0

My BestFriend’s Husband Chapter 28


Report

#Mystery_Triller_Romantic_Drama
🥀Step POV
(Mabait na Stephanie)
Kinabukasan ay Nakalabas na ako ng hospital. Hindi ko na alam kong ano na ang mga sumunod na nangyari mula ng makatulog ako. Kung nagpakita ba si Tiffany kay Andrew kagabi. . Pero sa tingin ko nagpakita sya kasi pagkagising ko kasi hawak hawak ni Andrew ang kamay ko. Bigla tuloy akong nagtaka. May relasyon na ba sila ni Tiffany? Kasi kung wala bakit pag gising ko magkaholding hands na kami ni Andrew.
Ano ba itong naiisip ko.
Pagkabalik namin sa Mansyon ay sinalubong kami ni Lola.
“Magpahinga kana iha sa kwarto mo.”
Sabi ni Lola saakin
“upo lola.”
Pumasok na ako sa kawarto ko. Wala akong mapaglibangan kaya naisip kong ituloy nalang ang pag babasa ko sa Diary ni Megan.
“Dear Diary…. malungkot ako ngayon dahil pakiramdam ko hindi ako mahalaga kay Vensent mas pinapahalagahan nya ang kapated nya. Oo nagsisilos ako sa twing magkasama sila ako kasi yung napag iiwanan Hindi ko alam kung mahal ba talaga ako ni Venzent. ”
Bigla akong nagulat sa mga nabasa ko.
“Hala! May kapated pala si sir vensent. Sino kaya ang kapated ni Sir vensent. Mukhang maalagain talaga si Sir. vensent. Inaalala nga nya ako kahit d nya ako kapated. Bakit puro nalang kay vensent ang nakalagay bakit wala syang sinulat para kay Andrew? Kawawa naman si Andrew. Kung hindi nya mahal si Andrew bakit sya pumayag na magpakasal ?. Baka nman pinilit lang si Megan sa pagpapakasal. Tapos tumakas si Megan at dina nagpakita? Nakapagtataka talaga! ”
Bigla akong nauhaw sa pagbabasa ko kaya naisipan kong bumaba para uminom ng tubig.
Pagkalabas ko ay napatingin ako sa pintuan ni Andrew.
Nagulat nalang ako ng biglang may nagsalita sa likuran ko.
” Anong mayroon sa pintuan ko at titig n titig ka?” Pagtatakang tanong saakin ni Andrew
“Curious lang kasi ako.”
“Saan ka naman nacucurious? Sa pintuan ko?” Patawa nyang sabi
“Bakit ganon Nagmamahalan si Megan at vensent pero bakit ikaw ang pinakasalan ni Megan?”
Napatanong na ako sa kanya. Gusto ko lang kasing malaman amg tungkol don.
“Tinatanong paba yun. Pinakasalan ako ni Megan dahil mahal nya ako. ”
Pagyayabang na sabi ni Andrew
“Siguro? 3rd party ka sa pagmamahalan nila?”
Biglang ngumisi si Andrew
“Hindi ako ako naging 3rd party. At hindi ko kasalanan kung bakit naging malabo ang relasyon nila. Ang alam ku lang mahal na mahal ako ni Megan. Nababal*w sya saakin. Ganon nya ako kamahal”
Mayabang nyang sabi.
Ayaw kong maniwala sa mga sinasabi nya. Dahil ang mahal ni Megan si Vincent
“wala naman syang nabanggit na pangalan mo sa diary nya. Puro si vensent lang ang nasa diary.”
Sabi ko sa kanya para mawala ang kayabangan nya.
Pagkarinig nya sa sinabi ko ay napatingin sya ng masama saakin
” Paano mo nakuha ang Diary nya? Bakit mo pinapakia alaman ang mga gamit nya?” Inis na sabi ni Andrew
“Binasa ko lang naman ang Diary nya. Gusto ko lang naman kasi malaman kong may nababanggit sya tungkol sa pagkatao ko.”
“Ibigay mo saakin ang Diary nya!”
Galit nyang sabi.
“Oo na sandali. Kainis to! ”
Bakit ko pa kasi binanggit banggit yung diary. Hindi pa ako nakakalahati sa pagbabasa kainis
Bumalik na ako sa kwarto ko at kinuha ang Diary para ibigay kay Andrew
“ayan na ang Diary ” inis kong sabi at ibinigay kay Andrew
“Sa uulitin wag kang bumabasa ng diary na hindi sa iyo.”
Inis na sabi saakin ni Andrew. Ano kaya kong inisin ko. Para mas lalong mainis. Masubukan nga!
” Hinay hinay lang sa pagbabasa sa Diary na yan baka mawasak ang puso mo pag nabasa mo ang laman ng Diary.” Pang iinis kong sabi
“Hindi ko ito babasahin. . Itatago ko.”
Pumasok na sya sa kwarto nya. . Hindi ko alam pero kusang sinundan ng mga paa ko si Andrew papasok sa kwarto nya.
“Hoy! Bakit mo ko sinundan?”
Gulat na sabi ni Andrew.
“Maari mo ba akong kwentuhan tungkol kay Megan!” Lakas loob kung sabi sa kanya.
” Bakit ba gusto mong malaman? Hndi mo naman ako tutulongan sa paghahanap sa kanya. ” Inis nyang sabi saakin.
“Gusto ko lang malaman ang tungkol sa love story nyo. Kung paano kayo nagsimulang umibig sa isa’t isa. Curious lang kasi ako. ” Pamimilit ko sa kanya.
Isang malakas na buntong hininga lang ang ginawa ni Andrew
“Ayaw ko. Lumabas kana nga.!”
Kinaladkar pa ako ni Andrew para lang makalabas sa kwarto nya.
“Ang sama ng ugali mo. Paano ka naman nagustuhan ni Megan sa pag uugali mong yan.” Inis kong sabi
“Ang pag uugaling tu ang unang nagustuhan saakin ni Megan. ” Pagmamayabang pa nyang sabi.
“Hindi nakaka inlove ang pag uugali mong yan. ” Inis kong sabi.
“Watch your mouth. Alam ku inlove ka din saakin.” Mayabang nyang sabi.
Ako? Maiinlove sa kanya? Ang feeling naman nya.
“Ang kapal ng mukha mo ako inlove sayo. Asa kapa! Hindi ako maiinlove sayo. Bakit mo naman nasabi na inlove ako sayo? ” Inis kong sabi
“Dahil ganyan ganyan din si Megan noon saakin. . Ang kulit nya. Papansin lahat gagawin mapansin ko lang sya. At ganon ka ngayon. Kaya malamang may gusto ka saakin. Dahil nagiging linta kana lately katulad ni Megan.”
Ang yabang nyang magsalita. Kung makapagsabi na mahal na mahal sya ni Megan. Akala mo naman maniniwala ako! Kung mahal sya ni Megan di sana hindi sya iniwan ni Megan.
“Hoy hindi ako yung linta dito.. baka ikaw. Kahapon nga ayaw mong bitawan ang kamay ko. O sino na saatin ang linta.” Pang iinis kong sabi sa kanya.
” Hoy! Hindi mo ba naalala sinalba ko yang...


buhay mo at ang anak mo. Hindi mo ba alam na magpapakamat*y ang bal*w’ng si Tiffany.”
Nagulat ako sa sinabi ni Andrew. Naisip ni Tiffany na magpakamat*y pero bakit?
” Ano? Gusto nyang magpakamatay. Bakit? May problima ka sya?” Tanong ko kay Andrew baka may alam sya.
“Oo may problima sya. Gusto mo bang malaman. ”
Nilapit ko ang tinga ko kay Andrew para pakinggan mabuti ang sasabihin nya.
” Malala ang problima nya sa utak. dahil kung ano ano ang sinasabi. Sya daw si Megan. Nagpapatawa ba sya o ser* ulo. At ang malala magkapated daw kami. Diba bal*w lang ang magsasabi non. At dahil iisa lang kayo malamang bal*w ka din.”
Nang iinis nyang sabi saakin. Pinigilan kong wag mapikon.
“purkit bal*w sya, bal*w na din ako?”
“Malamang oo. dahil iisa lang nman kayo . Kaya malamang bal*w ka din.”
Pang iinis na sabi ni Amdrew
“Hindi ako bal*w. Ang sama nito. Jan ka na nga. ”
Pikon kong sabi. At pumunta na ako sa kusina para uminom ng tubig. Ano daw? Bal*w ako? Hindi pa ako bal*w
Nainis talaga ako.
Pagkatapos kong uminom ng tubig ay bumalik na ako sa kwarto ko at natulog na .
Isa nanamang masamang bangungut ang napapanaginipan ko.
Tumatakbo nanaman ako sa madilim na lugar at may humabol saakin na lalaki.
Nagmamakaawa ako sa kanya na pakawalan nya ako pero hindi nya ako pinakinggan. Sapilitan nya akong ibinabalik sa isang bodega.
Kita ko ang pagkasunog ng lugar na iyon. Humihingi parin ako ng saklolo.
Rinig ko ulit ang isang familyar na busis. . Tinatawag nya ang pangalan ko.
Kita ko ang isang babai sunog na sunog ang katawan. Humihingi ng tulong. Palapit sya ng palapit saakin. Hindi ko magawang tumakbo dahil hindi ako makagalaw.
Gusto kung sumigaw pero di naman ako makasigaw. Pinipilit kong sumigaw ng malakas pero diko magawa.
Pero napasigaw nalang ako ng biglang nasa harapan ko na ang babaing nasusunog.
🌺Tiffany POV
Nagising nalang ako sa isang masamang bangongot. Nanginginig ang boung katawan ko sa panaginip na iyon. Takot na takot ako. Lagi ko nalang syang napapanaginipan.
Hindi ko mapigilang umiyak dahil sa setwasyon kung ito. Oo aaminin ko nagsisisi ako sa mga nagawa ko.
Pero ayaw ko na monang isipin yun ang mahalaga kasama ko ngayon si Andrew. Sya lang ang nagpapagaan sa loob ko ngayon. Kahit mali itong ginagawa ko wala akong paki alam. Makasama ko lang si Andrew
💙Andrew POV
Biglang naputol ang tulog ko dahil rinig kung may kumakatok sa pintuan ko. Kaya bumangon ako para buksan ang pinto.
“Sino bayan?” Antok na antok pa ako sa mga oras na ito. Sino ba kasi ang isturbong ito.
Binuksan ko na ang pinto. Laking gulat ko nalang ng buksan ko ang pinto dahil bigla akong nyakap ni Stephanie. Hindi ko alam kung sino ang nasa katauhan ni Stephanie ngayon Si step ba o si Tiffany.
“Ano ang nangyayari sayo. May nangyari ba? ” Tanong ko sa kanya
“Binangungot ako.” Natatakot nyang sabi at lalo nyang hinigpitan ang pagkakayap nya sa akin.
” Bangungot lang yun. Bumalik kana sa kwarto mo.”
Pinipilit kong kumawala sa pagkakayap nya saakin. Pero mas lalo lang nya itong hinigpitan.
“kahit bangungot yun Natatakot parin ako, ayaw kong bumalik sa kwarto. Natatakot akong Mag isa, baka mapanaginipan ko naman sya. ”
“Ano ba bitiwan mo na nga ako.”
Ayaw parin nya akong bitawan.
“Natatakot talaga ako. Ayaw kong mag isa sa kwarto. Dito lang ako sayo please. ”
“nakalimutan mo nanaman bang uminom ng pam pakalma mo.”
“Hindi kona yun pweding inumin, dahil yun daw ang nakasama sa bata kaya hito bina bangungot nanaman ako. Pwedi bang dito mona ako. ”
Nag mamakaawa nyang sabi
“Hindi pwedi, ayaw ko. ”
“Kahit ngayong gabi lang please.!”
Pamimilit parin nya sakin.
Bigla syang bumitaw sa pagkaka yakap saakin at nagmadaling humiga sa kama ko.
” Ano ba! Umalis kanga sa kama ko. ” Inis kong sabi.
“Dito mona ako matutulog sa ayaw at sa gusto mo.”
Umayos sya sa pagkakahiga at nagtago sa kumot ko.
Napakamot nalang ako sa ulo.
“Kainis naman tung babaing tu? ”
Kumuha ako ng unan sa kama ko at napilitan akong nahiga sa sofa.
Napansin naman yun ni Stephanie. O kung sino man sya.
” Malaki naman ang kama pwede ka naman dito. ” Yaya nya saakin.
“Ayaw ko.. matulog ka mag isa jan.. dito ako matutulog.. baka kasi may gawin kang masama sa akin..”
“wow… tlaga?? ako pa talaga ang may balak na masama.. iwan ko sayo.. bahala ka kung jan ka matutulog.. sigi Good night..”
Mataray nyang sabi
Sa pag uugaling yan. . Malamang siya si Tiffany. Bal*w talaga sya.
“Ikaw ba yan Tiffany?” Tanong ko sa kanya.
“Oo ako nga ito. Kaya wag kang mahiyang tumabi saakin. ”
Pang aasar nyang sabi. Bal*w talaga sya.
“Iwan ko sayo. Matulog kana diyan. Baka bangungotin ka pa jan ulit.”
Nahiga na ako sa sofa. . Kaya lang hindi ako makatulog hindi kasi ako comportabling mahiga sa sofa.
Inis akong lumingon sa kama ko. Himbing na himbing na sa pagkakatulog si Tiffany. Nainis talaga ako. Sa twing si Tiffany ang susulpot kung ano ano ang ginagawa. Anong trip nya? Bal*w talaga sya kahit kailan..
“Paano ako makakatulog nito. ”
Naisip ko ding mahiga sa sahig pero hindi parin ako komportable.
Napalingon ako ulit sa kama ko. Malaki pa naman ang space kaya pweding pwedi naman kong mahiga doon.
At saka kama ko naman yun eh. Bahala na nga basta matutulog na ako sa kama ko. Wala naman sigurong masamang mangyayari.
Nahiga na ako sa kama ko. At natulog na.
To be continue.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.