0

MY AMNESIA WIFE CHAPTER 5


Report

🥀CHAPTER 5:Happy Family🥀
Pagkatapos ng nangyari sa kanilang mag-asawa ay umakto pa rin siya ng normal. Hindi niya ito iniiwasan o ano dahil mahahalata lang siya nito.
“Ma’am ang blooming mo ngayon ha. Nadiligan ka noh? Aminin. Wala ka sa kwarto ng anak niyo noong isang gabi.”
Hindi niya alam ang isasagot sa katulong. Kilala niya na ito sa pagiging madaldal. Ewan niya ba pero hinayaan niyang mangyari yon.
“Si Marco nasaan?”Pagtatanong niya dito tungkol sa asawa. Ngumiti muna ito ng nakakaloko bago sinagot ang kanyang tanong.
” Edi nasa company niyo. Sa trabaho. Ayiee namimiss niyo na noh? Mahal mo pa rin talaga si Sir. “Muntik niya ng maibuga ang iniinom na tubig dahil sa sinabi nito.
” Ako mahal ko pa? “Tinuro niya muna ang sarili.” Hindi na noh!”May diin niyang sabi.Kaya tumawa lang ito.
” Ma’am Alliyah stop me! Hindi niyo ko maloloko. Mahal niyo pa rin siya. Saka nagbago na naman si Sir Marco eh.Sigurado naman ako mahal ka pa rin niya. ”
” Hindi, hindi na yun magbabago. Once a cheater will always be a cheater!Always remember that. At kung talaga ng mahal mo ang isang tao di mo siya magagawang lokohin. ”
Mag-uusap pa sana sila ng makarinig sila ng sigaw mula sa labas ng mansyon. May mal*nding babaeng nageeskandalo.
At si Carla iyon! Mabuti na lang at tuloy pa ang anak niyang si Charlene. Hinahamon talaga siya ng babaeng yon. Sobrang k*pal ng mukha.
” Anong ginagawa mo dito sa labas ng pamamahay ko? Di ka na ba nadala? Gusto mo na naman pagpiyestahan ng media?” May halong insulto na sabi niya dito.
“Wag ka na umasa Alliyah ako na ang mahal ni Marco. Ako na ang mahal ng asawa mo. And you know what kapag bumalik na ang alaala mo babalik din lahat ng sakit sayo.” Napakuyom siya ng kamao dahil sa sinabi nito.
“Owws talaga ba huh? Alam mo kahit wala akong maalala. Ayaw kong makuha ng iba kung anong sa akin! At isa pa kung talagang totoo ang sinasabi mong mahal ka niya bakit di ka man lang niya pinatira dito sa mansyon noong nawala ako huh?”
Kaya natahimik ito. Ang mga katulong naman ay tumawa lang at pinalakpakan siya.” Winner ka ma’am wag kang papatalo sa mal*nding kabet na yan! “Tinuro pa talaga nito si Carla. Kaya napangisi na lang siya.
“Guard ilabas niyo ang babaeng yan! Wala akong kaibigang ah*s at kung pwede lang sana dalin niyo sa zoo para makasama ang mga kalahi niya.” Sabi niya sa kararating lang na guard.
“Sorry po Ma’am ayaw pong papigil ihh. Nagpupumilit.” Paghingi nito ng tawad. Tumango na lamang siya saka ngumiti. Mabait talaga siya sa mga tao kaya ganun din sila sa kanya.
“Alam mo bw*sit ka talaga sa buhay ko! Sana kasi namatay ka na lang. Sana kasi tuluyan ka nalang nawala! Sana di ka na lang nakabalik.” Hirit pa nito sa kanya.
“Sana may gamot na diyan sa kakat*han! Humanap ka ng sayo at wag mong kunin ang sa akin. Magpabasbas ka na rin sa simbahan para mawala ang espiritu ng kal*ndian sa katawan mo.” Balik niya naman dito.
Sa kahit anong laban hindi na siya magpapatalo. Lalo na kay Carla! “How dare you!You b*tch.Walang kwentang asawa.”Sigaw pa nito kahit hawak na ng guard ang mga braso.
“Kuya bitawan niyo muna nga yan.”Kaya binitawan agad ito ng guard.Walang kadala dala talaga eh.”Ilabas niyo si Dolly!”tanong niya sa mga katulong.Mahilig kasi siya sa mga aso kaya nag-aalaga siya ng mga ito.
“Maam eto na po.”Sabi ng isang katulong.Dala nito ang aso niyang si Dolly.Ang pinakapaborito niya.”Ano Carla aalis ka na ba ha?”Napalunok naman ito.
“Do you think na matatakot ako mong yan?Sayo nga hindi eh!Its just a dog.At katulad mo wala yang kwenta.”Hirit pa nito sa kanya.
Agad niyang kinuha ang aso sa katulong.”Wait lang pinakain niyo na ba si Dolly?”Umiling naman ang kasambahay.Napangisi na lamang siya.
“Dolly gusto mo bang mag almusal ng babaeng esk*ndalosa at assumera na mang-aagaw pa ng asawa?”Tumahol naman ang aso.Pero na kay Carla ang titig nito.
“Ma’am baka po mangagat yan .Sa inyo lang po kasi sumusunod yan eh.”Kinakabahang ani ng isang katulong.Baka natatakot para kay Carla.Ang laki kaya ng aso niya.
“Don’t you dare Alliyah.Idedemanda kita!”Mukhang natatakot na ito sa itsura pa lamang ng mukha.
“Kaya umalis ka na!Di ako magdadalawang isip na ipalapa ka at wag ka ng babalik!Isa pang balik mo dito sa tigre na kita ipakakain!”sigaw niya dito.
Agad naman itong naglakad paalis.Pero nag-iwan muna ng salita.”Hindi pa tayo tapos Alliyah!Iiwan ka rin ni Marco para sa akin!”hirit pa nito.
“Ang k*pal talaga ng mukha ng babaeng yon Ma’am “bulong pa ng isang katulong.”Ang kapal talaga.”bulong niya naman.
“Sir Marco nasa labas po si sir Mike gusto daw po kayong makausap.”sabi ng kanyang sekretarya.Sinabi niya naman na papasukin ito.
“What are you doing here dear brother?”diretsahan niyang tanong dito habang nagbabasa ng mga papeles.
“Its about Alliyah.”Sagot nito sa kanya.Napakunot naman siya ng noo.Anong tungkol sa asawa niya?”What about her?”
“I like her.”Halos magusot na niya ang papel na binabasa dahil sa sinabi nito.Sa lahat ba ng babae pwede nitong magustuhan asawa niya pa talaga!
“What the f*ck are you talking about?!You can’t like her.She’s my wife!”galit niyang sabi.Tumawa lang ito ng mapakla.
“Asawa?You call her your wife?But why did you hurt her for the first place?Nagpaakit ka sa kaibigan niya .Sa Carla na yon.And you choose to betray her!”
“Pero handa akong bumawi sa kanya.Hindi ko na siya sasaktan ulit.I will make up to our family.Aayusin ko ang lahat sa amin.”
“Aayusin?Siguradong ka bang mahal ka pa niya?Na magpapaloko pa siya sayo ulit?porket nakalimot akala mo napatawad ka niya?”
“Stay away from my wife!Im warning you Mike layuan mo si Alliyah.Mahal ko ang asawa ko.At kahit kapatid pa kita di kita sasantuhin.”May pagbabanta niyang sabi dito.
Kinagabigan maaga siyang umuwi sa kanilang mansyon. Naabutan niya ang asawang si Alliyah nag-aayos ng mesa para sa dinner nila.
” Daddy! Wow ang aga mo umuwi. “Tuwang tuwa sabi ng anak nila. Napatingin naman siya sa asawa. Nakangiti lamang ito.
Bigla niyang...


naalala ang nangyari sa kanila noong isang gabi. Di niya na rin naiwasan ang mapangiti.
” Siyempre namiss ko kayo ng Mommy mo. “sabi niya naman. Lumapat siya kay Alliyah at hinalikan ito sa pisngi.
Umakyat muna ang anak nila dahil may naiwan daw ito sa kwarto nito.
“Yaks amoy pawis ako eh.” angil nito sa kanya. Kaya napatawa na lang siya. Ang mga katulong naman ay tila kinikilig habang pinapanood sila.
“Hays sana oll sweet. Ayiee masusundan na ba si Charlene?” Ang katulong na ito ay kaibigan ng asawa niya.
“Soon, diba hon?” sagot niya naman. Kaya halos magtatalon na ang kasambahay sa kilig.
“Zayra paligpit ng kwarto ni Charlene.” Pinanlakihan pa ito ng mata ng asawa niya.
“Okay po Ma’am Alliyah gusto niyo lang masolo si sir ehh.” Sabi pa nito.
“Wait ano bang meron sa into nung Carla?” Nagulat siya sa biglaang Tanong nito.
“Walang namamagitan samin, hon. Hindi kita magagawang lokohin.” Sagot niya naman. Alam niya naman maniniwala ito dahil wala pa itong maalala.
“Weh di nga? Di mo ko niloko noon nong nakakaalala pa ako?”Tanong pa nito na may halong biro.
Hindi naman siya makasagot.
” Sige na nga wag munang sagutin. Alam ko naman na di mo ko magagawang lokohin eh.”
Napanatag na ang loob niya. Hindi niya kasi alam ang isasagot dito. Ayaw na niya itong masaktan ulit..
“Mommy san tayo magcecelebrate ng birthday ko? Ikaw po ba ulit mag-aayos non?” masaya ani ng nila.
“Ahh baby kailangan nga ulit birthday mo?” Nahihiya Tanong nito sa anak nila. Ngumiti lang naman ito saka sumagot.”Next week po Mommy!”
“Ahh talaga ba? Anong gusto mong gift? Nakalimutan ko rin kasi kung anong gusto mo. Pasensya na baby ha.” Paghingi nito ng tawad.
“Wala na po akong gustong gift Mommy kasi nakabalik ka na samin kahit hindi mo kami naaalala ni daddy pero your trying your best.” Ngiting sagot ng anak nila.
Pagkatapos maghapunan. Hinatid na ni Alliyah ang anak nila sa kwarto nito. Sobrang close talaga ng mag-ina niya.
” I love you Mommy. “Sabi nito bago ipinikit ang mata. Hindi alam ng mag-ina niya na nasa labas siya at nakasilip sa pinto.
” I love you too baby. “Hinalikan nito ang anak nila sa noo.” Sana forever na tayong happy family.”Huling sinabi nito bago makatulog.
Pumunta na siya sa kwarto nilang mag-asawa.” Bat di ka pa natutulog? “takang tanong nito. Hindi siya sumagot kaya nagdiretso na lang ito sa banyo.
Ilang minuto rin siyang naghintay bago ito lumabas doon at nagbloblower na rin ng ito basang buhok.
Ang ganda talaga ng asawa niya. Ang gag* lang niya noon dahil nagpaakit siya sa kaibigan nitong si Carla.
“Wag mo kong tignan ng ganyan parang may meaning eh.” Sabi nito sa kanya sabay irap.
Pumunta ito sa harap salamin at nagsuklay ng buhok habang nakaharap doon. Lumapit siya dito at niyakap ito.
“Tigilan mo na kung may iniisip kang kababalaghan. Gusto ng matulog.” Sabi nito sabay tawa ng mahina.
“You’re good at joking, hon.” Natatawa niyang sabi dito.
“Nagpapakatotoo lang.”sabi naman nito.
“Kaibigan ko ba talaga dati yung Carla? Parang hindi naman. Di ako makikipagkaibigan sa takas sa zoo.” sabi nito sa kanya.
“What do you mean? Did she hurt? Ano na namang ginawa niya?” may halong Inis niyang sabi.
“Galit ka? Nagtatanong lang naman ako ehh.”May halong tampo nitong sabi.
” I just want to know kung may ginawa siya sayo. That woman is a b*tch and desperate. ”
“Wala naman. Sumugod lang siya dito kanina at sabi siya daw ang mahal mo at iiwanan mo daw ako para sa kanya.” Sabi nito sabay irap..
Mas gusto niya ang Alliyah ngayon kaysa dati. Her wife become more sweet at di na lagi Tahimik at palaban at siyempre nanatili pa rin ang katarayan.
“So what did you do?” kuryoso niyang Tanong. Ngumiti lang ito ng nakakaloko saka nagkwento.
“Ipapalapa ko sana sa aso ehh kaya ayon natakot at umalis.” Sabi nito sabay tawa. Kaya pati siya ay napatawa na rin.
“you’re crazy, hon.”Kaya tumigil ito sa pagtawa at sinamaan siya ng tingin.
” Sinasabi mong baliw ako? Mas baliw ang Carla na yon.”may halong Inis nitong sabi..
” Nagbibiro lang, hon. Let’s just sleep may pupuntahan pa tayo bukas. “Kalmadong niyang saad.
” Saan? Mall ba ulit? “Masaya nitong sabi. Pero agad siyang umiling.”Sa mansyon ng parents ko.” Kaya biglang nanlaki ang mata nito.
“Huh?! Anong gagawin natin don?” Nagpapanic nitong sabi at nukhang di alam ang gagawin. Nagbago na talaga ito..
Noon kapag sinasabi niyang pupunta sila sa parents niya ay masaya pa ito pero ngayon mukhang ayaw pumunta.
“Wait andun ba si Mike?” ngiti nitong ani. Kaya napakunot naman siya ng noo. Bakit binabanggit nito ang pangalan ng kapatid niya?!
“Yeah dun siya nakatira.Did you like my brother. You can’t Alliyah you’re already my wife.” May diin niyang sabi.
“Gusto agad? Di ba pwedeng nagwagwapuhan lang? OA mo.” sabi nito at kunyari pang tumawa.
Pupunta na sana siya sa kama nila pero bigla itong humarang.Nakangiti pa ito at mukhang nang-aasar.
Tumingkayad ito at hinalikan siya sa kanyang mga labi. Kinabig niya naman ang bewang nito palalimin pa ang halik.
“Let’s just sleep, hon.” Tanging ngiti lang ang isunukli nito.
Humiga na sila sa kama nakatalikod ito sa kanya at nakayakap naman siya dito.
“Nagseselos ka ba kay Mike?” tanong nito at humarap sa kanya.
“He’s my brother at iniisip ko pa lang na May gusto ka sa kanya. I wanted to kill him so bad.”
“OA mo naman! Siyempre ikaw lang gusto ko at mahal ko. Ikaw asawa ko eh.” Napangiti naman siya sa sinabi nito.
Maya maya pa ay naghihilik na ito. Hinalikan muna niya ito sa noo saka natulog.”I love you, hon.”
Ewan niya ba pero mas gusto niya na may amnesia ito.
And now he finds out that Alliyah her wife is everything for him. His happiness. His rhythm. His blues. And the only one that he loves. His Amnesia wife.
Hindi niya kaya mabuhay ng wala ito. At nagsisi siya na nasaktan niya ito dati.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.