0

Munting Pangarap ni Esang” Kabanata 39


Report

Ang ingay …
Subrang ingay ng paligid ko ng magkamaLay ako…
Pero di ko agad idiniLat ang mga mata ko..
Sinubukan kong buksan ng kunting kuti lang ang talukap ng mata ko para malaman kong anong nangyayare sa paligid ko pero subrang liwanag ang sumalobong sa akin..
“Anong nangyayare? Patay na ba ako? Nasa langit na ba ako kse kung wala ako sa langit ano yung liwanag na nakita ko? Saka bakit ang ingay ?? Patay na ba ko? PinagLalamayan na ba ko??? Mga tanong ko sa isip ko..
NanatiLi akong nakapikit at nakiramdam..Pilit kong inaalala ang nangyare…
“Ano nga bang nangayare bkit ang ingay niLa? ”
May narinig akong nag uusap..
“Bakit kase hindi nLang ang ikaw ang nanghiram sa akin ng lighter??? Boses ni Tito Kiko
“Eh umuhi ako eh.. Saka di ko nman alam na ganun pala ang mangyayare..
“Eh sana binilin mo kay Esang na tawagin nya ko habang nsa malayo sya para nagising agad ako bago sya lumapit. ”
“ano ba kaseng pumasok sa utak mo at naisipan mong tadyakan si Esang? At sa sikmura pa talaga? Pano kong napatay mo ang bata. “,si Tita..
“Nanaginip kse ako na nakikipagbuno ako sa mga aswang.. Tapos bigLang paglingon ko papalapit na si Marya Labo sa akin eh sakto namang pagdiLat ng mata ko ay may babaeng nsa paanan ko at akma akong hahawakan. Syempre naalimpungatan ako. Sinipa ko sya agad bago nya pa ko hawakan. Malay ko bang si Esang yun.. Tapos yun.. Buti di ko naisipang kunin ang Sundang (GuLok) ko na palaging nsa ilalim ng aking unan…naisip ko nlang ang suntukin sya para di na makabawe pa ng lakas gawa ng pagkakasipa ko sa kanya.. Buti nLang at tinawag nya ang pangalan ko bago pa dumapo ang suntok ko sa mukha nya at nahimasmasan ako at agad ko syang dinala dito.. .. “Mahabang kwento ni tito
So yun pala yung nangyare… Ngayon alam ko na kung bat ako nasipa ni tito..
Nanatili lang akong nakapikit hanggang sa nakatulog uLit ako.
Di ko na alam anong oras na.. Basta paggising ko.. Ang sakit ng katawan ko ay may Lagnat ako..
Pagdilat ng mata ko’y nakita ko si tita at si tito nasa harap ko sila at tila inaantay ang paggising ko..
Halata sa mukha niLa ang pag aalala lako na kay tito…
“Esang? Anak? Ok ka lang ba? Ano may masakit na sayo???...


Si tito na subrang nag aalala..
” ANAK??? TAMA BA ANG NARINIG KO? TINAWAG NYA KONG ANAK ULIT? SA LOOB NG WALAONG BUWAN NGAYON KO NALANG NAULIT NARINIG SA KANYA ANG SALITANG ANAK ”
Hindi ako umimik nanatiLi lang akong nakatingin kay tito at maya maya pa’y bulahaw ako ng iyak..
Di ko alam. Pero subrang saya ng puso ko..
“Tito.. Tita patawad po.. Patawad po sa mga nagawa kong mga pagkakamali. “sabi ko sa pamamagitan ng pagtangis.. “Alam ko pong madami akong pagkakamali.. Pero maniwala po kayo… Pinilit ko pong itama lahat ng yun… ”
Lumapit si tito at tita sa akin at niyakap nila ako..
“Anak.. Esang.. Patawarin mo si tito…kung naging malupit ako sayo.. Di ko lang kase matanggap na magagawa mo yun sa amin ng tita mo lalo nat nakita mo nman lahat ng sakripisyo namin para sayo..Kung masakit para sayo ang nangyayare sa tuwing pinapahirapan kita ay mas triple ang sakit nun sa akin..Pero pinipigiLan ko ang sarili kong wag kang patawarin agad dahiL gusto kong makitang magsisi ka at matoto para di mo na ulit ulitin ang mga pagkakamali mo. Tiis ko ang makita kang masaktan anak para sa kapakanan mo.”umiiyak na sabi ni tito..
Pati mga kapatid ko nagsiiyakan narin.. Pati si tita..
“Wala po yun tito.. Kasalanan ko na man po kaya naiintindihan ko kayo.., —
“Pssst.. Ok na yun..Leksyon yun sayo.. Para maging mas matatag ka anak. Basta wag mo ng uhlitin hah? ”
“Pangako po.. Bigyan nyo lang po ng isa pang pagkakataon ay pagbubutihan ko na po sa susunod.Di ko na po kayo bibiguin “,sabi ko dito ng buong katapatan.
Saksi ang mga kapatid ko sa binitiwan kong pangako.
“ah Esang anak.. Yung nangyare kanina—
“Wag nyo na pong ikwento.. Narinig ko na po kanina nung nag uusap kayo ni tita.. “pagputoL ko sa sasabihin ni tito..
“Pasalamat nga po ako kay Marya Labo.dahiL kung hindi nangyari to ay di nyo pa ko mapapatawad “,sabi kong nakangiti sa kabila ng mga luha ko “ASAN NA BA SYA? AT MAGPAPASALAMAT AKO.. “sabay tawa ko..
Nagtawanan kameng lahat..
Ang munting bahay namin ay napuno ng halakhak na matagaL ng pinatahimik ng kalungkutan..
” Kung sino ka man Marya Labo.. Maraming salamat at naging paraan ka para mapatawad ako nila tito.. “huling nasabi ko bago ako nawalan ulit ng malay…
-itutuloy
Oh ano iiyak na nman kayo Dyan 😂 ?


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.