2

MARRIED TO A HEARTLESS MAN CHAPTER 12


Report

MARRIED TO A HEARTLESS MAN❤️
CHAPTER 12
Mabilis na bumaba si Clara sa sasakyan at dali dali maglakad papasok sa mansyon”Hey wife wait up”rinig niyang sabi ni Tyron. Pero di niya ito pinansin. Kailangan ay siya ang mauna sa loob.
Walang tao sa mansyon kung hindi silang dalawa lang ni Tyron. Pinagleave niya muna ang mga katulong at bantay para masolo ang asawa niya. Tinulungan rin naman siya ng mga ito para sa sorpresa niya kay Tyron kaya okay na din.
Nakita niya ang cake na nakalapag sa mesa at nasa box pa agad niya iyong binuksan. Pagkatapos ay hinawakan niya ito.
“Clara where are you?Where are the maids?” rinig niya ang boses ni Tyron na nanggagaling sa living room.
“Andito ako!” sigaw niya mula sa kusina. Nakaayos ang lahat sa mesa. Pinaluto niya kay Manang Cely ang mga paborito ng asawa niya.
“What are you —” hindi na natuloy ni Tyron ang sasabihin ng makita nito kung ano ang hawak niya.
“Happy, happy birthday Love” sabi niya rito. Binaba niya muna ang cake sa mesa pagkatapos ay niyakap ito at hinalikan ito sa labi pero smack lang.
“Hoy! di mo ba nagustuhan? Ayaw mo ba? Magsalita ka naman.” pangungulit niya kay Tyron dahil hindi ito nagsasalita at nakatingin lang sa kaniya at sa minting surpresa na pinahanda niya.
“I love it and I love you, this is the first time that someone have a surprise for me since my parents and sister’s death” sabi ng asawa niya sa kanya.Mukhang namimiss nito ang magulang at ang kapatid na wala na.
“Birthday mo ngayon dapat masaya hindi malungkot, naandito naman ako kahit wala sila at alam kong kasama rin natin sila ngayon, Alam kong masaya sila para sayo” niyakap niya ulit si Tyron at gumanti rin ito ng yakap sa kanya. Bumitaw na rin siya sa yakap. Tatalikuran niya sana ito para kunin ang cake pero hinila siya nito at pinaharap sa kanya pagkatapos ay hinalikan ang labi niya. Halik na puno ng pagmamahal.
” Mamaya na, kain muna tayo” sabi niya sa asawa kaya napatawa naman ito ng mahina.
“Pinaluto mo ito lahat kay Manang Cely?” takang tanong ni Tyron sa kanya.
“Ahhmm oo kaya wala siya kaninang umaga noong tinanong mo” sagot niya pagkatapos ay ngumiti.
Nakita niya ang mga cherries sa cake kaya natakam siya. Pero dapat kumain muna sila.
“Kung buhay lang sila mom sigurado akong magugustuhan ka rin nila specially my sister.” sabi ni Tyron sa kanya.
“Sana nga noh, sana na meet ko sila.” pag-sang ayon niya kay Tyron.
“Ayy wait, pahiram akong cellphone mo” sabi niya sa asawa. Kaya napakunot noo ito sa kanya.
“Why?” tanong nito sa kanya.
“Pahiram nalang kasi” kunyari ay naasar niyang sabi.
“I will not give it you hanggat di mo sinasabi kung bakit mo hinihiram” sabi nito sa kanya.
“Edi wag! Bahala ka di ko ibibigay sayo yung gift ko! Dalawa pa naman yun” sabi niya pagkatapos ay kinuha niya ang cake na nasa tapat niya lang. Sinimulan niyang kainin ang mga cherries na nasa ibabaw nun.Nakangiti lang naman ang asawa niya na pinapanood siya.
“Here’s my phone” inabot ni Tyron ang cellphone nito sa kanya.
“Thank you!! Saglit lang naman may tatawagan lang ako, ano pala number ng secretary mo?” tanong niya dito.
“I dont have a secretary” sagot nito sa kanya.
“Ehh sinong tatawagan ko dito na nagtatrabaho sa company mo?” tanong niya sa asawa. Di naman agad ito sumagot.
“Yung inutusan mong bumili ng pizza kanina he has number on my phone, he’s my most trusted employee” sagot ni Tyron sa kanya.
“Great siya na lang ang tatawagin ko.” kumunot ang noo ni Tyron dahil sa sinabi niya. Kaya mahina siyang natawa.
“Why would you call him?” tanong ng asawa niya sa kanya.
“I will ask him again to buy pizza” sagot niya rito.
“Wife you already ate pizza earlier, you even eat one box of it, is it not enough” di niya muna ito sinagot. Dinial niya ang number. Mabilis naman may sumagot parang segundo lang. Akala siguro nito ay ang asawa niya ang tumatawag.
“What do you need, Sir?” kaya bahagya siyang natawa. Matiim lang naman na nakatingin si Tyron sa kanya.
“This is Clara his wife call me ma’am not sir” pagsagot niya sa empleyado ng asawa niya.
“Ahh kayo po pala Ma’am Clara” sabi nito sa kanya na may halong paggalang.
“Can you buy pizza again?” Mabilis naman itong sumagot. “Ilang box po ba?” tanong nito sa kanya.
“Ahhm ilang box ba ang kailangan para mapakain ang lahat ng empleyado sa kompanya? Also softdrinks and pansit bumili na ka na rin, para yun sa inyo” di naman agad ito nakasagot sa kanya.
“Okay ma’am, thank you po ma’am Clara ” halata sa boses nito ang saya.
“Hindi ka dapat magthank you sakin dapat sa asawa ko, sa boss niyo,inutusan niya lang ako” gusto niyang matawa sa reaksyon ni Tyron. Kahit kailan walang sweetness ito sa mga empleyado.
“Birthday nga po pala ni Sir,sige po ma’ am Bye po May kailangan pa po akong gawin, pasabi po kay sir Tyron thank you po” at namatay ang tawag.
“Kain na tayo!” sabi niya kay...


Tyron ng nakangiti. Nakatingin lang ito sa kanya habang kumukuha siya ng pasta. Siya na rin ang naglagay sa pinggan nito.
“Everyday your getting more weirder” sabi ni Tyron sa kanya habang kumakain sila.
“Weird pala huh? Wala na talaga yung gift mo sakin!” asik niya dito at sumubo ulit ng pasta.
“It was a joke” ganti ng asawa niya.
“Well it’s not funny” pagtataray niya rito.Mood swing na naman.
“So where’s my gift?” tanong nito sa kanya.
“Nagbago na isip ko di ko na ibibigay” pang-aasar niya dito Siguro ang sarap nitong asarin.
“Wife, where’s my gift?” pangungulit pa nito sa kanya Pero patuloy lang siya sa pagkain.
“Wife!!!” tawag nito sa kanya.
“Eto na ibibigay na” napangiti naman ito dahil sa sinabi niya. Naiinis siya sa ngiting iyon. Parang gusto niya itong sapakin.
“Diyan ka lang kukunin ko lang” sabi niya bago pumunta sa kwarto nila.
Pumunta siya sa may closet niya.Kinuha niya doon ang isang paper bag kung saan nakalagay ang isa pa niyang regalo dito. It was watch.
“Ohh ayan na!” abot niya kay Tyron. Natawa naman uto dahil sa inasal niya.
“Nakakainis yung ngiti mo” sabi niya dito.
“For me it’s not, I’m more handsome when I’m smiling,” sabi nito sa kanya. Hindi mahilig sa ganitong biruan ang asawa niya pero natutuwa siya sa narinig.
“Oo na kailangan pa ba sabihin yun, ikaw ang pinakagwapong nilalang na nakita ko” sabi niya dito pagkatapos ay sumubo ng cherry.
“Its a watch” sabi nito ng buksan ang box na may lamang relo.
“Ay hinde alarm Clock yan” pamimilopo niya rito. Kinuha niya ang box para siya ang magsuot ng relo dito.
“When did you buy it?” tanong ni Tyron sa kanya.
“Ahhm noong isang isang linggo pa ibibigay ko na sana sayo noong araw na binili ko pero lagi kang busy sa company mo kaya tinabi ko muna at ngayon ko nalang binigay. I personally buy it for you and I even pick the design that will suit to you” pagpapaliwanag niya kay Tyron.
“I’m sorry nabusy lang ako in the past few weeks” sabi nito sa kanya pagkatapos ay hinawakan ang kamay niya at hinalikan ang likod ng palad niya.
“Okay lang” sabi niya dito at ngumiti.
“So where’s my second gift?” tanong ng asawa niya.
“Di pa ko ready sabihin” sabi niya dito pagkatapos ay kumain ulit ng cherry mula sa cake.
“Tell what?” kunot noong tanong ni Tyron sa kanya.
“Na ano na ikaw ang pinakamamahal ko” sabi niya kay Tyron at napangiti naman ito dahil sa sinabi niya.
“Be serious wife, ano ngang sasabihin mo?” pangungulit nito sa kanya.
“Ahhm na iiwan na kita” pang-aasar niya dito.
“No I won’t let you do that” tiim bagang nitong sabi sa kanya. Ang cute ng asawa niya.
“I’m pregnant Tyron” biglaan niyang sabi muntik na itong masamid sa iniinom dahil sa sinabi niya.
“Youre what???” di makapaniwala nitong sabi sa kanya.
“Buntis ako” pag-uulit niya.Di agad ito umimik.
“Hoy sabi ko buntis ako”pero sa malambing pa rin na boses na sabi niya kay Tyron dahil wala itong imik baka di pa nagsisink in dito ang sinabi niya.
” Hell yeah”ito ang lang nasabi ng asawa niya.
“Ano???” takang tanong niya dito. Bigla itong tumayo mula sa upuan at lumapit sa kanya. Pagkatapos ay niyakap siya ng sobrang higpit.
“Wag naman masyadong mahigpit di ako makahinga” pagbibiro niya.
“The best gift I ever had!” sabi nito habang nakayakap pa rin sa kanya.
“Siyempre sakin galing ehh” natawa naman ito ng konti dahil sa sinabi niya.
“You don’t know how happy I am Clara, thank you letting me in your heart. I love you the most” sabi ni Tyron at hinalikan naman ang labi niya.
“Mahal na mahal rin kita, I love so so much kayo ng magiging baby natin” sabi niya kay Tyron.
” It should be babies I want twins” sabi ni Tyron sa kanya then a playful smile form in his lips.
“isang kamukha mo, isang kamukha ko” dagdag niya pa dito.
“Oyy di na ba tayo kakain? Gutom pa ko, onti lang rin kinain mo ahh”sabi niya kay Tyron. Buhat siya nito na parang bagong kasal.
” Iba ang gusto kong kainin”sabi ni Tyron sa kanya at ngumisi pa.
“A—no???” nauutal niyang sabi kahit hindi iyon ang unang beses na mangyari sa kanila. Medyo kinakabahan siya. Baka di siya makalakad bukas.
“I want you wife”sabi nito sa kanya. Pagkatapos ay pumasok na sila sa kwarto. Nilapag siya nito ng marahan sa kama.
” Well make sure that it will be a twins”sabi nito sa kanya.Agad siya nitong kinubabawan. Hinalikan siya nito sa labi hanggang sa lumalim ang halikan nilang dalawa. Di niya namalayan wala na pala siyang kahit anong damit at ganon ding si Tyron.
Hinahaplos nito ang buhok niya siya naman ay nakaunan sa braso nito.
” I love you Clara I can’t wait to have a family with.” sabi nito sa kanya.
“I love you too, I will spend my whole life with you. You’re the only one I love” sagot niya kay Tyron.Then nakatulog na siya.Nakayakap pa rin siya sa asawa.
Thank you po sa patuloy na pagbabasa😍❤️


2 Comments

  1. i like and i love this story🥰pero tlga bang this is the end of this story😢

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.