0

Mafia boss missing wife Part Nine


Report

By Gail Montenegro
“Bella….bella sweetheart!! i miss you baby…” bulong ni clark sa madilim na kawalan kasabay ang pag ihip ng malamig na hangin sa balat nya ay ang pangungulila sa nawawalang asawa na ngayun ay natagpuan na nya hindi lamang nya magawang kunin ito ngayun dahil pinaiimbestigahan pa nya ang lahat, ang makita itong kasama ang ibang lalaki ay nakakapagpakulo sa dugo nakakasagad ng pagtitimpi nya ngunit ilang sandali na lamang ay kukunin nya ito kahit ayaw pa nito sa isiping ilag ito sakanya ay napakasakit sa puso nya ang bella na kanyang asawa ay hindi kasing hinhin ng bella na nakikita nya ngayun ,”ibang iba na ito….ibang iba na…” sa muling paghipo ng hangin ay naipikit nya ang kanyang mga mata at ninamnam ang sandaling nasakanya kanina si bella “kung hindi lamang umiksena ang lalaking iyun” anas nya sa isip ng bigla ay nailarawan sa diwa nya ang malaswang eksena sa pagitan ni bella at ang kinikilala nitong asawa nito ,humigpit ang pagkakahawak nya sa basong may lamang alak ,galit napamulat at malakas na ibinato ang hawak na baso sa glass wall ng naturang balkon,, ang kawawang baso ay nagkanda basag basag ngunit ang matibay na glass wall ay nanatiling makintab hindi basta basta ang kalidad na materiales at puhunan sa pagawa ng mga ganitong uri ng glass wall na bullet proof maging ang mga sasakyang bullet proof din ay pagmamay-ari nya din ,mga sasakyang handa kang proteksyunan ngunit ginto ang presyo , ito ay sariling producto nya na naimbento ng sarili nyang mga scientist na mas ikinaaangat ng companya nya ngayun ,ngunit hindi sapat ang yaman lang, si bella ay pinakatagotago kong perlas ngunit ninakaw parin saakin ,,mahigpit nyang hinawakan ang railings ng balkon atnagbabaga ang mga matang tinitigan ang kadiliman ,hindi nya mapapawad at papatayin nya lahat ng tao sa likod ng massacre at pagkawalay sakanya ng kanyang asawa ,,”bella…i need u now baby…” nagpakawala sya ng marahas na buntong hininga bago nagpasyang magpalit at lumabas sakay ng kanyang silent mamboo isang malaking sasakyan itim na ginagamit nya kung kaylangan lang…
Pagkabukas ng malaking tarangkahan ay mabilis nyang pinaharurot ang motor ,tahimik nyang tinahak ang daan patungong enfalio-villages kung saan naroon ang mansion ng mga lukes…. nang marating nya ang bahay nito ay itinago nya ang motor sa lilim na damuhan sa bakanteng lote malapit sa bahay ng mga ,,matatayug ang mga pader ng sa bahay ng doctor kaya kinakailangan nyang akyatin ang isang mataas na puno upang masilip ang looban ng pader ,maliksi nyang naakyat ang naturang puno pumwesto sya sa pinakamataas na bahagi kaya maayos nyang natanaw...


ang dalawang tao sa pangatlong palapag doon sa malaking balkonahe nito na waring nagaaway…,gamit ang hightech telescope na dala ay malaya nyang naririnig ang pinaguusapan ng mga ito at malapitan nya ring nakikita..
“Hindi muna iniinom diba?” Galit na tanong ni jordan sa kanyang asawa ,hinintay nya tlgang magising ito dahil hindi sya matatahimik hanggang hindi mismo sa bibig nito nanggagaling ang katotohanan na matagal na palang itong hindi umiinom ng gamot, kaya ng makita nyang wala na ito sa kama alam nyang gising na ito at sinundan dito sa balkon.. nakakapagtaka lang na hindi na clark ang tawag nito saakin kundi honey na means slite lang ang pagbalik ng alaala nito dahil sa pagkakauntog at pananakit ng ulo nito kung itutuloy lamang nito ang paginom ng gamot ay mananatili itong walang alam hanggat iniinom nito ang isang gamot na nirecomenda nya
“Ayoko na nga nagsasawa na ako… matagal na akong umiinom nyan at dalawang klase pa kaya tama na.. siguro sapat naman na ang isang taon honey please sawang sawa na ako sa mga gamot na yan ayoko na..” pagsusumamo ni carla sa asawa ang nais nyay itigil na dahil sukang suka na sya kakainom
Nilapitan sya nito at mahigpit na hinawakan sa magkabilang braso “ipagpapatuloy mo ang paginom non para sayu din iyun carla para saiyu din”.
“Ayoko na nga!!!!!” Nakakabinging sigaw ni carla na ikinabitaw ni jordan at bahagyang napaatras “hindi kaba tlga titigil ,naririndi na ako sayu itigil muna ang kakapilit saakin kundi lalayasan kita at dadalhin ko ang mga anak ko” muli nyang sigaw dito ikinabahala ng kanyang asawa natataranta na naiiyak ang hitchura ni jordan kaya unti unting lumambot ang pandama ni carla at kagat ang labing tumitig kay jordan
“I’m sorry….” ginagawa ko lamang ito lahat para sa ikabubuti mo” bulong nito sa pagpapakumbabang tinig kasabay ang pagluha ng kanyang mga mata
Ang makitang lumuluha si jordan ay pumipiga sa puso ko kaya sa halip na bugso ng galit pagkaawa ang unti unting sumilay saakin yumakap ako dito at sumubsob sa dibdib nya
“I’m sorry honey…pasensya na! Sige para matahimik ka iinomin kona ulit ang mga gamot hindi na ako magrereklamo” ani nya dito at mas nagsumiksik pa sa malapad na dibdib nito
“Thank you!!!” Nakangiting bulong ni jordan….
Sa di kalayuan dalawang nagbabagang mga mata ang nakatunghay sa dalawa “babawiin ko ang asawa ko,, babawiin ko” mga katagang namumutawi sa bibig ni clark ang kaalamang may anak na ang dalawa ay labis na dumurog sakanya ng buong buo.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.