0

LAST


Report

Sa mga araw na ang daan may nagbago kay kuya. Hindi na siya ung kuya na nakilala ko. Bakit ko nasabi un? Kasi ganito.
Ng makilala niya at naging sila ni ate shane nawala na ang attention sa akin ni kuya. Lagi na niyang inuuna si Shane kisa sa akin. Minsan kapag inaasar ko siya hindi na niya ako binabatukan o pinagbabantaan hinahayaan na lang niya ako.
Lagi narin sila lumalabas ni ate shane. Dati dati kami un pero ngayon hindi na. Nakakamis si kuya kahit na naiinis ako sa kaniya.
Namimis ko ung mga araw na kapag naasar ko siya nagagalit agad siya. Kapag naman umaalis ako ng hindi nag papaalam pinapagalitan niya ako pero ngayon hindi na.
“Saan ka galing?” Mahinahon na tanong ni kuya habang nasa cellphone ang attention niya. Siguro ka chat nanaman niya si ate shane.
“Diyan lang.” Maikli kong sagot. Tumango namn si kuya at nakita kong napangiti ito habang nag ta-type sa cellphone.
Naglakad ako papasok sa kuwarto ng wala sa sarili. Humiga ako sa kama ko at binaon ang muka ko sa kama dahil ayan nanaman ang k*nginang luha ko.
Nakakainis na si kuya dahil hindi na siya tulad ng dati. At masnaiinis ako kay Shane dahil feeling ko kinuha na niya sa akin si kuya. Marami pang ngyari na nagpatunay na wala ng pake sa akin si kuya.
“Kuya jailo. Samahan moko bumili.” Pag ayaw ko kay kuya. Nasa kama siya at naka higa habang hawak nanaman ang cellphone.
“Kaya mo nayan, malaki kana, ZAM.” Nasa cellphone parin ang attention niya.
“Pero kuya samaha─”
“Pwede ‘ba ZAM? 15 kana kaya kayamo nayan. Tandaan mo hindi ako palaging nasa tabi mo at pati sila mama kaya matuto kanang mapag-isa.” Seryosong sabi ni kuya habang nasa cellphone parin.
Namumuo nanaman ang luha sa mata ko.
Tinignan ko pa si kuya ng ilang minuto. Kakaiba ang saya niya kumpara sa saya na nakita ko nong kami pa ang magkasama.
Halata na masmasaya siya kay Shane kisa sa akin. Sabagay ako puro inis lang ang binibigay sa kaniya samatalang si ate shane…… siguro nabigay niya nga kay kuya ang hinahanap nitong saya.
Lumabas ako ng kuwarto niya. Hindi nalang ako lalabas. Bumalik ako sa kuwarto ko at humiga.
Habang naka tingala sa taas ng kisame dumaloy ang luha sa mga mata ko. Siguro nga tama si kuya. Balang araw mag isa nalang ako kaya dapat matuto nakong tumayo at masanay na hindi sila kasama.
KINABUKASAN paglabas ko sa kuwarto ko nakita ko si shane sa bahay. Tumutulong...


siya kay mama sa paglukuto. Naiingit ako pero wala naman akong magagawa.
“Oh? Hi ZAM.” Bati sa akin ni shane pero hindi ko siya pinansin. “Saan ka pupunta anak?” Si mama. “Diyan lang po ma.” Sabi ko kay mama.
“Uwi rin ng maaga ha? kakain pa. Nagluto ako ng favorite mo.” Tumango lang ako kay mama. Napatingin ako kay shane na parang nghihinayang dahil hindi ko siya pinansin.
“Saan ang punta mo?” Boses ni kuya. Hindi ko siya pinansin at naglakad ng tuloy tuloy sa labas.
“Zam, tinatanong ka ng kuya mo.” Si mama.
“Bye na po ma, babalik din po ako agad.” At tuluyan na nga akong lumabas ng bahay.
Pagkatapos kung lumabas para aliwin ang sarili ko at maka move on kay kuya at bumalik din ako sa bahay.
Lumabas ako para hindi kalimutan si kuya. Lumabas ako para makalimutan ung sakit nanararamdaman ko.
Hindi ko magawang magalit kay kuya dahil kuya ko parin siya.
“Nandiyan kana pala.” Si mama.
Ngumiti ako ng pilit kay mama. Nakita ko si kuya at shane na magkatabi.
“Tara na kain na.” Aya sa akin ni mama.
“Maya nalang po ako mama.” Sabi ko at umakyat sa kuwarto ko.
Habang naka higa ako sa kama may kumatok sa pinto ko. “Zam?” Si kuya. Mabilis ako nagtaklob ng kumot ko.
Narinig kong bumukas ang pinto at umara. Naramdaman kong may umupo sa agilid ko.
“Zam? May problema ‘ba tayo?” Mahinahon na sabi ni kuya. Hindi ako umimik.
“Zam─”
“Umalis kana kuya.” Sabi ko at nakagat kopa ang labi ko para hindi maginig ang boses ko.
“Zam sorr─”
“Kaya kong wala ka sa tabi ko kuya. Mas maganda kong mas iisipin mo talaga at bibigayan ng attention ang relasyon niyo ni ate shane kasi sa relasyong meron tayo kuya bilang magkapatid. Balang araw makakahanap din ako ng lalaki na magiging kuya ko rin at higit paron. Kaya kong wala ka sa tabi ko kuya. Pero kasi sana hindi moko sinanay at sahuli ay makakalimutan moko bilang kapatid mo ng dahil lang sa girlfriend mo.” Dumaloy ang luha sa mga mata ko.
Sumula ng araw na un hindi na kami ang dating mag kapatid na sweet sa isa’t isa. Sa mga araw at taong lumilipas hindi na kami ang papansinan tulad ng dati. Nag uusap man kami hindi ganon kahaba.
Pero minsan na mimis ko talaga ung dating kami. Pero anong magagawa ko? Hindi narin naman mababalik dahil matagal na un.
THE END
PLAGIARISM IS A CRIME
DON’t Copy my story
Makunsensiya ka.
Written by Zame Write


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.