3

Mafia boss missing wife One


Report

“Mafia boss missing wife”
Written by Prima Martinez
One
“Get out….i said out…” malakas na sigaw ni clark sa mga tauhan at iba pang nasa loob ng veranda, napapapikit ang kanyang mga mata sa sobrang galit matapos ang ginawa nilang paghalughog sa mindanao ngunit bigo padin sya, sa pangatlong pagkakataon! Pabagsak syang naupo sa single cough at hinimas ang sentido gamit ang kaliwang kamay na nakasandig sa armchair..
“Love…” bulong ng isang babae mula saaking likuran minasahe nito ang aking balikat pababa sa aking dibdib “wag mona kasi syang hanapin nandito nman ako hindi mo sya kailangan iniwan ka nya hindi ba” malumanay sa wika ni sasha kay clark habang hinihimas ang dibdib ng lalaki pababa pa sa nais marating ng kanyang mga palad.
Biglang uminit ang ulo at nagpanting ang dalawang tenga ni clark dahil sa mga sinabi ni sasha ,tinabig nya ang malanding kamay nito sabay tayu at nanlalaki ang mga matang sinakal ito sa leeg “ano ang karapatan mong makialam sa buhay, hindi mo alam ang tunay na nangyari kaya manahimik kundi mapapatay kita…” nanggigigil nyang anas kay sasha habang padiin ng padiin ang pagkakasakal nya dito.
“Arck arck..maawa ka clark hindi kona...


kaya…maawa ka.” Lumuluha at hirap na pakiusap ni sasha kay clark pakiramdam nya ng mga oras na itoy kamatayan na nya ngunit nakahinga sya ng maluwag ng luwagan nito ang pagkakasakal sakanya.
Nanlilisik ang mga tamang tinitigan nya si sasha mata sa mata “ito ang tatandaan mo babae ,ulitin mupang makialam at magbanggit ng kung anu ano tungkol sa asawa ko at hindi lang yan ang gagawin ko sau…” madiin nyang anas dito bago ito pasalyang binitawan kaya bumagsak ito sa marmol na sahig habang walang patid sa pag-iyak.
“Gagawin mo saakin…tlga bang magagawa mo akong patayin clark huh…matapos ang lahat ng ginawa ko para sayu..minahal kita pinagsilbihan clark sa mahabang panahon tapos ganito lamang ang isusukli mo sabihin munga saakin minahal muba ako” umiiyak na tanong ni sasha sa nakatalikod at paalis nang si clark.
Natigilan si clark ng bahagya at nilingon ang nakatayu nang si sasha tinignan nya ito ng nakakainsulto mula ulo hanggang paa “wala kang halaga saakin kaya lumagay ka sa lugar mo babae…ginusto mong lumandi saakin kaya magdusa ka..” mariin at nagbabanta nyang saad dito bago ito tinalikuran at tinungo ang matarik na hagdanan patungo sa silid nila ng kanyang asawa..

1

3 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.