0

MY AMNESIA WIFE CHAPTER 6


Report

🥀CHAPTER 6:True Feelings🥀
🥀Alliyah Majandra POV🥀
Ang hirap magkunwari.Na ayos lang ang lahat.Na tapos ka ng masaktan.Na nakalimot ka.Na napatawad mo na siya.Na ayos na ulit kayo.
“Hon are you okay?”Tanong niya sakin habang nagdadrive.Nasa passenger seat ang anak namin.Naglalaro ng gadget.Kaya tahimik lang.
Papunta kami sa mansyon ng mga magulang niya.Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likod non.
Parang ang hirap na ulit magtiwala at maniwala sa kanya pagkatapos ng ginawa niya sakin noon.Natatakot lang ako na masaktan ulit.Hindi nako dapat mahulog sa kanya.
“Minahal mo ba siya?”Napatingin siya sa akin.Binigyan niya ko ng nagtatakang tingin.”Si Carla minahal mo ba siya?Ginusto mo ba kong lokohin noon?
Kinakabahan ako sa magiging sagot niya.Ano bang pagkukulang ko sa kanya noon?Bat niya ko nagawang gag*hin?
“Ofcourse not ikaw lang ang minahal ko.Pwede bang wag na natin siyang pag-usapan.Makakasama lang sayo.”
Ang galing niyang umiwas sa usapan!Gusto ko lang naman na magsabi siya ng totoo.Sobra bang hirap non?
Nakarating na kami sa mansyon nila.Hindi pa rin nagbabago.Ganon pa rin ang ayos.
Ng makita ako ng ilang katulong ay parang nabigla sila.Mukhang hindi nila inaasahan.Nginitian ko lamang sila.
“Where’s mom?”pagtatanong niya sa katulong.Nasa sa tabi ko si Charlene at hawak ko ito sa kamay.Naging masyadong clingy ang anak ko.
“Nasa kusina po.Naghahanda po para sa pagdating niyo.Si sir Mike naman po nasa garden.”Diretso retsong sagot nito.
Nagpunta kami sa kusina.Naabutan namin doon ang mommy niya.”Grandma!Were here po.”Napangiti na lamang ito.
Hindi pa rin nagbabago si Tita Marian ang ganda niya pa rin.Hindi na ko magtataka kung bakit ganun kagwapo si Mike at ang asawa ko.
“Marco son ! Im glad you visit at kasama mo na ulit ang asawa mo.Nasabi na sakin ni Mike na wala siyang maalala.”
“That j*rk!”inis nitong sabi.Napairap na lang ako sa hangin.Kung tutuusin mas mabait at maayos sa kanya si Mike.
Pinatulong niya ko sa pagluluto.Si Charlene naman at Marco ay umakyat muna sa taas dahil magpaplay daw sila ng piano.
“So how was it?Are you happy fooling my son?”Nagulat pa ako sa sinabi nito.Muntik ko ng mahiwa ng daliri ko.
“Hindi ko po alam ang sinasabi niyo.”Matalim ako nitong tinignan.Hindi naniniwala sa akin.
“Pretending that you have an amnesia.Sinabi sa akin ni Mike ang lahat. Is this some sort of revenge?”
Nakakatakot siya.Bakit siya galit?Dapat nga sa anak niya ako magalit!Sabagay paborito niyang anak si Marco!Mabuti ito lagi sa paningin niya.
“I will not allow you na saktan mo ang isa sa mga anak ko.But Im glad your back.Matitigil na ang Carlang yon!”May galit rin pala ito kay Carla.
Pagkatapos siyang tulungan ay agad akong umalis doon.Kailangan kong makalanghap ng sariwang hangin.
“Ayos na kayo?”Bahagya pa akong nagulat ng biglang marinig ko ang boses ni Mike.Sinabi nga pala nga pala ng katulong kanina na nandito siya.
“Bat mo sinabi sa mommy niyo?Akala ko ba sikreto lang natin?”may halong inis kong sabi.Malaki ang tiwala ko sa kanya kaya di ko inaasahan na magagawa niya yon.
Lumapit lang ito sa akin at hinawakan ang kamay ko.Agad ko namang binawi iyon.Masyado siyang showy.Ipinapakita niya talaga na gusto niya ko.
Wala akong kahit anong nararamdaman sa kanya at oo mahal ko pa si Marco.Mahal ko pa ang kapatid niya.Mahal ko pa ang asawa ko.
“Alliyah I like you.Iwanan mo na si kuya Marco sumama ka na lang sa akin.Aalagaan ko kayo ni Charlene.Hindi kita sasaktan.”Bigla niyang sabi.
“Ano bang sinasabi mo?”Takang tanong ko bigla naman siyang tumawa.”Ang bilis mo namang maloko,joke...


lang.”Sabi nito at tumawa pa ulit.
Hindi ako naniniwala na biro lang sa kanya yon.May emosyon sa mga mata niya.Sinasabi niya ang kanyang totoong nararamdaman.
Pumasok ulit ako sa mansyon.Nabangga ko pa si Marco at hindi niya kasama ang anak namin.Mukhang mag-isa na itong nagpapiano.
“Hon,san ka nagpunta?”Nagtatakang tanong nito sa akin.”Diyan lang nagpahangin.”Sabi ko at tsaka ngumiti.
Niyakap niya lang ako at yumakap din ako pabalik.Sinungaling ako kung sasabihin kong ayaw ko ang yakap niya.
🥀Mike POV🥀
Habang pinapanood silang magkayakap ay sobra ang bw*sit ko.Ang swerte mo kuya!Mahal ka pa rin ni Alliyah.
Lahat nalang sila hanga sayo!Ikaw ang paborito ng lahat.Sabagay alam ko naman ehh ampon lang ako.Ikaw ang tunay na anak!
Bakit ba ang dali ng lahat para sayo?!Your the best nga pala.Pero hindi. Hindi dapat ,gagawin ko ang lahat para iwan ka ni Alliyah.
Sabagay wala nga palang nakakaalam na na ako ang nagsabi kay Carla na ak*tin ka para matukso ka at ng magawang mong lokohin si Alliyah!
Akin dapat Alliyah ! Sakin dapat siya.Sabagay hindi lang naman ako ang may gusto na maghiwalay kayo pati si Carla!B*liw na b*liw sayo ang babaeng yon.
Haha tignan ko na lang kung di ka tuluyang iwan ni Alliyah sa pangalawang pagkakataon kapag nagawa mo na naman siyang lokohin dahil kay Carla!
🥀Carla POV🥀
Bw*sit na Mike yon daming utos!Ano bang nagustuhan non kay Alliyah.Oo nga pala nachika rin nito sakin na wala pala talagang amnesia ang babaeitang yon!
“Hoy bakla!Sino na namang aak*tin mo ha?wag ka na umasa mas makamandag ang ganda ni Alliyah kaysa sayo!”
“Well sinisigurado kong iiwanan siya ng asawa para sa akin.Mas magaling ako sa lahat ng bagay lalo na sa kama.”Sabi ko at kumindat pa.Tumawa lang ito.
Nagpunta ako sa kompanya ni Marco.At sayang ang pag-aayos ko dahil wala siya.Kasama niya na naman si Alliyah!Bumisita daw sa mansyon ng mga magulang.
“Hay ano ba yan ang l*ndi at ang kati.Ipinipilit ang sarili sa taong ayaw naman sa kanya.Mas maganda naman si Ma’am Alliyah.Daig pati ng simple ang sexy.”Rinig kong bulong ng isang empleyado.
“May problema ka sakin?At bakit ba kayo humahanga kay Alliyah?wala yong kwenta kumpara sa akin.At kayo inggit lang sa akin dahil maganda ako.”Sabi ko pa sabay irap.
“Wag ka na hong babalik!Lalo kapag nandito po si sir.Ipakakaladkad po kayo non palabas ng kompanya!Hindi po nun ipagpapalit si Ma’am Alliyah!”
Tumawa pa sila.May araw rin kayo sa akin!Makikita niyo .Magiging akin si Marco.Mga walang kwenta!Hindi naman magaganda!Mga hampas lupa.
🥀Marco POV🥀
Iba ang tingin niya sa asawa ko.Wala kong pake kahit na kapatid ko siya di ko siya s*santuhin!Magkakagusto lang siya kay Alliyah pa?Sa asawa ko pa?
Nakakainis dahil napapatawa niya ang mag-ina ko!Kinukuha niya ang loob ng mga ito.Para saan para makuha niya sila sa akin?I will not let that happened.
“Daddy pwede ba kaming sumama ni Mommy kay Tito Mike bukas?”malambing na tanong nito sa akin.
“Hindi pwede baby don tayo sa company ng daddy mo bukas.”Siya na ang sumagot para sa akin.Alliyah have really change.
“Talaga daddy?pwede kami don ni mommy?”Tumango lang naman ako kayang tuwang tuwa ito.Napangiti nalang din siya dahil masaya ang anak namin.
“I love you hon.”sabi niya sa akin habang kalong ang anak namin.Ako ang nagdadrive pauwi na kami sa sarili naming mansyon.” I love you more”
The only thing that I know para hindi na siya makuha ng kahit sino sa akin was to impregnate her.I love her.I love her so much


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.