0

My BestFriend’s Husband Chapter 32


Report

#Mystery_Thrill_Romantic_Drama
🌺Step POV
Ang tahimik ng biyahing iyon. Pero si Sir Vincent ang bumasag sa katahimikan habang nagbibiyahi kami papuntang Restawran
” Ayos ka lang ba talaga? ” Biglang tanong nya saakin .
” ah Oo ayos lang ako salamat sa pag alala. ” Ano ba ang nangyari bakit nagtatanong sya kong okey lang ako. Naku mukhang may nangyari talaga kanina.
” sa uulitin kasi wag mo nang patulan pa si Hena. ”
Sinasabi ko na nga ba pinatulan ni Tiffany si Hena. Kainis naman sya.
Pahamak talaga su Tiffany kahit kailan.
“Sigi sa uulitin diko na sya papatulan” nahihiya kong sabi sa kanya
Tahimik nanaman kaming dalawa.
“Si Andrew ba ang ama ng pinagbubuntis mo.” Mahinahon nyang tanong saakin.
Bigla akong kinabahan. Aaminin ko ba sa kanya? Pero hindi ko naman sa kanya maitatago yun kasi baka malaman din nya kay Chairwamen.
Kaya kailangan kona sa kanyang sabhin. Magkaibigan naman kaming dalawa. Siguro maiintindihan naman nya ako. Paano kung magalit nanaman sya tulad noong huli kaming magkita.
Bahala na aaminin kona.
“Ka-kasi ano! Accidenti ang nangyari saamin sa Singapore. Pareho kaming lasing non wala kaming maalala.”
Mahinahon kung sabi kaya lang…
” Ano nanaman ang ginagawa mo sa Singapore? ” nagulat nalang ako ng sigawan nya ako. Bakit ba sya ganito? Bakit na sya nagagalit ng ganito?
“Bakit kaba nagagalit?” Natatakot kung sabi. Hindi ko sya maintindihan.
“Nag iisip kaba ng tama huh! Anong ginagawa mo doon ah. . Bakit kayo magkasama? ” Galit na galit nyang sabi habang nag Ddrive. Nakaramdam ako ng takot sa kanya.
“Nagvacation lang naman ako doon eh… bakit ka nanaman ba nagagalit natatakot na ako sayo. ” Lakas loob kong sabi sa kanya kahit natatakot na ako sa pag sermon nya.
Hindi ko mapigilang maiyak dahil sa paninigaw nya saakin.
Saka lang kumalma si Sir Vincent ng makitang naiiyak na ako
” Hindi mo ba nakikita nagagalit ako. Ung gusto ko nang pumat*y ng tao dahil sayo.”
“Bakit ka naman papatay ng tao dahil saakin?” Lakas loob kong sabi
” Dahil galit na galit ako. Ito ba ang plano mo? Sirain ang buhay mo Stephanie. Inaamin ko naman na kasalanan ko ang lahat. Kung sana nakinig nalang ako sayo noon. na umalis sa lugar na ito hindi sana ito mangyayari sa inyo ..kasalanan ko..” galit nyang sabi at pati sya naiiyak narin sa pagtatalo namin ngayon.
Hindi ko parin maunawaan ang lahat kung bkit sya ganito saakin. Nalilito ako sa mga kinikilos nya. Napapa isip ako kung bakit sya nagagalit ng ganito.
“Bakit mo sinisisi ang sarili mo. Hindi mo kasalanan, wag mong isipin na kasalanan mo. Dahil wala kang kasalanan sa nangyari saakin. ” Mahinahon kong sabi
Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Sir vincent bago sya nagsalita
” Ano na ang gagawin mo sa batang yan.. paano mo pa sya isisilang ng normal. ” Pilit nyang maging mahinahon sa pag uusap namin ngayon
“Isisilang ko sya ng maayos.”
” Umalis na tayo sa lugar na to. Habang wala pang nakakaalam. Diba gusto mong lumayo na tayo sa lugar na to? Kaya susundin kuna ang gusto mo, lumayo na tayo dito.”
Ano ba ang pinag sasabi nya? Bakit kami lalayo?
“T-teka po sir Vincent Wala po akong maalala na sinabi kung lumayo tayo”
Nasabi ko nga ba iyon kay Sir Vincent o si...


Tiffany ang nagsabi non sa kanya? Ano ba itong gulong pinasok ni Tiffany . Mababal*w na talaga ako nito sa kakaisip.
” Sinabi ko ba talaga yun?” Pagtataka kong sabi
“Oo kaya aalis tayo ” seryuso nyang sabi.
Anong gagawin ko? Sasama ba ako o hindi?
“B-baka nagbibiro lang siguro ako ng sabihin ko yun sayo? Hahaha. Wag mong personalin ang mga sinabi ko na aalis tayo. .nagbibiro non ako. ”
Tahimik lang si Sir Vincent at buntong hininga lang ang isinagot saakin.
Kaya nanahimik na rin ako.
Hndi nagtagal ay dumating na kami sa Restwaran .
Pupunta na sana ako sa kusina para tumolong kaya lang pinigilan ako ni Sir Vincent.
“Saan ka pupunta?” Seryuso nyang sabi.
“Sa kusina magtatrabaho po sir? ”
“Simula sa araw na ito doon ka sa loob ng office ko. Ang trabaho mo ngayon ay i-timpla ako ng coffee. ”
” Ano taga timpla lang ng coffee? ” Pagrereklamo ko
“Anong gusto mo ung dati mo ng trabaho”
(Umiling na ako agad.)
“Kung ganon i-timpla mona ako ng kape. . Hihintahin kita sa office ko.”
“Yes Sir!”
Nagmadali akong pumunta sa kusina.
Masaya akong makita ulit ang mga kasama ko dito.
Pagka timpla ko ibinigay kona sa kanya.
Hito ako ngayon naka upo lang sa sofa at nag mumukmuk walang ginagawa.
” Bakit pa nya ako ibinalik dito kung ayaw naman akong pagtrabahuhin. Bakit kaya gusto nyang lumayo kami… d kaya ako yung 3rd party sa pagmamahalan nila ni Megan?? Hala.. btt wala parin akong maalala. Naku ko po. Di kaya may relasyon kami dati ni sir Vincent. at gusto nyang magtanan na kami…ayy mali ako pala yung nagsabi noon..mababaliw na ako nito.. bakit wala akong maalala. ”
Gusto kong sabunotan ang sarili ko bakit hanggang ngayon wala parin akong maalala.
Hindi ko namalayan na nakatingin na pala saakin si Sir vincent.
“Ano ba ang nangyayari sayo? May problima kaba? ”
“Ah! Wala po sir… baka po may ipag uutos kayo.?” Nahiya tuloy ako sa ginawa ko
“Pahinga ka mona jan.”
” hindi po ako pagod kanina lang po akong walang ginagawa.. baka pwede akong bumaba mona. Para nman malibang ako.”
“Sigi pero wag na wag kang pagpapagod doon.”
” upo sir. ”
Buti naman pumayag sya.
Bumaba na ako sa mga kasamahan ko.
” hellow sa inyo. May maitutulong ba ako sa inyo?”
“Naku wag na wag kanang tumolong baka magalit si Sir Vincent.. kumusta kana pala !”
“Ayos lang ok na ako ngayon..”
“mabuti naman kung ganun.. sabi nga pala ni sir… hindi ka nanamin pweding utusan ngayon. Kasi buntis ka daw. Totoo ba yun.” Tanong ng isa sa mga kasama ko
“Oo buntis nga ako.”
“si sir Vincent ba ang ama?”
“Naku hindi si sir Vincent ang ama ng pinagbubuntis ko.”
“Kung ganon may asawa kana?”
“wala pa? Wala pa akong asawa.”
“Kung wala ka pang asawa at hindi si Sir. Vincent ang ama ng dinadala mo.. bakit parang care na care ka ni sirVincent. Yung bang para ka nyang asawa”
“Hindi ko ba nasabi sa inyo na sya ang tagapagmana ni Chairwamon”
Nagulat nalang kaming tatlo ng bigla biglang sumulpot saamin si Sir. Vincent
“Wag nyo na syang tanungin ”
Bigla nalang akong hinila ni Sir.Vincent palayo sa kusina.
Galit na galit sya. Hindi ko sya maintindihan kahit kailan.
To be continue


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.