0

LAST DESCENDANT OF THE DARK KINGDOM Chapter 1


Report

Manila November 2019
Nakakasilaw na liwanag ang mula sa bintana ang nagpagising kay Sebastian o Baste sa ilan sa nakakakilala sa kanya. Ilang beses niyang kinurap-kurap ang mata upang masanay sa liwanag.
“Handa na ang almusal mo.” Sabi ni Lucia na nakatayo sa gilid ng kanyang kama. Ugali na nitong tuwing umaga hawiin ang kurtina sa bintana ng kanyang kuwarto.
“Ala siete pasado na. Natanghali ka ata ng gising ngayon ah.” Sabi ulit nito ng hindi siya tumitinag sa pagkakahiga.
“Late na po kasi ako nakatulog kagabi.” Maiksing sagot niya habang nakatingin sa babaeng edad treinta’y singko na ngunit mas batang tingnan ang hitsura nito. Madalas nakapusod at formal na damit ang suot nito. Katulad ngayon parang papasok sa opisina ang suot ngunit sa bahay lang ito naglalagi.
“Ganoon ba,lumabas kana at lalamig pa ang pagkain mo.” Pagkasabi nito’y lumabas na ng kanyang silid ang babae.
Bumangon narin siya sa higaan nalalag sa sahig ang kumot na tanging tumatakip sa kanyang kahubdan. Sanay kasi siyang naka birth suit lang kung matulog. Kinuha niya ang boxer short na nakasampay sa upuan saka isinuot at lumabas na ng silid.
Naabutan niya si Lucia na naglalagay ng kape sa tasa. Napasulyap siya sa mga nakahain sa lamesa. Bollos with jam,huevos rotos con chorizo,poncho de tortilla,tostada con tomate,aceite,y jamon,melindros at meron pang squeezed orange juice.
Nagtatanong ang mga mata ni Baste ng tumingin sa babae.
“Iyan ang mga paborito ng iyong mama na almusal.” Saad nito na nahulaan ang nagtatanong na mga mata niya.
Umupo siya sa kanyang upuan ganoon din ito. May kasiyahan na umusbong sa puso ni Baste ng maalala ang ina. Ngunit nagkalambong din ng maalala ang paraan ng kanilang paghihiwalay.
“May lakad kaba ngayon hijo?” Tanong nito habang naglalagay ito ng pagkain sa sariling plato.
“Susunduin ako dito ni Mateo bago mag lunch sa Laguna ang punta namin.” Sagot niya ng hindi lumilingon dito patuloy lang siya sa pagkain. Hindi narin ulit nagsalita ang dalawa hanggang matapos ang agahan.
🗝️🗝️🗝️🗝️🗝️🗝️🗝️🗝️🗝️🗝️
Isang katok sa pinto ang narinig ni Lucia kaya inihinto niya muna ang ginagawang pagmamasa sa gagawin na tinapay. Si Mateo ang napagbuksan niya.
“Hello po auntie Lucia. Lalo po ata kayong gumaganda.” Saad nito ng pagbuksan niya. Napangiti naman si Lucia sa papuri nito.
“Nambola kapa pumasok kana nga. Nasa sala ang kaibigan mo. Puntahan mo nalang.”
Tumuloy na ang binata matapos magpasalamat. Muling bumalik si Lucia sa kusina matapos papasukin si Mateo. Nagtuloy naman si Mateo sa sala ng bahay. Madalas siyang nandito kaya at home na siya. Pangalawang pamilya na ang turing niya kay Baste at Auntie Lucia.
Nakita niya si Baste na nakaupo sa pang-isahang sofa habang may hawak na libro. Nag angat ito ng tingin ng maramdaman ang presensya ni Mateo,napangiti ito nang makita ang kaibigan.
“Ang aga mo naman pare.” Bati ng binata sa bagong dating.
“May pinagawa kasi sakin si erpat sa malapit lang. Kesa naman maghintay pako sa oras ng usapan natin tumuloy na ko dito.” Paliwanag nito sabay upo sa divan chair.
Napigil ang sasabihin sana ni Baste nang pumasok si Lucia na may dalang tray ng merienda. Nilapag niya ito sa center table.
“Mag merienda ka muna Mateo. Mamaya pa naman ata ang alis niyo eh.” Alok nito.
“Wow mukhang masarap auntie Lucia. Kaya gusto ko lagi napunta dito eh. Dito lang ako nakakakain ng mga kakaibang pagkain. Ano bang tawag sa pagkain na ito?” Sabi nito na pinagalaw galaw pa ang mga kilay habang nakatingin kay Lucia.
“Ang tawag diyan ay pan tumaca.” Sagot ng babae na laging naaaliw sa kaibigan ni Baste na kamukha ng TV host na lagi niyang pinapanuod ang palabas sa TV.
“Maiwan ko muna kayo at may gagawin pako sa kusina.” Paalam nito saka tumalikod na.
“Salamat Auntie Lucia sa merienda.” Pahabol ni Mateo sa nakatalikod ng babae.
Nangingiti lang si Baste habang pinagmamasdan ang kaibigan sa pagkain nito.
“Matagal ko nang gusto itong itanong eh lagi ko lang nakakalimutan.” Sabi nito sa gitna ng pag nguya ng pagkain.
“Tungkol saan?”
“Bakit nga pala ang hilig niyo sa spanish food? Eh diba sabi mo wala naman kayong lahing Espanol?” Seryusong tanong nito.
Umiwas naman siya ng tingin,may nasaring sa pagkatao niya sa tanong ng kaibigan. Pero tumingin ulit siya dito.
“Parent’s ko kasi mahilig sila sa Spanish food kaya si Auntie Lucia na adapt din niya ang pagkahilig sa ganoong pagkain.”
Tumango tango naman ang kaibigan mukha naman naniwala ito sa paliwanag niya. Inubos na nito ang idinulog sa kanyang merienda.
Ilang sandali lang lulan na sila ng fortuner ni Mateo. Pupunta sila sa private resort sa Laguna na pag mamay-ari ng isa nilang kaibigan na si Timothy Smith.
Mahigit dalawang oras din ang naging biyahe nila from Manila to Calamba Laguna.Huminto sila sa isang malapad na gate na kulay itim. Nakita nila sa tarangkahan ang nakasulat na Secret Mirage Resort.
“We are here at last. I’m sure magugulat si Timothy sa pagdating natin. Noong tumawag kasi siya last week hindi ko na confirm na makakapunta tayo eh.” Wika nito,itinigil sandali ang sasakyan sa tapat ng gate. Isang naka uniform na guard ang lumapit sa kanila. Binaba naman ni Baste ang salamin sa passenger seat kung saan siya nakaupo.
Sumaludo sa kanila ang guard saka magalang na bumati.
“Magandang hapon po mga bossing.
“Mga kaibigan kami ni Timothy Smith. Inaasahan niya ang pagdating namin.” Pagbibigay ng impormasyon ni Baste dito.
Nang marinig ang tinuran ni Baste agad na sila nitong pinapasok.
Nasa drive way palang kita na ang magandng view sa paligid. Mga iba’t-ibang halaman ang makikita,ang iba nakatanim sa malalaking pot, samantalang ang iba nakaderetsong nakatanim sa lupa. Naglalakihang puno din ang ilan sa makikita at sa di kalayuan may natanaw silang parang mga kubo na marahil ay mga cottage.
Paahon na sa driveway ang fortuner ni Mateo ng matanaw nila si Timothy na nakatayo sa entrance ng isang malaking bahay. Nakasuot ito ng khaki short at hawaiian shirt. Malayo palang nakapaskil na ang malapad nitong ngiti.
Nang ipark ni Mateo ang sasakyan sabay pa sila nitong bumaba. Agad na lumapit sa kanila si Timothy. Nakipag shake hands ito saka parehas silang tinapik sa balikat.
“Akala ko hindi na kayo pupunta eh.” Sabi nito sa kanila.
“We can’t miss your invitation. Happy birthday pre.” Bati ni Baste.
Bahagya naman nagulat si Timothy sa bati nito. Hindi naman niya kasi binanggit sa mga ito na kaarawan niya.
“Thanks bro”.
“Happy birthday pre!” Segunda naman ni Mateo.
Pagkatapos ng maiksing batian iginiya na sila ni Timothy na pumasok sa loob ng bahay. Makikita agad sa bungad ang rmarangyang loob. Mga mamahaling gamit napansin niya ang iba ay mga antique na gamit at ang halos dingding ay may nakasabit na painting. Nag mukha tuloy na Museum ang bahay.
Dinala sila nito sa living room. Mayroon itong tinawagan sa intercom marahil ang kausap nito ay maid dahil narinig nila na nagpapadala ito ng merienda.
Umupo si Mateo sa sofa habang siya ay ginala ang paningin sa mga painting na nakasabit sa wall ng bahay.
“Marami kabang darating na bisita pre?” Tanong ni Mateo.
“Actually kayo lang naman ang inimvite ko dito.” Sagot nito.
“Oh kami lang talaga. Swerte naman natin bro.” Sabi ni Mateo na kay Baste nakatingin.
Lumingon naman sa kanila si Baste.
“Akala namin kaya mo kami pinapunta dahil may party kang hinanda.” Nanunudyo naman ang tono ni Baste.
Natawa naman si Timothy.
“Actually,kagabi pa cinelebrate ang birthday ko. Simpleng dinner lang with my parents. Kanina kasi umalis narin sila papuntang States. Pero pwede naman tayo mag celebrate feel at home. Mamaya sa pool tayo mag inuman. Walang masyadong nag sswimmig ngayon dahil off...


season. Kaya solo natin ang malaking swimming pool.”
Napangiti naman ang dalawa sa sinabi nito. Natigil ang pag uusap nila nang may pumasok na nakauniporme na katulong. May dala itong merienda nang mailapag ang dala muli na itong lumabas.
“Wow mukhang masarap ah.” Agad kumuha ng pagkain si Mateo.
“Lahat naman sayo masarap basta pagkain.” Buska ni Baste dito. Napapailing na muling tiningnan ang mga painting na nakasabit sa mga dingding.
Nang mapako ang tingin niya sa huling portrait na nakalarawam ang tatlong tao. Isang balbas saradong lalaki na naka americana,naglalaro sa thirty five years old ang edad at isang babae naman na kulay mais ang buhok na nakapusod. May tiarang palamuti sa buhok nito at mga matang tila nangungusap sa kong sinuman tumitig sa larawan. At ang batang nasa limang taon pa lamang na may kahabaan ang buhok na alon-alon.
Biglang bumilis ang tibok ng puso niya waring umiikot din ang kanyang paningin. Ilang beses siyang lumunok dahil pakiramdam niya may kong anong gustong bumara sa lalamunan niya. Nagsisikip din ang dibdib niya habang nakatitig sa larawan ng isang pamilya na pamilyar sa kanya.
Napapitlag pa siya ng may humawak sa kanyang balikat. Nilingon niya kong sino ang tumapik sa kanya. Nagtatakang mukha ni Timothy ang nalingunan niya.
“Kanina ka pa kasi namin kinakausap pero hindi mo kami pinapansin. Mukhang natulala kana diyan sa painting na yan.” Tiningnan din nito ang painting sa dingding na nakakuha ng pansin niya. Inayos pa nito ang pagkakakasabit dahil pakiwari nito hindi pantay.
Hindi makaapuhap ng sasabihin si Baste. Muli niyang tinuon ang mga mata sa painting na nasa harapan niya. Ilang beses din niyang kinurap-kurap ang mga mata. Lumapit pa siyang maigi upang mapagmasdan ito ng mabuti. Ikinuyom niya ang mga kamao sa pagpipigil na hawakan o haplusin ang larawan.
Nagtataka naman si Timothy sa ikinikilos niya. Pinagmasdan din ang larawan ng isang pamilya na nakapukaw sa atensyon ng kaibigan.
“Pag-aari iyan ng great great grand father ni lolo ang huling nagmana ng painting na yan ay si Lolo na sakin naman niya ipinamana. Alam mo bang kong sino ang nagmamana ng painting na yan ay may kasamang habilin. May history kasi ang painting ng mag anak na iyan.”
Napalingon si Baste kay Timothy sa huling sinabi nito. Nagtatanong ang mga mata niya dito.
Hindi naman siya nabigo dahil handa naman itong mag kwento.” 1850 pa ginawa ang painting na iyan. Kong sinuman ang magmamana sa painting na iyan ay may kaakibat na habilin na hindi maaring ibenta iyan sa kahit na anumang halaga. Sabi ni grandpa sabi daw sa kanya ng kanyang lolo balang araw daw hindi man sa panahon niya, maaring sa hinaharap ay darating ang tunay na nagma may-ari ng painting na iyan.” Nakatingin ito sa larawan kaya hindi na nakita ang pamumutla ng kanyang mukha.
Pinilit naman pakalmahin ni Baste ang nag uumapaw na emosyon.
“Pa-paano kong ganoon napunta sa inyo ang painting na iyan?” Tanong niya.
Tiningnan siya nito.” Ang great great grandfather namin at ang lalaki sa larawan ay naging magkaibigan. Isang pintor ang ang kalololohan ng lolo ko na pinakiusapan siyang iguhit silang mag anak. Nang gabing pumunta siya sa mansion ng kaibigan upang ibigay ang larawan. Lahat daw ng mga tagasunod at kasama sa bahay mga wala ng buhay nang datnan niya. Maliban sa kaibigang naghihingalo ng mga oras na iyon. Nalaman niya na nakatakas ang mag ina at isang babae.”
Napahinga pa ng malalim si Timothy sa haba ng salaysay nito. Siya naman naghahalo ang damdamin ng mga oras na iyon. Dahil ang pangyayaring isinalaysay nito ay ang nangyari sa kanyang pamilya daang taong na ang nakalilipas.
“Ang ganda naman ng history ng painting na iyan.” Pukaw sa kanila ni Mateo,hindi nila namalayan na nakalapit na pala ito sa kanila. Nakatitig din ito sa portrait ng mag anak.
“Nasa bahay namin iyan sa Quezon City,pinalipat ko lang dito dahil sabi ni Mommy parang nagmumulto daw ang painting na iyan.” Bahagya pa tong natawa. ” Marami kasing kwento ang mag-anak na iyan noon panahon nila na nagpasalin-salin na sa mga kwento sa mga kalololohan ko.”
“Anong mga kwento?” Tanong ni Baste na mataman tinitigan ang kaibigan. Nais niyang malaman lahat ng nangyari noon pagkatapos nilang makatakas ng gabing iyon. Pakiramdam niya mabubuo kahit papaano ang ilang bahagi ng pagkatao niya.
“Well,ang lalaki sa larawan ay si Alejandro Ruiz at ang kanyang may bahay si Sophia Ruiz. At ang nag iisa nilang anak si Nicolas.” Bumuntong hininga muna si Timothy bago nagpatuloy.
Ayon sa kwento na nagpasalin salin na sa kanilang pamilya. Ang mag asawa ay bigla nalang sumulpot sa kanilang bayan kasama ang mga tagasunod. Mabait daw makitungo ang mga ito sa mga tao at mapag kawanggawa sa mga mahihirap.
Tuwing may nagtatanong noon kong saang bayan sila nagmula lagi lang daw bukambibig nila galing sila ng ibang bansa na pinili nilang tumira dito sa Pilipinas. Napakayaman ng mag asawa at maraming tagasunod na ipinagtataka ng marami kung saan nanggaling ang yaman nila dahil wala namang lupa o anumang negosyo si Alejandro at ang asawa nito ay sa bahay lamang.
Maraming kastila noon ang gustong makipaglapit sa mag asawa ngunit mailap sila sa mga matataas na opisyal ng gobyerno lalo na sa mga prayle at sa mayayamang kastila na dito na nakatira.
Kinainggitan ng mga kastila noon si Alejandro, maraming pagkakataon na idinawit ito sa salang pakikipagsabwatan sa mga rebeldeng pilipino noon. Ngunit hanggang pagbebentang lamang dahil hindi naman kayang patunayan. Saka masalapi ito,kaya niyang manipulahin ang batas na umiiral nuong mga panahon na iyon.
Naging magkaibigan daw ang great great grandfather ng kanyang lolo dahil minsan nakita ni Alejandro na may mga bumubugbog dito,hindi nag atubiling tumulong ang lalaki. Doon nag umpisa ang kanilang pagkakaibigan.
Noong mga panahon na iyon ay nag-aaral palang magpinta ang great great grandfather ng lolo ni Timothy. Nangako siya kay Alejandro na iguguhit sila oras na magaling na siyang pintor. Kapalit ng pagliligtas nito sa kanyang buhay.
Lumipas pa ang taon nagkaanak sila ng lalaki iyon na nga si Nicolas. Sa maraming taon na naging kaibigan ng great great grandfather ng kanyang lolo ang pamilya wala siyang masabi sa kabutihan ng mga ito.
Ngunit sa tagal ng pagkakaibigan nila pakiwari ba nito ay mayroon tinatagong sekreto si Alejandro. Ngunit mas pinili nalang manahimik ng great great grandfather ng lolo ni Timothy bilang respeto sa mga ito.
Dumating na iyong araw na naiguhit na niya ang mag-anak kasama ang limang taong si Nicolas. Nang mga panahon na iyon nagpapahiwatig ang mag-asawa na baka lisanin na nila ang bayan nila. Minadali nito ang pag guhit sa mag anak upang maibigay niya bilang alaala kung sakali mang lisanin na ng pamilya ang bayan nila.
Nagbigay ng isang dahilan si Alejandro kung bakit nais na nilang lisanin ang bayan,isa na nga dito ang mainit na tingin sa kanila ng mga prayle at ilang mayamang kastila. At ang isang bagay na hindi daw nito maaring isiwalat pa.
Nalulungkot man sa isiping hindi na sila magkikita ng itinuring na niyang kaibigan at kapatid nauunawaan naman niya ito.
Nang gabing papunta ang great great grandfather ng lolo ni Timothy sa mansions ng mga Ruiz upang doon maghapunan may kakaiba siyang nararamdaman na hindi niya mawari. Binalewala na lamang niya ang kakaibang pakiramdam dahil marahil dala lang ng napipintong pag-alis ng mag anak.
Hinanda niya ang portrait ng mag anak. Napangiti habang pinagmamasdan niya ang tatlong taong naging mahalaga na sa kaniya. Pihadong matutuwa ang kanyang kaibigan sa kanyang ipininta.
Lumabas na ng bahay ang great great grandfather ng lolo ni Timothy sumakay na sa kalesang maghahatid sa kanya sa mansion ng mga Ruiz.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.