0

Meant to be? Chapter 35


Report

Medyo na enjoy din naman si Nice at sandaling nakalimutan ang heartache nya.
E pano kasi parehas mga ogag ang kasama. Nag babangayan pa ang dalawa na tila mag asawa.
Pagabi na, at hindi pa rin nag aya na umuwi ni Nice. Naka off din ang cp nya. Kaya si George, nagmamakaawa na, may paluhod luhod effect pa ito
Kesyo kinukulit na sya ni Ace na umuwi na sila dahil pagabi na. Baka makatikim sya pag uwi.
Pero nag aya lang manood ng gig si Nice..
ladies drink lang naman ang tinira nila ni Mia.
Mayat maya dumating din ang 3 pang kaibigan nila. Kulitan uli kasama ni George.
At naghihimutok na si Ace sa loob ng unit.
Hanggang sumunod na rin sya dahil di na sya nirereply ni George.
Nasa pintuan pa lang, hinanap agad nya ang dalaga.. Makita lang nyang may katabi.. Makakatikim talaga.. At di sya nagkamali yong tropa nila na alam nyang type ang dalaga nakaakbay pa ang balikat nito sa likod ng upuan ng dalaga.
“Bwes*t! “nagtagis agad ang bagang nya at malalaki ang hakbang patungo sa umpukan ng tropa.
Buti nakita sya ni George.. At tsaka pa napansin na nakapuslit ang tropa na lihim na nagpapapansin kay Nice. Buti napa alis nya ito dahil pasuntok na si Ace..
” Whoah! Bro! Relax lang…”
“Anong relax? Sabi ko bantayan mo! ”
“Relax lang tol, di tayo talo.. Tropa tayo dito.”
“Tropahin mo yang mukah mo! Ang saya mo! ,nakatyempo ba huh tol? ” akma nya itong bibigyan ng payakap syang inawat ni Nice.
Yumuko sya at tiningnan ito ng malamlam, pero nagtatagis ang mga mata nitong sumalubong patungo sa mga mata niya.
“Pwede bawas bawasan mo yang pag ka eskandaloso mo Ace! ..” pigil nito ang galit sa loob2
“Kahit saan e.. Tapang tapang mo! Pwes matapang ka diba? Gusto mo ikaw Lagi ang siga!
” Pwes Magsama kayo nong Alodia mo!
Bagay kayo!! Parehas kayong mayaman at feeling mataas palagi..! ”
Tsk..
” Yabang mo! ” may pa paangas pang mukha ang dalaga. Na mas lalong nagpapacute lang sa kanya. Hulog na hulog si Ace e, kungdi lang masakit yong mga narinig nya.
Sarap sana sa pakiramdam dahil mag kadikit sila, pero sinapol ang dibdib nya.
Tila ngumunguya ng gum na napabaling ang paningin nya sa kasama. “Anong tinitingin tingin nyo? Upo! ”
Umalis din si Nice at tumabi uli kay Mia..
Sumunod si Ace at tatabi sana sya..
“Huwag ka dyan! Si Kat2 dyan!”
“May space e..”
“Nag cr pa! ” padabog nitong sabi
” Tsaka nako aalis pagdating nya..”
Dumikit sya dito at naglambing
“Usap tayo.. ” pagpapakiusap niya
“Umusog ka Don, tigilan mo ko!”
“Tsk.. Pano tayo maaayos pag ganito ka. Huwag mo kong iwasan please.. Don tayo sa ibang pwesto , o labas muna tayo kailangan nating mag usap kahit sandali lang.. Please mahal.”
“Euw! Mahal ka dyan!”
“Mahal naman kasi talaga kita.. Di ko kayang ganito tayo. Hmm? Tara?”.
“Sobrang kulit din e..! Kat dito ka na umupo.”
“Owh, di naman pala dito.. Dito na ako Kat”
“Okay”
“Hays..”
“Sige na, tara na..”
“Tigilan mo ako Ace .. Sumunod ka pa
talaga dito.”
” Lika na”
” Manigas ka dyan! Ayoko! ..”
” Ayaw mo ha..”
“Mwesit… Hoi! Bitawan moko Ace! nakakahiya!! Oo na sasama na ako. Ibaba mo na ako! ”
“Di na..”
“Hays.. Kainis!!”
Pinagbabayo nya ang likod nito, binuhat syang parang sako ng bigas.
Pagkababa sa labas ng bar agad nya itong itinulak sa dibdib.
At akmang tatalikod. Pero mabilis syang nayakap ni Ace mula sa likod.
Agad nitong pinulupot ang mukha sa leeg niya.
“Ano ba!”
” Uhm.. I’m sorry ”
Bumuntong hininga si Nice.
“Uwi na tayo, sa bahay tayo mag usap.. Hmm? Ah teka.. Magdate na lang kaya tayo. Tama!.
Nakalimutan ko gutom na pala tong princess ko.”
Bigla pang tumunog ang tyan nya.
“Ayon na nga… Heheh.. Tara?”
“Close pa tayo? Hindi na!”
“Tsk.. Oo na, lahat na sabihin mo na, para mawala yang lahat ng masakit dyan””
“Ano ba Ace!”
“Kinapa ko lang ang dibdib e…”
Humarap ito sa kanya at kinuha ang magkabilang kamay nya at pinasampal sa magkabilang pisngi nito.
“Tama na nga!”
Muli sya nitong niyakap.
“Hindi ko kayang mawala ka sakin.. Kanina habang mag isa ako. Ang hirap ng pakiramdam, tapos di ka pa makontak. Huwag na huwag mo kong iwan hah.. Di ko kakayanin.”
Hindi sya sumagot.
Tanging” gutom na ako” ang nasambit nya.
Dinala sya ni Ace sa isang restaurant. Sweet na sweet ito at magkatabi lang sila.
“Sweet din ba kayo dati? Mahal na mahal mo rin siguro sya noh. Di mo siguro gagalawin kung hindi. Feeling ko kasi sayo kahit playboy ka.. Hindi ikaw yong tipo na, walang pili. Kung di mo feel, di mo papakealaman diba?”
“Pwera na lang nong satin.. Dahil di mo talaga yon feel, nadala ka lang ng kalasingan.”
Bumuntong hininga ito.
Mabilis na natapos si Nice at tinanggihan...


ang mga subo sana ni Ace sa kanya.
“Ace.. Don ka na sa kanya. Total di pa tayo kasal. Bagay kayo Ace.. ibabalik ko yong.
Kahit saang anggulo tingnan. Ganito din yon e.. Kumakain tayo sa resto gaya nito.”
“Tayo Ace.. Kahit saan ang gulo tingnan! ”
Napabaling ng tingin si Nice at kumurap kurap na ang mga mata.. Napupuwing sa namumuong luha.
Gayon din ang binata
” Alam mo ba nong pagbalik ng klase after vacation , sumikat talaga ako. Pero di dahil sa nanalo tayo. Sumikat ako sa pagiging dakilang mang aagaw!
Habang hawak ang tinidor at nilalaro ang dessert. Tapos susulyapan ang binata.
” Tiniis ko.. Tiniis k0 ang mga naririnig ko, ang mga pan lilibak sakin ng harap harapan.
Inisip ko. I deserve it! Kasi totoo naman.. Hindi ko maresbakan ang sarili ko dahil lumalabas na totoo ang paratang sakin. So I just keep my mouth and ears shut!
“Bakit di mo sinabi sakin? ”
“Para ano, iisa isahin mo sila. Magpapabugbog ka, e ang dami nila.
Whatever!”
“Give up mo na ako. Si Alodia mo, matatanggap ng pamilya mo with wide open arms lalo na ng papa mo. Sigurado di ka na nya pahihirapan na magkayod sa trabaho. Ipakakasal niya kaagad kayo, lalo’t mag kaka baby na kayo.”
” Ang mga tao sa paligid nyo, ang sasabihin.
Bagay sila oh, parehas gwapo at maganda.. Galing sa mayamang pamilya. Ang sarap nilang tingnan sa mata. Perfect match ikanga”
“Tapos ka na?”
Napatingin sya sa mukha nito.
“How about telling me to die if you insist to leave me.”
“You still care of what everbody would damn! say? And just let us both suffer? Are they God to have the power to twist one’s destiny. To ruin what’s already written?
“Nice they might ruin us if we just let them be. Because they can be our trials and tests. It’s up to us love.. Mahal, baby, babe, honey, mie.
I’m not a fortune teller and have no ability to predict our future. But please stay with me. Stand with me as we give this love a very good fight.”
” Lang hiya Ace.. Itulog mo na yan. Nanaginip ka ata.”
” Bat ka ba ganyan.. Wag namang magbago agad! Lumalaban pa ako e. At lagi kitang ilalaban!..hirap sayo e.”
” Lumulugar lang ako sa dapat kong kalagyan. Hayaan muna nating magkalayo tayo. Para marealize kung kaya ba o hindi. Kung para sa isat isa o hindi.”
” Wala e.. Sumusuko ka na agad e.”
” Hindi nga! Space na muna.”
” You want us to have space para malayang makapasok si Alodia. You’re giving up the fight to her?.
Tapos Ikaw? Huwag kang ngangawa ngawa huh!
Bakit ang sakit non pakinggan..” sa isip ng dalaga.
“tingin mo! Hindi ka masasaktan kapag nakita kaming magkasama, going to her ob? .”
Napapalunok si Ace at napapamura dahil tila pinipiga ang puso nya at sya ang nasasaktan sa sinasabi. Looking at his girl, vowing down her head and covering her eyes starting to tears.
“Hindi ka masasaktan kapag kinasal kami at makitang magkasama as husband and wife and with our future kids?
“Pag nagkasalubong tayo somewhere, somehow. Being with each another partners.. Di ba yon masakit sayo?”
Hanggang sa tumanda tayo.. Mananatili ka dito. Tapos magkikita tayo. May kanya kanya ng mga apo. Sasabihin ko sa kanila.
Nakita nyo yong lola na yon. Siya sana ang magiging lola nyo.
Tuluyan ng humikbi si Nice..
” Tapos tatanungin nila, hanggang ngayon lo, mahal mo pa po sya. ”
“Sobra! Siya lang ang babaeng nag mamay ari ng puso ko. ”
Tapos sasabihin nila.
“Lagot ka lo, susumbong ka namin kay Lola. Tapos rarakrakan na naman ako ni Lola Alodia. Magtatakip na lang ng teynga.. Di kasi ako pinaglaban dati ni Lola Nice eh.”
“Hoy! Mahal ko.. Tama na.. Tsk..” tumabi syang lalo dito at niyakap ito tsaka inalo.
“O ano? Hmm? Bat iiyak iyak ka dyan?”
“Sino bang nagpaiyak?” parang bata nyang pagmamaktol
“Sorry. ..
” So ano na.. Ilalaban mo ba ako o hindi?hmm?” pilit nyang hinaharap ang mukha nitong luhaan.
” Ilalaban.”
” Hmm? Hindi ko narinig, ingay naman ng mga waiter..”
Kunwari pa niya
” Ilalaban na nga”
“medyo malabo pa rin.”
Tinaas ni Nice ang mukha nya at tinapat ang bibig sa teynga ni Ace
“Ilalaban kita.. Magkamatayan na! ”
“HAHAHAHA! Yan ang gusto ko.”
Iniharap nya uli ang mukha nitong nahihiya na.
Pinahid ang mga luha. Tsaka dinampian sa pisngi. At niyakap ng mahigpit.
“Mahal kita Nice.. Hanggang sa dulo ng walang hanggan.”
“Love din kita. Gusto ko ako yong makasama mo hanggang sa pagtanda.”
“Don ka talaga na touch e noh. Hehehe..”
Kung tayoy matanda na, sanay di tayo magbago.. Kailanman, nasaan man ito ang pangarap ko🎶
Hanggang sabay na silang kumanta, habang yakap ang isat isa.
Inlove talaga sya sa boses ng Ace nya.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.