3

Longtime crush


Report

Ako nga Pala si jovelyn, 16 years old palang ako Pero feeling ko perfect time na to para samin ng bf ko Hays😌. By the way ikikiwento ko Sa Inyo Kung ano Yung pangyayare.
When I was grade 3 una Kong nakita si Jerald Sa lamay. Ihih 😅 Di ko naman kilala Kong sino Yung nakaburol. Yung Asawa ng tito ko Ay aking adviser lagi nya akong sinasama Kung San sya pupunta para Lang may kasama sya pumunta kami ng lamay ng Sa kabilang Barangay lamay ng tatay ng kaibigan ng Tita ko/adviser ko. Habang kumakain ako Sa silid kasama Yung Tita ko Ay nakita ko syang pababa habang pababa sya Ay nakatulala akong nakitingin Sa kanya dahil Sa pogi sya. Kahit saan siya pumunta sa bawat sulok ng Bahay na iyon Ay sinusundan ko sya ng tingin. Hays😌 ampogi talaga nya Kaya ko sya naging crush nun.
Umuwi kami ng Bahay pagkatapos ng dasal at kwentuhan ng Tita ko Sa kaibigan nya habang naglaakad ako Ay iniisip ko talaga ang pogi nyang mukha. Dahil Sa kapal ng kilay, matangos na ilong , makinis na mukha ,payat at ang astig nya pumurma Kaya love at first sight Siguro ako haha ng Sa Bahay na kami Di talaga mawala Sa isip ko sya.
Naging crush ko sya hanggang grade 6 ako kahit Di ko sya nakikita Di paren nawawala Yung paghanga ko Sa kanya kahit isang beses ko Lang sya nakita. Pero naisip ko kalimutan ko nalang Kaya sya kase Di ko Rin naman sya makikita eh baka may jowa na sya or what? Yun lagi Kung iniisip talaga Pero Di ko talaga sya makakalimutan. Pero grade 6 ako may Naka m.u ako na si Stephen same school kami saka same Barangay Lang kami nun grade 5 sya saka grade 6 ako inaantay ko talagang ligawan nya ako Pero Hindi nya ginawa Kaya hinayaan ko nalang sya Naka m.u ko sya hanggang grade 7 ako. Pero saglit na panahon Lang Yun kase Di ko makakalimutan talaga Yung crush ko na si Jerald. Grade 7 nag Aral ako Sa Alameda NHS unang pasok ko palang eh nakita ko sya iniisip ko namalik Mata Lang yata ako O baka kamukha nya Lang ilang years na din Bago ko sya nakita baka Di Rin sya Yun Kaya hinayaan ko nalang sya hanggang Sa sinundan ko sya grade 9 sya nun at grade 7 ako Di naman kalayuan Yung agwat namin Sa isat isa. Bumalik ulit Yung sobrang paghanga ko Sa kanya kase araw araw ko na syang nakikita lagi ko syang binabantayan buo na araw ko Makita ko Lang sya ginawa ko syang inspiration Sa bawat araw na pag pagpasok ko Sa iskul nun. Nakakasama ako Sa achiever dahil sya inspiration ko. Sumasali din ako Sa mga contest Sa school para mapansin nya ako. Sumali ako ng journalism Sa school at Yun Yung tulay para mapansin nya ako. Di ako nanalo Ngunit may award parin akong nakuha. Sya ang unang nagbati sakin nun Kaya kahit talo ako masaya parin akong umuwi Sa Bahay na parang lutang Sa sobrang Saya.

Bakasyon april-may
May 10 sinabihan na ako ng Tita ko na pumunta akong maynila Sa bacoor, cavite dun DAW ako mag aaral napilitan nalang ako na sumama dahil Di Nila mama at papa Kaya Yung gastusin pag tatlo na kami nag aaral Sa highschool Kaya sumama ako. Marami din naman akong nakilala at may nanliligaw sakin Pero Di ko Sila pinapansin iniisip ko na sya Lang ang gusto ko kahit sino pa mga lalaki Yung makikilala ko. April 16 2018 umuwi ako ng probinsya para magbakasyon sinulit ko Yung araw araw para gumala at nagulat ako lagi na syang pumupunta...


ng Bahay nun dahil tropa Pala sya ng kuya ko.parang ayaw ko Nang bumalik ng maynila nun kaso laht ng requirements ko Walang may mag aasikaso. Nagkwento Pala sya Kay kuya na aalis sya papuntang Leyte Sa mama nya Pero Di Rin sya nagtagal nun pumunta Rin sya ng cavite at pumunta Rin Dito Sa antipolo Pero nga ayun nag trabaho sya sa taytay nag stop sya ng 1 year at ng Aral ulit Dito na sya Sa Teresa nun.
Umalis ako ng Cavite dahil Sa Di ako inaasikaso ng maayus ng Tita ko parang aping API ako nun. Wala kaming connection Sa isat Isa Pero inaantay ko paren na ligawan nya ako kahit NASA malayo ako.paranh Umaasa ako Sa WALA hahaha.

Fast forward….
Sinundoako ng Tita ko Sa cavite. Dito na ako nakatira Sa Bahay nila Sa antipolo kasama mga pinsan ko Di Rin naging madali sakin Pero ayus Lang kinakaya ko para Lang Di mahirapan Sila mama.
Grade 9, 3 quarter na ako nagtransfer Sa San Roque nhs. Sa Bahay so ate Lang Yung close ko ka batch mate nya so Jerald nung Elem Sila saka tropa na din Sila nun lagi akong nagtatanong about Sa kanya.
1 year na ako Dito sa antipolo Di ko paren sya nakikita dahil nga nag tatrabaho sya Sa taytay. May 1 umuwi sya ng Teresa saktong pumunta na din kami dun at nakita ko sya Di ko maipaliwanag Yung sya na nararamdaman ko dahil Sa ilang years ko na di ko sya nakikita sya parin Yung crush ko Di paren sya nagbago. Lalong mas minahal ko pa sya kahit crush Lang talaga dapat Pero ayun Yung nararamdaman ko eh.

June 3, grade 10 ako grade 11 sya dahil nag stop sya ng 1 year nga. Lagi na kaming magkikita lagi na Silang pumupunta Dito Sa Bahay pag may events Di ko akalain na same place Lang kami.pag Walang psok pumupunta kami Sa kanila so naging close na Rin kami Sa isat Isa sobrang konportable kami Sa isat Isa sya Rin nag kikweno sya sakin about life nya ako din namn. Habang kasama ko sya ansaya ko mabait Pala sya masipag, Di mareklamo, bunos nalang Yung pogi at galing nya Sa pag porma.

Fast forward…
Jan 2 2020, inamin nya sakin na crush nya ako since 2018 pa kaso nga Lang nahihiya sya sabihin sakin baka DAW iiwasan ko sya Kaya tinatago nya Lang DAW abtayin nya nalang Yung araw na Makita nya ulit ako. Nagpaalam sya sakin if pwede DAW sya manligaw sakin pagtapos nyang inamin sakin and pumayag naman ako kse matagal ko Nang hinihintay to.
2 months Bago ko sya sinagot sobrang Saya nya Pero mas masaya talaga ako dahil natupad Yung wish ko na Sana maging kami ilang years hinihintay ko maging kami lang. So ayun nga kami na nung Feb 28 Lang. 2 months palang kami Sa ngayun Pero feeling ko sya na talaga mapapangasawa ko Sa kanya na lahat ng gusto ko Sa isang lalaki saka mas Mahal nya ako. Di sya gumagawa ng mga bagay na ikasisira namin at ikakaskit ko. Kahit na my nagagawa akong mali Sa kanya. Kahit na nagluloko ako minsan Di nya ako iniiwan kahit sobrang gulo ko na kahit Di na nya ako naiintindihan Di nya paren ako iniiwan. Kaya feeling ko sya na talaga. So Eto na ngayun masaya kami Sa isat Isa Pero Di paren maiwasang mag away Pero swertehan nalang talaga pag nakahanap ng katulad nya.nag effort talaga sya sakin saka araw araw syang naiinlove sakin kahit Di naman ako kagandahan.So Eto na nga nagtatapos Yung kwento ko Salamat Sa makakabsa Neto nag effort din ako pagtype Neto 😊.


3 Comments

  1. Sana all talaga ganyan. Pero Kelan pa ako makakahanap ng Kagaya nyang babae ang tatag nya kahit may naging jowa sya Di nya parin makakalimutan crush nya Tas antagal nya naging crush yun

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.