0

Mahal Kita, Kahit Noon Pa!


Report

Mahal Kita, Kahit Noon Pa!
One Shot Story
by: Jamzrellejan
“Go!Go!Go!”
Samu’t sari ang hiyawan ng mga estudyanteng nanunuod ng University Basketball Championship Game.
“Anong bago! Lagi namang champion ang university natin sa basketball!” reklamo ni Mica Ella Ilustre. Ang nerd na Top Notcher ng University.
“Ano ka ba friend! Kaya nga hindi nagpa-quiz si Ms. Sungit para makapanuod tayo ng laro. Ayaw mo pa!” sabay turo ni Patty Limay sa tinutukoy na professor.
“Mas gusto ko pa ring nag quiz na lang. Ang ingay-ingay dito. Ang sakit na ng ulo ko!”
“Go Dave!” partikular na sigaw na karamihan ay kababaihan sa basketball player.
Tulad ng dalawang school year na nagdaan, champion ang kanilang university. At sa pangatlong pagkakataon, itinanghal na MVP si Dave Marco Sandoval.
Bilang pasasalamat ni Dave, nagpakawala ang lalaki ng kindat, kaway at flying kiss sa bandang kinaroroonan nina Mica.
“Hay! Sana akin yang flying kiss mo!” pagpapantasya ni Patty.
“Hmp! Hindi naman yan marunong humalik.” mataray na kumento ni Mica.
Napakunot-noo ang kaibigan pero binale-wala ang kanyang sinabi.
“Kung si Dave lang ang araw-araw ang katabi sa kama, kahit wala ng kain-kain, pwede na!” patuloy nitong pagpapantasya.
“Hintayin mong umuwing lasing.”
“Ano ba friend! Basag trip ka naman!”
“Eh kasi naman kung anu-ano yang iniisip mo!” naaasar na si Mica sa kaibigan kaya nauna na itong lumakad pababa ng stadium.
Dahil sa dami ng estudyateng gustong makalapit sa player ng basketball team, hindi makasingit si Mica sa daan. Kaya no choice, sa ilalim ng court sya dumaan. Nang biglang…
“Tatamaan ka ng bola!” sigaw ng nakakita.
Bago bumagsak kay Mica ang bola naharang na ito, ni Renz, kaklase din nya. Alam nyang hindi naman sya tinamaan ng bola pero bakit sya nahihilo at nagdidilim ang paningin.
“Andito tayo sa ospital. Anak! Kumustang pakiramdam mo?” nag-aalalang mukha ng ina ang namulatan ni Mica.
“Mommy, anong nangyari!” tanong naman nya sa ina.
“Nawalan ka ng malay, friend! Tinamaan ka ng bola. Kung bakit kasi doon sa ilalim ka ng court dumaan.” paliwanag ni Patty.
“Ha! Eh hindi naman ako tinamaan ng bola!” takang sabi nya.
Nagkatinginan naman ang kanyang mommy at kaibigang si Patty.
“Gising na palang Mikay ko!” masayang bati ng kapapasok lang nyang daddy.
“Daddy, hindi na ko baby, wag mo na akong tawaging “Mikay”!” maktol nya sa ama.
“Tama! Dahil magkaka-baby na ang ating si Mikay!” balita naman ng biglang pasok ng mama ni Dave. Kasunod ang asawa at si Dave.
Napatingin si Patty kay Mica, nanghihingi ng paliwanag.
“Balae, anong sinasabi mo?” takang tanong ng mommy nya sa mama ni Dave.
“Galing ako kay Dr. Angeles, ang ninang nila, 2 months pregnant si Mikay kaya hinimatay.” masayang balita nito.
“Paano nangyari yun!” hindi makapaniwalang hysterical ng kanyang Mommy. “Diba may usapan tayo!” umiiyak na ang kanyang mommy. “Magtatapos muna sila ng pag-aaral.”
“Ano ka ba naman Gina? Ipinakasal nyo nga kahit bata pa yang dalawa. Ngayong magkaka-apo ka na, malungkot ka!” paglalambing ng kanyang daddy. “Wala na tayong magagawa. Mag-asawa naman na yan.”
“Three years!”
“Ganon na kayo katagal ikinasal ni Dave pero wala kang sinasabi sa akin! Bakit?” hinampo ni Patty. “Secret lang ba yung kasal nyo?” excited na tanong nito.
“Hindi naman pero dahil mga bata pa nga kami, hindi pa kami pumipirma ng marriage contract. Kaya Ilustre pa rin ang gamit kong apelyido!”
“So, ang DM sa phonebook mo si Dave Marco?” urirat pa nito.
Tumango lang sya.
“Eh diba hindi naman kayo? Realtalk lang friend ha! Hindi kasi kapani-paniwalang ikaw ang asawa ng isang Dave Marco Sandoval. Dean lister ka nga pero hindi pa rin maikukumpara sa mga circle of friends ni Dave.”
“Grabe ka ha. Kaibigan ba talaga kita!” irap nya sa kaibigan habang nagtatawa ito.
Tama naman ang kaibigan. Cheerleaders, pang super model at pambato sa beauty-con ang mga babaeng nakapaligid sa asawa. Pinagkakaguluhan ng mga lalaki sa campus. Pero hindi ang dean lister. Kaya nga siguro, hindi nito ipinapaalam sa university na may asawa na sya.
Hindi kasi si Mica ang typical na anak-mayaman na mamahaling modern type ang pananamit. O tipong sosyalerang teenager. Akala nga ni Patty noon dahil sa scholarship kaya sya nakapag-aral sa prominent and exclusive university na gaya ng pinapasukan nila.
Madalas nga sabihin ng kanyang Mommy, “Anak bakit ba itinatago mo ang iyong ganda! Kung manamit ka, para kang old maid. Mahabang bestida, close neck na nga, long sleeve pa. Napakainit sa Pilipinas para ganyang ang isuot mo! Natatakpan ang maganda at mapungay mong mga mata dahil sa kapal ng grado ng yong salamin. Mag-contact lens ka na lang kasi.” ito ang laging sermon ng kanyang ina. “Pag magkasama tayo, nagmumukha kitang secretary!” dagdag pa nito.
“Pero friend, ano nga nangyari?”
“Three years ago, na-diagnose si mommy na may breast cancer. Sabi ng doktor malala na. Kaya hiniling ni mommy na gusto nyang makasal ako bago man lang sya mamatay. Kaya ipinakasal kami ni DM. Good thing is, naka survive si mommy.”
“Ah kaya pala sa America kayo nagstay. Doon ka rin nagtapos ng high school.”
College days ng maging classmate sina Mica at Patty. Pareho kasi silang nerd tignan. Pero bukod doon marami silang pagkakatulad at hilig gawin kaya sila naging magkasundo.
“Kailan mo naman nakilala sina Dave?”
“Since birth!”
“What!” hindi makapaniwala ang kaibigan. “How come?”
“Bestfriend ang mga lola namin sa probinsya. Kaya naging mag-bestfriend din ang mga mommy namin. Kaya ng makapag-asawa at lumuwas ang pamilya nina DM, lumipat din sina Mommy dito sa Manila. One year lang ang tanda sa ‘tin ni DM. Kaya ng malamang buntis si Mommy, nagkasundo na magiging bestfriend din ang mga anak. Kaso nang malaman na girl ako, five months old pa lang pinagbubuntis, ipinagkasundo na.” tumayo si Mica sa bintana. “Yan ang bahay nina DM.” turo nya sa katapat na bahay.
“Really? OMG! Friend tanawan lang kayo sa bintana sabihin pang mag-asawa kayo pero sa campus parang hindi kayo magkakilala!”
Nagkibit-balikat si Mica. “Mga bata pa lang kami lagi nya na akong binu-bully. Ayaw nya akong isali sa laro. Pag nakita nyang nasa labas ako, pinauuwi nya ko. Hanggang high school, pag may lumapit sa akin pinalalayo nya o kaya akong pinapaalis nya. Kaya iniwasan ko na lang sya. Pero pag naman kaharap mga parents namin, super bait at lambing..”
“Sabi mo nasa kabila ang kwarto ni Dave. Paano yan nabuo.” sabay nguso nito sa kanyang tyan.
“Ano ka ba!” muling irap nya sa kaibigan.
“Pinabababa na kayo. Nakahanda ng hapunan.” sungaw ni Dave sa pinto ng kanyang kwarto.
“Sige hubby pababa na.” malambing na pagbibirong sagot ni Patty sa lalaki.
“Patty may pag-uusapan lang kami.” pigil ni Dave kay Mica.
“Mauna ka na. Susunod ako!” sabi naman nya sa kaibigan.
Muli syang umupo sa kama. Tinitignan ang asawang nagpapalakad-lakad. Nabigla sya ng tumabi ito sa kanya at hawakan ang kanyang tyan.
“Ingatan mong baby natin ha! Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya.” sabay halik ng lalaki sa kanyang labi at lumabas na ng kwarto.
Hawak pa ni Mica ang labing hinalikan ng asawa. Natutuwa sya sa reaction ng lalaki. Hindi kasi sya sure kung alam nitong may nangyari sa kanila. Pero dahil nga sa pagkabuntis nya, bumalik na naman sa alaala ang mga naganap.
Lasing na lasing kasi itong umuwi galing kung saan. Nasa hardin pa sya at nagrereview kaya sya ang nagbukas ng gate. Pasuray-suray ang asawa dahil sa kalasingan. Inalalayan nya ito hanggang sa kwarto. Nabigla na lang sya ng hilahin sya nito at paghahalikan. Noong una, pilit nyang nilalabanan ang asawa. Malakas ito kaya wala syang nagawa. Tulog na tulog pa rin ang lalaki ng umalis sya sa tabi nito kinabukasan. Pilit nyang kinalimutan ang nangyari dahil parang wala din naman sa lalaki.
Naging maalalahanin sa kanya ang asawa. Pero sa loob lang ng bahay. Hindi sa labas lalong hindi sa campus. Sarili nitong kotse ang gamit. May sarili naman syang service.
“Mica!” tawag-habol sa kanya ni Renz.
“Bakit?” tanong naman nya dito ng huminto sya.
“Okay ka na? Nag-alala ko sa’yo.”
Tumango at ngumiti sya sa kaklase. Kahit naman hindi nito sabihin, alam nyang may gusto sa kanya ang lalaki. Palakad na sana sya ng biglang makaramdam ng hilo.
“Dadalhin na kita sa clinic.” pag-alalay sa kanya ni Renz.
Nakatanaw naman sa di kalayuan si Dave. Napatiimbagang sya ng makitang hinawakan si Mica ng lalaking kausap.
“Are you okay?” puna ni Sam at sinundan ang tinitignan ng lalaki. Napasimangot naman ito ng makilala ang sinusundan ng tingin. “Are you interested with that girl?” mataray na tanong nito sa lalaki.
Tinignan lang ni Dave ng matalim si Sam. Natahimik naman si Sam. Alam naman ng babaeng ayaw ni Dave na sinisino si Mica. Kaya nga sya lalong naiinis dito. Kakompetensya kay Dave ang tingin nya kay Mica. At kung bakit lagi itong ipinagtatanggol ng lalaki sa twing may maririnig kahit simpleng hindi magandang salita laban sa babae.
Alam ni Samantha Alegre na sya ang campus crush. Lahat gagawin para sa kanya. Kaya hindi nya matanggap na hindi mapasa kanya si Dave at mukhang mas interested pa ito kay Mica na walang panama kung ikukumpara sa kanya.
“Sige na, ako ng bahala kay Mica.” pagtataboy ni Patty kay Renz.
“Pero baka kailangang sa ospital natin sya dalhin.” pag-aalala nito.
“OA mo ha! Okay na sinabi eh. Asan ang kotse mo?” takang tanong ni Patty sa kaibigan ng hindi makita ang kotse ni Mica sa parking area.
“Ihahatid ko na lang kayo!” offer ni Renz.
“Ako na maghahatid sa kanya.”
Sabay-sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses.
“Hi, Papa Dave!” maarteng bati ni Patty sa papalapit na lalaki.
“Pinauwi ni Daddy si Mang Nestor, may iuutos daw.” tukoy nito sa kanyang driver.
“Wala naman pala ang service mo, ihahatid na kita!” pilit pa rin ni Renz.
“Pare, wag ka ng makialam dito. Ako ng bahala kay Mica.” may diing sabi ni Dave. Sasagot pa sana si Renz ng balingan ni Dave si Mica. “Sakay na!” utos nya sa babae.
“Thank you Renz!” Sumakay na si Mica para hindi na humaba ang pagtatalo ng dalawang lalaki.
“Bakit syang maghahatid kay Mica? Magkakilala pala sila? Ano ba talagang nangyayari kay Mica?” tanong na naguguluhang si Renz kay Patty.
“H’wag kang maingay ha! Secret lang ito! Buntis si Mica. Kaya hayaan mo na sya kay Papa Dave.” habang papalayo ay kwento ni Patty kay Renz.
“So, buntis pala ang babaeng yon! Tatahi-tahimik, nasa loob pala ang kulo!” mahiwagang ngisi ni Sam. Sinundan nya si Dave pero hindi nya ito naabutan sa parking lot, sina Renz at Patty lang ang naroon. Maliban sa pagbubuntis ni Mica, wala na syang ibang narinig sa usapan ng mga ito. Isang masamang balak ang nabuo sa isip ni Sam.
“Ano bang problema mo?” nang hindi makatiis ay kompronta ni Mica kay Dave.
“Problema! Ikaw! Yang pakkikipagharutan mo sa ibang lalaki. Buntis ka na’t lahat.”
Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Dave.
“What the…” at inihinto nito ang kotse.
“Watch your mouth DM.” galit na ang babae. “Look whose talking! Kung sana nasa tabi kita at hindi yung mga babaeng yun ang iniintindi mo, ikaw sanang aalalay sa akin at hindi ibang tao. Kaibigan ko si Renz at wala syang ginagawang masama. Inalalayan nya lang ako ng mahilo ako.”
Ang galit na mukha ng lalaki ay napalitan ng pag-aalala. “Okay ka lang ba? Ang baby natin?”
Iwinaksi ni Mica ang kamay ng lalaki at tumingin sa labas ng kotse. Tanda na ayaw na nyang makipag-usap. Tamihik na pinaandar ni Dave ang kotse. Wala silang imikan hanggang makarating sa bahay.
“Sa susunod, linisin mo muna ang kotse mo bago ka magsakay. Amoy na amoy ang masangsang na pabango ng babae mo.” mahina ngunit mataray nyang pasaring sa asawa.
“Okay ka lang anak?” nag-aalalang salubong ng mga magulang. Naroon din ang mga magulang ni Dave. Kasalukuyang nagme-merienda ang mga ito.
Tumango lamang sya. Nagbigay galang muna sa mga magulang at byenan bago tuluyang pumasok sa bahay. Nang masalubong ang driver. “Akala ko may iniutos ang daddy sa inyo?”
“Ah sabi po ni Sir DM umuwi na daw po ako at sa kanya na kayo sasakay.”
Napatingin si Mica sa asawa na kausap na ng matatanda. Pero nanaig pa rin ang inis nya dito.
Maagang gumising si Dave kahit araw ng Sabado. Ipapa-car wash nya ang kotse. “Mang Nestor, saan kayo nagpapa car wash ng kotse?”
“Naku Sir! Kami lang po ni Mica ang naglilinis ng kotse nyo. Gabi ka naman naalis ng sabado kaya nalilinis namin iyan. Nagpaturo sa akin.”
“Ganon po ba!” hindi makapaniwala si Dave na ang asawa ang naglilinis ng kanyang kotse.
“Sir! Hindi na kayo iba sa akin, hane.” binuksan ng matandang driver ang compartment ng kanyang kotse. May inilabas itong maliit na kahon. “Madalas kasing makakita si Mica ng ganito sa kotse mo. Hindi kasi magandang tignan sa may asawa ang ganyan. Isa pa’y para ng anak din ang turing ko kay Mica. Kahit hindi sya magsalita, alam kong nasasaktan din sya.”
Binuksan ni Dave ang kahon na iniabot ng matanda. “Ano to!” gulat ni Dave. “Bakit may mga ganyan ang kotse ko!” Iba’t ibang klase ng undies, pabango, lipstick at kung anu-anong gamit pambabae ang laman ng kahon.
“Bakit Sir? Hindi nyo po ba alam yan?” naguguluhang sabi ni Mang Nestor.
“Sa maniwala ho kayo’t sa hindi, wala akong alam dyan.” napaisip si Dave. “Sabi nyo po, twing sabado kayo nakakakuha ng ganito!” Si Sam lang ang pwedeng gumawa nito. “Tulungan nyo na lang po ako linisin itong kotse.” itinapon naman nya ang kahon sa malapit na basurahan.
Habang naglilinis, nagkakwentuhan sina Dave at Mang Nestor.
“Mang Nestor, bakit Mica lang ang tawag nyo kay Mica?”
“Yun kasi ang gusto nya. Hindi mo ba naririnig ang tawag sa kanya ng ibang kasambahay. Ayaw na ayaw non papatawag ng “Ma’am”, “Senyorita” basta Mica lang.” natatawang sabi ng matanda. “Oh ayan, mabango ng kotse mo. Hindi na mahihilo si Mica pag isinakay mo.”
Noon nya lang napansin, ibang-iba nga ang amoy. Siguro dahil madalas nakadikit si Sam, immune na sya sa pabango nito.
“Sir DM, nakahain na po ang almusal.” tawag ng isang kasambahay.
“Oh upo na ng makakain na tayo. Si Mica ay tulog pa. Si Mommy nyo nagluto ngayon.” sabi ng kanyang byenang lalaki.
“Eh dad, sino po bang nagluluto?” tanong ni Dave.
“Ako!” agaw ng kusinera. “Pero ang almusal, si Mica. Bilin kasi ng Mommy nya dapat marunong syang magsilbi sa asawa. Kaya nga pagkakadating, tanong agad kung kinain mo yung niluto nya.”
Hindi makapaniwala si Dave. Hindi lang pala kotse nya ang inaasikaso ng asawa kahit ang almusal. Kung minsan pa man din dahil sa tanghali na, hindi na sya nakakakain pa.
“Oh, saan ka pupunta?” awat ng byenang babae.
“Sisilipin ko lang ho si Mica kung gising na.” pagpapaalam nya sa mga byenan.
Dahan-dahan nyang inikot ang doorknob ng pintuan ng kwarto ng asawa. Mabuti at hindi ito naka-lock. Tulog na tulog pa ang babae. Parang pagod. Nilibot ni Dave ang kwarto ng asawa. Napaka organize nito sa gamit. Masarap sa mata pagmasdan ang kwarto. Nang mapadako ang tingin nya sa picture frame na nakabaliktad sa ibabaw ng side table. Wedding picture nilang dalawa pala ito. Inosenteng mga mukha.
Isang masuyong haplos at halik sa buhok ang ginawang panggising ni Dave. Pero kumilos lang ang asawa. Bumalik na sya sa komedor ng hindi pa rin ito gumising.
Pagkatapos mag-almusal, pumanhik na si Dave sa kanyang kwarto. Balak na nyang maligo. Naabutan nya ang labandera-plantsadora.
“Ay Sir DM, matatapos na po ako!” nahihiyang sabi ng may katandaang kasambahay habang maingat na isinasalansan ang kanyang mga damit.
“Okay lang ho! Aling Natty, ang tyaga nyo pong iaayos ang mga damit ano!”
“Naku, hindi po ako! Ngayon nga lang ako naglagay. Si Mica ang nag-aayos ng gamit mo. Pag-uwi nya galing school, nadiretso na agad yun sa akin, may dala pa merienda. Pilit na sya na daw magpaplantsa ng damit nyo. Noon nag try din maglaba, ay nagkasugat-sugat kaya sabi ko sa plantsa na lang sya. Oh ayan, tapos na ko. Maiwan na kita. Ay teka, kagabi ay binitbit na ni Mica ang damit nya, bakit iniwan ang sa iyo?” usisa ng matanda. “Kaya ako na ang nagtaas.”
Nagkibit-balikat na lamang sya. Nahihiya ang lalaking magkwento. Kaya pala pagod na pagod ang asawa. Kahit galit ito sa kanya at masama ang pakiramdam, inasikaso pa rin ang kanyang mga damit.
“Ano bang ginagawa mo, Mica! Pinagsisilbihan mo ako ng hindi ko alam! Tapos ako, walang ginawa para sa’yo. Ang sama na nga ng pakiramdam mo, kung ano pang sinabi ko!” nagpalakad-lakad ang lalaki. “Kailangan mong bumawi, Dave!”
“DM!” alam ni Malou na may gustong sabihin ang anak. Kahit magkatapat lang ang bahay nila, bibihirang pumunta na dito ang anak mula ng ikasal ito. “May problema?”
“Ma! Diba debut ni Mica next month!” hindi maituloy ni Dave ang sasabihin sa ina. “Ano kayang magandang surprise!”
“Hmmm! Anak kasi sabi ni Mica ayaw nya ng party. Alam mo naman yun home body!”
“Ok, Ma! Thank you. The best ka talaga.” pagkahalik sa ina agad na itong umalis.
“Ha! Anong nangyari don.” naguguluhang hinabol na lang ang papalayong anak.
“Friend, anong plano mo next month?” tanong ni Patty. Nasa canteen sila noon.
“Wala! Alam mo naman ayoko ng ganon!”
“Patty, may itatanong lang sana ako! Pwede kang makausap ng tayo lang!” si...


Jayson. Isa sa close friend ni Dave na crush na crush ng kaibigan.
“Okay lang ba, friend?” nahihiyang paalam ni Patty kay Mica.
“Oh sige na! Puntahan mo na lang ako sa library.” paalam nya sa mga ito.
Kahit anong pilit ni Mica, hindi nya napaamin si Patty sa itinanong ni Jayson. Papasok sila noon ng canteen.
“Thanks sa invitation!” ito ang sabi sa kanila ng bawat nasasalubong.
Bukod sa pagiging dean lister, marami ring academic club at organizationg pang school silang kinabibilangan.
“Ms. Popularity!” pang-aasar sa kanya ni Patty.
“Ano ba yung invitation na sinasabi nila? Namigay ba tayo ng flyers?”
“Aba ewan! Baka isa sa club, may pa event.”
“Pwede bang hindi natin alam yun!”
“Hayaan mo na nga lang! Basta ngumiti ka na lang!”
“Mommy! Pinag-usapan na natin ito!” mahinang bulong ni Mica sa ina habang papasok sila sa isang kilalang fashion shop.
“Anak pagbigyan mo na ako! Kahit simpleng dinner lang yun dapat naka-gown ka.” nakangiting lambing nito sa anak.
“Ay welcome! Ito ba ang debutant? Naku Madam, super ganda nga ng inyong anak!” maarteng puri ng baklang may-ari ng shop.
“Mommy, eh next month pa po yung birthday ko, paano kung magbago ang sukat ng waistline ko!” pag-aalala ni Mica.
“Don’t worry! Your mom told me about your pregnancy. I-a-adjust na lang natin in case.”
“Anak, hindi naman ganon kabilis ang magiging paglaki ng tyan mo.” assurance ng mommy nya.
After a week, ginawa ang kanyang photo and video shoot sa ancestral house ng pamilya ng kanyang Daddy at sa ibang tourist spot na kilala dito sa probinsya. Hindi ang mismong design ng gown ang isinuot nya kundi sampung naggagandahang gown ang pinagpalit-palit.
“Bongga talaga!”
“Kung ako lang, hindi naman kailangang may photo and video shoot. Ayoko lang magtampo sina Mommy. Ayaw ko na nga daw magparty kaya ito na lang kahit sa video ma-capture ang debut ko.”
“Nag-iisa ka yatang prinsesa nila. Bakit nga kasi ayaw mo?
“Hindi ko lang talaga gusto!”
“Eh pano yan! Pero, friend alam mo! Grabe, kilala pala talaga ang clan nyo dito sa province nyo. Feeling artista tuloy ang peg natin!”
“Hindi lang kasi sa politics kilala ang mga Ilustre. Kahit sa pagkakawang-gawa at maasahan ng mga kababayan!” pagmamalaki ng kanyang Papa. Ex-Governor ang kanyang Papa. Pinalitan ito ng kanyang Tito, na bunsong kapatid ng kang Daddy.
“Pati si Mama Malou at Mommy ko, panglaban sa beauty contest. Pagbalik natin ng Manila, ipapakita ko sa’yo ang album ni Lola ng mga sinalihan nila.”
Katatapos lang ng pictorial. Nagpapahinga na ang lahat habang nagme-merienda.
“Kahit naman ikaw pag ganyan ang ayos mo, Friend!” pagmamasid sa kanyan ni Patty. “Ang ganda-ganda mo! Tignan mong mister mo, tulo- laway.
Biglang nahiya si Mica. Lalo pa ng mahuli nyang titig na titig nga sa kanya si Dave. Naramdaman nyang nag blush ang mga pisngi kaya tumingin na lang sya sa labas ng bintana.
Kahit naman sya, hindi nakilala ang sarili ng pagmasdan sa salamin ang kanyang reflection. Simpleng bestida ang suot nya, ang mommy nya ang nagpumilit na ito ang isuot para daw mabilis magpalit, off shoulder kasi ito. Pero lumabas ang hubog ng kanyang katawan. Hindi mo mapagkakamalang buntis. Makalagpas tuhod ang haba kaya maya’t maya din niyang hinahatak pababa. Nakalaylay ang kanyang buhok na kinulot sa dulo. Wala din syang suot na makapal na salamin sa mata, naka-contact lens kaya’t kitang-kita ang mapungay na mga mata nya.
“Ang ganda ng misis ko!” malambing na sabi ni Dave ng tumabi ito sa kanya.
Dahil sa labas nakatingin, hindi namalayan ni Micang katabi na ang asawa.
“Salamat!”
Hindi na napigil ni Dave ang sarili. Kinuha nya ang kamay ng asawa at masuyong hinalikan ito. “Napagod ka ba?” malambing pa ring tanong ng lalaki.
“Medyo!” nabigla man sa ginawa ng lalaki, hindi na rin namalayan ni Micang nakasandal sya sa balikat ng asawa.
Lihim namang sumenyas sa photographer ang kanyang mommy ng makita silang mag-asawa. Pinakunan ng picture ang bawat kilos ng sweetness nilang dalawa.
“Ano ba DM! Hindi ikaw ang debutant pero ikaw ang hindi mapakali dyan!” sita ng kanyang ina.
“Ma! Paano kung hindi ma convince ni Mommy Gina si Mica na pumunta dito.”
Sa kanilang hotel-restaurant gaganapin ang debut ni Mica. Halos naroon na ang mga imbitadong kaibigan ni Mica na si Patty ang nagpadala ng invitation.
“Eh diba nga ang alam ni Mica, magdi-dinner lang tayo!”
“Baka kasi magtaka yun, bakit naka-gown sya.”
“Anak ko, wala ka bang tiwala sa convincing power ng Mommy Gina mo? Relax! Ang gwapo talaga ng anak ko!” pag-iiba nito sa usapan.
Pinasadya pa niyang ipatahi ang tuxedong suot para sa special na gabing ito.
“Talagang pinaghandaan mo ang birthday ng asawa mo! Teka anak, bukod sa pag-organize mo nitong party ni Mica may iba ka pang gift sa kanya?”
Isang maliit na kahon ang kinuha ni Dave sa bulsa ng kanyang pantalon. Nanlaki naman ang mata ng kanyang ina ng makita ang laman nito.
“Really, anak!” at niyakap nito ang anak. “Matured na talaga ang anak ko. Pwedeng-pwede ka ng magpamilya.”
“Ano ba kayong mag-ina. Paparating na sila.” tawag ng kanyang Papa.
“Mommy naman! Bakit kailangan ito pang suot ko. Akala ko simpleng dinner lang to!”
“Sige na anak!” panunuyo ng kanyang ina.
“Dalagang-dalaga na ang Mikay ko!” sabi naman ng kanyang ama.
Hindi naman naaalangan si Mica sa suot. Kahit ang mga magulang at si Patty ay postura din ang suot. Ika nga hindi pahuhuli.
“Isipin mo na lang, nasa dinner tayo noong panahon ng mga kastila. Oh diba ganon dati! Mga naka-gown ang suot ng mga kilalang tao.”
Pagpasok sa restaurant ng hotel, biglang namatay lahat ng ilaw. Gusto mang kumilos ni Mica ng maramdaman nyang nawala sa tabi ang mga magulang at si Patty. Takot syang matumba sa taas ng kanyang takong. At dahil na rin sa dilim ng paligid.
“Mommy! Daddy! Patty!” mahinang tawag ni Mica.
Hindi nagtagal, isang dim na ilaw ang nakatutok sa kanya. Unti-unti itong nagliwanag. Wala na syang katabi kundi ang asawa.
“Saan ka galing? Wala ka naman dyan kanina! Asan sina Mommy?” sunod-sunod nyang tanong.
Ngumiti lang ang asawa at inalalayan syang maglakad. Nakasunod ang ilaw kaya wala pa rin syang makita sa paligid. Huminto sila sa gitna. Binitiwan sya ng asawa, nawala ito sa dilim. Gusto nyang sumunod, pero nagdilim ulit kaya hindi sya makakilos.
“Ladies and Gentlemen, the debutant, Ms. Mica Ella Ilustre.”
Kasabay ng malakas na palakpakan ang masayang tugtog at pagliwanag ng buong paligid. Tumambad kay Mica ang nakapalibot na mga kaklase, kakilala sa university at mga kaibigan kasama si Patty. Napalitan ang tugtog. Muling lumapit sa kanya ang asawa.
Natapos ang programa. Inalalayan ni Dave na maupo ang asawa sa lamesang nasa gitna paharap sa stage. Kasama ang mga magulang at byenan, pata si Patty. Muli ring umalis si Dave.
“Are you tired?” nakangiting tanong ng ina.
“Nope! Thank you po sa inyo! Kung hindi nyo ito ginawa, tyak na magsisisi akong hindi nagparty ngayong debut ko. Ang saya pala!”
“It’s not us!” sabayang tanggi ng mga kaharap.
“Ang asawa mo! Si Dave, sya ang nagplano ng lahat ng to! Tandan mo ng mag-usap kami ni Jayson. Itinanong nya kung sinu-sino close friend mo sa school. Eh halos lahat naman.” natatawang pagkukwento ni Patty.
Magtatanong pa sana sya ng bumukas ang malaking screen sa stage. Ito ang pictorial at video shoot nya. Sa bandang huli ang mga picture nila ni Dave noong bata pa sila habang lumalaki. Nagkakantyawan at naghihiyawan ang mga manunuod lalo na pag sweet photo nila ang nasa screen.
“Mga bata pa kayo ni DM, ang sweet nyo na sa isa’t isa.” kinikilig na sabi ng kanyang byenang babae.
“Kahit hindi nga sweet at halatang nag-aasaran, nag-aaway, bagay na bagay talaga kayo!” dagdag naman ng kanyang mommy
Hindi na matandaan ni Mica na may ganito silang picture ni Dave. May nagsusubuan. Nakayakap sa likuran nya ang lalaki. Meron din namang nagpupunasan ng cake sa mukha. Meron pang nag-iiyak sya habang nakalabi naman si Dave. Baka six to ten years old lang sila nito. Pero yung huling shot na naka stand by lang sa screen, ang eksena sa bintana ng bahay nila sa probinsya. Tandang-tanda pa niya.
Muling namatay ang mga ilaw! Ang liwanag sa screen lang ang natira. Tumayo ang mga kasama nya sa lamesa at inalalayang syang umakyat sa stage. At iniwan sya doon. Noon lumabas si Dave.
“Ms. Mica Ella Ilustre, will you marry me?” sabi nito habang nakaluhod sa kanyang harapan.
Dahil sa liwanag lang ng screen ang tumatanglaw sa kabuuan, hindi nila namalayan ang paglapit ni Sam!
“Ang sweet!” habang pumapalakpak pa ito. Makintab na hapit na hapit sa katawan na may hati sa magkabilang tabi ang suot nitong gown. Kaya lalong lumabas ang pagiging beauty-con nito. “Oh, sorry if I invited myself in your party. Hindi naman kailangan ng invitation ng isang Samatha Alegre sa ganitong party. Isipin mo na lang, isang privilege sa’yo na maging guest ako!” sarkastikong pang-uuyam nito sa kanya.
“Anong ginagawa mo dito?” tiim-bagang na sabi ni Dave. Nakatingin lang naman si Mica.
“Light please!” at nagliwanag ang buong paligid. “Malaki ang ibinayad ko para sundin ako ng mga tauhan mo!” pagmamalaking tukoy nya sa mga nagbukas ng ilaw. “Ayaw kasing sumunod ng iba sa takot na mawalan ng trabaho. But anyway, Gusto ko lang ipaalam sa inyong lahat, ang babaeng ito na tatahi-tahimik, ay buntis!” sigaw ni Sam, pero sa pagtataka ni Sam, parang hindi nagulat ang mga tao sa paligid. Hindi iyon pinansin ni Sam, si Dave ang binalingan nya. “Gusto mo pa rin bang pakasalan ang Mica na yan?” taas kilay nyang tanong kay Dave.
Umayos nang tayo si Dave. Sumenyas din sa mga magulang na okay lang ang lahat dahil nakita nyang nagtiim-bagang ang ama.
“Aminin mo Mica! Buntis ka diba!” patuloy nito.
Hinarap ni Mica ang babae. “Sino ka bang gumagawa ng eksena sa party ko! Isang laos na, kahit hindi pa nagiging beauty queen! Isa sa napakaraming babaeng humahabol at nagmamakaawang pansinin ni DM! O isa sa mga babaeng pilit ipinagsisiksikan ang sarili!” pagtataray ni Mica. Napatingin naman ang lahat kay Mica. Noon lang nagtaray at lumabas ang pagiging Ilustre ni Mica. Nagsigawan naman ang mga estudyateng naroon.
Hindi ugali ni Mica ang mang-insulto ng kapwa. Pakiramdam lang kasi nya, walang ibang magtatanggol sa kanya kundi ang sarili. Hindi naman nya mahuli ang tingin ng asawang sa mga taong naroroon nakatingin. Nag-aalangan ba itong malaman ng lahat na mag-asawa sila. Eh diba’t nagpo-propose nga ito bago umeksena si Sam.
“Yan ang anak ko!” sigaw ng kanyang Mommy.
Nagtaas ng kilay si Sam. “Ano Dave, bakit hindi ka sumagot!” pagtataray pa rin nito na hindi pinansin ang pasaring ni Mica.
“Uu, buntis si Mica, alam naming lahat yan!”
Napaatras si Sam.
“At uu, pakakasalan ko ang asawa ko sa pangalawang pagkakataon!” kay Mica niya ito sinabi. Hinawakan pa ni Dave ang dalawang kamay nito at dinala sa kanyang dibdib kaya magharap na sila ngayon.
“Asawa!”parang nanghinang ulit ni Sam. “Kasal na kayo?” pag-uulit nitong tuluyang napa-upo sa stage.
“Buntis si Mica at ako ang ama! Dahil ako ang asawa nya!” paninigurado ni Dave.
“Talaga palang mag-asawa kayo. Akala ko pa naman nagbibiro ka lang ng sabihin mo yun sa amin!” sabi ni Fred.
“Kaya pala ang lakas ng suntok mo ng sabihin kong gusto kung ligawan si Mica, asawa mo pala talaga sya!” dagdag naman ni Andrei.
“Akala naman namin nagbibiro ka lang, bro! O nag-iilusyon. Ni hindi kasi namin kayo nakitang magkasama o nag-uusap man lang.” si Bert.
“Kaya naman pala malapit sa tambayan nina Mica piniling tumabay para mabantayan ang asawa.” si Rose.
Nagsimulang tumulo ang luha ni Mica. Nag-alala naman si Dave at ang mga magulang kaya inalalayan nila itong ipasok sa private suite ng hotel. Naiwan si Sam sa stage na nagmukhang tanga sa pamamahiyang para sana kay Mica. Walang pumansin sa kanya. Sa bilin naman ng ama ni Mica, ipinagpatuloy ng mga bisita ang party.
“Anak, Tama na! Baka makasama sa baby mo yang pag-iyak.”
“Sino ba ang babaeng ‘yun, Dave?” sita ng galit nyang ama.
Pero imbes na sagutin ang galit na ama, nilapitan ni Dave ang umiiyak na asawa.
“Please, Mica. H’wag mo ng intindihin si Sam. Tama na!” pag-aalo nya sa asawa.
Unti-unting kumalma si Mica.
“Hindi naman ako umiiyak dahil sa ginawa ni Sam.” pagsisimula ni Mica. “Naiyak ako kasi sa ginawa ko. Nahihiya ako sayo. Hindi kita kinakausap sa campus kasi akala ko, ikinahihiya mong mag-asawa tayo. Pero noon mo pa pala yun ipinaalam sa university.”
“Bakit ko naman ikakahiyang asawa ko ang isang Mica Ella. Sa dami ng gustong makalapit at manligaw sa’yo, hindi ko pwedeng hindi ipaalam sa kanilang asawa na kita. Ikaw kasi ang umiwas kaya inirespeto kung baka ayaw mong ipaalam na mag-asawa tayo.” pagpapaliwanag ng lalaki
“Mula kasi noon wala ka ng ginawa kundi i-bully ako.”
“Anak! Ikaw ang nagbu-bully kay Mica? Pero bakit ikaw ang umuuwing sugatan at minsan punit pa ang uniform dahil sa pakikipagsuntukan.” naaalalang sabi ng Mama ni Dave.
Napatingin ang mga nasa paligid sa Mama ni Dave.
“Anong ibig mong sabihin balae!” usisa naman ng ama ni Mica.
“Kwento kasi ng yaya ni DM, sabi daw sa yaya ni Mica, wag papalabasin si Mica ng bahay. Baka daw kasi masaktan sa labas o may makakitang ibang bata eh awayin sya o kaya ligawan. Noong nag-aaral naman yang dalawang yan, kapag may mababalitaan si DM na gustong mapalapit kay Mica, inaaway nya. Minsan nga daw may naabutan silang estudyateng nagbigay ng bulaklak kay Mica sa labas ng gate ng school, kinuha ni DM yung bulaklak at itinapon at agad na pinasakay sa kotse si Mica. Eh nagalit yung estudyante, kaya nag-away yang dalawa.”
“Hindi mo ako ibinu-bully. Inilalayo mo lang ako sa ibang lalaki, ganon!”
Nahihiya naman tumango ang lalaki. “Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihing gusto kita.”
“Kaya ba ng magkasakit si Mommy at kausapin ka ng Daddy ko na pakasalan ako, sumunod ka agad?”
Nagkatinginan ang kani-kanilang magulang.
“Teka linawin ko lang ha!” baling ni Celso kay Mica. “Anak! Hindi ko kinausap o sinabihan si DM na pakasalan ka para sa Mommy mo. Bago pa man magkasakit ang Mommy mo nagsabi na si DM kung pwedeng manligaw sa’yo. Kaya lang masyado pa kayong bata noon. Kaya sabi ko tapusin nyo muna ang pag-aaral. Nang malaman nyang papunta tayong Amerika, pinapangako nyang babantayan kita at hindi papaligawan sa iba.” paglilinaw ng ama. “Nang magrequest ang Mommy mong ikasal ka, ipinatanong ko lang kay Malou kay DM kung may boyfriend kang naiwan dito sa Pilipinas. Lagi mo kasing sinasabi na naiwan sa Pilipinas ang puso mo!”
“Eh Mama, Papa, kayo po bang nagsabi kay DM na pakasalan ako?” baling ni Mica sa magulang ng asawa.
“Linawin ko din ha! Itinanong ko lang kay DM kung may boyfriend ka nga. Nagulat kami ng Papa Peter nyo ng sabihin nyang sya ang boyfriend mo at papayag syang pakasal kayo.” sabi naman ng byenang babae.
“Ikaw ang may gustong pakasal tayo? Bakit?” sumeryoso si Mica at iniharap sa kanya ang mukha ng asawang nakatungo. “Pinakasalan mo ba ako dahil may sakit si Mommy?”
“Nang nalaman kong hiling ng Mommy mo na makasal ka bago man lang sya mawala. Hindi na ko nagdalawang isip ng sabihin sa kanilang ako ang boyfriend mo para sa akin ka makasal. Hindi ko lang alam paano ko sasabihin!” seryoso nitong sabi. “Mahal kita kaya ako nagpakasal sa’yo! Ikaw ba, anong nararamdaman mo sa para sa akin?”
Nakatingin ang lahat sa kanya. Naghihintay ng sagot. Tumayo si Mica na parang naguluhan.
“Anak! Kaya ka lang ba nagpakasal kay DM dahil sa hiling ko?”
“Mommy, kung nagkataon bang hindi ka nagkasakit at hindi ako payag magpakasal kay DM, magagalit ka sa akin?” Imbes na sumagot ay ito ang naging tanong ni Mica.
Kinabahan naman si Dave. Bakit hindi sinagot ni Mica ang tanong ng ina. May mahal na ba itong iba kaya sinabi sa mga magulang na naiwan sa Pilipinas ang kanyang puso.
“Hindi! Maiintindihan ka namin. May sarili kayong buhay. Kahit ipinagkasundo namin kayo, ang kaligayahan at kapakanan pa rin ninyo ang uunahin namin.”
“Bilang magulang, kung anong desisyon ninyo, irerespeto namin yun. Hindi dahil ipinagkasundo namin kayo, iyon lang ang susundin nyo!” dagdag ng ina ni Dave.
“Mica, aminin mo nga sa akin, nagpakasal ka lang ba dahil sa sakit ng Mommy mo?” malungkot na tanong ni Dave. “Kanino naiwan ang puso mo ng magpunta kayo ng Amerika.
“Sa’yo! Mahal din kita, kahit noon pa!” seryoso nyang sagot sa asawa. “Gusto ko lang malaman na talagang may love sa ating dalawa at hindi lang ako ang nagmamahal. Kung sakali man, ayoko ring matali ka sa akin dahil sa naging sakit ni Mommy.”
“Blessing in disguise. Ginamit ng pagkakataon ang naging sakit ng Mommy mo para tayo makasal. At yun ang araw na pinaka magandang nangyari sa buhay.” sunod na bulong ng asawa. “ Pati yung nangyari kaya nabuo ang baby natin.”
Nakangiting nagyakap ang mag-asawa.
“Akala ko pa naman hindi mo yun matatandaan.”
“Pangako, mula ngayon anumang pagdadaanan natin, pag-uusapan natin. Hindi pwedeng pakiramdaman.” sabi ni Dave.
“Opo!” parang batang sagot nya sa asawa.
“Tuloy ng kasal!” sigawan ng kanilang mga magulang.
Ito po muna habang inaayos ko ang details ng story ni Monique Alcantara…
Happy reading po 🥰❤️🥰❤️🥰


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.