0

Meant to be? Chapter 42


Report

Lumipas ang dalawang buwan na okay naman ang daloy ng lahat. Naging busy ang mag asawa sa pag aaral at nagsimula na rin ng isa pang construction ng coffee shop si Ace. Naging patok kasi ito.
Si Nice naman ay shakes ang sinimulan. At di nya akalain na madali lang itong sisimulan dahil di naman kalakihan ang building na kailangan.
Kaibigan ni Ace ang kinuha nila dahil subok na nya ito. After half month lang, nakapag umpisa na sila. Nakakuha ng 5 lang muna na tauhan. May dalawang bakla at 2 babae at lalaki para maging kargador ng mga stocks. Like sack of sugar, different kinds of fruits tulad ng mangga. Kasama si Alvin at ng malapit na tropa ni Ace sa dating university suportado sila.
Gumawa din sila ng mga fliers na may advertising ng shakes.
“The Nice-ace Shakes “ang nasa karatula ng entep.title
May ibat ibang flavor ng shakes.. At nag try din si Nice magserve ng waffles at mga natutunan nyang cakes.
At hindi nila lubos akalain na kinabukasan mula nong mag open sila dudumugin pala.
Dahil nga sa ng aaral di sila.
Ang bilis humaba ng pila ng mga customers kaya pagkagaling sa eskwela dumidiretso sila don ng asawa. Bonding moment na rin nila. Nag kakagulo na kasi ang mga bakla nyang tauhan. Kaya si Avin tumulong na rin at ng kaklase ni Ace.
Ayaw sanang pasalihin ni Ace si Nice sa paggawa ng order pero ayaw paawat ni Nice. She really love challenges yong tipong naaapura sya at sa tuwing sinusulyapan ang dami ng nakapilang customer
Mas lalo syang nagliliyab upang mas bilisan ang ginagawa.
Napapamangha ang mga kasama nya lalo naman ang asawa nya. Para kasing expert ang kanyang galawan.
Kay bilis nyang matapos. Si Ace naman di pumapalya sa pag punas ng pawis ng asawa.
Ayaw nya itong mapagod pero mapilit e.
Ang bilis ni ate huh! ” puna ng bakla sa tabi nya..
” Gayahin ko nga” pero nagkakanda hulog lang ang mga plastic cups at straws. Natawa na lang si Nice.
Kung pwede lang gusto nyang sya lang ang naroon sa pwesto at babanatan nya hanggang sa matapos. Dagdag asiwa kasi pag may kamay syang nakikita tapos di alam kung anong kukunin.. Parang ang sarap putulin sa isip nya. Sinasaniban talaga sya.. Basta mga ganong sitwasyon. Di man lang napapagod.
“Done! ” sigaw nya ng matapos ang isang linyahan na nasa mga 30 ka tao. Kahit may tumulong di nya pansin yon.. Halos sya lang ang gumawa.
Iiling iling lang si Ace sabay lapit at halik sa buhok nyang naka visor.
Gandang ganda sya dito.”The apple of his eyes”
Ang tatay nya ay nakasunod na rin sa pwesto. Nakamasid lang ito kay Nice. Masayang masaya sya...


para sa anak.
Hinila na sya ni Ace sa beywang at muling pinunasan ang mga pawis nya. Pero para syang batang nag pumiglas at bumalik sa pwesto ng mga bakla. Nilapitan uli sya ni Ace at parang batang sinubsob ang mukha sa leeg nya. Nanggigil sya sa ginagawa ng kanyang asawa. Another cute side of her that amazed him.
Mataman nya na lang itong tiningnan at tagalagay na lang sya ng toppings at nag uutos sa kargador kapag wala ng mangga o iba pang prutas para ma slice ng iba pang tauhan.
Nang malapit nang matapos.. May mga 20 na naman na nakapila sa kabila. At may customer na nagtatanong kung sino si Nice at Ace. Sila ba daw.. At kinikilig pa ang mga ito sa kanilang dalawa. Kesyo perfect match daw sila.
May customer ding nagtanong kay Nice kung pwedeng magpareserve for birthday party daw. At kung free delivery.. Nagkatinginan silang mag asawa at umoo si Nice. Nagkibit balikat lang si Ace.. Aminado naman sya gusto nyang magpa under kay Misis. Kung yon ang magpapa hulog lalo sa loob ng kanyang asawa.
Kinagabihan, naroon pa rin sila. Pero nakapaghapunan na naman. Dinagsa talaga sila. Dahil na rin sa init ng panahon at talagang swak sa panlasa ang shakes nila.
Naadik yata ang mga customer at pansin ng bakla na pabalik balik na yong iba.
“Naadik na rin ang asawa ko” sabay pilyong halik sa batok ng naka pusod na buhok ng asawa. Napaigtad at tili tuloy ito sa kiliting nadama. Di kasi sya nakita. Kantyawan naman ang mga baklang kinikilig. Inggit na inggit sila sa dalawa. Pero at the same idol na daw nila ang mag asawang amo.
Si Ace kasi kapag di nakabantay si Nice bigla syang nanghahalik. Sa batok, sa lips, sa noo sa balikat, sa leeg at minsan bigla nyang binubuhat ang braso ng asawa para humalik sa kili kili. Sapak tuloy ang inaabot nya.
At kapag pansin nyang hinihingal na ang asawa. Hinihila nya ito at di na hinahayaang bumalik. Iniipit nya sa gitna ng hita nya at niyayakap ng mahigpit. Tapos kapag kumalma na. Inaayos nya ang buhok, sinusuklay uli tsaka muling ipupusod. Tapos sisilipin nya ang mukha. Magtatama ang paningin tapos matutukso syang halikan pero sinasaway na sya agad ng mga mata nito. Kaya batok uli sya humahalik.. Napapaigtad lang si Nice.
Pati tropa nila.. Naiinggit na. Pwede rin ba daw magdala ng chicks.
Ayaw ni Ace.. Kaya mas lalong umugong ang kantyawan. Habang ganon maingay, maraming tao, abala ang lahat. Naroon lang sila sa sulok Masayang pinapanood ang lahat. Habang yakap sya sa likod ni Ace. Pakiramdam nila silang dalawa lang ang naroon. Sa kabila ng ingay.. Dalawang pusong tumitibok lang ang klaro sa kanilang pandinig.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.