My Lesbian Roomates



Hello, ako nga pala si Kem 3rd year na ako ngayong pasukan. Morena akong babae, at mabait naman daw sabi nila. 🙂 hindi kami mayaman pero may business ang family ko… We have 5 ectar na palayan. Ang parents ko ang nag mamage non. I am only child. Hindi ako spoiled, at lagi nalang si mama ang naka depende sa buhay ko.

Nang naisipan kong mag bukod. I mean nag boarding house ako malapit lang sa school namin.. Para na rin tumayo ako sa sarili kong mga paa. At nagawa ko naman ang gusto ko. I really feel free… Kasi wala nang mama ko ang nangingialam sa mga desisyon ko. At pumayag naman sila.

Speaking of boyfriend… Wala.. Marami akong manliligaw pero isa man sa kanila ay hindi ko nagugustuhan. Actually I am BI.. BIXESUAL. naramdaman ko ito nang magkaroon kami ng kapitbahay… Nagagandahan ako sa kanya.. At oo gusto ko siya. I fell very incomplete kapag hindi ko siya nakikita. At Sa kapwa ko lang naramdaman ito.

Please respect and understand…
So lets begin…..

Maaga akong nagising at naligo agad bago mahuli sa klase. Nang i lock ko na yong room ko ay nakita ko si Mang Jano na may kausap.

(Parang bago na namang boarder ito… Baka nag inquare lang ng kwarto).

Mang Jano: oh kem, buti anjan ka… Kasi ipakilala ko sana sayo ang bago mong roomates.

Napatingin ako bigla kay Mang jano saka ngumiti.

Me (kem) : opo.. Papasok na po ako sana sa school.
(Sabay tingin ko sa bago kong roomates). Ahmm..
Hi… Ako pala si kem.

Sabi kong nakalahad ang kamay para pakipag kilala sa kanya. Tumitig siya sa akin. At nakipag kamay din ito.

Mj : ikaw pala ang roomates ko… Tawagin mo nalang akong Mj.

Sabi nito at nakipag kamay narin sakin. Sa unang tingin hindi mo aakalain na LESBIAN ito. Naka suot ito na pang lalaki at ayos lalaki… Even the hair gupit lalaki rin siya… Napaka gwapo niya… Para siyang si (mike) yong bida sa fullhouse na thailand. Subrang linis niya sa katawan at naamoy ko ang pabango nito na akala mo ay lumulutang ka sa ulap.

Mang Jano: aharmmm…. Kem, kayo nalang mag usap kong anong kwarto ang pag pipilian niyo. Maiwan ko na kayo…

Sabi ni Mang jano saka umalis. Nag usap naman kami na sa double deck ako sa ibaba at ang higaan niya ay sa taas. Share kami ng c.r pero hindi sa pagkain 🙂

Nang nasa classroom na ako… Buti at naka habol ako sa 1st subject ko… Halos lahat ng mga ka klase ko ay mga groupo ito.. (Barkada).

May lumapit naman sa akin si Yvone. Maganda rin ito hindi naman kaputian pero mabait. Naging magkaibigan kami agad. Nang tumuon ang aking attention sa papasok ng classroom namin.. Si… Si MJ.
Shocks! Ibig sabihin magka klase pala kami.

Tahimik lang itong naupo banda sa likuran ko. At nilapitan naman ito ng ka klase kong babae. Ito si Janeth napaka maldita daw nito, at may alalay pa itong bakla.. Si Rys.

Kinakausap ni Janeth si Mj. Ngunit hindi ito kumikibo, at kahit tumigin man lang kay janeth ay hind nito magawa.

Nang uwian na.. Dumaan muna ako ng palengke para bumili ng makakain. Pagdating ko sa boarding house ko ay naka bukas na ito. At nadatnan ko si Mj na nakaupo.

Me (kem) : mj.. Anjan kana pala… Kumain kana ba??

Tanong ko sa kanya tumingin lang siya at walang reaksyon.

Me (kem) : dumaan muna ako nang palengke at bumili nito.. (Buttered shrimp and java rice)

pero dalawang order ko na para isabay siya. Pero nanatili parin siyang tahimik.

Me : halika sabayan mo ako sa pagkain… Alam mo masarap ang shrimp nila doon. Ang sarap nilang mag luto.

Sabi ko pa para sabayan niya ako sa pagkain. Tumayo naman siya at sinabayan ako… Nong una nag aalangan pa siyang kumain.. Nong matikman niya na ang buttered shrimp ay napa ngiti siya sa akin.

Naramdaman ko naman agad ang lakas ng pintig ng puso ko… At napangiti na rin ako sa kanya.

Hindi parin siya nakikipag usap sakin.. At nag naiilang pa kami sa isat isa. Lalo na ng halos magkasabay pa kami maligo sa c. R (hahhaha) at ang ending nag papaunahan na kami kung sino mauna.

Habang nasa classroom ay ang sama ng tingin sa akin ni Janeth… Hindi ko alam kong bakit siya nagagalit sa akin.

Janeth : so.. Ikaw pala yong chismis dito sa campos na ikaw ang roomates ni Mj.

Me : a-ako nga… May problema ba doon?

Janeth : wala namang problema… Pero hanngang roomates kalang sa kanya… Not more than anything…

Sabi nitong kasama pa ang alalay niyang si Rys na umalis…

Yvone: kem… Okay kalang?? Narinig ko pala na roomates mo si Mj?? Mag ingat ka kay janeth type niya yata si mj.

Me : hindi ako natatakot sa kanya…wala naman kaming ginagawa ni mj. Where just a roomates.

Sabi ko at pumasok na rin kami sa classroom.
Nang breaktime na… Lumapit ako kay mj para ibigay sa kanya yong binili ko kanina na buttered shrimp at java rice.
At nakita ko na naman sa malayo si janeth ang sama ng tingin sa akin.. Pero inirapan ko lang siya.

Umaga na ng maramdaman ko na basang basa na pala ako sa pawis. Nanaginip ako… Ang weird ng panaginip ko.. Nakita ko daw si mj naliligo at nakahubad ito ng pang itaas. Habang nakatalikod sa bukas na pinto. Habang binabasa ang mukha sa shower. Nilalasap nito ang tubig na dumadaloy sa kanyang labi. Omg! Nang lumingon daw ito sa akin ay nagulat ako at napatakbo sa higaan ko at nag kumot ako sa mukha. I really feel blush and my heart wont stop to beating. Naramdaman ko nalang na nakapatong na pala sa akin si mj.Nag titigan kaming dalawa at nag halikan kaming dalawa.

Omg! Anong ibig sabihin nito… Narinig ko na lang na tumulog yong sopa nang pag tayo ni mj.

Mj: ahhm.. Kem aalis pala ako ngayon pag hating gabi na na wala pa ako ilock mo nalang yong pinto. Hindi na pala kita ginising kanina kasi parang nanaginip kapa.

Sabi nito sabay ngiti saka kumaway palabas.
Naiwan akong hito at hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Inlove na ba ako??? And then I find the answer ng hating gabi na nga pero wala parin si mj…
Wait… Nag aalala ba ako??? Omg… Oo yata…. Mahal ko na siya….

Umaga na ng magising ako.. Nakatulog pala ako sa sopa sa pag hihintay kay mj. Pero teka…. Sino ang nag lagay sakin ng kumot…? Wala akong kumot kagabi ahh…
Narinig ko ang agos ng tubig na nag mumula sa c. R …
Anjan na yata si mj. Tumayo na rin ako at inayos ang susuotin kong uniform.

Habang nag lalakad ako papasok sa classroom lumapit sa akin si janeth… Nakangiti ito. (Taga sira ng araw ko).

Janeth: kem… Alam kong roomates mo si mj… Hindi na kita guguluhin kong… Sasabihin mo sa kanya na makipag date siya sa akin mamaya.

Talaga namang kapal ng mukha ng babaeng ito. Siya pa talaga mag aaya na maki pag date. So goodluck nalang sa kanya. At tutulungan ko ba siya?? Sige… Total para daw tigilan niya na ako… Kasi ayoko na talaga makita ang bruha na to.

Me: sige… Sasabihin ko.

Janeth: good… Ang bilis mo palang kausap eh.. Saka pag naging kami na.. Maghanap kana ng matutuluyan mo dahil wala ka nang karapatan para mag stay pa.

Sabi nito at umalis. Tama ba ang gagawin ko?? Pano kong pumayag si mj na makipag date sa kanya… Pano na ako?? Pano na ang feelings ko para sa kanya. Ipag tatapat ko na ba na nahuhulog na ang loob ko sa kanya? Sasabihin ko na ba na mahal ko siya..?

Nakasimangot ako ng dumating sa boarding house.
Kaya hindi ko napansin si mj.

Mj: kem.. Anjan kana pala.. Tikman mo yong niluto kong nilagang baka.. Saka kain na tayo.

Sabi nitong nakangiti. Naasar ako sa sarili ko at hindi ko masabi na mahal ko na siya. At yong mga kabaitan niya.. Mga...

ngiti niya.. Parang hindi completo ang araw ko pag nawala siya sa akin.

Mj : may problema kaba kem..?

Sabi nito na kanina pa pala ako minamasdan. Nag kunwari akong nahihirapan sa assignment namin.

Me: A-ah.. Kasi nong sa math hindi ko kasi ma gets ehh… Nahihirapan ako.

Sabi ko nalang.. At napangiti naman siya.

Mj: sige mamaya tuturuan kita. Kain na tayo.

Sabi niya at kumain na kami.. Wala kaming imikan habang kumakain. Haysss… Mj kung alam mo lang…

Habang pareho na kaming nakapag hilamos ay lumapit siya sa akin. As in nasa likod ko na siya at tumatayo ang balahibo ko sa batok. Ang weird nang sitwasyon naming dalawa at kapag pag magkami ako ng lingon ay baka maghahalikan pa kaming dalawa. Hindi ako maka pag concetrate sa mga tinuturo niya sa akin at naamoy ko ang sabon niyang gamit sa katawan.

Habang sinasagutan ko ang assignment ko ay nanatili siya nasa likod ko. Naramdaman ko nalang ng inamoy amoy niya ang buhok ko at ang labi niya ay nilapit niya sa tenga ko. Napaiktad ako hindi sa gulat ngunit sa init ng hininga niyang nagdudulot sa akin ng sexuality.

Me : tama ba itong sagot sa numb—-….

Hindi ko na natapos ang sasabihin ng magtama ang aming mga mata. At hindi ko napigilan ang aking sarili ng angkinin niya ang mga labi ko. Subrang tagal ng paghahalikan namin.. Na ayaw ko na sanang matapos pa.

Pero naalala ko ang sinabi sakin ni janeth..

Me : mj… May sasabihin pala ako sa—..

At hindi ko na naman natapos ang sasabihin ng muli niya akong halikan.

At pag mulat ng aking mata ay mag uumaga na pala.
Tumayo ako para silipin si mj kung anjan ba siya sa higaan niya. Nang makita ko siyang mahimbing na natutulog ay napatitig ako sa pilikmata niyang makapal at mahahaba. At ang tangos ng ilong.. Hinawakan ko ang pingi niya… Sa huling sandali ay mahawakan ko man lang siya.

Nagulat ako nang hawakan niya bigla ang kamay ko at hinila ako papunta sa kanya. Nagulat ako sa nangyari at heto na agad ako sa tabi niya.. Nahiya ako bigla at namumula na naman ang pisngi ko. Hiling ko sana na wag ng matapos ang araw na to…

Nagising ako sa higaan ni mj at naalala ko na naman ang nagawa namin… Nong halik at tabi matulog. At naalala ko na naman agad si janeth….

Naku…. Hindi ko nasabi kay mj yong tungkol kay janeth.
Sabi ko sa sarili ko at dali dali akong nagbihis. Nauna na rin pala si mj pumasok sa school.

Nasa pangalawang school na ako ng makita kong papalapit sa akin si janeth at ang alalay nito. Subrang sama ng tingin sa akin.. Galit na galit ito.

Janeth : hoy kem! Sinusubukan mo talaga ako huh? Sinabihan mo ba talaga si mj or hindi talaga?

Me : janeth pasinsya kana.. Nawala sa isip kong sabihan si mj kasi busy ako kagabi.

Janeth: busy?? Ang sabihin mo hindi mo sinabi kasi nag seselos ka.. Kasi gusto mo siya diba??

Hindi namin namalayan ang pagdating ni mj sa harapan namin.

Mj: janeth… Kem may problema ba??

Janeth: ohh… Kem ngayon sabihin mo nga kay mj kung gusto mo siya o hindi.. Para magkaalaman na.

Me: fine.. Mahal ko siya. Mj mahal kita…

Sabi ko sa kanya sabay halik. Nagulat ang lahat ng mga estudyante.. Si janeth, Rys at si Yvone. At hindi ko inaasahan na andon din pala si Roni.

Si Roni ay anak ng may kayang pamilya sa lugar namin. Matagal nang may gusto ito sa akin. saksi siya nang halikan ko si mj.

Nasa boarding house na kami ni mj… Pareho kaming walang imikan… Mamaya ay tumunog ang cellphone ko si mama..

Mama: Kem… Totoo ba ito?? Sabi ni Roni nakipag halikan ka sa isang Tomboy??!

Hindi ako makaimik. Nagulantang ako.. Andon si Roni nakita ako.. Kami ni mj.

Me: ma can I explain..?

Mama: talagang mag eexplain ka sakin kem! Lumayo kalang sa amin kung ano ano na pinang gagawa mo?
Umuwi ka rito at may pag uusapan tayo.!

Sabi nito saka pinatay ang cellphone. Nakatitig sakin si mj at nahahalata niya ang pag tamlay ko.

Mj : k-kem.. Yong tungkol pala kanina don sa school… K—…

Me: sorry… Kasi nagawa ko yon… At nalaman ni mama agad yong eksina kanina.

Mj: wag ka mag sorry kasi… Nong sinabi mong mahal mo ako ay hindi ako nakapag salita. Kem.. Mahal din kita…
Mahal na mahal…

Hindi ako makapag salita at para akong nabingi…

Mj: alam kong mahirap kasi isa lamang akong hamak na tom-…

Me: wag mong sabihin yan… Mj.. Kasi minahal kita kahit ganyan ka… Alam ko nong una palang ay may nararamdaman na ako sayo.

Nagyakap kami… Alam na namin ngayon na mahal namin ang isat isa kahit anong mangyari.

Sem-break nag paalam muna ako kay mj na uuwi muna sa amin at gusto akong makausap ng parents ko.

Nang malapit na ako sa bahay namin ay natanaw ko si Roni na nakaupo sa sala sa labas ng bahay namin. At si mama at papa.. Hindi lang sila pati ang parents ni Roni.

Roni parents: andito na pala si kem…kumare.

Roni: hi… Kem..

Pero hindi ko sila pinansin at agad akong pumasok sa kwarto.

Mama: kem! Kem.. Halika nga dito! Wala kang galang hah! Ganyan kaba namin pinalaki.??

Patuloy sa pag daldal si mama pero hindi ko binuksan.

Mama: pag hindi mo binuksan ang pinto at hindi humarap sa parents ni Roni… Sisirain ko to!

Binuksan ko ang pinto…
Galit na galit si mama.

Me: bakit ako haharap sa kanila mama?? Ano bang meron at pinauwi niyo ako rito?

Mama: lumalaki kana nga! Lumalaki na rin ulo mo! Andito parents ni Roni para mamanhikan sayo… At napag kasunduan na namin yon!

Nagulat ako sa sinabi ni mama. What?? Ikakasal ako kay Roni??? No way.

Me: pero ma! Hindi ko siya mahal at may mahal na akong iba.

Mama: at sino ang mahal mo? Yong kapwa mo babae? Isang tomboy ganon ba??

Me: Oo ma! Mabait si mj.. Mahal niya ako.. At mahal ko rin siya mama. Kahit tomboy man siya ay mabait siya at kaya niya akong buhayin mama!.

Sinampal ako ni mama halos mawala ang kaluluwa ko..

Mama: nahihibang kana ba?! Sa ayaw mo at hindi matutuloy ang kasal niyo ni Roni!.

Me: ma please… Kahit minsan ako muna masusunod sa buhay ko.. Ako muna mag dedisisyon. Simula nang maliit pa ako halos sunod sunuran ako sa inyo. Bawal to.. Sundin mo yan.. Please ma… Ngayon lang… Hayaan niyong sumaya naman ako. Hindi ko mahal si Roni.

Sabi kong umiiyak. Walang kibo si mama at umalis.
Nakakulong lang ako sa kwarto at kahit anong pilit ni papa na pakainin ako ay wala akong gana.
Ilang beses na rin tawag ng tawag sa akin si Mj. Pero hindi ko ito sinasagot.. At maiiyak lamang ako.

3 days na akong nakakulong sa kwarto ko at walang kain kain. Mas mabuti ng mamatay nalang ako kaysa maikasal kay Roni. Hindi ko na kilala ang sarili ko… Halos umiiyak nalang ako.

ika 4 days ko nang nakakulong sa kwarto. Subrang hina ko na… Nang bigla bumukas ang pinto ng aking kwarto.

Me: ano ba!!!! Isara niyo ang pinto! Ayoko ng makita kayo!

Sabi kong sumigaw kung sino man yon.
Pero nanatili itong nakatayo sa pintuan… Hindi ko maaninag dahil sa dilim ng kwarto ko.

Mj: kem… Kem ako to. Si mj..

Nang marinig ko yon ay napaiyak na naman ako.
Lumapit agad siya at niyakap ako. Wala siyang paki kahit ang baho baho ko na.

Nang okay na ako.. Nag kwento si mj sakin na tinawagan daw siya ni mama at pinapunta rito sa bahay. At tanggap na nila mama at papa si mj para sakin.

2 months na ng officially kami na ni mj…. Ang saya namin… At muli naramdaman ko kong gaano ako kamahal ni mj.

Maraming maraming salamat sa pag babasa ng story ko.. Please do respect ang support thank you! 🙂

THE END




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *