERSONAL MAID — Part 2


Report

MY PERSONAL MAID ” — Part 2
Written by: Shemi Manunulat
HABANG nasa byahe kami ay tahimik lang kaming lahat, si kuya ay nagpapatugtog habang naka earphone, si mama naman ay abala sa pag fe-facebook at si papa naman ay nag dra-drive. Si Tita Michelle din ang bumili ng kotse ni papa kaya ito na ang sinakyan namin, mahirap na kasi pag bus pa. Baka siksikan lang don ang init pa naman ngayon ng panahon.
————————————-
MICHELLE’S POV
EXCITED na akong makita ang kapatid ko pati narin ang mga pamangkin ko, pinapunta ko kasi sila dito sa Manila para dito tumîra. Naawa ako sa kondisyon nila ngayon, sobrang kapos na kapos sila sa pera at alam kung kailangan nila yun. Hindi din kasi madalas na may trabaho sa probinsiya. Kaya dito kona sila pinapunta at pinatíra para naman sa ganun ay makahanap sila ng trabaho dito.
Ito ang tulong ko sa kapatid ko dahil nong kabataan namin ay ako ang pinag aral ni ate, oo ang kapatid kung si ” MELLA ” ay ate ko, dalawang taon din ang agwat namin.
Si Ate Mella ang dahilan kaya ako ganito ngayon, asensong asenso habang ang ate ko ay kapos sa pera. Kaya ngayon ay gusto kung tulungan ang pamilya niya.
REAYANNA’S POV
NAGISING ako dahil sa pag gising ni mama sakin, hindi kona pala namalayan na natulog pala ako...


habang nasa byahe kami.
” Andito na tayo ” sambit ni mama sa amin ni kuya, napatingin din ako kay kuya ngayon na kakagising lang din habang nag uunat unat.
PAGKALABAS ko ng loob n sasakyan at laking gulat ko nalang na makitang ang ganda pala ng Manila.
” WOW! A-ANG GANDA AT ANG LAWAK PALA DITO MAMA ” manghang sambit ko kay Mama.
” OO NGA MA! Ang ganda pero, mas maganda si… ” manghang sambit din ni kuya, pero aagadko din’g pinutol ang sasabihin niya, kahit kelan talaga ang epál niya.
” Oh ano! Si ate Shane nanaman yan, naku kuya, maghanap ka nalang jan ng iba. Hindi ka na nga niya gusto pero pinagsisiksikan mo pa yang sarili mo, kawawang… ” nakakalok*ng sambit ko, hindi kona din naituloy ang sasabihin ko ng putulin naman ito ni kuya.
” SIGE ITULOY MO! MAUUPAKAN TALAGA KITA DITO! ” in*s na sambit ni kuya.
Oh diba para kaming aso’t pusa, pero oo hindi talaga kami close ni kuya, puro kasi siya epâl eh.
” Haynaku, tama na nga yan. Pati ba naman dito sa Manila, dinadaan niyo yang away mag kapatid. Siya, tumigil na kayo at tulungan niyo kami ng papa niyo na mag buhat nitong mga maleta. ” pag aawat sa amin ni mama.
••••••••••WAIT FOR THE NEXT PART••••••••••
: Work of fiction
: Do not Copy


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.