1

Mistress and I πŸ’•πŸ’• Part Two πŸ’•πŸ’•


Report

..Isang linggo ng walang boyfriend si Britney at wala syang balak patagalin yun dahil baka masira ang image nya sa mga inggetera sa university nila..kaya naman ang inosenteng si Luke na lamang ang napagtripan nya..okay naman si Luke,,wala syang gaanong nalalaman sa pagkatapos nito bukod sa genuis ito at tahimik lamang sa klase,hindi din nya alam kung bakit sa dinami dami ito ang napili nyang maging jowa .. siguro kase,sawa na sya sa mga badboys at hanap naman nya ay ang mga goodboy ..tulad ni Luke,gwapo naman ito wala lamang masyadong nakakaalam dahil tinatago nito iyon…kaya okay lang kahit may jowa syang nerd!

Nakatayo sya sa labas ng university at hinihintay ito..may usapan sila na susunduin sya nito ..
Bigla syang natawa sa naiisip dahil sya lang naman ang nag demand kay Luke na sunduin sya nito,ni hindi nga nya alam kung pumayag ito sa gusto nya ..pero di naman masyadong masakit kapag umasa sya,basta..maghihintay muna sya saglit ..

Thirty minutes past at nagdesisyon na syang lisanin ang kinatatayuan!Hindi naman sya gaanong umasa kaya di na sya nakaramdam ng kabiguan,ayaw siguro ng Luke na yun na guluhin nya ang buhay nito kaya naman okay lang,hahanap na lamang siya mg iba,siguro yung tambay naman sa kanto,or kung wala ng magkagusto kahit snatcher nalang sa daan !

Huminga muna sya ng malalim kasabay ng pagtalikod…subalit natigilan na lamang sya ng biglang sumulpot sa harap nya si Luke ..base sa itsura nitong pagod at tila kinakapus sa paghinga alam nyang tumakbo ito patungo sa kanya ..

Well. …

“,Pasensya na .. kase,may sinuli pa akong libro “,madamdaming saad nito ..

Ngumiti sya at sya na mismo ang nag ayos sa nagulong salamin sa mga mata nito “,Okay lang ..babawi ka naman diba?!”,.

“,Babawi?..”,parang wala itong kaalam alam sa tinutukoy nya “,babawi saan?!”,

Umirap sya,ang slow naman nito panu nangyaring matalino ito sa klase ..

“,Dalhin mo ko sa motel?!”,nakangising sabi nya na ikinamula ng pisngi nito,base sa reaction nito alam nyang …hindi ito makapaniwala sa sinabi,at dahil din duon napatunayan nito iyon na virgin pa ito ..napahalakhak sya “,joke lang ano ba.. “,,tsaka lamang ito umayos ng tayo ng binawi na nya ang sinabi nya.. “,libre mo nalang ako ng kalamares at juice,gutom na kasi ako eh ..”,

Alanganing ngumiti ito …
Lumapit sya dito at ikinawit ang kamay sa braso nito,hindi na naman ito komportable sa ginawa nya, napatingin ito sa braso nitong hawak nya .. ano ba naman tong taong to,NO girlfriend since birth ba ito?!never been touch and never been kiss at hindi pa nakaka damage ng ibang babae?.. parang diring diri naman ito sa ginawa nya,ano pa kaya kung hinalikan na nya ito,baka himatayin naa..

Pero basta,hindi naman nya binago ang posisyon nya,sa halip ay lalo pang humigpit ang kapit nya at tinungo nila ang bilihan ng fishballs ..

****
“,Ihahatid na kita .. “,

Ganap ng alas syete ng gabi at nasa labas pa sila ni Luke,may nakita silang tambayan sa may gilid ng ilog at tulad nila ay may mga lovers pa na naroon .. Nilibre nga sya nito ng gusto nya ..
At sinamahan hanggang sa mga oras na iyon ..

“, Maya na,maaga pa naman .. “,napangiti sya at tiningnan ang kawalan..

“,May ..may gagawin pa ako “,

“,Ano?magbabasa na naman ng libro?..ano bang masarap sa pagbabasa?*,”,tumawa sya .
Alam nyang tinitigan sya nito..naging serious sya,sa totoo lang nais nyang pahabain ang gabi na iyon,nag enjoy naman sya sa presence nito,kahit tahimik ramdam nyang cool naman ito sa pakikinig sa mga kung ano anong sinasabi nya. .

“,,Pwede ba ako matulog sa bahay nyo?!”,

Biglang kumislap ang salamin nito sa mata sa sinabi nya .. tila ba hindi makapaniwala ! Iniisip nitong napakabilis naman nya ,pero wala eh,wala syang mapuntahan ..ayaw nyang umuwi lalo pat alam nyang duon din matutulog ang new boyfriend na naman ng dakila nyang ina,ewan nya pero naiinis sya kapag nakikitang naghaharutan ang mga ito sa harap pa nya..
Kaya bago pa sya mahigh blood,makikitulog muna sya sa kahit na kanino…at dahil si Luke ang kasama nya,dito na lamang muna sya..

“, Hindi ka pwede sa bahay ..”,tanggi nito..

Lumabi sya,”,bakit?strict ba ang parents mo?!”,joke na naman nya .. Umiling ito,alam nya naman na siguro iba ang iniisip nito sa kanya,sino naman kasi ang matinong babae ang makikitulog sa bahay ng isang lalaki lalo pa at ngayon lamang sila nagkausap…ay meron pala ..sya !

“,,Relax…hindi naman kita re’rape in eh,behave naman ako ..siguro “,pamimilit nya,wala na talaga syang mapuntahan,alangan naman mag hotel pa sya eh wala naman syang pera,mas lalo namang di sya pwede sa lansangan hindi bagay sa beauty nya,isa pa ayaw naman na nyang istorbohin pa si Ara .. masyadong marami na itong nagawa sa buhay nya ayaw na muna nyang manghingi ng saklolo dito,kakapit muna sya sa iba ..

“,,Sige na please,jowa mo naman ako diba?”,pagpapa cute nya,at alam nyang tinablan ito sa ka cutetan nya ..tumayo ito at pinagpag ang nadumihang suot,isa rin sa napansin nya ay palaging malinis ang mga damit nito,ah..napangisi sya, excited tuloy syang makita kung gaano kalinis ang kwarto nito..

“,Lets go.. *,”, sabi nito pagkaraan,hindi na sya ngpatumpik tumpik pa sumunod na kaagad dito,mahirap na baka magbago pa ang isip nito..

****
Pagbaba nila ng sinasakyang tricycle ay napanganga sya ng huminto yun sa tapat ng isang malaking bahay .

“,Ito naba yung bahay nyo?!”,di makapaniwalang bulalas nya. .nahihiyang tumango lamang ito ,hinampas nya ito sa balikat … “,How come na wala kang kotse,eh mukhang mayaman naman pala kayo?!”,

“,Hindi ako marunong mag drive ! “,

“,Eh bakit, fish ball lang ang nilibre mo sa akin?feeling ko sa yaman mo kaya mong bilhin ang buong China ! “,

“,Ikaw naman mismo ang nagsabi na kahit fish ball lang ay okay na sa iyo “,

Napaisip sya .. Oo nga naman ….sumabay na sya sa pagpasok nito habang namamangha parin, pakiramdam nya exciting na nakilala nya si Luke sa buhay nya,hindi sa yaman nito kundi ay sa katauhan nito,simple lamang ito at humble pa,sanay syang kapag may gusto sa kanya ang isang lalaki ay nag papa impress anv mga ito sa kung ano ang kayang ibigay sa kanya .. pero ang Luke na to,he never said na mayaman pala talaga ito,na turn on naman sya dahil duon..

****
“,Dito kana matulog .. “,,dinala na sya sa guestroom ni Luke na lalong nakapagpaluwa ng mata nya,maayos,malinis at mabango ! Mukhang makakabeauty rest sya ng maayos sa bahay na to,ang sarap tuloy asawahin ni Luke dahil baka dito sya patirahin ..

“,Sa tapat lang ang kwarto ko,..nagpahanda na ako ng makakain,mamaya tawagin kita,”,sabi nito..papasok na sana ito sa room nito ng may maalala sya.

“,Luke,lubos lubusin ko na ang kabaitan mo,pahiram naman ng damit mo,kahit t shirt lang..gusto kong mag shower.. naiinitan ako “,

Pumasok na ito sa kwarto at mukhang dedma lang ang sinabi nya ..wala talaga itong kwenta!

Nasa kalagitnaan sya ng pagrereklamo ng kumatok ito,maya mayay may inabot itong kulay puting t shirt na sa sobrang bango ay matatalo nito ang amoy ng Downy .. “,salamat “,sabi nya at tinungo ang shower at duon pakanta kanta pa sya ng wala sa tono habang nililinis ang katawan .. nababad muna sya ng ilang minuto at eksaktong bihis na sya ng muling kumatok si Luke ..

Naging maningning ang mga mata ng binata ng makita sya sa anyo nya…Bukod sa bagong lingo na sya ,fresh na fresh ay ang kaseksihan nya..dahil matangkad si Luke ay naging kalahati lamang sa kanyang mga hita ang suot nya .. ..

Ramdam nyang nag init ng mukha si Luke sa nakita nya, gayunpaman tinangka nitong mag iwas ng tingin,over react na naman ito,hindi yata talaga ito sanay makakita ng Dyosa but then isinantabi nya ang inis nya dito..kase tulad nya ay bagong ligo ito,naka pajama ito na teneenuhan ng itim na shirt bagamat hindi naman ito masasabing machi subalit sakto lamang ang katawan nito,subalit hindi duon nafocus ang mga mata nya kundi ay sa mukha nito ..Lukes not wearing eye glass,maaring nakalimutan nitong isuot or baka...


hindi talaga ito nagsusuoy nun sa loob ng bahay,but then lalong dumoble ang kagwapuhan nito..

“,Ipapahatid ko nalang ang pagkain mo dito,hindi ka pwedeng lumabas na ganyan ang suot .. “,

Natawa sya “,whats wrong sa suot ko?kaya ko ngang rumampa sa labas T back lang ang suot “,.

Tinitigan lamang sya nito,ooppssss…bakit,totoo naman sinabi nya ah,..pero sa huli hindi na sya nakipag agrumento pa dito,mahirap na baka Englishin pa sya nito matalino pa naman ito, .kaya naman pumayag na lamang sya sa gusto nito..

Nagdesisyon na syang matulog pagkatapos kumain .. Pero mukhang namamahay naman sya dahil alas dose na ng hating gabi ay gising pa sya.. akala pa naman nya ay makakatulog sya ng mahimbing sa malambot na kamang iyon,subalit hindi pala…

Nakakainis,dahil sa puyat nya ay baka tubuan sya ng pimples bukas,hindi yun pwede…

Tumayo sya sa kama at nakaramdam ng pagkauhaw… Hindi nya kabisado ang lugar subalit hindi naman sya ganoon kabubo para hindi mahanap ang kusina ng bahay .. kaya naman di na sya nag abalang isturbuhin pa si Luke kahit malakas ang kutob nyang sa mga oras na iyoy gising pa ito at nakikipag date sa mga libro..

Pagbukas nya ng pinto ay bumungad sa kanya ang kadiliman sa buong paligid .. ano ba naman tong bahay na to?nagtitipid ba sila sa kuryente..?bat walang nakasinding ilaw?hindi nga sya bobo sa paghahanap kung nasaan ang kusina,subalit maloloka naman sya sa paghahanap kung nasaan ang switch ng ilaw..
Pero maliwanag naman sa labas dala ng fullmoon na tumatagos sa ilang glass wall ng bahay,gapangin nalang kaya nya …

Ilang hakbang na ang nagagawa nya at detirminado talaga sya dahil sa kauhawan nya kaya kahit pa tamaan sya ng kidlat sa mga oras na yun ay walang makakapigil sa pag inom nya ng malamig… Wag kang susuko Britney !!!!! …

Ilang beses tumama ang tuhod nya sa kung ano anong mga bagay at ilang beses syang napa Shit ! Alam nyang bawas points yun sa langit pero kaylangan talaga nyang makainom,ano to ..buwis buhay ! ..

Pero dahil malaki at hindi naman nya kabisado ang bahay na yun at kung susuungin pa nya ang peligrong dulot ng mga nakaharang n mga bagay sa daraanan nya ay malamang magkapeklat na ang tuhod nya sa sugat na matatamo!

First time nyang sumuko ..(lagi namang may first time diba?!)..

Kaya naman di bale na wala naman namamatay sa uhaw,bawi nalang sya bukas,
Laklakin nya lahat ng tubig sa ref nina Luke ! For now ..susuko muna sya !

Nagdesisyon na syang bumalik pero wrong move dahil may kung ano na namang bagay ang nabangga nya… ! “,Awwww ! “,Naitama ang ulo nya. .hindi sa isang bagay kundi ay sa isang tao ! ..

“,,What the …hell ! “,,Tinig ng tila wala sa pasensyang boses ng lalaki ang narinig nya,malamang ay ang nakabunggo nya.. at isa lamang ang natitiyak nya,hindi iyon si Luke .

Kung ganun?sino ????!..

Nanigas na sya sa kinatatayuan nya at hindi na sya makakilos pa bukod sa masakit pa ng ulo nya sa pagkakauntog sa matigas na dibdib ng malas na lalaking nakabunggo nya,na block narin yata ang utak nya at ayaw mag function ng kilos nya … .
Nasa ganuon syang posisyon ng sa wakas ay nagliwanag sa lugar na kinatatayuan nya ..ah may nagsindi ng ilaw,..

Agad na hinanap nya ng taong nakabunggo nya kanina at natagpuan nya ito sa gilid ng pader kung saan naroon ang mga switch ng ilaw ..

Biglang kumabog ang dibdib nya ng magtama ang mga mata nila !

“,Ikaw ?????! “,Mag kasabay na sabi nila?

Binawi nya ang tingin at nagkunwaring hindi ito kilala “,Who you! ?!”, ..kahit na alam nyang ilang araw na sinakop ng lalaking ito ang buong sistema nya nuong gabing hinalikan nya ito dahil sa isang dare !

Yap ! Hindi maitatangging ito nga ang lalaking iyon dahil simula ng gabing iyon ay pinagpuyatan na nya ito sa kaiisip kung kelan nya ito muling makikita,at mukhang na claim na nya ang reward nya sa pasko ,nakita na nya ito…

At lihim na nagdiwang ang puso nya ng malaman na tulad nya ay di rin pala sya nito makalimutan..Nagpupuyos din sa kasiyahan ang kabuuan nya ng makitang naka focus na bigla ang atensyon nito sa kanya…
Wala pa naman syang suot na bra !
Buo na sana ang kasiyahan nya subalit hindi yun nagtuloy ng biglang napalitan ng sama ng tingin ang tingin nito sa kanya …

“,Anong ginagawa mo ,dito ?!”,mariing sabi nito na may pakagat kagat labi pa…hindi ba sya dapat ang mgtanong nun?anong ginagawa nito sa bahay ng jowa nya?!..

“,Ako ang may ari ng bahay ! “,Hindi nya alam kung bakit iyon ang lumabas sa bunganga nya..

Kumunot ang noo nito “,may ari who?wala akong natatandaan na member ka ng pamilya namin to claim na may ari ka ?!”,

Pamilya ? Kamag anak ba to ni Luke?kuya ba ito ni Luke?pinsan?!..

“,Magiging kapamilya … “,Proud na sabi nya..
Lalo lamang sumama ang tingin nito sa kanya at malapit na syang mainis sa inaasal nito,hindi ba ito tinatablan ng karisma nya?!mukhang lagi itong galit sa mundo ! …

“,,At sino naman sa pamilya ko ang balak mong pikutin para maging myembro ka namin?!”,

Is that an insult?sanay syang pagsabihan ng ibang tao ng masasakit na salita subalit bakit bigla nakaramdam sya ng sakit sa atay sa sinabi nitong iyon,bakit sya tinatablan ng ganoong klaseng pakiramdam…!?

“,,Napaka judgemental mo naman masyado,tingin mo sa kin,hindi matino para pumikot?!”,

Humalukipkip ito,may balak pa yatang pahabain ang usapan nila samantalang sya,gusto na nyang mag teleport papuntang Pluto maiwasan lamang ito ..

“, Seriously?you called your self na matino?with that kind of dress?”,tiningnan sya nito ng nakakainsultong tingin mula ulo mukhang paa,este hanggang paa… “,Sinong matinong babae ba ang pupunta sa isang bahay ng ganyan ang suot?isa pa..sinong matinong babae ang basta basta na lamang nanghahalik sa isang lalaki sa inuman ! “,

Biglang nag flashback sa isip nya ang eksena kung saan sya siniil ng halik ng lalaking ito…
Pagkatapos nitong gawin ang mapagparusang halik na iyo ang basta na lamang itong tumalikod at iniwan syang tulaley ..aamini nyang hindi sya pinatulog ng halik nitong iyon at inasam nga nyang makita itong muli subalit ,ang pag asam na yun ay napalitan ng panghihinayang na sana hindi nalang nya hiniling na makita ito kung iinsultuhin lamang pala sya nito .. pero sya nga pala si Britney,wala sa vocabulary nya ang hindi gumanti..

“,Oh yes,naalala ko nga ang kiss na yun ,worst kiss ever,nagsisi nga ako kung bat ko yun ginawa ..nakakasuka kasi,nag tooth brush pa nga ako agad pag uwe ko eh,iewww ! “,Pagsisinungaling nya,ewan nya lang kung makalusot…umarko arko naman ang makapal at perfect sa pagkakaayos n kilay nito.Sa totoo lang nakasuot na naman ito ng kagalang galang na suot subalit hindi nya ito magawang galangin ngayon, pagkatapos nitong mang insulto sa kanya !

“,,Talaga ba …?”,, mukhang hindi naman ito tinablan. “,Then i should say parehas tayo ng ginawa after that kiss, nagtungo agad ako sa dentist dahil baka magka bacteria ako ! “,

Nainis sya sa sinabi nito..wala na syang mahanap na isasagot ,mabuti na lamang at papunta na duon ang savior nyang si Luke…maaring narinig nito ang kumosyon nila ng lalaking kaaway at nagtungo ito sa kinaroroonan nila..

Bigla syang lumapit dito at kumapit sa braso nito,hindi nakaligtas sa paningin nya ang pagdilim ng anyo lalaking kaaway ng mafocus ang paningin nito sa kamay nyang nakakapit kay Luke,ano yun?ewan kung guni guni lang pero mukhang di nito nagustuhan ang kamay nya na nakapulupot sa braso nito..

Galit ba yun?o selos ???..

Nagpalipat lipat ang tingin ni Luke sa kanilang dalawa,sa huli ay hinarap nito ang lalaking kasagutan nya kanina..

“,Dad ?! “,Sabi nito..

Naging maluwang ang pagkakapit ni Britney lay Luke ng marinig ang tinawag nito..Ano daw?dad?!

Gusto nyang himatayin sa pang Maala ala mo kaya na eksenang iyon! Ibig sabihin mag ama ang mga ito?shit ! !

At kaya naman pala pamilyar ang mga mata nila sa isat isa dahil magkaparehas iyon !oh!…

*****to be Continued


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.