2

My husband cheater


Report

Kabanata 57

—-Hindi parin mawala sa isip ni mateo ang mga bagay na ginawa ni elane para sa babaeng kanyang niloko nun.. Hindi niya lubos maisip na ganun katindi ang hangarin nitong mawala si zara sa landas niya.

“Kasalanan ko kung bakit siya nagka ganun…Kung bakit limang taong nawala si zara..” anito habang nagsosolo siyang umiinum ng whisky sa kanilang balkunahe sa mansyon nina ethan..

“Hey!bro!! Kanina kapa?” Sita agad sa kanya ni ethan na kakarating lang galing sa opisina.

“Medyo”
“Kumusta na ang paghahanap kay elane.”aniya habang naglalagay siya ng whisky sa baso niya para samahan si mateo.

“Wala pa kuya, pero umaasa ako na makita din siya para panagutan niya sa batas ang ginawa niya para kay zara.” At sabay tinungga ang isa pang baso ng whisky na galing pa sa ibang bansa ang alak na iyon.

Maaga pa lang bumangon na si zara para ipagluto ang asawa. Kahit kumuha na sila ng katulong ay hindi parin siya sanay na may nagluluto sa kanila.

“Good morning ma’m. Ngiting bati niya kay zara.
“Hi! Morning din..Anu ulit ang pangalan mo.”aniya sa bago nilang katulong na medyo bata pa.

“Fate po!”
“Fate! Uhm! Uh! Ate zara nalang itawag mo sakin, masyado kasing seryoso kapag ma’m e’ aniya na naka ngiti.
Pagkatapos naman niya tumalima. Agad na sila nagsimula mag luto sa kanilang breakfast.
Paglipas ng ilang minuto. Biglang nag iba ang sikmura ni zara kaya agad siyang nagsusuka dahil sa amoy ng kanyang niluto.

“Naku! Ma’m!! Napano po kayo!!” Nag alalang sabi ni fate. Habang hinahagod niya ang likod ng amo nito na patoloy parin sa pagsusuka ng laway.

“Im okey. Pero nahihilo ako.” Mahinang sabi nito na labis naman nag worried ang katulong nito.

Bigla naman siya kumatok sa pinto ng kuwarto nila mateo, para ipagbigay alam dito ang nangyari kay zara.
“Bakit!” Anito na naka brief lang at nagulat naman si fate sa hubad na katawan ng amo.
“S-sir s-si ma’m zara po!” Nauutal na sabi nito na siya naman pagbukas ni aling veronica sa kanyang pintuhan dahil dinig nito ang halos na pasigaw na sabi ni fate.

“Bakit! Anung nangyari kay zara!!” Nanlaki ang mga mata nitong sabi.

“Nagsusuka po at nahihilo!” Agad niyang sagot nang makitang tinatanong siya ng dalawa.
“Huh!” Sabay sabi ng dalawa at agad bumaba si mateo na nakalimutang naka brief lang siya.
Lihim naman kinilig si fate sa machong katawan ng amo lalo na at nag aalon ang mga abs nito.

“Naku! Anu bang kinain mong bata ka.” Ani aling veronica na labis na nag alala.

“Zara, are you okey!” Ani mateo at agad nilapitan ang asawa at sinapo ang noo nito kung nilalagnat ba ito.
“Im okey! Masyado naman kayo nag alala. Hindi kulang nagustuhan ang amoy ng niluto ko kaya bumaliktad ang sikmura ko.” Ngiting sabi nito.

“Diyos ko!! Magkaka apo na ako!” Sabi agad ni aling veronica na labis ang kasiyahan sa mukha nito. Ganun din si mateo. Nabigla siya sa sinabi ng ina.

“Talaga inay! Kapag ganyan buntis!!!” Sigaw niyang tanung sa ina na halos kargahin si zara dahil sa labis na galak.

Kabanata 58

“Mateo ! Ani zara na labis naman natuwa...


dahil sa tagal din ng panahong hinihintay niyang makabuo siya ng sariling pamilya.

“Oo” ganyan na ganyan din ako nun. Habang pinagbubuntis ko si mateo.”

“Pagkatapos natin mag almusal, sasamahan kita sa hospital para makasiguro tayo.”
“Huwag na alam kung buntis na ako, kasi halos mag three month na wala pa rin akung dalaw.” Ngiting sabi nito.

“Okey, pero alagaan mo ang sarili mo ah. Ayaw kung magbubuhat ka ng mga bagay na mabibigat.” Pag alalang sabi nito sa asawa.
“Mateo look your self.” Aniya ng mapansing naka brief lang ang asawa. Bigla naman siya umakyat sa taas para magbihis.

Pagkatapos niyang maligo. Agad siyang tumawag sa kapatid nito at ibinalita ang pagbubuntis ng asawa. Lalo na at pinagtatawanan siya dati ni ethan.

“Good to hear that bro’ finally you got it. At kay zara pa. Congrats bro!!” Ani ethan.

“Thank you kuya! Im so lucky today. Kaya di muna ako papasok sa work.” Aniya
“Okey! Bro!”

Pagkatapos naman nila mag usap. Agad na siyang bumaba para mag breakfast na.

“Let’s eat! Kanina kapa namin hinhintay.” Ani zara.
Pagkatapos niyang salubungin ng halik ang asawa ay naupo na ito sa tabi niya.

Sa di kalayuan may isang sasakyan na laging nakaparada na kulay itim na luxary car. Sa loob nito dimo makikita dahil naka tempted ito.

“Sige lang mag saya kayo habang di pa ako kumikilos dahil kapag oras na kumilos ako tiyak magugulat kayo?” Sa isip nito habang natatanaw niyang masayang kumakain sina mateo at zara sa may tabing swiming pool. May maliit na swiming pool sa loob kung saan dun ang kanilang dining room na kapag kumakain sila ng breakfast o di kaya ay dinner dun sila palagi naka pwesto.

“Sana lalaki iyan, para may jr na agad ako.” Tawang sabi ni mateo.
“Kahit anu pa ang kasarian niyan. Ang mahalaga ay magkaka apo na ako.” Tawa naman sabi ni aling veronica.

“Tatawagan ko sina inay, para malaman nilang buntis na ako.” Dagdag naman niya.

“Oo nga pala para naman makapag bonding naman kami ni agnes.”

Pagkatapos nilang kumain. Pagkaraan ng ilang sandali tumawag si zara sa kanyang inay at itay para sabihin sa mga ito ang pagdadalang tao niya.

“Naku! Naman anak! Natutuwa kami ng itay mong buntis kana sa wakas.” Masiglang sabi ni aling agnes sa anak.

Napadpad sa isang tagong isla si diego. At ilang araw din siyang walang malay at patoloy itong ginagamot. Mabuti naman at mabubuting tao ang nakakita sa kanya habang palutang lutang ito sa dagat. Natamaan sila ng malakas na bagyo sa laot kaya sila biglang nawala.

“Im so excited na.”
“Ako din, finally nakabuo din tayo.” Ngiting sabi ni mateo. Bigla naman natahimik si zara. Dahil nalaman nitong kasal sila ni elane. Dahil nakita niya minsan sa gamit ng asawa ang marrige certificate nila ni elane.

At nakita din niya ang devorce paper ng asawa, pero di lang ito natoloy dahil sa ayaw ni elane..

“What!” Ani mateo nang makitang seryoso ang mukha ng asawa.

Ngiti lang ang tugon niya dito. Ayaw niyang pangunahan ang asawa gusto nito na mismo si mateo ang magsabi sa kanya ng totoo. Naisip niyang limang taon nga siyang nawala at naintindihan din niya kaya nangyari iyon. Lalo na at nung mawala siya ng alala ay tuluyan ng nagbago si mateo. At ramdam din niya ang pagmamahal ng asawa.——–


2 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.