0

Love at First Seat Chapter 7


Report

Nakahiga na sa kama si Jemay pero hindi pa rin siya makatulog. She felt the sincerity in Nate and also in JL. Waaaahhhhhhhhhhh! Ang haba naman ng hair ko. Feeling ko yun. Walang basagan ng trip. Moment ko ito. Nababaliw na nga yata ako kasi kinakausap ko na sarili ko eh. Madaling araw na siya nakatulog kakaisip sa dalawang lalaking naging espesyal sa buhay niya.
Nagising si Jemay sa tunong ng cellphone niya.
“Hello?” inaantok na sabi pa niya.
“Good morning Jhems! Wake up na. Join me for breakfast.” boses ni Nate.
“Best, inaantok pa ako eh.”
“Best, tomorrow is my last day here. Gusto ko naman sana ma spend un remaining days ko here with you by my side. Please?” nagsusumamong sabi nito.
“okay. Just give me 10 minutes to dress.”
“Okay best, see you later.”
Naghilamos na siya at naligo. She wears her pretty in pink dress. Konting pulbos and lip gloss then okay na.
“Hi best! You look great.”
“Thank you best friend. Siyanga pala, ingat ka bukas pag uwi mong manila ha?”
“Best naman pinaalala pa iyon. Mamimiss kita bestfriend.”
“Best Nate ano ka ba? Ilang araw nalang naman din ako maglalagi dito ah. Mauuna ka lang sa akin. Tara na nga kumain.”
“Sige, tapos mamasyal tayo.”
Pagkatapos nila kumain, nagyaya si Nate mamasyal sa tabing dagat. Habang nakatanaw sila sa tahimik na karagatan, hinawakan ni Nate ang mga kamay niya.
“Jhems, matagal na kitang minamahal and i am so happy na binigyan mo ako ng chance na ipakita iyon sa iyo. Sana lang magkaroon ako ng puwang sa puso mo.”
“Nate, tignan nalang natin. Ayoko din naman magsalita ng tapos pero ayoko din naman paasahin ka.”
“Maghihintay ako Jhems.”
“Thank you.’ yun lang at ipinagpatuloy nalang nila ang masaya nilang kwentuhan.
*********************************
Nagpaalam na si Nate kay Jemay kinabukasn. Uuwi na ito ng maynila dahil tapos na ang bakasyon nito.
“Jhems, mag iingat ka ah? Wala ako dito para mabantayan ka.”
“Nate, ok lang ako. Don’t worry, magkikita pa rin naman tayo pagbalik ko ng Manila eh.”
“Jhems, yun tungkol sa kasunduan nating one month deal, ano na?”
“Nate, i am really having a hard time to decide.”
“I understand Jhems. Don’t worry, i can wait naman eh.”
“Thank you Nate.” yun lang at inihatid na niya ito sa Airport. Pagkaalis ni Nate, bumalik na din siya sa Hotel. Gusto niyang gugulin ang natititrang bakasyon niya dito sa Palawan. She will miss this place for sure. At alam niyang mamimiss din niya si JL. Si JL na hindi na nagpakita sa kanya magmula ng matapos sila mag dinner. Akala pa naman talaga niya eh there is something going on between them. Pero nagkamali pala siya.Nag assume na kasi agad siya. Ilang minuto na siya nakaupo sa may garden ng tawagin siya ni JL. Ang lalaking laman ng isip niya kagabi pa.
“Jhems!” tawag sa kanya ni JL.
“Oh Jander, ikaw pala. Anong ginagawa mo dito?”
“Nagpapahingan lang ako kasi mamaya babalik na naman ako sa trabaho ko.” umupo ito sa tabi niya.
“Ah, ganun ba? Ano palang work mo?”
“Ako? I am a Chef by heart and by Profession.” malungkot na sabi nito.
“Bakit ka naman malungkot? Diba dapat nga masaya ka pa? kasi Chef ka na.” nag aalalang sabi niya rito.
“Buti ka pa Jhems, parang laging walang problema. Paano mo ba nagagawa iyon?”
“Ang alin?”
“Yung bang lagi kang nakangiti. Nung una kitang nakita sa Airport, nainis ako sa iyo kasi nakatulog ka sa balikat ko. Nang sermunan kita, parang balewala lang iyon sa iyo. Tapos dito sa resort ng malaman mong wala kang dalang pera, nagagawa mo pa rin ngumiti.”
“Ah, yun ba? Iniisip ko lang palagi na masaya ang buhay. Hanggat nabubuhay ang isang tao, may solusyon ang lahat ng problemang pinagdadaanan niya. Sabi nga nila, ngumiti ka lang kahit na ang dami mo ng problema, at panigurado, makakaisip ka ng solusyon kung pano mo malulutas iyon. So, ganun lang ang ginagawa ko.”
“Kung sana katulad mo lang ako.”
“Teka nga, ano ba problema mo Jander? Sabi mo Chef ka diba? Dapat masaya ka sa trabaho mo bilang isang Chef. Kasi hindi mo ba alam na ang dami mong napapasaya dahil lang sa mga luto mo?”
“Masaya naman ako. Sa totoo lang, nagiging masaya lang ako kapag nagluluto ako. Pero kapag nasa bahay ako, sobrang lungkot ko. Malungkot ang buhay ko Jhems. Ikwekwento ko rin iyon sa iyo in time. Sa ngayon, let’s enjoy being friends muna. And ano nga pala sagot mo sa tanong ko sa iyo kagabi?”
“Jander, i really wanted to be honest with you. I like you, pero ilang araw nalang ang ilalagi ko rito. 2 days nalang to be exact. After this two days, babalik na ako ng maynila at babalik na ako sa normal kong buhay. Ikaw rin alam ko na kailangan mo na rin bumalik sa trabaho mo. Magkaiba ang mundo natin. Ni hindi nga natin alam kung magkikita pa ba tayo sa manila dahil sobrang laki niyon eh.” malungkot na sabi niya. Hinawakan naman ni Jander ang kamay niya bago muling nagsalita.
“Jhems, walang impossible kapag ginusto. Isa pa, maraming paraan para magkita tayo sa manila. And speaking of ways, can i have your cellphone number?”
“Seryoso ka ba talaga Jander? Ayoko matulad sa mga naging babae mo. Kung gusto mo, maging magkaibagan nalang tayo.”
“Is it about my past relationship o may kinalaman ito sa best friend mo?”
“Si Nate? I will be honest with you too, magaan talaga ang loob ko sa best friend ko na iyon. Pero ayoko naman masira ang friendship namin. So i stick to our rules na hanggang magbest friends nalang kami. Pero ayun nga, nanliligaw na din siya eh”
“Jhems, hayaan mo nalang ako patunayan sa iyo na seryoso din ako. Please?”
“Sige Jander. I will give you a chance as well.”
Pagkatapos nun, kinuha ni Jander ang number ni Jemay. Binigay naman niya iyon dito.
***************
Ngayon lang naging masaya ulit si JL sa buong buhay niya. Sa pagkakatanda niya, huling naging ganito siyang kasaya nung buo pa ang pamilya niya. Gagawin niya talaga lahat para sagutin siya ni Jhemay. Pero natatakot pa rin siya dahil baka hindi matanggap ng dalaga ang background ng pamilya niya. Ang tatay niya, sa condo umuuwi at ang mama naman niya, pagkatapos nito manganak sa lalaking kinasama nito noon, ay bumalik mula sa mansyon nila. Eversince sabihin nito na may kapatid siya sa ina, hindi pa niya iyon nakikita at...


lalong wala siyang balak na makita iyon. Baka kung ano lang kasi ang magawa o masabi niya rito.
Nakatulog siyang may ngiti sa mga labi. Bukas, iimbitahan niya si Jemay mamasyal.
*********************
Kauuwi lang ni Nate galing ng Palawan at balak na sana niya magpahinga muna dahil pagod na siya sa biyahe ng tumunog naman ang phone niya.
“Hello?”
“Nate, anak?”
“Yes dad? Napatawag kayo?” Alam niyang may problema ito dahil hindi naman ito basta basta tumatawag sa kanya ng basta basta lang.
“Anak, gusto ka makita ng mama mo.” mahinang sabi ng ama niya.
“Dad! Ilang beses ko na ba sinabi sa inyo na ayoko na siya makita? Is it not enough na iniwan niya tayo at bumalik siya sa una niyang pamilya?” Galit na sabi niya sa ama niya.
“Anak, panahon na siguro para makilala mo naman siya at ang kapatid mo sa kanya. Matanda lang siya sa iyo ng ilang taon.”
“No! Ayoko siya makita at ayoko makilala ang anak niya. End of discussion.”
“Pero anak, matanda na ako at gusto ko, kung mawala man ako, nasa mabuti kang kalagayan. Para sa akin, gawin mo na pwede ba?”
“Okay dad. Pero tandaan niyo, gagawin ko lang ito para sa inyo okay?”
“Salamat anak. Kelan ba ang off mo?”
“Bukas dad.”
“Sige, magkita nalang tayo sa Restaurant sa Taguig. 4pm sharp. Bye anak.” yun lang at nagpaalam na ito sa kanya.
Ito ang kauna unahang makikita niya ang kanyang ina. Kung siya lang ang masusunod, ayaw niya talaga lalo na ng malaman niya mula sa ama niya na may kapatid pala siya sa kanyang ina, pinilit na niya ito kalimutan. Para sa kanya, ayaw niyang masira ang pamilya nito.
Hindi pa rin siya makatulog kaya naman nagpasa nalang siya ng quotes baka sakaling may mag reply sa kanya.
“Hi Nate! Nasa manila ka na ba?” unang nagtext sa kanya si Rei. Naisip niya ito. Maganda naman ito at maraming nanliligaw pero nagtataka siya kung bakit wala pa itong sinasagot sa mga manliligaw nito.
“Yup. Kadadating ko lang. Monday na ko papasok. off ko bukas eh.” sagot naman niya.
“Ok lang. Kamussta naman ang bakasyon mo? 🙂”
“Ok naman. Ikaw? Kamusta ka naman?”
“Ok naman din ako. Medyo madami lang trabaho sa office.”
“Asus, kayang kaya mo naman yan eh.”
“Salamat. Nga pala, kamusta naman si Jhems dun?”
“Ayun, ok naman siya. Maganda pa rin. Hehehe.. ”
“Mahal mo talaga siya noh?”
“Rei, ilang beses ko ba sasabihin sa iyo na mahal ko talaga siya?”
“Nate, mahal kita. Matagal na. HIndi mo ba ko pwede bigyan ng chance?”
“I’m sorry Rei. Pero hindi ko rin kayang turuan ang puso ko. Si Jhems lang talaga ang itinitibok nito.”
“Okay lang Nate. Naiintindihan ko. Pero sana hayaan mo akong mahalin ka. Kahit yun lang, masaya na ako doon.”
“Rei, maganda ka. Maraming pwedeng magkagusto sa iyo.”
“Pero ikaw ang mahal ko Nate.”
“Uhm i’m really sorry Rei. Text nalang tayo mamaya ah? May sasabihin pa kasi ako kay Jhems eh. Bye.” un lang at hindi na ito nagreply sa kanya.
*****************
Nagising si Jemay sa mabangong breakfast na nakita niya sa kanyang bedside table.
“Good morning Mosh!” Wake up na and eat your breakfast.” Nakangiting bati ni Jander.
“Pano ka nakapasok sa room ko?”
“Relax! Wala akong ginawa sa iyo okay? Uhm, friend ko kasi yung may ari nitong resort. Kaya pinayagan niya ako magluto ng breakfast.”
“Ah. so ikaw pala ang chef ngayon dito sa resort?” bakit parang nakaramdam siya ng selos? Jemay ano ka ba?! Stop it Okay?!
“Nope. Hindi ako ang Chef ngayon sa hotel. Exclusive lang itong breakfast na ito for you.”
“Wow! Ang sweet mo naman. Wag ka ganyan. Baka masanay ako bigla, hanap hanapin ko.”
‘Pag namiss mo, you know where to contact me. I already gave you my number right? Text mo lang ako at ipag luluto kita agad agad.” Nakatawang sabi nito. Hay, kung araw araw ba naman siya gigising na may katabing lalaking kasing gwapo ni Jander, hindi na siguro siya magtatrabaho.
“Jhems, kailangan ko bumalik ng manila today. Kelangan bago mag hapon nasa manila na ako.”
“Why so soon?” nalungkot naman siya bigla.
“Kailangan daw ako ni mama sa restaurant. Promise, pagbalik ko ng manila, magtetext ako agad sa iyo. And let me know kapag babalik ka na ng manila, ako ang susundo sa iyo huh?” hinalikan siya nito bago siya iniwan. Kailangan na raw kasi nito magmadali.
Nalungkot naman siya bigla. Pero alam niya na magkikita pa rin naman sila. Patapos na siya kumain ng makatanggap siya ng text mula kay Nate.
“Jhems, kamusta ka na jan? I miss you.”
“Nate, ok lang naman ako. Bukas uuwi na din ako ng manila. I miss you too best friend.”
“Jhems, magkikita pala kami ng mama ko mamaya.”
“Talaga? I am happy for you best. I’m sure mabubuo na ang pamilya niyo.”
“Hindi Jhems. Ayokong ako ang maging dahilan para masira ang pamilya ng nanay ko.”
“Best, kung sana nandiyan lang ako para matulungan kita. Pero i know, kaya mo iyan. I am just here whenever you need me. I’m just a text and call away. ”
“Thank you Jhems. Jhems, kelan mo ba ako sasagutin?”
“Malalaman mo sa Birthday ko kung anong sagot ko.”
“Sige best, text kita later huh. Kakain muna ako. Ingat ka lagi diyan best.”
“Ikaw din Nate. See you soon.”
Tapos ng kumain si Jemay ng biglang tumunog ulit ang kanyang phone. SI jander naman ang nag text.
“Hi mosh, i’m here na sa manila. Wag ka magpapagod diyan ha. Stay as sweet and pretty as you are always. I miss you Mosh.”
“Jander, thank you for the breakfast and for the sweet messages.”
“Mosh, can i call you mine na ba?”
“Jander, malalaman mo ang sagot ko sa birthday ko.”
“Mosh, hindi mo naman nabanggit sa akin ang birthday mo eh.”
“Oh sorry. Well, it’s february 26.”
“Cool, it will be two weeks from now. I can’t wait. Pero kahit ano man ang maging sagot mo, i will accept it no matter what. Pero sana naman positive diba? Hehehe.”
“Hehehe. Basta malalaman mo ang sagot ko kapag birthday ko na.” And Jander, thank you.”
“Mosh, ako ang dapat mag thank you kasi you change my life for the better. See you soon here in manila.” paalam nito sa kanya. Yun lang at namasyal na siya. Gusto niyang sulitin ang mga araw na natitira sa kanyang pagbabakasyon. Dahil pagbalik niya ng Manila, back to reality na naman siya.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.