0

Love at First Seat Chapter 8


Report

Manila 4PM:
Naghihintay na si Nate at ang kanyang ama sa lugar kung saan sila magkikita ng nanay niya. Eto ang unang pagkakataon na makikita niya ito.
“Anak, sana maging civil ka sa kanya mamaya ah.” sabi ng ama niya.
“Dad, hindi ko maipapangako sa inyo iyon. Pero sige, susubukan ko.”
“Salamat anak.
“Ok lang dad. Para sa inyo gagawin ko ito.”
Makalipas ang ilang minuto, nakita niyang may kinawayan ang kanyang ama. Pagtingin niya, nakita niya ang isang magandang babae. Kahit na matanda na ito, makikitaan pa din ito ng kagandahan.
“Alona, siya si Nate. Siya ang anak mo.”
“Nate? I’m sorry anak. I’m sorry kung basta nalang kita iniwan.” Mahigpit na yakap ang ginawa nito pagkakita sa kanya.
Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Hindi pa talaga siya handang makita ito.
“Nate, panahon na para malaman mo ang totoo sa tunay mong pagkatao.” mahinang sabi ng kanyang ama. Napatingin naman siya rito.
“Ano ibig mo sabihin dad?”
“Hindi kita tunay na anak. Ipinaampon ka sa akin ng tunay mong nanay. Dahil hindi niya kayo kayang buhayin na magkapatid.”
“What?! Don’t tell me it’s not true dad. Please?”
“Iyon ang totoo anak. Nagsisisi na ako ngayon na pinabayaan kita noon. Pero hindi ako nagsisisi na napunta ka sa mabuting kamay. Nakatapos ka ng pag aaral at naging isa kang mabuting tao.” ang kanyang ina ang nagsalita.
“Pano mo nagawang ipaampon ang sarili mong anak?” galit na tanong niya rito.
“Patawarin mo ako anak. Hindi ko naman kagustuhan iyon. Nagkataon lang na hindi ko na kayo kayang buhayin ng kapatid mo kaya ipinaampon kita.” Naiiyak na sabi nito sa kanya.
“Ang kapatid ko, ipinaampon mo rin ba?”
“Hindi. isinama ko siya sa ibang bansa ng makilala ko ang asawa ko. Pero nagpasya siya na bumalik nalang dito sa pilipinas dahil palagi silang nag aaway ng asawa ko.”
“Kung ganun naman pala, bakit ka pa bumalik dito? Para ano?”
“Gusto kayo makilala ng aawa ko. Pati na rin ng mga kapatid niyo. Kaya ako nandito ay dahil gusto ko kayong isama para naman makilala niyo na sila.”
Shock pa rin Nate sa mga nalaman niya. Hindi niya alam kung pano niya matatanggap ang lahat.
“Kaya ba kayo umuwi? Kaya ba pagkalipas ng maraming taon naisipan niyong umuwi dahil naalala niyong may mga anak pa kayo na iniwan niyo sa pangangalaga ng ibang tao?!”
“Nate, anak, hindi naman sa ganun. Kung alam mo lang ang pagsisisi ko ng iwan ko kayo ng kapatid mo. Naghihirap din ang loob ko na habang ako ay masaya sa ibang bansa, ang mga anak ko dito ay hindi ko alam kung nasa mabuti bang kalagayan.”
“Anak, sumama ka na sa mama mo. Bigyan mo siya ng chance na makabawi sa pang iiwan niya sa iyo.”
“Pero dad, pano ka? Ayaw ko iwan ka mag isa. Matanda ka na dad, pano kung bigla kang atakehin ng sakit mo?”sabi niya sa ama.
“Kaya ko ang sarili ko anak. Saka gasino lang ba ang 2 weeks? Bigyan mo ng chance na mabuo muli ang pamilya mo. Na makilala mo ang tunay mong pamilya.”
“Kelangan ko ng ilang araw para makapag isip. Masyadong mabilis ang mga nangyari.” yun lang at nagpaalam na siya na aalis na.
***************
This is it! Huling araw na ng bakasyon ni Jemay. Bukas, pagbalik niya ng manila, balik trabaho na naman siya. Nasa Airport na siya ng makatanggap siya ng tawag mula kay Nate.
“Nate, what’s up?”
“Jhems, ngayon ang uwi mo diba?”
“Oo, nandito na nga ako sa Airport eh. Any minute from now, tatawagin na kami para magboard. May problema ba nate?”
“Kakatapos lang namin magkita ng mama ko. And guess what? May kapatid daw ako. and yun tatay ko, hindi ko pala talaga siya tunay na tatay.” malungkot na sabi nito.
“Ano? Nate, let’s talk about that pagbalik ko dyan mamaya.”
“Sige Jhems. Ingat pag uwi.”
“Thank you Nate. See you soon.”
*******************
Nasa Manila na si Jemay. Ibig lang sabihin tapos na ang bakasyon niya at back to reality na siya. Pag uwi niya sa apartment, nagulat pa siya dahil may kotseng nakaparada sa tapat ng bahay niya.
“Welcome home anak!” mahigpit na niyakap siya ng kanyang ina. Matagal na panahon na niya itong hindi nakikita.
“Ma? Anong ginagawa niyo rito?” matapos siya nito yakapin.
“Hindi mo ba ako namiss? Hindi mo ba ako gusto makita?”
“Ma, alam mo ang sagot sa tanong mo. Pero alam ko na hindi ka basta basta uuwi rito sa pilipinas ng walang matinding dahilan.”
“Gusto ko lang naman makasama ang anak ko. Ang tagal na ng huli tayong magkita eh. Sobrang namiss kita. Tapos, gusto ka rin makita nila Jellie and Nadiane.”
“Kamusta naman sila?”
“Okay naman sila. Si Jellie, mag cocollege na. Si Nadiane naman, incoming 4th year high school na. Kaya din ako umuwi ay dahil gusto ka makita ng Tito Edward mo.”
“Talaga? Okay na ba ako kay tito Edward?”
“Matagal ng gusto ng tito Edward mo na makasama ka. Pwede ka naman siguro mag leave kahit two weeks lang?”
“Sige Mom. Pero pwede po ba next month nalang? Nagamit ko na kasi ang bakasyon ko this month eh.”
“Okay.Pano, see you tomorrow nalang anak. Babalik na ako sa Hotel.” yun lang at nagpaalam na ito sa kanya.
Pagkatapos mag ayos ni Jemay ng gamit, naisipan niya pumunta ng mall. Tutal, off pa naman niya ng araw na iyon. Gusto naman niya mag unwind muna.
Naglalakad lakad siya sa mall ng makaramdam siya ng gutom. Naisipan niya pumasok sa isang restaurant na nadaanan niya. Pagkaupo niya sa bakanteng lamesa, umorder na siya. Ilang minuto na siyang naghihintay ng order ng makita niya ang pamilyar na bulto ng katawan na iyon. Si Jander at may kasama pa itong magandang babae! Ganun nalang ba siya nito kabilis na nakalimutan? Nawalan na siya ng gana. Kaya naman hindi pa niya nauubos ang pagkain niya, naisipan na niya umalis ng Restaurant at umuwi nalang.
Habang nasa daan siya pauwi, hindi niya mapigilan ang mapaiyak. Ganun na ba niya talaga kamahal si Jander? Erase Erase Erase! Hindi mo pa siya mahal Jemay. Kakakilala mo palang sa kanya. Nagkasama lang kayo for what? Five days?? Tapos mahal mo na agad?!
Hindi na niya namalayan na nakarating na siya sa bahay niya. Pagdating na pagdating niya, agad na siya nagpahinga. She will focus on her work from now on.
**************
Early morning, maagang nagising si Jemay kasi kailangan na niya pumasok sa trabaho. Kumakain na siya ng almusal ng makatanggap siya ng tawag. Si Jander!
“Hello?”
“Mosh, how are you? Namiss kita. Nandito ka na ba sa manila?”
“Yes. Nandito na nga ako. May kailangan ka ba?”
“Gusto ko sana yayain ka magdate tonight?”
“Sorry Jander, pero hindi ako pwede ngayon eh. Sorry ah, pero kailangan ko na magmadali. Malalate na ako sa trabaho ko. Bye.” Paalam niya rito. Kailangan na niyang kalimutan ito. Kailangan na niyang mag foccus sa trabaho niya. It is a love that never was.
Sa bahay ng mga Munoz, nagtataka si JL kung bakit parang naninibago sa kanya si Jemay. Hindi na niya namalayan na tumabi sa kanya ang kanyang ina.
“Jander, anak, pwede ba tayo mag usap?”
“Tungkol saan naman ma?”
“Tungkol sa problema ng pamilya natin.”
“What? May problema ba ang pamilya natin Ma?”
“Yes, Jander. We’re going bankrupt.” mahinang sabi ng mama niya.
“What?! Pano nangyari iyon ma?”
“Anak, hindi na kayang pangalagaan ng Papa mo ang MGC ( Munoz Group Of Companies). Kailangan ka na niya ngayon.”
“Ma, hindi ko rin naman pwede pabayaan ang Raintree.”
“Anak, the company needs you. Walang ibang magmamanage nun in time kundi ikaw lang.”
“Sige mom, i will try my best para magampanan ko ang responsibilidad ko sa Kumpanya.”
“Salamat anak.” yun lang at nagpaalam na ito sa kanya.
***************
Sa OSH, mabilis ang mga kilos ni Jemay. Marami kasing tao dahil tanghaling tapat.
“Jhems, musta namana ng bakasyon mo?” tanong ni Agnes.
“BFF, pwede mamaya ka na amgtanong? marami tayong customers ngayon, hindi mo ba nakikita?”
“Ang sungit mo naman. Siguro meron ka ngayon noh?”
“Mainit lang ang ulo ko. So please, tigilan mo muna ako.”
“Oh siya, alis na muna nga ako. Babush!” paalam naman nito. Naguilty naman siya bigla. Pero alam niyang marami pang trabahong kailangan tapusin.
Sobrang busy ang araw na iyon para sa OSH. Kaya naman hindi na talaga nagawa ni Jemay makipag kwentuhan sa mga kasamahan. Dumating ang lunch time. Papunta na si Jemay sa pantry para mag lunch ng tawagin siya ni Agnes.
“BFF! Lunch mo na din ba? Sabay...


nalang tayo.”
“Oo lunch ko na din.”
“Best, what happened in Palawan?”
“What happened? Wala naman. Ok naman ang stay ko roon.”
“Best, may kasalanan ako sa iyo.”
“Ano yun?”
“Kasi nung time na nagpunta ka ng Palawan, nakalimutan ko talaga ipagreserved ka ng Hotel Room.”
“What? Pero may nakareserved na Hotel room sa akin, in fact for 5 days pa nga iyon eh.” naguguluhang sabi niya.
“No, wala talagang napareserved na room sa iyo. Nakalimutan ko gawa ng ang daming trabaho dito sa Resto.”
“What? Pano nangyari iyon? Kelangan ko malaman kung sino ang nagpareserved sa akin ng room na iyon.”
“BFF, i’m sure kung sino man iyon, sobrang bait nun. Sana makilala ko din siya. Wala ka ba talaga clue kung sino iyon?”
“Wala talaga Best.”
“Anyway, saka mo nalang problemahin iyon. Ang mahalaga, you arrived here safe and sound.”
“Oo nga best. Anyway, nasa office niya kaya si Rei?”
“Bakit?”
‘Umuwi kasi si Mama. Gusto niya raw ako dalhin sa Switzerland kasi gusto raw ako makita ni tito Edward.”
“Oh, ano naman kinalaman ni Rei doon?” nagtatakang sabi nito. Sumubo muna siya ng pagkain niya bago siya nagsalita.
“Kelangan ko humingi sa kanya ng approval for VL diba?”
“Ay oo nga pala. Pero ang alam ko, balak na yata niya mag resign.”
“Huh? Bakit naman?”
“Kasi daw nagkaayos na sila ng pamilya niya at panahon na raw para tulungan niya ang pamilya niya sa mga negosyo nila.”
“Ganun ba? Uhm, mauna na muna ako sa iyo bestfriend huh. Kelangan ko muna talaga puntahan si Rei para bago pa siya makapag resign eh makapag leave na ako.” yun lang at nagmamadali siyang umalis. Sa pagmamadali niya, nakabunggo siya ng isang tao.
“Aray!” sabi niya.
“Watch your step stupid lady!” sabi naman ng lalaki sa kanya.
“Ako pa ang tinawag mong stupid? Eh ikaw nga itong bumangga sa akin?”
“Miss, kung hindi ka nagmamadali, wala ka sanang mababangga! Tatanga tanga ka kasi eh!”
“Jander?!” pag angat niya ng tingin sa mukha ng lalaki.
“Sorry miss pero hindi Jander ang pangalan ko.”
“Pero kamukhang kamukha mo si Jander!”
“Miss, hindi nga Jander ang pangalan ko! Ilang beses ka bang pinanganak ah? Ang kulit mo kasi eh! Pwede ba, nagmamadali ako kaya wag ka na humarang sa daraanan ko?” at nilagpasan siya nito.
ARGGGGGGGGGGGGHHHHH! Bw*sit na lalaki iyon! Hindi man lang nag sorry! Siya na nga ang nakabangga eh! Malate sana siya!
Pagdating sa Comp and Ben office, agad siyang kumatok. Pagpasok niya, nakita niyang may kausap pa si Rei sa Cellphone.
“Sige kuya, uuwi na ako bukas diyan.” matapos ang tawag.
“Oh Jhems, anong kailangan mo?”
“Ah, baka pwede magpa approve ng Leave?”
“Leave? Eh kaka leave mo lang ah?”
“Uhm, next month ko pa naman kelangan yun leave na hinihingi ko sa iyo eh. Nagtanong lang ako kung ma sched mo ng maaga kasi balita ko aalis ka na raw?”
“Oo, mag reresign na ako. Effective next monday.” malungkot na sabi nito.
“Ganun ba? Mamimiss kita Rei.” Niyakap niya ito ng mahigpit. Kahit na magkaibang department sila, sobrang naging close din naman sila nito.
“Teka, maiba tayo, bakit mo pala kelangan ng VL ulit?”
“Ano kasi, umuwi si mama. Gusto raw ni Tito Edward na makilala at makasama ako kahit daw for two weeks lang.”
“Ganun ba? Sige, kelan ba exact date?”
“Next month pa naman pero wala pang exact date eh.”
“Naku pano ba yan? Kelangan may exact date Jhems.”
“Sige, babalik nalang siguro ako para magpa approve. Rei, malapit na birthday ko. Wag ka mawawala ah? Simpleng get together lang naman sa bahay eh.”
“Sure, sure.” malungkot na sabi nito.
“Oh, bakit ka malungkot?”
“Kasi mamimiss ko kayong lahat.”
“Asus, may cellphone naman diba? Pwede naman tayong magtawagan.”
“Sabagay tama ka dun.”
“Hey, cheer up! Alam ko may hindi ka sinasabi sa akin.”
“Ha? Ano naman yun Jhems?”
“May problema ka ba?”
“Malaki Jhems.”
“Care to tell me? Baka makatulong naman ako kahit papano.”
“Saka nalang siguro Jhems. Hindi pa ako handang sabihin sa iyo eh.” yun lang at nagpaalam na siya dito.
******************
Nasa lobby na ng restaurant si Jemay ng makasalubong niya si Jander.
“Jander?! Anong ginagawa mo rito?”
“Hi Jemay. Nandito ka na pala sa manila pero ni hindi mo manlang nagawang magparamdam sa akin? Sabi ko naman sa iyo diba ako ang susundo sa iyo sa Airport?” nagtatampong sabi nito sa kanya. Aba’t may gana pa talaga ito magtampo ah? Samantalang nung nakita niya ito sa isang restaurant sa loob ng isang mall, parang hindi na nga siya na aalala nito sa sobrang pagiging masaya nito kasama ang babaeng iyon! Grr!
“Sino ba kasi ang nagsabi sa iyo na sunduin mo ako diba?”
“Gusto ko lang naman makasigurong safe ka na makakauwi rito sa maynila ah? May problema ba dun ah Jemay?”
“Oo meron! Alam mo kung anong problema Jander? Ikaw!”
“Ako? Pano naman naging ako?”
“Hindi ko sinasadyang makita ka sa isan mall nung araw na dumating ako galing Palawan. Nakita kitang may kasamang babae at ang saya saya niyo pa nga eh.”
“Yun ba? Wag ka mag selos sa kanya. She’s my sister in law. Si Nikka. Nagpasama lang siya sa akin kasi ang tagal dumating ng brother ko.”paliwanag nito.
“Kahit anong gawin mo, hinding hindi na ako maniniwala sa iyo. Ang tanga ko talaga noh? Bakit nga ba kita pinagkatiwalaan eh hindi naman maganda ang simula ng pagkakakilala natin sa isa’t isa?”
“Mosh, hindi naman mahalaga kung pano at san tayo nagsimula eh, ang mahalaga ay kung paano natin aalagan ang nasimulan natin.” sabi nito sa kanya.
“Wag mo kong matawag tawag na Mosh dahil unang una, hindi kita boyfriend, pangalawa hindi pa kita sinasagot at pangatlo? walang pahahalagahan dahil wala pa naman tayong nasisimulan.”
“Jemay naman, bigyan mo ako ng chance. I will prove to you that i am sincere.”
“Hindi ko alam Jander. Pwede wag muna tayo mag usap at magkita? Kelangan ko ng panahon para pagisipan ang mga bagay bagay.” paalam na niya rito. Nasasaktan siya sa ginagawa niya pero alam niyang iyon ang mas makakabuti para sa kanilang dalawa.
“Best, ok ka lang ba?” nag aalalang tanong ni Agnes ng makita siya.
“Oo best, ok lang ako.”
“Are you sure?”
“Yes. Balik na muna ako sa trabaho ko ah?” Paalam niya rito.
Tapos na ang shift ni Jemay ng ipatawag sila ng kanilang head Chef.
“Attention all crew. May mahalagang announcement akong sasabihin sa inyo.” Sabi nito.
“Ano po iyon?” sabi naman ni Nate.
“Dumating na ang Boss natin. Si Sir Franco Munoz.”
“Hello everyone! Sorry kung ngayon lang ako nagpakita sa inyo. Masyado lang akong naging busy this past few months. Anyway, let’s get back to work. Sino ba sa inyo si Jennaline?”
“Ako po.” mahinang sagot niya. Natatakot siya na baka makilala siya nito. Ito kasi ang nakabunggo niya kanina sa lobby.
“Oh! Ikaw pala! So ikaw pala ang sinasabi nilang Assistant Chef here? Well, good job! Nakita ko un report and simula ng pumasok ka dito, ang laki ng itinaas ng sales natin. Well, how about a Promotion?”
“Pro- Promotion po?” hindi siya makapaniwala.
“Yes. Promotion. You will be assigned as Senior Chef. Pero sad to say, hindi ka na dito mag tratrabaho.”
“Po? Saan naman po ako ma aasign?”
“Sa Raintree.”
“Raintree? Sa taguig po? Yung 5 star restaurant sa taguig?”
“Yup. You will be under my Brother’s management.”
“Brother?”
“Yes. I am goign to introduce you to him. Meet Jander Lexi Munoz.” pakilala nito sa kanya.
“Ikaw???”
“Magkakilala ba kayo?”
“Yes kuya. Magkakilala kami.” sagot nito.
“Ah. I know! Siya ba ang babaeng sinasabi mong binayaran mo ang hotel room sa resort ni Raine?”
“Kuya! Wala siyang alam!” sigaw nito sa kapatid nito.
“Oh sorry. I thought she already knew.”
“Ikaw ang nagbayad ng hotel room ko? Yung for 5 days?!” gulat na tanong niya kay JL.
“Oo. NAawa kasi ako sa iyon kaya sinabi ko nalang sa Receptionist na ako na ang magbabayad ng Hotel room mo.”
“What?! So may utang pala ako sa iyo? Magkano ba? Para mabayaran ko na!”
“Sa sweldo mo lang itself, baka kulang pa ang ibabayad mo. It’s more or less thirty thousand including the taxes. So kung talagang gusto mo akong bayaran, you need to work for me.”
“What? You’re blackmailing me!”
“Guys, para kayong aso at pusa. If i were you Jennaline, tanggapin mo na ang promotionl. Mas malaki magpasahod ang kapatid kong ito. Guys, walang magbabago sa set up dito. Gusto ko lang kayo makilala kaya ako nagpatawag ng meeting.” After nun, dinismiss na silang lahat.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.