0

Marriage Contract Chapter2 part 1


Report

Almira
Abala ako sa pagaayos ng kakain ng anak ko ng biglang may pumasok sa kwarto pagtingin ko si Tyron Villaluna.
” T-tyron…. ”
” Hi Almira ”
” Anong ginagawa mo dito sa hospital? ” Tanong ko.
” Dinadalaw anak mo ” sagot ni Tyron.
” Ganun ba ”
” Mie sino siya? ” Biglang tanong ng anak ko.
” Baby Chloe he is tito Tyron siya yung savior mo ”
” S-savior? ”
” Siya yung tumulong sa’yo para gumaling ka ”
” Totoo Mie? ”
” Yes baby Chloe ”
” Uhm…. Hello baby Chloe ”
” H-hello po tito Tyron ”
” Call me Daddy Tyron na lang baby Chloe ”
” D-daddy? ”
” I know you do not have daddy kaya pwedeng pwede akong maging temporary daddy mo ”
” Mie? ”
” Sandali lang baby usap lang kami ni Tito Tyron mo ”
Hinila ko palabas ng kwarto si Tyron para kausapin ng masinsinan.
” Tyron naman ”
” Sige na Almira kahit ngayon lang ”
” But why? ”
” I love kids at pangarap kong magkaroon ng anak na babae kaya hayaan mo na akong maging Daddy ng anak mo at ako ang pupuno sa pagkukulang ng hinayupak niyang...


ama ”
” Okay sige eh teka ano palang ginagawa mo dito? ”
” Kakamustahin ko lang anak mo Almira ”
” She’s already fine salamat pala ulit sa tulong mo dahil sa’yo maayos na anak ko ”
” Basta galingan mo sa pagpapanggap bilang fiance ko sa harapan ng marami ”
” Siyempre naman gagalingan ko bilang pasasalamat sa tulong mo sa akin ”
” May dala nga pala akong fruits tsaka mga books at toys para sa anak mo ”
” Salamat Tyron nagabala ka pa talaga ”
” No it’s my pleasure Almira ”
” H-hello po Tito Tyron ”
” Baby Chloe daddy na lang kung okay lang sa’yo? ”
” O-okay lang po Daddy Tyron ”
” Kamusta ka baby? ”
” Maayos na po ako Daddy Tyron at salamat din po sa pagtulong ninyo sa akin ”
” Pagkalabas mo ng hospital may bagong house na kayong titirahan ”
” I know po sabi ni Mie aalis na kami sa bahay ni Tita ”
” Baby Chloe yung new house ninyo malaki iyon ”
” Talaga po Daddy Tyron? ”
” Yes it’s a big house at magkakaroon ka ng sarili mong kwarto ”
” Really? ”
” Yes baby Chloe”


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.