1

MY BESTFRIEND, MY HUSBAND PART 2


Report

🌺🌺🌺🌺CHAPTER TWO🌺🌺🌺🌺
Minsan Nagulat sina Crizelah Lily at Calvin nang sabihin ng mga magulang nila na kailangan nilang makasal upang mapangalagaan ang interes at investment ng pamilya del Rio at pamilya Wo.
“Pero mommy hindi pa ako handang mag-asawa,” katwiran ni Crizelah Lily sa ina.
“Tita, Tito, mama, papa bakit n’yo naman kami binigla?” si Calvin.
“Ano bang ikinatatakot n’yo?” si Mrs. del Rio.
“Sa isang linggo idadaos ang kasal n’yo,” wika ni Mr. Wo.
“Huwag kayong mag alala inayos na namin ang lahat,” wika naman ng mama ni Calvin.
“Ang gagawin n’yo lang ay ihanda ang inyong mga sarili,” si Mr. del Rio.
Isang malaking hamon para sa dalawa ang bagay na iyon.
“I’m sorry, Crizzy, “si Calvin.
“Bestfriend kita diba Calvin? Papayag akong pakasal sa iyo pero mangako ka sa akin na ako pa rin ang magpapatakbo ng buhay ko.”
“Crizzy…”
“Huwag kang mag-alala hindi rin kita papakialaman. Hindi pa lang talaga ako nakahanda sa ganitong buhay.”
Sumapit ang araw ng kasal nina Crizelah Lily at Calvin. Sa isang class na resort na pag-aari ng mga Valle iyon ginanap. Ilang mga piling malalapit na kaibigan lang ng pamilya ang inimbitahan niya. Matapos iyon ay magkasama silang nagtungo sa America para sa kanilang honeymoon.
Pagdating sa San Francisco nang nasa bahay na sila na pag-aari ng pamilya Wo na sila Crizelah Lily at Calvin ay may namumuong kaba sa dibdib ng dalaga. Noon niya tinawagan si Coleen ang pinaka-close friend niya.
“Hoy gaga bakit hindi mo man lang sinabi sa amin na ikakasal na kayo ni Calvin, nag-deny ka pa noong gabi, kaibigan daw,” may tampo sa tinig na iyon ni Coleen.
“Teka paano mo nalaman?” Nagtatakang tanong ng dalaga sa kaibigan.
“Sa magazine,” tugon ni Coleen.
“Coleen, ang totoo ang kasal na namagitan sa amin ay kasunduan lang ng aming mga magulang, hindi naman namin mahal ang isa’t-isa...


eh.”
“Oh maniwala ako! Ikaw? Hindi yata ikaw ang tipo ng tao na susunod sa kagustuhan ng iba. Aminin mo na mahal mo rin siya. Aba napakagaga mo naman kung hindi mo kayang mahalin ang isang tulad niyang perfect ideal man ng lahat ng babae.”
Noon naman biglang na-lowbatt ang cellphone na gamit ni Coleen. Napabuntong hininga na lang si Crizelah Lily matapos ang pakikipag-usap na iyon sa kaibigan.
Noon naman lumabas galing bathroom si Calvin. Bagong ligo ito. Naka-robe lang ito. Amoy na amoy niya ang mabangong masculine scent ng lalaki. Bigla siyang napa-urong.
“O bakit parang nakakita ka ng multo?” tanong ni Calvin.
“Hindi tayo magkatabing matutulog diba?” Tanong ni Crizelah Lily sa lalaki.
“Nakakapanibago ka naman, noong hindi pa tayo ikinakasal gusto mong tumabi sa akin sa pagtulog pero ngayon tila ayaw mo na,” nakangiting wika ni Calvin.
“E kasi…”
“Naiilang ka sa akin ano?” pilyong tanong ni Calvin.
“Hindi ah! Bakit naman ako maiilang? Naisip ko lang kasi na baka hindi ok sa iyo,” pinilit na rin ni Crizelah Lily na ngumiti sa lalaki para itago ang lihim na kaba na kanina pa niya nararamdaman.
Matapos magbihis ay nahiga na si Calvin.
Balewalang tinabihan iyon ng babae.
“Akala mo maiilang ako sa iyo?”
Natawa si Calvin nang marinig ang sinabi ng babae nang kapwa nakahiga na sila. Napalagay na rin ang loob niya nang matagal na silang magkatabi at nag-uusap.
“Crizzy may hihilingin ako sa iyo.”
“Ano iyon?”
“Ayokong makikipag-lapit ka pa sa kung sinu-sinong lalaki.”
Napabalikwas ng bangon si Crizelah Lily.
“Calvin akala ko ba nagkakaintindihan tayo.”
“Akala ko kaya kong ibigay ng lubos ang kalayaan mo pero hindi pala lalo na at sangkot ang ibang lalaki. Kasal na tayo, asawa na kita.”
Iyon ang naging simula ng mga bagay na hindi nila pinagkasunduan. Noon nila napatunayan na kapwa sila hindi makakayang sundin ang pangako sa isa’t-isa.


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.