0

My BestFriends Husband Chapter 13


Report

#Mystery_Triller_Romantic_Drama
🧑🏼Vincent POV
Habang nagmamaniho ako natanggap ako ng tawag mula kay Chairwomen na kailangan konang sunduin sina Stephanie at Andrew pabalik sa mansyon. . Wala akong nagawa sa plano kong ilayo si Stephanie kanina naduwag ako ng makita ko si Stephanie.
Sasabihin kona sana sa kanya ang totoo pero bakit naduwag ako. Bakit naduduwag akong sabihin sa kanya ang katutuhanan? Ang tungkol saamin. Gusto ko syang ilayo pero paano kung ayaw nyang sumama saakin na magpakalayo layo.
At ngayon kailangan na nyang bumalik sa pangangalaga ng mga Garcia. Wala parin akong magawa para gumawa ng paraan.
Hihintahin ko nalang na bumalik ang alala ni Stephanie bago kami umalis at magpakalayo layo.
Katatawag lang saakin ngayon ni Andrew na sunduin sya sa Police station. Ano nanaman kaya ang ginagawa nya doon. Kahit kailangan sira ulo talaga ang lalaking yun.
Nakita ko syang nakaupo at naghihintay.
” long time no see. Hindi ko inaasahan na saakin ka lalapit ng tulong.” Pang iinis ko sa kanya .
Hindi talaga maganda ang trato namin sa isat isa. . Simulat simula pa ng mga bata pa kami.
“I have no choice! Kahit si papa ang tawagan ko. Ikaw rin naman ang papupuntahin nya dito.”
“bakit ka nga pala nandito?”
“Yung babaing yun kasi. Hindi ko sya mapapatawad sa ginawa nya saakin. , nireport pa ako sa pulis akalain mo wanted daw ako kaya nereport ako.
Bigla akong natawa sa kwento ni Andrew. . Kung sir* ulo si Andrew mas bal*w naman si Stephanie. Tsk
“Sigi pagtawanan mo ako. Pag ako nakahanap ng katawa tawa sayo pagtatawanan din kita.” Pikon nyang sabi.
” umowi kana . Wag kanang babalik sa bahay na yun. .”
” ayaw ko! Hindi ako aalis sa bahay na iyon. Kilala nya si Megan kaya babalik ako sa kanya. Hahanapin namin si Megan. Mapipilit ko din sya na sabihin saakin kung nasaan si Megan”
“Hindi mo na sya kailangang pang balikan dahil susunduin kona sya mamaya . Doon na sya titira ! Kaya umowi ka na sa mansyon.
“anong ibig mong sabihin na doon na titira ang babing yun. Bakit kilLa mo rin b sya?”
“Hindi mo ba sya maalala? sya si Stephanie your ex Fiancee. Hindi naman kita masisisi kung hindi mo sya matandaan. Hindi naman talaga kayo madalas magkita noon kaya hindi ka masyadong familiar kay Stephanie ”
“Akala ko ba patay na sya dahil sa pagsabog sa bday party ni Hena?”
“Yun din ang alamam namin. Pero Nakaligtas sya hindi sya nakabalik saatin dahil nawalan sya ng alala. Dahil nagkaroon sya ng amnesya”
“ah! Kaya pala pamilyar mukha ng babaing yun. Ang bal”w nayun ang taga pagmana? Akalain mo pinagtagpo talaga kami? ”
“Sigurado ka bang naalala nya si Megan?”
” oo. Sigurado akong kilala nya. Ayaw nga nyang sabihin eh. Kaya kukulitin ko sya ng kukulitin hanggang sa sabihin na nya saakin ang nalalalaman nya sa pagkawala ni Megan.”
Bigla akong nagtaka sa sinabi ni Andrew. Nagpapanggap lang ba syang may amnesya?
Pero bakit sa twing magkikita kami parang hindi nya ako kilala? Masama ito
Ibabalik ko ba sya sa Mansyon o magpapakalayo layo nalang kami ni Stephanie?
Bakit kasi nagtagpo pa ang mga landas nila.
Bakit ba pinaglalapit sila ng tadhana kahit di naman talaga sila pwede. .
Hindi ko na alam kung ano ba dapat kung gawin. Ilalayo ko ba sya o ibabalik?
Kung ibabalik ko sya ipapakasal sya kay Andrew. At yun ang hinding hindi ko mapapayaga na mangyari. Ayaw kung mangyari ang bagay na iyon hindi dapat matuloy ang naudlot na lagpapakasal nila.
Kung ilalayo ko naman sya mawawala na parang bola ang pinaghirapan ko sa companya. Kainis
Ang gagawin ko nalang babantayan nalang ang bawat kilos ni Stephanie.
Yun ang kailangan kong gawin para lang maprotiktahan sya.
🥀Step POV
(Ang mabait na Stephanie)
Sa wakas nakauwi narin ako. At wala na rin ang tukm*lna iyon. Nakakulong na kaya sya ngayon?
Wag ko na nga syang isipin pa ang kailangan kung isipin ay makaipon ng pera.
Habang inaabala ko ang sarili ko sa paglalaba ng mga damit ko ay narinig kung may kumakatok sa pinto.
Kaya binuksan ko ang pinto laking gulat ko ng makita kong nasa harap ng pintuan ko ung gwapong lalaki na nambast*s saakin kagabi.
Ano nanaman kaya ang ginagawa nya dito sa bahay ko? Akala ko ba hindi nya ako kilala at nagkamali lang sya kagabi?
“Sir? Ano ho ang ginawa nyo rito? Paano mo nalaman ang bahay ko, kung hinahanap mo si Andrew yung tukmol na iyon, wala na sya dito doon mo nalang sya puntahan sa presento.”
Kinakabahan kong sabi
” Hindi sya ang pinuntahan ko dito. Kundi ikaw. Kailangan mong sumama saakin”
Hito nanaman sya gusto nanaman nya akong pasamahin. Saan at bakit?...


Sa presento ba? Baka may nawala syang pera sa pitaka nya at ako ang pinagbibintangan
” Bakit naman ako sasama sayo? Wala akong kinuha sa pitaka mo. Promise po wala po talaga akong kinukuha sa pitaka nyo.”
Biglang natawa naman ang kumag na ito. May nakakatawa ba sa sinasabi ko.
“No its not that. hindi naman yun ang ipinunta ko dito. Kaya kita pinapasama dahil sinusundo na kita kailangan monang bumalik sa dapat mong kalagyan. ”
“What do you mean na dapat kong kalagyan?”
“I mean.. ikaw ang nagiisang Apo ng mga Salvador kaya ibabalik na kita. Ikaw ang taga pagmana ng Silver Hotel. ”
” kilala mo ang mga magulang ko? ”
“Oo kaya come with me!”
Dapat ko ba syang pagkatiwalaan? Paano kung manluluko pala ang mukong na ito di ako naman ang kawawa? Pero mukha naman syang matinong tao. Pero hindi ko parin sya pweding pagkatiwalaan.
“Hindi ayaw ko. Ayaw kung sumama sayo. ”
“Trust me! Stephanie Hindi ako masamang tao. Kung ako lang sana ang masusunod hindi kita pababalikin doon. Pero kailangan kang bumalik at kunin ang dapat sayo.”
“Sorry pero ayaw kung magtiwala sayo. Kaya makakaalis kana! ”
Isasara ko na sana ang pinto kaya lang nagpumulit syang wag ku yun isara.
Kaya lang ay nag pumilit syang buksan yun.
“Stephanie makinig ka saakin.”
Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo kaya nabitawan ko ung pinto kaya napagsak ako sa sahig at nawalan ng mal*y.
******
🥀Tiffany POV
(Ang mapaghiganting Stephanie)
“Stephanie Are u okey?”
“Yah im okey. Dahil gising na ako.”
May po*t at gal*t na tuno ko sa kanya.
” sorry hindi ko sinasadyang itulak ang pinto.”
“pagbabayaran nyo ito ng malaki.”
( Masama ang tingin ko sa kanya. Dahil hindi ko mapigilan ang sarili na wag magalit. . Galit na galit ako sa kanilang lahat at ngayong gusto na nila akong pabalikin. Humanda silang lahat sa pagbabalik ko.
“anong ibig mong sabihin? Stephanie?”
Bigla akong tumawa
“Nagbibiro lang naman ako, natakot kaba?”
Pabiro kung sabi dahil kita ko sa mga mata nya ang pag alalala at takot dahil sa naging reaksyon ko.
Tinulongan nya akong itayo.
“kinabahan ako sa sinabi mo. Hindi ako masamang tao. ”
“Alam ko”
( Mataray kung sabi)
” kung ganon bakit ayaw mong sumama?”
“Sigurado kabang gusto mo akong pabalikin? Nanahimik na ako mula ng sumabog ang hotel . Alam kung hindi accedente ang nangyari sa gabing yun, kung sasama ako baka ipapat*y nanaman ako.”
” Naalala mo ang nangyari?”
Bakas sa mukha nya ang pagkagulat
“yun lang ang naalala ko. Pati nga ikaw diko narin kilala. Sino ka nga ba sa buhay ko? ”
Natigilan siya? Sasabihin kaya nya?
Matagal bago nya ako sinagot. . Mukhang nag iisip pa sya kung sasabihin nya kung ano talaga ang relasyon naming dalawa.
” I’m Vensent. k-kaibigan mo. Im your Best friend”
Bigla akong natawa sa reaction nya nauutal ba sya?
“O bakit ang hirap mong sabihin yun? Kaibigan lang naman pala. Akala ko pa naman kung ano na ang relasyon nating dalawa. Wala nga ba talaga? ”
“W-wala!”
“Okey! Kung wala talaga! Sigi naniniwla ako sayo. Mukha ka namang mapagkaka tiwalaan. sasama na ako sayo. ”
Mataray kung sabi.
“Lets Go!” Yaya ko sa kanya
“Hu!?”
“Diba susunduin mo ako kasi ibabalik mo ako sa dapat kung kalagyan. O di tara na. . Ano pa ang hinihintay mo? Baka magbago pa ang isip ko. ”
“Lets Go!”
Sumakay na kami sa kotse nya.
Matagal na panahon narin na hindi kami nagkikita ni Vincent. Gusto ko syang yakapin kaya lang galit parin ako sa kanya at sa bou nyang pamilya.
” Sino sino ang naghihintay saakin doon?”
Mataray kung sabi.
“Are you sure na nawala talga ang alaala mo? ”
” Curious kaba? Kung nawala talaga ang alaala ko? Sabihin na nating kukunti lang ang naalala ko. Bakit ayaw mo bang may maalala ako?”
Mataray ku nanamang sabi na may poot at galit
“Hindi naman yun ang ibig kong sabihin. Nagtatanong lang ako kung talagang wala kang naalala.”
“Kukunti lang naman pero wag kang mag alala sisikapin kung maalala ang tungkol saating dalawa. ”
“No need hindi mona kailangan pwersahin ang sarili mo na maalala ang tungkol saatin. ”
“Ayaw mo di wag! Ikaw ang bahala.”
Malapit na kami sa dumating pero bakit nahihilo ako? Lalabas na ang step ngayon. Wag mona please wag ka monang lumabas. . Pero huli na ang lahat nagising na ang Isa ko pang katauhan na si Step.
To be continue.
Sino nga ba talaga si Vincent sa buhay ng ating bida na si Stephanie?
Ano nanga ba ang lihim sa pagkatao ni Stephanie. Kung bakit may dalawa syang katauhan?
Sino nga ba talaga si stephanie??
Yan ang dapat nyong abangan sa mga susunod na chapter.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.