0

Munting Pangarap ni Esang” Kabanata 9.1


Report

Tulad ng inaasahan. Masaya kameng nagtampisaw sa dagat. Napakalamig sa pakiramdam.kahit May kalapitan sa amin ang dagat ay di Kame pinapayagang maligo ng kame kame Lang. Natatakot kase ang tito at tita namin na baka malunod ang isa sa amin.
Habang feel na feel kong ako si “Marina ” ay nakikita kong nakatanaw mula sa malayo ang aking tito habang humihithit ng sigarilyo na ang pangalan ay ” PHILIP” hahaha.
Kanina bago pa ko makalusong sa dagat ay may mga bilin muna si tito sa amin.
” Wag hahayaang Mawala sa paningin si Marya. ”
“wag pupunta sa malalim”
“Wag makipagharutan sa mga ibang batang naliligo at baka mapano.
Di nman kailangan pang bantayan si Long at si Boboy dahiL marunong na silang lumangoy.. Di katulad kong umaasa lang sa takip ng styrong pinaglalagyan namin ng sariwang isda sa twing maglalako na may yelo para di agad mabalisa (bulok).
Habang nakasampa sa styro ay pinapadyak padyak ko ang aking paa. Nakita ko ang pinsan kong si Nene na sumisisid sa ilalim ng dagat at nangunguha ng mga shells .May salamin pandagat ang mata at may dala syang lumulutang na timba saka isang mahabang alambre panbaliktad sa mga bato.
Mejo may kalaliman pero dahiL sa tulong ng aking salbabeda ay naglakas loob akong lapitan sya. Saktong lumutang ang ulo nya galing sa pagsisid.
“Madami ng nakuha mo?? “tanong ko sa kanya
“madami dami na “sagot nya bago ulit sumisid.
Naiingit ako sa kanya mas bata sya sa akin ng isang taon pero mas magaling pa syang lumangoy sa akin. Palibhasa kase palagi syang pinapayagan maligo ng mga magulang...


nya. Nag iisang anak lang din kse.
Hinanap ng mga mata ko si Marya pero di ko makita. Kinabahan na ko kase baka nalunod na ..tiyak na patay ako neto. Lumangoy ako papunta sa buhanginan .Pagdating ko ay nakita ko syang natakpan ng isang nakaahong bangka sa may buhanginan ..na naglalaro kasama si Mikmik. Mejo magkasundo sila. Kung maldeta kse si mikmik ay mas maldeta si Marya.
Sumali ako sa mga batang lalaki at babae na naliligo.. Nagtatagu taguan sila. Laro yun sa dagat na may dapat sa may bangka. Yung taya pupunta sa kabiLang side ng bangka at yung mga nagtatago ay nsa kabilang side nman ng nasabing bangka at kapag sumisid na ang tayo dpat ay nsa kabilang side ka na rin ng bangka kse kapag nakita ka nya ay ikaw naman ang susunod na taya. Pabilisan lang sa pagsisid kse pwedeng bumalik agad yung taya sa kabilang side para bago pa makalabas ang ulo nyo huLi nya na kayo (Strategy ng taya) 😂
“iKaw ang taya ” sabi nung batang taya sa Laro
“oh cge “pagsang ayun ko.
Ako kse ang huling sumali kaya ako ang taya. Yun kase ang Rules. Agad silang pumwesto sa kabilang side ng bangka.
“Ready na kame ” sabay sabay na sigaw niLa
Agad akong Sumisid para mapalitan ako sa pagiging Taya..
Napakasaya ng maghapon..Nagpakasawa kameng magkakapatid sa dagat bago pa kame tawagin ni tito para umuwe ..
Alam kong matagaL tagaL na naman bago masundan ito..
Kelan kaya kame uLit papayagan maLigo sa dagat…??
Hindi ko rin alam.
Itutuloy
Yan na po muna sa ngayon.
20


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.