0

My life


Report

Hello po sa mga readers jan..

Gusto ko lng ishare ang ang karanasan ko
Since pagkabata,Broken family kami.
7 kaming magkakapatid at ako ang pang anim
3 girls at 4 boys..
Ako iniwan ng papa ko nasa sinapupunan pa
Lng ng mama ko 1 month daw ako nun.
Yung bunso namin kapatid naman namin sa ina
At naalala ko pa 6 yrs old ako kasama ko cya
Gang sa may umampon sa kanyang may kaya,
Kaya ayun nagkalayo kami at yung 3 brothers ko
Nasa papa ko at mga ate ko naman may pamilya
Na..
Ako at c mama magkasamang nakikipag
Sapalaran sa buhay,8yrs old ako ng makilala ko
Papa ko pero umalis din sya kasi may pamilya
Syang iba.
Ng mameet ko c papa nagulat ako kasi gwapo
At tisoy cya,sabi nila nakuha ko daw kulay nya
Na medyo namumula ang mukha pag nainitan
Kaya naman d malayong mag ama nga kami.

Ok,namuhay kami ni mama na mahirap tlaga
As in mahirap kasi sa edad ko 9yrs old na dapat
Ay nag aaral ako eh andun ako sa palengke
Nakikipag sapalaran makabenta ng plastic para
May pangkain kami ni mama.
Sa murang edad ko dinanas ko ang gumising ng
3am ng umga para magpunta ng palengke
Uuwi ng 10am para mag uwi ng pagkain sa mama
Ko na may sakit na ulcer.
Naging maayos lng buhay namin ng mahanap
Kami ng kuya ko at sya ang dumamay samin
Iniwan nya ang maganda nyang buhay sa ama
Namin.
Dun na ako nakapag simulang mag aral at
Unti unti...


naman nakasama na namin mga
Kong lalaki.
Isa sa mga kapatid kong lalaki ay hindi ako
Naging komportable,nagdadalaga na kasi ako
Nun at cya ay binata na…4yrs ang gap namin
Magkasunod kami.basta iba ang pakiramdam
Ko sa kanya at may time sinasabi nyang sana
Daw dna lang kami magkapatid,
14 yrs old ako nun ng may lumiligaw ligaw na
Sakin pero ako wala pa akong interes sa kahit
Na kanino.isang araw nagising ako na may
Gumagapang sa paanan namin at akala ko
Panaginip lang.hinihipo nya hita ko kaya
Nagsisigaw ako nun.kala ko maligno na naka
Pasok sa bahay namin.wala kasi kami kwarto
Higaan kainan at sala andun na lahat.
Iniisip ko panaginip lang ang lahat ng yun kaya
Nung sumunod na gabi nakiramdam na tlaga
Ako at ayun nga nahuli ko na kuya ko pala.
Nagsumbong ako sa kanila sa mga kapatid ko
Pero hindi sila naniniwala sakin.
Panaginip lng daw yun.
Kaya hindi ko alam gagawin ko kaya naisip ko
Ako naman uuwi sa papa ko baka sakali
Maging maayos buhay ko dun.
Tinanggap naman ako ng papa ko at ng kasama
Nya..naging mahirap sa akin makisama sa
Asawa ng papa ko kasi pinagtataguan nya ako
Ng pagkain at hindi maganda trato nya sakin.
Ang isa sa pinaka masakit ay muntik din akong
Gahasain ng papa ko…
Takot na takot ako sa mga lalaki kasi pamilya
Ko pa talaga..

16 yrs old ako ng makilala ko ang lalaking
Pinagkatiwalaan ko.sabi nya sa kanya magiging
Matiwasay ang buhay ko..magiging masaya kami
Dahil mamahalin nya ako habang buhay.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.