0

My husband cheater Kabanata 26


Report

Biglang kinabahan si mateo, nang biglang sabihin ni tricia na taga Quezon province ang pinanggalingan ni zara…

“Anu?” Biglang kabang sabi ni mateo.
“Ikaw?” Dahil sa pagkabigla niya sa naging reaksyon ng lalaki, lalong nagduda siya na si mateo delos reyes ay siya ang asawa ng pinsan.

Wala siyang kamalay malay na matagal na pala niya kasama ang taksil na asawa ng pinsan.

Labis naman naguluhan si ethan sa dalawang kaharap niya.

“Wait” what happine!” Biglang tanung ni ethan.

“Naku sir” siya pala ang nanluko sa pinsan ko e” ani tricia na naiinis na ang mukha nito.

“What?” Ani ethan at biglang lumaki ang mga mata nito dahil sa pagkagulat. Agad naman umalis si mateo sa tagpong iyon. Pumunta siya sa office ni dave para malaman niyang si zara nga ang nakita niyang, halos di makapaniwala.

Hahalikan na sana ni dave si zara, nang biglang may dahan dahan kumatok sa pinto.

At ilang sigundo ay biglang bumukas ang pinto, at iniluwa ang mukha ni mateo. Biglang kumabog ang puso ni zara ng mapag sino ang pumasok sa pinto. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makilala niya si mateo. Halos mabuwal siya sa kanyang pagkakatayo, at kung hindi siya kumapit sa bangko. Siguradong matumba na ito.

Gayun din si mateo. Halos di siya makapaniwala sa kanyang nakita. Ang bagong anyo ng dating asawa. Hindi niya malaman kung anu ang kanyang nararamdaman sa mga sandali na iyon.

Agad naman sumunod sina ethan at tricia.
“Ikaw?” Sabi ni zara
“Anung ginagawa mo dito?” Sabay nilang sabi.
“Magkakilala kayo?” Biglang sabi ni dave. Agad naman sinarado ni ethan ang pintuan ng office ni dave dahil ayaw niyang may makadinig sa pag uusapan nila.

“Oo”kuya.” Unang sabi ni mateo.
“Siya ang asawa ko na lumuko saakin?” Agad na sabi ni zara. Na labis na ikinagulat ni dave.
“What?” Sabi niya at biglang nagkuyom ng kamao.

Nabigla din si zara ng marinig niyang kinukuya niya si dave. At bigla siyang napalingon sa nubyo…
“He’s my half brother.” Sabi niya ng mapansing nilingon siya ng nubya.
“Pero bakit! Muna man ginawa iyon mateo?” Ani ethan dahil nabigla din siya sa sinabi ni zara.
Si tricia naman galit na din siya kay mateo. Tahimik lang siya sa isang tabi pero galit na galit ang mukha.

“Pwedi ba mag usap tayo, tayong dalawa.” Pagsusumamo ni mateo sa asawa. Dahil napansin nitong galit sa kanya ang nakapaligid sa kanya.

“Dahil pangit ako kaya niyang nagawang mag hanap ng iba.” Sagot ni zara sa tanong ni ethan.

“Please?”pakiusap niya ulit.
“Para anu? Para pag usapan ang paghihiwalay natin?” Taas noo niyang sabi. Na ikinabigla nina dave.

“Mag usap kayo ng mabuti.” Biglang sabi ni ethan. Sumang ayon siya kay mateo.

“Okey?” Para matapos na din.” Sabi ni zara. Unang lumabas si mateo. Tiningnan naman ni zara si dave para magpaalam ito. Tumango lang si dave bilang tugon nito.

Sumunod si tricia kay zara palabas ng pinto.
At naiwan si ethan sa loob.

“I can’t believe this?” Biglang sabi ni dave. Na upo naman si ethan sa bangko. Para makinig sa kuya niya humugot siya ng hininga.

“So! Tama ang kutob kung kayo na ni zara.” Seryosong sabi niya sa kanyang kuya….

Tiningnan niya muna si ethan. Bago sumagot.
“yes?”
“Paano iyan kuya, asawa siya ni mateo.” Sabi pa nito
“Diko alam na may asawa siya?” Sabi niya habang seryosong nakatingin sa mukha ni ethan.
“Bakit,diba sinabi ni zara sayo?” Dogtong nito.
“I love zara so much! At wala akung pakialam sa nakaraan niya. Pero diko alam na ang asawa nito ay si mateo?” Gulong gulo pang sabi niya.

Nag usap sila sa labas ng opisina. Nasa di kalayuan lang si tricia. Nagmamasid sa dalawa. Noon...


pa man gusto na niyang sabihin kay zara ang tungkol kay mateo, pero palaging walang pagkakataon, minsan nakakalimutan na niya.

Di parin makapaniwala si mateo sa kanyang nakita, lalo na at nakaharap na niya ito at nakausap. Ibang iba ang dating zara noon,kumpara sa ngayon dahil kung noon pa sana na ganito kaganda at ka sexy si zara di sanang mangyaring maghanap siya ng ibang babae.

“Bakit ka umalis saatin, na wala man lang pasabi? Alam mo bang sinugod ako doon ni tatay?” Ang lakas na loob na sabi ni mateo sa asawa.

“Pagkatapos ng natuklasan ko. Inaasahan mong mananatili ako doon?” Sagot naman ni zara na medyo tumaas ang boses.

“Nagawa ko iyon, dahil din sayo?” Aniya
“Dahil pangit ako, ikinahiya mo? At saka dimo ako mahal?” Naiiyak na niyang sabi.
“Tapos sa isa ko pang matalik na kaibigan ka umibig.?” Maghiwalay na tayo?” Sabi niya na parang ayaw na ni mateo…..

Kabanata 27

“Bakit? Dahil may boyfriend kana.? Kaya makipaghiwalay kana.?” Matigas na sabi ni mateo.

“Huwag mong baliktarin ang usapan mateo. Alam natin pareho na naghahanap ka lang ng pagkakataon para makipag hiwalay ka saakin.” Mahinahong sabi niya.

“Please, zara.. noon iyon?” Iba ngayon?” Biglang sabi niya. Di rin niya maintindihan kung bakit iyon ang lumabas sa kanyang bibig. Samantala noong hindi pa niya nakikita ang asawa ay gusto na nitong tapusin ang lahat para sa kanilang dalawa.

Pero bakit ngayon, tila iba ang kanyang gusto.

“Paano! Naging iba.” Sumunod ka dito sa maynila hindi para saakin. Kundi para sainyo ni elane. Inis na sabi niya

“Zara, asawa parin kita. Hindi pa tayo hiwalay.”giit pa ng lalaki
“Asawa lang tayo sa papel mateo.” Aniya at agad tinalikuran ang asawa.

Pumasok siya sa restroom at sumunod si tricia na labis ang pag aalala, dahil nakita niyang umiiyak ito.

“Bakit? Anung sabi at saka bakit ka umiiyak?” Nag alalang sabi ni tricia sa pinsan habang gumahagolgol ito sa harap ng salamin.

“Bakit ganoon tricia. Bakit ayaw na niyang makipaghiwalay saakin? Paano na kami ni dave.” Aniya
“Anu?” Alam mo bang nakikita ko nang madalas iyong girlfriend niya dito, palaging pumupunta iyon dito. Sabi pa ni tricia

“Anu? Ang kapal nila? Tapos ayaw niyang makipag hiwalay, sasabihin niyang asawa parin niya ako.?” Galit pang sabi nito

Biglang tumunog ang tune message niya. “Anung napag usapan niyo ni mateo.” Text ni dave sa kanya.

“Mag usap tayo!” Sagot niya sa text ni dave.

“Pinsan, basta kung saan ka masaya, doon ako?” Sabi ni tricia.

Biglang naisip ni mateo ang kanyang ina. Kaya ibinalita niya dito ang muli nilang pagkikita ng asawa. Natutuwa naman ang ginang.

“Wala kabang number niya. Para matawagan ko.
“Hayaan mo inay hihingin ko po sa kanya. Aniya sa ina.
“Anak, buti naman nakita mo siya. Ayusin ninyo ang inyong relasyon bilang mag asawa. Nanimiwala akung maging maayos din ang lahat. Sabi naman ni veronica.

Mabait si veron kay zara noon. Dahil siya lang ang nakakita sa magandang hitsura ng manugang, na hindi nakikita ni mateo.

“Im sorry, kung hindi ko nabanggit sayo na may asawa ako.?” Nahihiyang sabi niya kay dave. Habang nakabalik na ito sa loob ng opisina.

“Sinubukan kung sabihin sayo, pero palaging naantala.” Sabi pa niya. Habang nakatingin sa kanya si dave.

“It’s okey! Masyado akung mapusok sayo, kaya i understand.” Sabi ni dave na biglang nag isip ng malalim.

“Diko alam na pareho pala tayong niloko ng mga taong mahal natin.” Biglang sabi niya at naging emotional. Ikinuwento niya dito ang kanyang unang pag ibig.

Kaya naunawaan naman niya kaya nagsusungit noon dahil sa naging ex, nito

Nakagaan naman sa loob nila ang pagtatapat ng bawat isa sa kanila. Umasa si dave sa pagmamahal sa kanya ng babae.

Naka ilang tawag na si elane kay mateo pero di siya sinasagot ng katipan. Naguguluhan naman si mateo dahil sa kanyang feeling para sa asawa. Ramdam din niyang may ibang lalaki ang asawa kaya ang lakas ng loob na makipag hiwalay ito sa kanya. Samantala noon dipa niya nakikita ang asawa, ay nais niyang makipaghiwalay na dito…..


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.