0

MY AMNESIA WIFE CHAPTER 12


Report

🥀CHAPTER 12:Mike’s Downfall🥀
Few days Later……….
🥀Alliyah Majandra POV🥀
“Alliyah gusto kitang makausap. Promise hindi ako manggugulo! I swear. May mga gusto lang akong sabihin sayo.” Sabi ni Carla sa akin.
Himala at kalmado siya. Asan na yung kakapalan ng mukha niya? May pasabi sabi pa siyang aagawin niya sakin ang asawa ko!
“At ano naman yon ha? Sa tingin mo maniniwala pa ko sayo? Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo.” Inis kong sabi.
Sasaruduhan ko na sana siya ng pinto ng mansyon pero iniharang niya ang kamay niya. Ano bang kailangan ng babaeng toh?
“Tungkol kay Mike. Please lang mahalaga to. At wala akong balak na lokohin ka. Alam ko naman na hindi ko makukuha sayo si Marco.”
At dahil mabait ako binuksan ko ang pinto at pinapasok siya. Isa maling galaw niya lang at ipapalapa ko na talaga siya sa aso.
“Alliyah mag-iingat kayo kay Mike. B*liw na siya. Baliw na ang t*rantadong yon. Malalaman niya rin na nagpapanggap kayo.”Sabi ni Carla sa akin.
Agad akong napataas ng kilay. Paano niya nalaman na nagpapanggap lang kami? Aba may utak din pala siya.
” Anong nagpapanggap ang pinagsasabi mo diyan? “May halong iritasyon na tanong ko. Hindi siya makatingin ng ayos sa akin.
” Alliyah sorry….. Alliyah sorry talaga…… Sorry na…. Patawarin mo na ko….. Nagawa ko lang naman dati yon dahil sa pera ehh… “umiiyak niyang sabi habang nakaluhod sa harap ko.
” Ano bang ginagawa mo?! Tumayo ka nga diyan. Ano bang nangyayari sayo Carla? Nababaliw ka na ba ha? Ipadadala na kita sa mental. ”
“Inutusan ako ni Mike noon na akitin ang asawa mo….Alam mo naman diba sinabi ko sayo noon na may crush ako sa kanya noong hindi pa kayo kasal….” sabi niya at nakaluhod pa rin.
“Tumayo ka nga diyan! Bat mo ginagawa yan? Naaamoy mo na bang balak na kitang ipakulong ha? Kaya umaamin ka na sa mga kasalanan mo?”
Ang dala ko rin siyang naging kaibigan. Halos kapatid na nga ang turing ko sa kanya. We’re best friends. Pero hindi ko inaasahan na magagawa niya yon.
“Noong naabutan ko kayo noon may nangyari ba ha? May nangyari ba sa inyo ha? May nangyari ba? Sagutin mo ko!”
“Oo meron.. Pero dahil yun sakin. Nilasing ko siya noon at habang ginagawa namin yon. Pangalan mo ang binabanggit niya.. Alliyah maniwala ka sakin…..”
“Ehh bakit hanggang ngayon ipinipilit mo ang sarili mo sa kanya?! Ha bakit? Bakit nil*landi mo ang asawa ko?! Bakit gusto mo siyang ah*sin sakin? Bakit?!”
“Inaamin ko Oo! na gusto ko ring magkagusto siya sa akin. Oo gusto ko siyang makuha sayo. Gusto ko siyang maagaw sayo…
” Ehh anong ginagawa mo dito ha? Bakit ka nakaluhod diyan at umiiyak sa harap ko? Hindi na tayo magkaibigan Carla! Hindi na! “garalgal na rin ang boses ko.
” Alam kong nagpapanggap lang kayo ni Marco na magkaaway at maghihiwalay na dahil kay Mike at dahil sakin. Kami naman ang pinagmumukha niyong t*nga. ”
” May utak ka rin pala! Paano mo nalaman ha? Ehh ano ngayon sasabihin mo kay Mike? Magkasambwat kayo diba? Sige sabihin mo na!”
” Hindi yun ganon…. Gusto ko kayong tulungan. Gusto kong makabawi sayo. Dahil lang sa pera kaya ko nagawa ang lahat ng yon… Oo noong una may mga masama akong balak sa inyo at inaamin ko yon…… ”
” So ang sinasabi mo si Mike ang may pangana...


ng lahat at tinulungan mo siya ganun ba ha?Bakit Carla ha? Bakit mo nagawa yon? Kaibigan kita diba? Kung dahil sa pera sana nagsabi ka sakin edi natulungan pa kita! …. ”
” T*nga ko ehh. Naniwala ako kay Mike.Nagpauto ko sa kanya. Buong akala ko maaagaw ko ang asawa mo sayo pero hindi ehh…At hindi ako kasing sama ni Mike….”nakaluhod pa rin siya.
” Sasabihin ko sayo. Sasabihin ko sayo lahat ng plano ni Mike. Lahat lahat pati na rin yung sa negosyo ng mga Del Mundo. Sasabihin ko sayo lahat. Patawarin mo lang ako Alliyah….”
At dahil meron akong puso tinulungan ko siyang tumayo. Ewan ko ba pero parang bumalik na yung dating Carla. Yung best friend ko. Yung mabuting Carla.
” Siguraduhin mo lang di mo ko pinagloloko. Ipapakulong talaga kita. Sabihin mo sakin lahat as in lahat lahat. Kung gusto mong mapatawad kita…” Tumango lamang siya at niyakap ako.
🥀Carla POV🥀
Ayoko na.. Ayoko ng maging sunod sunuran kay Mike. Hindi naman talaga ako ganito ehh. Ewan ko ba pero nauto ako ng gag* na yon eh. Gusto ko ng magbago.
Ayoko ng ipilit yung sarili ko sa taong hindi ako gusto. Gusto na ulit magkaroon ng kaibigan, gusto ko ng maging masaya si Alliyah kasama ang asawa niya.
Noong gabing yon na nagpunta kami ni Marco sa hotel. Hindi talaga ako masyadong lasing. Pero sinabi ko na sa kanya lahat. Dahil ayaw ko na.
Gusto ko na ulit maging mabuting tao. Gusto kong matuwa sakin si Nanay na di na ko nilalait ng mga kapitbahay. Gusto ko ng makagawa ng mabuti.
Bahala na kung anong mangyari. Kung anong gagawin sakin ni Mike. Ang mahalaga sakin ay nagawa kong magbago. Ieexpose ko si Mike.
As in lahat lahat ng alam ko. Kung ano mang mangyari sa akin ayos lang at least may nagawa akong kabutihan.
Ayoko ng maging imp*kta at kontrabida. Lahat naman ng tao nagbabago diba. Sana nga lang maibalik ni Alliyah ang tiwala niya sa akin. Handa ko silang tulungan sa kahit anong paraan.
🥀Marco POV🥀
Pumunta ko sa mansyon. Gusto kong makausap si Mom. Gusto ko siyang balaan tungkol kay Mike. Ayokong tuluyan siyang mabrainwash ng h*yop na yon!
“Marco anong ginagawa mo dito?Anong pakiramdam na malapit ka ng Iwan ni Alliyah at sirang sira ka na sa sarili mong ina.” bungad sakin ng h*yop na si Mike.
Paniwalang paniwala talaga siya sa pangpapanggap namin. At ang k*pal naman ng mukha niya na aminin na sinisiraan niya ako sa sarili kong ina!
“Sa tingin mo gusto ka talaga ng asawa ko ? Sige mag ambisyon ka!pagpapanggap lang lahat ng yon! At nagpauto ka naman!”Puno ng pagmamaki kong sabi.
“Hindi totoo yan! Mahal na ko ni Alliyah! Magiging akin na siya! Mapapasakin na ang asawa mo. At iiwanan ka na niya. Makukuha ko na sayo lahat….!
Mukhang nababaliw na siya! Ang lakas ng t*pak Ahh. Taas ng pangarap. Pati kompanya at pera namin gustong nakawin!May mga ebidensya na ko. Kaya kong ipahuli siya ano mang oras.
Lumapit siya sa akin at sinuntok ako di na ko lumaban dahil nakita ko si mom at nakita niya kami. Hindi ako lumaban dahil ako pa ang lumabas na masama.
“Wala kang utang na loob! Anong karapatan mong saktan ang anak ko ha?! Lumayas ka! Lumayas ka dito! Magnanakaw!” Sigaw ni mom kay Mike na ikinabigla naman nito at ikinagulat ko rin.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.