1

Meant to be? Chapter 5


Report

Kakapasok pa lang nya ng gate, may nagtext na
– it’s me Ace, save my #.
Itext mo ang gusto mong kainin ngayon, asap!
– again stop over thinking. Stress lang yan ok?
I’m waiting, plz text what you’re craving for. Be true to us. I’m telling you, that now we have us. It’s not you nor me, it’s us, with that life inside you.
– Gusto ko nang Mang Inasal I mean sya, gusto nya. Rocky road and ube flavor, then I’m craving for anything na maasim at maalat. K. Yan lang.
Natawa si Ace ng mabasa ang sinabi nito na gusto ng nasa sinapupunan nito. Defensive lang
– ok.. Pahinga ka lang, text kita pag nakabalik na ako.
-K
“Grabe wala mn lang ingat ka.”
40 mins after nag beep uli ang cp nya.
– I’m already here. Baba ka na.
Nakitingin tingin sya sa paligid kung may mga katulong ba sa labas.. Mabilis syang naglakad palabas ng gate.
Agad syang sinalubong ng payong ni Ace at inakay sa sasakyan nito.
Ang dami nitong binili. Mga prutas at gatas at isang balde ng mamahaling biscuits?
Pati mga vitamins. Naroon na rin ang request nya kanina. Pagkakita nya sa mangga biglang napakagat sya ng labi. Sisilay na ang laway.
“Teka lang ang dami naman nito .”
” Konti pa nga yan.. Wala na akong time, papasok na kasi ako.”
“Teka lang di ko kayang bitbitin to ng isahan.”
“Sige lang maghihintay ako dito. Isa isahin mo lang.”
“Dadalhin ko muna sa banghouse ni papa. ”
” Kung di lang ako makikita, ako na bibitbit nyan. Bigat yang balde e. Wala ka bang pwedeng pakiusapan. ”
” di mo naman siguro gustong mabuking? Sige na sisimulan ko na.”
Binitbit ito ni Ace at nang malapit na sa gate tsaka nya binibigay kay Nice.
“Ang init! Bilisan mo..” naghanap sya ng cap sa sasakyan at pagbalik ni Nice diretso nya iyong isinuot sa dalaga. Nangiti sya, dahil mas lalong naging attractive ito sa paningin nya. Daleng dale na syang talaga dito.
At ito nama’y kunyaring di apektado.
Di nila maikakaila ang kilig na nadarama sa kanilang pagtatago at pag iingat na walang makakita sa kanila. Sarap pala pag ganon yong situation, may thrill. ‘No ba yan, wag gayahin.
Ok. Salamat.
Nakatayo silang dalawa sa gilid ng sasakyan nito matapos ipasok sa banghouse ng papa nya ang mga binili nito.
Inabot nito ang kamay nya.
Tiger look lang sya dito.
Seryoso din itong nakatitig sa kanya. “balik na ako sa University. Text2 na lang tayo. Pag tumawag ako wag mong idecline ha.
Binigay nito ang payong at di na binawi ang cap sa ulo nya.
Sige.. Pahinga ka ha.. Tsaka wag ka masyadong nagkikilos, pabayaan mo na yong mga katulong dyan. Di ka bagay maging katulong.”
” Alis na. Salamat uli.”
” Sige.” tumalikod na sya at tumungo sa driver’s seat. Wala man lang ingat ka,” bulong nya sa sarili.
” Ingat! Sigaw nito nang pinaandar na nya.
” napangiti sya. Sumilip sya mula sa bintana at kumaway.
Pagbalik ni Nice sa loob, mabilis nyang binalot ng tuwalya ang mga bili ng binata at dinala sa kanyang kwarto sa 2nd floor ng bahay. ”
Nakahinga sya ng maluwag ng matapos. Yon pa nga lang stress na sya.” Haisst pano nya nasasabing di ako dapat naiistress e stress na nga to”
Agad syang nagtext dito,
– kung di importante wag kang mag tetext ha. Dahil ayoko ng stress.
Nangiti lang ang binata.
Ok.. Magpapamiss ako.
Di nga nya ito tinext.
At yon nga, paggising ng dalaga kinagabihan, agad nyang tiningnan ang cp nya. At nadismaya syang walang natanggap na text mula sa binata. Sya naman...


kasi ang may sabi.
Pagkababa nya dala na nya ang mga plato na pinagkainan nya ng manggang sinawsaw nya sa bagoong na niluto sa catsup. Tulo laway nya kanina. Para syang may kaagaw na takam na takam.
May baso din na nilagyan na nya ng anmum. Para sa baba na lagyan ng mainit na tubig. Dalawang flavor ang binili ng binata. Para may pagpilian sya.
Nakasalubong nya si Rica pagbalik nya sa itaas. Nasa 2nd floor din ang kwarto nito.
” Oi bat nagcutting class ka.”
“Biglang sumakit ang tyan ko e. Di na ako nakabalik matapos kong bumili ng gamot, umuwi na ako”
Ah,
Di na kita tinext. Nakatulog ako agad.
Tagal mo ngang gumising. Ok ka na?
Oo,
Sige, kukunin ko lang yong assignment natin,
Pati sa Math meron. Ako na lang ang kokopya, wag mo nang isulat yong sakin.
Ok. Hihintayin ko.
Mag pacheck up ka Nice, mukha ka kasing maputla. Baka ano na yan.
Salamat Rie.. Pero ok lang ako, mag ba vitamins lang ako ng iron.
Pagkatapos nyang gawin ang assignments,bumaba sya para mag goodnight sa kanyang papa. Binigyan din nya ito ng biscuits at ng vitamins na iron. Madami kasing binili si Ace.
Hinintay nya ang text nito pero wala.
Nagising sya midnight, check nya uli ang cp nya. Wala pa rin. Nainis na sya.
Kaya nag miscall na sya sa # nito. Bahala na.
Nagring ito. Pinutol nya agad.
Pero Muli syang tumawag.. Matagal nag ring, syempre tulog na yon. Papatayin na sana nya ang tawag ng may biglang narinig..
“Ehem.. He-hello? Nice?”
Paktay! Agad nyang pinatay ang tawag.
Ngayon ito naman ang tumawag.
Nagdadalawang isip syang sagutin.
H-Hello? Pasensya na sinubukan ko lang kung mag ring , sensya sa disturbo sige tulog ka na uli. Sorry.
Nice..
Para syang kinikiliti sa boses nito.
Uh?..
Miss you.
Uhm..wala akong narinig. ” wika ng isip nya.
” Sige, goodnight. Tulog ka na uli, gusto ko lang magpasalamat uli sa mga binili mo kanina. Baka naman maubos na allowance at pera mo.”
” Wag mo na iniisip yon. Ang gusto ko hindi ka mgtatago sakin kung anong gusto mo, kasi nakakasama yong titiisin mo at di sinunod kung anong utos nyang ipakain sayo. ”
Malalaglag ganon?
Wag naman sana. Kaya be truthful with these matters. Ok?
” Oo na” may himig pagmamaktol nya.
Hmhehe… Be a good mom, and a good…
Matagal silang nagpakiramdaman.
O sige na. Bye!.
N- Nice? And be a good “shit bat wala akong maisip na maidugtong.
Sige goodnight.. Ingat lage, wag magmamadali ang kilos.. Wag magpapakapagod. Wag matulog ng late. Don’t forget your vitamins. Be truthful, na iniinom mo talaga.
” Oo na nga! Kahit ang sama ng lasa.”
” Sige, maaga pa ako bukas. Ano matipuhan mong kainin bukas text mo agad ha. ”
Regards daw..
Hmm?
Regards daw, Khate.
Uhm.. Sige regards mo din ako
Kay Nice..
Weeh! Goodnight!
Hehehe…
Nice tabi tayo huh..
Ewan..
Nasan ka pala.
Dito, sa dati nating hinigaan.
Langhiya, wag mo akong landiin may Khate ka na!
Basta tabi tayo ngayon.. Iniimagine ko na.. Kayakap kita.. Iniimagine ko yong gabing yon.
Tseh.. Goodbye!
Hehehe..
End of call…
Pagkababa ng tawag.. Alam ni Ace na may iniuutos na sabihin ang kanyang puso kanina. Pero wala pa syang lakas ng loob na sabihin yon ngayon. Basta iba ang saya pag kausap nya ito. Magkakasya na lang sya sa pag iimagine sa dalaga..Inalala nya ang nangyari sa kanila nong tanghali. Ang mukha nito ay di na mawaglit sa kanyang ulirat kahit pa nakapikit, kahit ang mukha ni Khate ay di na sumasagi sa kanyang isip
, ‘gang sa nakatulog na rin sya.
😴❤️💤💤💘😴


One Comment

  1. Ganda ng kwento sinusubaybayan kuh po ito..permission to narrate the story
    my dear author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.