1

My BestFriends Husband Chapter 3


Report

#Mystery_Triller_Romantic_Drama
🧒🏼Andrew POV
Nakatanggap ako ng information galing sa mga nag hahanap kay Megan
Nasa Singapore daw si Megan kaya hindi ako nag atubiling na pumunta doon para hanapin sya . Sa wakas mahahanap ko na rin si Megan.
Mula ng makasal kami at matapos ang surgery ko hindi ko na sya nasilayan pa. Hindi ko alam kong bakit nya ako iniwan ng ganito. Hindi na ba nya ako mahal? Akala ko ba ako lang ang huling mamahalin nya nangako sya na hindi nya ako iiwan pero bakit iniwan parin nya ako? Pero ang importante alam kona kung saan sya nagtatago ngayon.
Flight ko na ngayon papuntang Singapore sana makita ko sya doon.
🥀Tiffany POV
Siniguro ko na magkatabi kami ni Andrew ng upuan sa eroplano.
Pagkapasok ko sa eroplano kita kong nakaupo na si Andrew.
Napangiti ako sa di oras sa tinagal tagal ay ngayon lang ako magpapakita sa kanya ng matagal makikipaglaro ako sa kanya sa singapore makikilala kaya nya ako?
Pagkaupo ko gumagawa ako ng paraan para makuha ang attention nya.
🌵Andrew POV
Kanina ko pa napapansin ang babaing to na nagpapansin. Kaya tiningnan ko sya parang Familiar ang mukha nya sa akin. Diko lang matandaan.
” Nagkita na ba tayo dati?” Napatanong na ako sa kanya.
“Bakit? Do you know me?” May pagkamaldita ang dating ang babaing ito ah
“No! But you looks so familiar to me.”
“Talaga… baka destiny tayo..” sabi ng babaing ito.
Ang feeling naman nya nagtanong lang naman ako kung nagkita kami pero kung ano ano sinasabi.
“If you dont Mind. May asawa na ako. wala akong oras sayo.”
“So bakit ka nakatingin? Nagagandahan ka ba sa akin?
( Pang aakit nya saakin. umiwas nalang ako ng tingin feelingera talaga ang babaing ito.
“Nagtanong lang naman kung ano ano pa ang naiisip mo. ”
Hindi ko na sya kinibo dahil nairita ako sa pag uugali nya.
Hindi nagtagal ay lumipad na ang eruplano.
“Ahhh” sigaw ng babaing katabi ko
Napahawak pa sya sa braso ko..
“Ano ba bitawan mo nga ako.. ” inis kong sabi sa kanya.
“Sorry. . ano kasi First time kong sumakay ng eruplano. siguro naman hindi tayo mahuhulog noh. ” Ang galing nyang umarte ah.
” Taga bundok ka ba miss kaya first time mong sumakay ng eruplano. napaka inogrante mo. ” Inis kong sabi
” Ito naman ngtanong lang. first time mo din bang sumakay sa eruplano? ”
Dinidma ko na lang sya at hindi na kinibo ang babaing yun.
🥀Tiffany POv
Nainis ako sa pagkasuplado ng lalaking ito. Ano ba ang ikinagusto dito ni Megan at bakit ipinagpalit ni Megan si Vincent sa tukmol na ito. Laki ng ipinagbago hindi naman sya ganon ng maliliit pa kami. Ang alam ko mabait si Andrew but ngayon parang dragon kung magalit? Tssk
“suplado” pabulong kung sabi
ano ba ang katangian na nakita dito ni megan. bkt kaya nagkagusto si Megan sa tukmol na ito?
umopo nalang ako ng maayos. mayat maya pa ay kinulit ko nanaman si Andrew para inisin sya hahhhhahhhhh
” Excuse me. ”
” Bakit?” ( 😠 )
“Ilang oras ba ang ibibiyahi natin?” Kunwari kong tanong
” Hindi ko alam kaya wag mo akong tanungin. Hintahin mo nalang na dumating ka sa singapore. ”
umayos ito ng pagkakaupo at ipinikit ang mata para matulog ulit. . gustong gusto ko na syang sapakin. Pero pinakalma ko nalang ang sarili ko. Nang iinis ako pero ako yung nainis. Tanga lang ang pig.
Kaya nag iisip nalang ako ng mapaglilibangan ayaw ko mona matulog kasi pag natulog ako ay magigising ang amnisyang katauhan ko.
nilingon ko si Andrew aba ang himbing ng pagkakatulog. Tinitigan ko talaga ang gwapo nyang mukha sayang hindi tayo maaring magkatuluyan pero dahil gusto kong maghiganti at alam kung kahibangan ang gagawin ko ay gagawin ko parin kahit alam kong mali ang gagawin ko. Gagawin ko parin maipaghiganti ko lang ang sarili ko.
Habang tinititigan ko ang pagmumukha ni Andrew ay nagka Idea ako. Para mas lalo syang maasar.
kumuha ako ng pentel pen at sinulatan ko ang mukha ni Andrew. .tawang tawa talaga ako habang sinusulatan ang mukha ni Andrew.
matapos kung sulatan ay nakita ko ang bata na naktingin sa amin kaya ibinigay ko sa kanya ang pentel pen para hindi sya mapagbintangan. Hahahhhaha bal*w lang ang pig
🌵Andrew POV
maya’t maya ay nagising ako. kailangan kong pumunta sa banyo. habang papunta sya sa banyo ay napapansin kung pinagtitinginan na ako at hindi pa iyon natatawa sila sa pagmumukha ko. Bakit kaya?
Pagkapasok ko sa Banyo nagulat ako sa nakita ko ginawa akong panda…
” Sinong may gawa nito? ” Inis kong sabi
Naisip ko baka yung katabi kong babai sa upuan.
Nagmadali akong maghilamos . . Humanda ang babaing iyon.
Pagkabalik ko ay galit kong kinausap ang katabi kong babai.
“Ikaw...


ba ang may gawa non. Kanina?” Inis kong sabi
“Ang alin?” Nagmamaang maangan pa nyang sabi.
” Sinulatan mo ang mukha ko. Ginawa mo kung panda”
“Bakit may ebidinsya kaba na ako ang may gawa? Sigi ipakita mo ang ebidinsya mo na ako nga ang nagsulat sa mukha mo.”
“Kung hindi ikaw sino?”
” Aba malay ko.”
Nainis tlga ako malakas ang loob ko na sya ang kagagawan.
Maya’t maya ay nakita kong sya nanaman ang tulog. Napa Kill*r smile ako makakagante din ako.
Kumuha din ako ng pentel pen ang nagdrawing din ako sa mukha nya. Pero bigla akong napatingin sa mukha nya… Feeling ko nagkita na kami ng babaing ito hindi ko lang maalala kasi familliar ang mukha nya saakin . . Hindi ko lang maalala kong san ko sya nakita noon.
Hindi sya pangit pero hindi naman sya kagandahan
Kunot noo ko syang pinagmasdan at ganon nalang ang gulat ko ng magkasalubong ang mga paningin at nagtama ang mga mata namin ng namulat ang mga mata nya.
” Anong Ginagawa mo?” Taas kilay nyang sabi saakin at masamang nakatingin saakin.
“huh? Wala! ”
Umayos ako ng upo.
Kita kong Kumuha sya ng salamin at nakita nyang sinulatan ko din ang mukha nya kaya galit syang lumingon saakin.
” Anong wala. Hoy.. Andrew tingnan mo nga ang ginawa mo sa mukha ko”
Nagulat ako ng banggitin nya ang pangalan ko.
“Sinasabi ko na nga ba kilala mo ako. I know nagkita na tayo.”
” Hindi ah.. nakita ko ung passport mo. Kaya alam ko ang pangalan mo.”
Mataray nyang sabi at pumunta ng CR para makaiwas.
🥀Tiffany POv
Muntik na nya akong mabuking. Kainis talaga. Bakit boung mukha ko pa ang sinulatan nya. Gusto mong maglaro sigi maglalaro tayo sa singgapore.
Bumalik na ako sa kinauupuan ko Matalim parin ang tingin ko kay Andrew.
“Oh.. bakit ka nakatingin ng ganyan. Ang sama ng tingin mo ah. Gusto mong gumanti?”
“wag kang mag alala hindi ako gaganti. Hindi ako isip bata na katulad mo.”
Umayos sya ng upo. Dahil mahaba haba pa naman ang biyahi nmin ay nag iisip ako ng mga plano.
Napansin Kung may isinusulat si Andrew.
” Anong sinusulat mo? ” Tanong ko sa kanya.
“mind on your business. ” Galit nyang sabi
Tinakpan ang sinusulat nya.
” sama ng ugali. Tinitingnan lang naman ”
Naisip ko na sulatan din ang sarili ko I mean yung isang nabubuhay sa pagkatao ko. Alam kong gigising yun mamaya kaya susulatan ko nalang sya.
“Dear ako!” Panimula kong isulat. Kita ko ang paglingon sa akin ni Andrew.
Malakas kasi ang pagkakasabi ko. At sinadya ko na talaga para marinig nya.
” O bakit nakatingin ka. Nagsusulat din ako. Mind own your business din. ” Ganti ko sa kanya.
Ipinagpatuloy ko ang pagsusulat ko.
“Pasinsya kana at winaldas ko nanaman ang naipon mong pera. ”
Rinig ko ang pagtawa nya
“Ano ba ang nakakatawa ?” Inis kong sabi
“Sinusulatan mo ang sarili mo? Para kang sera ulo” natatawa nyang sabi
“Anong paki mo?” Inis ko ding sabi
“wala! Bakit masama bang tumawa mag isa. ”
“Idi bal*w ka din kasi mag isa kang tumatawa. Sino na saatin ang bal*w ” ganti ko din sa kanya.
Hindi na sya kumibo at nag fucos na sya sa ginagawa at ganon din ako pinagpatuloy ko din ang pagsusulat.
Nang matapos kung isulat ay may dumaan na Stewardess kinAusap nya ito.
” excuse me. ”
“yes ma’am. ” Sabi ng Stewardess
“Can you help me to kept it in a minute this letter? When I woke up later. Can you gave me this Letter”
“Okey”
“Thank you”
Umalis na ang Stewardess at pansin kong nakatingin saakin si Andrew.
“pwede mo naman ilagay sa bulsa mo yung sulat. ”
” pagbinulsa ko baka diko na mataandaan na isinulat ko yun .kya siniguro ko na mababasa ng isa ko pang katauhan ang sulat ko sa kanya ”
” bal*w. ”
“Naniniwala kaba sa Multiple personality disorder? Ung dalawang ang personalidad mo pero magkaiba talaga”
“Bakit Ganon kaba? Dalawa ang personalidad. ”
” Sa maniwala kat sa hindi Oo. Dalawa kaming nabubuhay sa katawang ito. Pag ako natulog paggising ko hindi na kita kilala. Kasi iba na ang Identity ko.”
” kung ganon sinasapian ka ng masamang spiririto.”
” Hindi ako masamang spirito!”
” Oo dka nga masamang spirito dahil baliw ka. Nasisiraan ng ulo. Ang tawag sa ganong ugali Psych* bal*w”
Nainis ako sa mga pinagsasabi nya. Pero pinakalma ko lang ang sarili ko na wag makapanakit ng tao.
To be continue.
Sa nakaka alala po ng story na ito ay ako parin po ung author… Binago ko lang po ang “title ng story ” at mga character at pangyayari sa storyang ito. Magsisimula ulit ang bagong kwento sa bagong pangalan at character ni Tiffany.


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.