9

Mister right ka ba?


Report

Nasa canteen sina ANIKHA kasama ang 2 nitong bestfriend na nagchi-chikahan .

CLOUDIE: Guys,kilala niyo ba ang mga coolboys?

JENNIFER:  SINO NAMAN YUN?

CLOUDIE:  Yung sikat sa buong campus na subrang gwapo at pinag-uusapan sa school.

JENNIFER: Sorry  cloudie,pero ewan..walang akong alam sa mga ganyang klase                      (walang paki-alam) at saka hindi kami tsismosa ni anikha noh!diba anikha?(siniko si  anikha)

Habang si anikha  kumakain na tulala parin at parang walang naririnig.Na-trauma kasi siya sa mga pinagdaanan niya sa pag-ibig.

CLOUDIE:   ANIKHA!   (GINULAT SI ANIKHA)

ANIKHA: HUH? BAKIT? MAY SUNOG BA? (TUMAYO DAHIL SA GULAT)

CLOUDIE: SAANG PLANETA KA GALING , ANIKHA? (PABIRO)

ANIKHA:  Hmmm…???

JENNIFER: Nakikinig ka ba sa amin?

ANIKHA: oo naman.

CLOUDIE: Osss talaga? sige nga ano ang pinag-uusapan namin?

ANIKHA: Ahmmm…(nag-iisip) tungkol sa mga assignment natin,diba?

CLOUDIE:Sure ka?

ANIKHA:OO.

JENNIFER:Anikha,okay ka na ba talaga? kasi parang hindi eh! ang lalim ng iniisip mo,para kang wala sa sarili,nakasimangot lagi at walang sigla.Bestfriend mo kami at nakikita namin yun kahit hindi mo sabihin sa amin.

CLOUDIE: Tungkol ba kay aljur?

JENNIFER:Cloudie,wag mo ngang banggitin ang panglan na yan! nakakarindi sa taenga at baka mas lalo lang maalala ni anikha ang sakit.

CLOUDIE:Sorry anikha..(pa-inosente ang mukha)

ANIKHA: Its okay . (malungkot parin)

JENNIFER: Wag ka nang malungkot,anikha.

CLOUDIE: Oo nga!

JENNIFER:Anikha,sabihin mo sa amin kung paano ka namin mapapasaya.

CLOUDIE: I know right! I thought the beginning of happiness ni anikha.

Sa gym,nagtitilian ang mga kababaehan at kababaklaan dahil sa mga players.May nagche-cheer,at mas madaming supporters ang mga coolboys lalong lalo na si erick.

JENNIFER: bakit tayo nandito? cloudie, baka mas lalong maireta si anikha nito dahil sa subrang ingay dito.

ANIKHA: Okay lang sa akin,jen..(hinawakan ang kamay ni jennifer)

CLOUDIE:Doon tayo sa baba para klaro , may bakante pa.

Pagbaba nila ay umupo na sila pero si cloudie hindi mapigilan ang sarili ng makita si erick na  naka-shot.

ALL:woOOoooohhhh!!!!!

CLOUDIE: GO,erick, GO,erick,Go sexy-sexy love!!!!*( nagsasayaw)

Pinigilan siya ni jennifer.

JENNIFER:HUY,nakakahiya ka! tignan mo pinagtitinginan ka nila.

CLOUDDIE: And so? wala silang paki,buhay ko ito at hindi nila buhay (mataray)

Narinig ni erick ang sigaw na yun kaya naman hinanap niya kung saan nanggagaling.Nakita niya si anikha na ngumingiti na nakatingin sa kasama niya kaya napangiti din siya,nang magkatagpo ang kanilang mga mata biglang huminto para kay erick ang mundo,parang dalawa lang sila ni anikha ang tao sa court.Kakaiba ang feeling niya na napatibok bigla ang puso ni erick na love at first sight siya.Pero dahil napahinto si erick naagaw ng kalaban ang bola sa kanya kaya naka-score ang kalaban.

NASH: Oh,come on erick! be serious baka matalo tayo nito kapag ganyan ka!

ERICK: Sorry,guys!

AFTER THE GAME

ETHAN:Erick,what happen to you in the game?

LANCE: Wag mong sabihin na may nakita ka na namang mapagtripan mo.

ERICK: No,its not like that! its different.

KEVEN:Are you inlove?

ERICK: I dont know why but when I see her smile … I smile too then we see each other the world stop just liked the romance movie nang magkita ang dalawang bida na love at firts sight sila dalawa at nagslow motion parang ganoon ang nangyari.

ETHAN: What do you mean her?  a girl?

ERICK: Yeah.

KEVEN: Wow! 

NASH: Kaya ka natulala kanina?

ERICK: Oo I want to see her again.

LANCE: we need to find her baka siya na ang babae na nakatakda sayo para ma-challenge ka. 

May nakarinig pala sa usapan nila kaya naman nalaman ng buong campus iyun.

TO VIEW ANIKHA

Paglabas nila sa court.

CLOUDIE: Oh,see! ang coolboys ang susi ng kasayahan ni anikha .

JENNIFER: Oo na,ikaw na talaga!

Natawa nalang si anikha sa kanilang dalawa.

Paalis na sila ng biglang harangin sila ng prettyzone.

Ang pinaka maldita,inggitira,masama at palaban na grupo sila sina; 

maja(leader)-ex ni erick pero hindi siya seneryoso ni erick kahit  ganoon  gusto niya  parin makipagbalikan kay erick kaya gumagawa sila ng paraan.

kayla-pinaka palaban sa kanila at astig kung kumilos

monic- ang pinaka mataray ,

kim- assistant ni maja 

sarrah-pinaka tahimik pero siya ang resbak nila.

KYLA: Ikaw ba ?

ANIKHA: Ang alin?

KIM: Ang sinasabi nila na nainlove sayo si erick?

ANIKHA: HUH?? Anong pinagsasabi mo? hindi ko kilala si erick at excuse me wag nga kayong paharang harang sa dinadaanan ng tao.

MONIC: Wag kang piling!

JENNIFER: Huy,hindi piling ang bestfriend namin!(pagalit)

CLOUDIE: Bestfriend natin dalawa…

MoNIC: WALA kaming paki alam kahit bestfriend  pa ng universe.

SARRAH: Oo nga at saka irespito niyo ang grupo namin kung ayaw niyo matikman ang galit ng prettyzone.

Sumulpot bigla ang mga coolboys na ikinagulat ng prettyzone.

ERICK:...


 girls, What happineng here?

MAJA:AHmm..erick,nag-uusap lang kami dito.(nagpapacute)

JENNIFER: Anong nag-uusap lang? hindi lang pala kayo masasama mga sinungaling rin pala kayo! inaaway niyo kaya ang bestfriend namin na si anikha.

Nakita ni erick si anikha kaya tumibok na naman ang puso nito na subrang bilis at napatulala siya kay anikha.

LANCE: BAkit niyo naman inaaway sila mga prettyzone?

CLOUDIE: Sinasabi kasi nila na si anikha daw ang nainlovan ni erick,eh hindi nga kilala ng bestfriend namin si erick.

MONIC: Nagtatanong lang naman kami.

Lumapit  si erick kay anikha at nilagay ni erick ang braso niya sa likod ni anikha na ikinagulat nila lahat lalong lalo na si maja.

ERICK: Yeah,I think I’M INLOVE WITH HER.

PRETTYZONES:WHAAT??!!!!(NAGULAT AT NAHIMATAY SILA)

ANIKHA: Anong pinagsasabi mo? nababaliw ka na ba?(inalis niya ang pagkakayakap ni erick)

ERICK:Totoo ang sinasabi ko.

Sinampal ni anikha si erick.

ANIKHA: Pwes,hindi nakakatuwa ang joke time mo! wag mo akong idamay sa trip ninyo dahil hindi ako bagay na basta basta lang paglalaruan.Alam ko na yan at naranasan ko na kaya hindi na mauulit ulit!! iba naman pwedi,hindi lang ako ang babae sa mundo,okay!?(naluluha)

Umalis si anikha na lumuluha kasama ang bestfriends niya.

ERICK:Anong nangyari sa kanya? may nasabi ba akong mali?(nagtataka)

ETHAN:Iba nga siya erick..

ERICK:But guys…

NASH:TSk -tsk -tsk nice one erick!

Iniwan si erick ng mga kasama niya dahil sa kanilang grupo si erick lang ang nasampal ng babae.

Sa likod ng school.Umiiyak parin si anikha na tinatakpan ang mukha niya na nakasandig sa semento na nakaupo.

JENNIFER: Anikha,tama na!(hinihipo ang likod ni anikha)

ANIKHA: Ang sakit sakit parin,hindi mawala-wala dahil sa lalaking yun bumalik ang masasamang naganap sa akin.

CLOUDIE: Sabihin mo anong gagawin ko para makatigil ka sa pag iyak? kahit ano , kahit saktan ko pa yung ultimate crush ko na si erick…magpapakalalaki ako para sayo.

ANIKHA: Sino kasi yung lalaking yun?

CLOUDIE: Siya yung sinasabi kong erick.

ANIKHA: Bakit siya ganoon?

CLOUDIE: EWAN KO…

ANIKHA: HMMMMMM!!!!!(MAS LALONG UMIYAK)

Habang si erick iniisip pa rin si anikha kung bakit ganoon siya at inaalala ang sinabi ni anikha sa kanya.

ERICK: Bakit kaya niya nasabi iyun?

ETHAN: Siguro nagalit lang sayo dahil padalos dalos ka kasi agad ayun tuloy nasampal ka.

Tumawa silang lahat maliban kay erick na seryoso.

ERICK: Pero parang sa sinabi niya naranasan na niya na masaktan at magamit.

LANCE:Nagpapakipot lang yun! ganyan ang mga babae sa una pa hard to get pa pero pag hindi mo na sila pinapansin sila na ang nagahahabol sayo. Wag ka kasing magpahalata na inlove ka sa kanya.

ERICK: Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko na lapitan siya.

LANCE: Edi,pigilan mo!

NASH: Oo nga, diba mga coolboys tayo? dapat tayo ang hinahabol hindi yung tayo ang naghahabol.

ETAHN: TRUE!

LANCE: Tahimik ka yata kev? may alam ka ba tungkol sa babaeng yun kung bakit siya ganoon?

KEVEN: AH? Wala syempre.

ERICK: Kung may alam ka sabihin mo sa akin para naman may idea ako kay anikha kung bakit siya ganoon.

Pauwi na ng school si anikha at naghihintay siya ng taxi na dadaan.May isang car na magara na kulay black na huminto kay anikha.Nagtaka naman si anikha nag ma-open ang window ng car nagulat siya dahil si erick pa la iyun.

ERICK: Need a ride?

ANIKHA: Ikaw na naman?

ERICK: YEAH. THE ONE AND ONLY!

ANIKHA: Hindi ka talaga nadadala noh? pwedi ba at utang na loob wag kang mag parking dito dahil walang hihinto na taxi dahil sa bwesit mong kotse! na humaharang. ( pumunta sa kabila si anikha pero sinundan parin siya ni erick)

ERICK:Sabihin mo nga ang totoo ano ba ang nagawa kung mali sayo ? para magalit ka ng ganyan? eh satingin ko naman wala,ah!

ANIKHA: Akala mo lang wala pero meron,meron!(pasigaw)

ERICK: Eh,ano naman yun?

ANIKHA: Kung ano yun? dahil malas ka dahil naging lalaki ka. ano sapat na ba yun para tigilan mo na ako?

ERICK: Hindi pa yun sapat.bakit ayaw mo ba sa mga lalaki? katulad ko na hearthrob ng campus? sagutin mo ako. (nagpapacute at pakindat kindat)

ANIKHA: HA.HA.HA. Yan ang sagot ko sa walang kwentang lalaki na katulad mo.

ERICK: Ano ba nagawa ng mga lalaki sayo huh? para ganyanin mo ako?

ANIKHA: Madami at ayokong alalahanin kaya tsupi! umalis ka na diyan!

ERICK: Hindi ako aalis dito hangga’t hindi mo sinasabi ang totoo.

ANIKHA: Ah,ayaw mo? (nagpulot ng malaking bato para ibato sa kotse ni erick pero natakot si erick at binilisan ang takbo) hmmm…buti nga sa kanya.

1

9 Comments

  1. ang%20ganda%20ng%20kuwento%20nila%20plss%20part%202%20plsplspls%20po%20%E2%98%BA%EF%B8%8F%E2%98%BA%EF%B8%8F%E2%98%BA%EF%B8%8F%E2%98%BA%EF%B8%8F%20nakakainlove%20yung%20kuwento%20nila%20sana%20ganyan%20lahat%20ng%20lalaki%20inaalam%20muna%20yung%20dahilan%20kung%20bat%20na%20gagalit%20yung%20mga%20babae%20sa%20kanila%20bago%20sila%20magalit%20diba…/%E2%98%BA%EF%B8%8F%E2%98%BA%EF%B8%8F%E2%98%BA%EF%B8%8F%E2%98%BA%EF%B8%8F%E2%9D%A4%E2%9D%A4%E2%9D%A4%E2%9D%A4

  2. nasaan%20ang%20karugtong?%20type%20ko%20p%20nmn%20basahin.%20.bitin%20ang%20kwento.paki%20post%20po%20part%202.thanks

  3. NAkakakilig%20atsaka%20parang%20gusto%20ko%20maging%20direktor%20dito%20grabe!!!!!!!!%20atsaka%20ano%20kaya%20ang%20susunod%20na%20mangyayari

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.