0

Moonlight woof.


Report

Moon : First rise
Being a single parent is super hard especially when you’re raising three kids at once. At lalo pang humirap dahil hindi ordinaryong mga bata ang aking mga anak. Well even though extraordinary sila i love every each one of them. Pero bago ako magka-anak ay nagtatrabaho ako sa isang coffee shop bilang waitress at doon ko nakilala si Aamon ang aking asawa.

“Helga dalhin mo nga tong black coffee sa table four, natatakot na bigkas ng kasamahan niya.

‘Bakit Cindy? Natatakot ka sa lalaking yon? Ano ka ba customer yon. Sigh!.

“Hindi ka ba nakakakita Helga? Tingnan mo nga mukha nun mukang mangangain ng tao!.

“Grabe ka naman ang judgemental mo!, akin na nga yan.

Lumapit ako sa table ni Aamon at habang papalapit ay hindi nga maikakaila na medyo nakakatakot ang mukha nito. Ngumiti pa rin ako sa kanya habang nilalapag ang kape sa lamesa niya. Nang tumingin ito sa akin ay nanlaki ang mata nito at animo’y nananakot. Umalis parin ako ng may ngiti sa kanya. Nang nasa staff room na ako doon ko nailabas ang takot sa kanya.

Ano Helga diba nakakakot siya?Bigkas sakin ni Cindy. Napa-tango na lang ako sa kanya.

Natapos ang aking trabaho ng alas nwebe ng gabi at dahil medyo malalim na ang gabi ay wala na masyadong taong naglalakad sa kalye. Bihira akong umuwi ng gantong oras kaya lamang gawa ng marami pang customer sa shop. Hindi naman ganon kalayo ang apartment ko sa trabaho kaya lagi akong naglalakad. Habang naglalakad ako ay iniisip ko kung magpapatuloy ako sa aking pag-aaral sa kolehiyo. Nang malapit na ako sa aking apartment ay may humarang sakin na tatlong lalaki at nag-declare ang isa ng holdap. Hinablot ng isang lalaki ang aking bag pero hindi niya ito nakuha sakin. Napilitan ang isang lalaki na maglabas ng kutsilyo at itinutok niya ito sakin.

“Miss ibigay mo na samin ang pera kung ayaw mong masaktan!. Pananakot ng holdaper.

“Bat ko naman ibibigay ang perang pinagtrabahuhan ko sa inyo?!! Magtrabaho kaya kayo!!.. sagot ko sa mga holdaper.

“Ayaw mo talaga ha!!!!!.

Nagalit ang holdaper at paamba na ito ng saksak sakin . Napapikit ako ng mga sandaling yon. Pagmulat ko ay may kamay na pumigil sa kutsilyo pasaksak sa lalaugan ko .

Sino ka ha! Mga pre banatan to. Sigaw ng holdaper. Habang pinagtatanggol ako ng isang lalaki ay napaupo ako sa isang gilid napa-ub-ob sa sobrang takot. Maya-maya’y tumigil ang ingay na naririnig ko sa paligid.

“Miss ok lang ba? May mga galos ka...


ba?. Tanong sakin ng lalaki.

“Mister?

Napaiyak na lang ako sa harapan niya dahil sa sobrang takot.

“Ihahatid na kita sa bahay mo at ako na mag-rereport nito sa mga pulis.

Habang naglakakad kami ay nakita ko na nagdurugo ang kamay nito.

“Dito na ang bahay ko..

Ah sige aalis nak-.

“Wait! Pumasok ka muna dito at gagamutin ko ang kamay mo. Tsaka hindi pako nakakapag-pasalamat sayo.

Pumasok si Aamon sa apartment ko at pinaupo ko sa upuan sa may kusina habang kinukuha ko ang medkit sa aparador.

Tapos ko ng lagyan ng benda ang kamay niya at nag-usap kami ng konti.

“Pasensya kana nadamay kapa sa mga siraulong yon.

“Ano kaba!! Kung wala ako don baka kung ano ng nangyari sayo tsaka hindi ko pinagsisisihan na tinulungan kita.

“Salamat Mister and pasensya kana kung na-judge kita kanina sa coffee shop.

Don’t call me Mister, I’m Aamon haha. And wala ka dapat ipag-pasensya dahil lagi ko naman nakukuha ang salitang monster.

“Huyy hindi naman monster medyo nakakatakot ka lang titigan.

Napatawa na lang siya sa nasabi ko.

“Oh siya aalis nako at pupunta pako sa police station para ireport ang nangyari.

Salamat ulit Mister Aamon and pasenya ulit sa abala. By the way I’m Helga.

Lumabas na siya sa aking apartment at kumaway na lang ako habang papalayo siya.

Simula non malimit na kaming magkita.

.

.

Two weeks later…

“Hoy Helga nanjan na boyfriend mo hinihintay ka. Biro sakin ni Cindy.

“Sira ka talaga Cindy magkaibigan lang kami.

Nagpunta na ako kung saan nakaupo si Aamon. Habang papalapit ako sa kanya ay nakita ko ang muka nito na puro sugat.

“Aamon ano nangyari jan sa muka mo? Napaaway kaba?. Tanong ko sa kanya.

“Hindi ah gawa ito ng pusa kinalmot ako. akalain mo siya na ibinaba sa puno siya pa galit hahahah!.

Doon ko na isip na wala sa muka ang pagiging mabait o masama. Nasa puso ito ng bawat Tao.

“Oyy nakikinig kaba sakin Helga?

“Ha? Oo sige!.

“Hay nako hindi ka nga nakikinig. Ang sabi ko kung pwede ka mayaya kumain sa linggo.

Ha?! … p-pero , ehhh? , ehhh?….

“Ok lang naman kung ayaw mo.

Nakita ko ang lungkot sa muka ni Aamon ng hindi ako makasagot ng diretso sa kanya.

“Hinde hinde ahmm nabigla lang ako ng niyaya moko. Pero sure sige down ako jan basta ba libre mo haha.

Hoy Helga tapos na break mo … paalala sakin ni Cindy..

Oh sige jan kana tapos na break ko, Bye-bye.

Habang papatalikod ako sa kanya ay nakita ko ang ngiti sa kanya muka..

.

.

.

Mom?Mom? Nasaan na sina Rex at Shun.

???

MOM!?

“WAHHH!

“Nananaginip ka nanaman ng gising mom.

Sorry dear.

.

.

-Continue


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.