0

My husband secret Chapter nine


Report

TAHIMIK si Anicah habang Nasa sasakyan. Nagpumilit si Wilson na ihatid siya sa tinutuluyang apartment.
Dahil kakaiyak lamang niya kaya medyo Malabo ang paningin niya kaya pumikit na lamang siya. Hindi niya namalayan, nakaidlip na pala siya. Nagising lamang siya ng paliko na sila sa kanilang Street.
“Naandito na pala tayo sir?” gulat na sambit niya katabi habang patuloy umaandar ang sasakyan ngunit mabagal lamang ito.
Saan nga pala ang sainyo?”
“Doon lang po sa may mga maraming mga halaman.. Paano nyo nga po pala nalaman na dito ang tinitirahan ko?
Nakita ko sa id mo,” Saad ng lalaki habang Nakatingin ito sa dibdib ng asawa.
Napahawak si Anicah sa matigas na card na nakasabit sa leeg niya. Marahang siyang tumango. Ibig sabihin ay, okay.
” Bababa na po ako sir. Salamat sa paghatid.”
” Okay.. Ingat.
Hinihintay muna niyang makapasok ang asawa sa Gate. Hindi pa siya nakontento pinagmasdan n’ya ang apartment na tinirahan nila, mataas iyon dahil dalawang palapag ito, madilim pa, Ilang saglit pa ay nakita Niya iyong lumiwanag ang bintana . Ibig sabihin nkapasok na ang asawa sa loob.
Gustuhin man niyang Pumasok kaso minabuti niyang wag na lamang, baka Hindi na niya mapigilan pa ang sarili.
Umalis na lamang siya sa Lugar na iyon.
Pagdating ni Anicah sa loob ay agad niyang binuksan ang ilaw. Pakiramdam niya pagod na pagod siya na ng araw na iyon. . Agad siyang nagbihis at at nahiga sa kama.
Umaga na ng siya ay magising. Mabigat ang Kanyang pakiramdam. Pinilit niyang Bumangon para pumasok pumunta siya ng banyo. Kaso pag tayo niya pakiramdam niya umiikot ang Kanyang paningin kaya minabuti na lamang niyang mahiga na lamang ulit.
Hindi kaya ng kanyang katawan n’ya na Bumagon ilang saglit pa nakaramdam siya ng labis ng panlalamig. Umilalim siya sa makapal na kumot para maibsan iyon. Nanginginig na rin ang kanyang katawan. “na-nanay.. Nanay..” Tanging nausal niya. Sanay kasi siya na inalagaan nito lalo na kapag may sakit, ngayon mag isa lamang siya.
Malapit ng mag uwian sumilip sa HR si Wilson. Hinanap ng kanyang mata ang asawa, ngunit Hindi niya ito makita.
“Miss Encarnation, nasaan si Miss Abad? Tanong niya sa supervisor nito.
” uhm.. Wala sir absent po siya ngayon.
“Anong reason niya bakit dita absent?
” Wala po sir, hindi rin namin alam, ganun naman po yon basta na lamang Hindi pumapasok na walang pasabi. —–magsasalita pa sana ito ng, tumunog ang Kanyang telepono sa bulsa.
—Okay! Never mind!! Excuse me.. “.. Lumayo siya at sinagot ang telepono.. “Hello! — Tanging narinig ng Miss encarnation sa amo. Hindi na niya ito pinansin at itinuon sa ginanagawa atensyon.
KINABUKASAN, nag check siya ng kanilang manpower, at nakita Niya dito absent si Anicah.
” Anu naman kaya ang Problima nun.? Baka umuwi na naman siya sa probinsya.” sambit niya sa isip. Saka itinuloy ang ginagawa.
Naging busy ang araw na iyon sa Kanyang meeting dito meeting doon.
Hapon na ng para siyang hinihila paroon sa apartment ng asawa. Ayaw man niyang pumunta. Ngunit doon siya dinala ng Kanyang sasakyan.
Nag dorbel siya sa Gate walang bumubukas ng Gate.
Muli siyang nag doorbell wala pa ring na lumalabas. Tiningnan niya ang bintana sa itaas. Midyo nakaawang iyon. Pumasok siya sa Gate.
At kumatok sa pinto na may kasama ng tawag.
Tok! Tok!! Tok!! Anicah!!
Wala pa ring Nasagot.
Gamit ang sariling susi ay binuksan niya ang doorknob.
Nkapatay ang ilaw sa ibaba kaya bahagyang madilim.
Umakyat siya sa kanilang silid. May narinig siyang
Munting ungol.. Na tumawag ng Kanyang kuryusidad.
AGAD niyang binuksan ang silid nila. Nakita niya ang asawa,balot na balot ito ng makapal na kumot.
“Huo..hou..o.o.o..o.ho.oo..” narinrinig niya mula dito.
Agad niya itong nilapitan..” Anicahh!!” sinalat niya ito sa noo. Halos mapaso ang palad niya sa init nito. Bigla siyang nag-alala sa kalagayan ng asawa.
“Anicah ang taas ng lagnat mo! Sambit ‘niya. Agad niyang hinila ang kumot nito. Para makasingaw ang init ng kaniyang katawan.
Wa.. a a.g.. , ma.. la.mig..” nanginig na sagot ng babae. Agad na kumuha ang malamig na tubig si Wilson at pinunasan nito ang asawa.
“A.. Yoko.’ n’yan.. Ni. La.. Mig.. A.. Ko…” sambit niya sabay tanggal sa kamay ng lalaki. ‘
“Anicah.. Wag mong pigilan ang kamay ko mataas ang lagnat mo.. Kailangan kitang punasan..” marahang sambit ng asawa.
Um.. Omm. Umm… Muli niyang ungol..” Troy.. Ikaw. Ba ‘yan..?
Hindi sumagot ang lalaki patuloy lang ito sa pagpunas sa kanya
. “Troy….Salamat at.. Binalikan…. Mo.’ ako.. Akala… Ko Hin.. di . Ka na.....


Babalik… Sorry… ha..?.. I’m. Sorry.. ‘wag mo. Na ulit.. Akong iiwan.. Mahinang Sambit nito sa lalaki habang hawak’ ito ang braso nito. Hinila pa niya ito at inilapit sa ilalim ng kaniyang leeg para gawing unan.
Nakatingin lamang ang lalaki sa aswang nagdedeliryo sa taas ng lagnat.. Hinaplos niya ang mala angel nitong mukha. At marahang idinampi ang labi sa noo ng may sakit na asawa . Ilang minuto din niya a itong pinagkatitigan. Saka muling pinunasan at pina inom ng gamot.
Maliwanag na ng namulat si Si Anicah. Naghihina pa rin ang pakiramdam niya ngnunit ma’s maayos Kisa sa kahapon. Mag isa lamang siya sa higaan. Pagtingin niya sa bedside table may nakahanda ng mainit na lugaw dito.may katabing isang basong tubig at gamot sa katabi ng plato.
“Sinong nag luto nito?” taka niyang tanong. Inikot niya ang Kanyang paningin ngunit wala naman siyang kasama. Tahimik ang boung bahay nila. Kaya alam niyang wala siyang kasama doon.
Ngunit sino ang nag handa ang pag kain niya?
“Troy,.. Nandyan ka ba? Troy… Nasaan ka mag kang magtago lumabas ka naman oh.. Mag pakita ka sa akin alam Kong nandyan kaa.. …” Naluluha niyang sambit.
Tumayo siya sa kama at hinanap ang asawa ngunit wala ito doon.” Troooy..” . Naiyak niyang sambit.” Bakit wala ka na naman alam ko ikaw ang nag luto nito, ganun ka ba ka galit sa akin para taguan mo ako..? Hanggang kailan mo ba ako titiisin?”Tanong sambit niya kahit nag iisa lamang.
Ilang minuto din siyang nag umiyak sa isang tabi. Ng makapag isip isip ay Tiningnan niya ang pag kain ba nakahanda. Dahan Dahan niyang itong kinain habang tumutulo ang luha Bawat subu.
” Ito na ang parusa mo sa akin..? Ang iwanan ako.?” naiiyak niyang sambit. Kung ‘yan ang nais mo sige.. Tatanggapin ko..at least alam kung nandyan ka lang at buhay. ” dagdag pa niya sabay punas ng luha.
Inubos niya ang nakahandang pangkain at ininom ang gamot na naroon. Nag bukas siya ng ref. May mga nakahandang pagkain doon Nasa isang baunan ito.
May nakadikit pang note sa loob.” pang isang linggong pagkain mo na ito, initin mo na lamang. Bawas bawasan ang pagkain ng process food at noodles..” bahagya siyang natawa sa nabasang note asawa.. Naramdaman niya na mahal pa rin siya nito sa kabila ng pagtitiis nito sa kanya.
“Hayaan mo Mahal susundin na kita, para mapa tawad mo na ako.”
Kinabukasan nakapasok na siya sa trabho.
“Haaaaay!! Andito na naman ang kabote .. Sumusulpot lamang kapag umuulan.. Kapag mainit biglang nawawala.” pasaring ni Elle.
“Kung kabote ako ikaw anu ka? Cctv.? Pwdei ba mind on your business!” Mataray niyang sambit dito. Sawang sawa na siya sa mga pasaring nito kaya pinatulan na niya. Hindi na siya papayag na manahimik lang sa mga sinasabi nitong Hindi Maganda sa kanya.
“Aba ang yabang mo ha? Wala ka namang maipagmamalaki? Mataray na Sambit ng babae sa kanya sabay irap. May kinuha itong santambak na papel sa kabilang mesa. At ibinagsak sa table niya.” Ito nga pala Madam.. damin!! Pakitapos na lamang po ‘yan dahil kailangan na yan ni Ma’am Encarnation huh..!! Dagdag pa ng babae sa kanya Sabay irap at tinalikuran siya.
” Huh! ” napabuntong hininga siya sa daming gagawin. Para na naman siyang magkakasakit
Sa dami ng Kanyang tatapusin.
Biglang pumasok sa isip niya si Troy. Ang mga inihandang pagkain nito sa kanya,dahil doon ay tila ginanahan sya sa pag tatrabaho.
“Hello sir good afternoon.” todo ngiting sambit ni Zyrin.
“Good afternoon din, by the way Where is Miss Encarnation?
” Ay Nasa break room po si Ma’am.” pacute na sambit ng babae..
Samahan ko na po kayo sir. Suhistiyon pa nito.
” no wag na! ”
Pumunta siya sa Lugar na itinuro ng babae sa kanya. Naabutan niya doon si Anicah kumakain ito Ng lunch. Kinakain nito ang mga pagkaing
Ipinahanda pa niya sa kanilang kusinerang si Manang Ising.Natutuwa siya at magaling na ito..Nakikita niyang masigla na itong kumain kahit kaka galing lamang sa sakit..
Nilapitan niya ito “How are you Miss Abad?!
” I’m good Sir! “”
“Uhmm.. You looked nga! Tumatango tanong sambit niya.” Parang ang sarap ng pagkain mo,
Can you share it with me? Biro niya dito.
“Sorry sir, akin lang to noh!! Niluto pa to ng asawa ko sa akin..
A/N: sa kumuha ng kwento ko at ipinost pa sa YouTube, hindi nyo po ikakayaman yon.. Gumawa din kayo ng sarili nyong kwento.. Wag kayong magnakaw ng kwento ng iba.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.