2

Landian tas nafall


Report

Im tine and im sixteen. Actually Fifteen palang pero this September narin naman ako mag si sixteen.
Hindi ko alam pero hindi ko makwento to sa mga kaibigan ko. Iba kasi sila. Hindi sila madrama at kadalasan, hindi nagseseryoso sa buhay, specially sa pag ibig. For them, laro laro lang kaya naman pag nagkwento ako tungkol sa gusto ko baka asarin lang nila ako dun.
Grade 10 ako. Nung grade 9 ko ‘sya’ nakilala at naging kaklase. Lets name him as ‘juts’ (hehe walang malisya yun yung tawag ko sa kanya e).
Nung umpisa di ko sya napapansin at kaibigan lang tingin ko, kaklase ganern. Inaasar ko pa nga sya sa kaklase kong babae na bestfriend lang daw kuno nya hahaha (alex yung name ng bestfriend kuno nya). Hanggang sa parang dumistansya si alex kay juts kase nga parang nafafall na si juts kay alex kahit di nya sabihin halata naman e. E sakin naman, wala pa akong pake. Hahaha pake ko sa kanila enjoy ako sa single no. Third grading ata, naging maging magkaibigan na kame lalo ni juts. Always chat, laro ng mobile legend, ros, at kung ano ano pa. (Gamer kase ako hihe) nakaka relate sya sakin kasi gawain nya gawain ko rin.
January na nun. Naging mas close kame. Nung January na yun birthday ng kaklase naming lalaki na tropa tropa namin (rome pangalan ni bday boy). Pinapapapunta ako ni rome, dahilan nya magkakilala naman na kami since grade 7 kasi kaklase ko sya. Sabi ko ilan ba kaming babae dun? Naninigurado ako kasi diba? Marami syang sinabing pupunta na mga preni ko. Edi sabi ko go lang.
Pero di ko pa talaga sure yun kasi may pupuntahan rin ako ng araw na yun.
1:00 pm ng araw na yun nag cha chat ako kay juts kako sunduin na nya ako sa puregold kasi di ko alam yung bahay ni rome e sya naman na andun. Kaso no reply be kaloka. Hanggang umabot ng isang oras akong nakatayo. Sobrang galit ko umuwi na ako. Nagbihis nalang ako ng short tas damit na supreme na black (pambahay) blinock ko si juts kasi naiinis talaga ako tas nag sorry ako kay rome kako di na ako makakapunta. Nagulat ako ng mag iba yung chat ni rome. Si juts pala yung nag cha chat. Sabi ko di na ako pupunta kasi 3:00 pm na non. Inis na inis talaga ako sa kanya sarap dumbulin ng muka nya. Sabi nya nasa Jollibee na daw sya malapit samin inaantay ako. Sabi ko naman ‘balakajan’ syempre diba. Ikaw kaya pag antayin ng isang oras. Kaso nag chat si rome na birthday naman daw nya kaya punta na daw ako. Edi wala akong nagawa kundi pumunta sa Jollibee. Kaso ang magaling na juts wala naman dun. At naalala ko naka short na maong lang ako. Kaya naman babalik na sana ako kaso may humila sakin tas niyakap ako bigla. Malalim yung paghinga nya halatang hingal na hingal.
“Sorry tineeee. Lasing kasi ako nakatulog ako kila rome”

“Tangina mo di na ako pupunta uwe na ako”

“Pumunta ka na. Tara na oh nandito na nga ako...


e.”

“Wala akong pake. Tsaka yung suot ko oh. Tamo.”

“Ok lang yan. Lahat naman bagay sayo e”

Ewan q pero bigla nalang akong kinabahan. Yung pagyakap nya sakin kanina hindi nya pa nagagawa yun. Kadalasan kasi kumakapit lang yun sa braso ko. Tumingin ako sa side namin at halos matumba sa hiya. Nasa gilid kame ng Jollibee dun sa may salamin. E sakto may mga kumakain na nakatingin samin. Tangina dyahe. Pagkakita ko ng jeep sakay agad kame. Syempre nilibre nya ako pamasahe alangan ako pa magbayad. Ano utang na loob ko pa. Nilabas nya bigla yung panyo nya sa bulsa nya tas binigay sakin. Nagtaka ako syempre para san yun.
Takpan ko daw hita ko. Hindi naman super short shorts. Kalahati nga lang ng hita ko yung kita e. Pero tinakpan ko parin kasi di rin naman ako sanay. Tas alam nyo yun? Yung nilagay nya bigla yung kamay nya sa likod ko. Hindi as in sa likod ko yung nakatanday sya dun sa bintana. As in. Muka kaming magjowa non. Nung pagkarating naman halos mapapalakpak ako. Ang galeng. Dalawa lang kaming babae. Cel yung isa. Hindi humihiwalay nun si juts sakin. Kaso etong makating cel nato dikit ng dikit kay juts. Edi sakin balasya jan. Si beybi ama naman (kaklase kong lalaki na makulet.basketball player) dumikit tumabi sakin tas nakipag kwentuhan. (May gusto kasi sya kay alex, yung bestfriend kuno ni juts)
Hanggang sa tanginanaaaa. Umikot na yung alak sa umikot na paningin ko.

And then.

Simula nung araw na yun.

Depressed na depressed na ako hanggang sa dumating na yung time na ayaw ko nang pumasok. Issue kame. Kesyo bakit daw ako pumunta alam ko naman daw na walang babae dun isa lang malandi pa. Nasa higher section ako non kaya nambaba talaga tingin ko sa sarili ko kasi tingin ko diring diri sila sakin. Lalo na mga babae. February na rin nun at malapit na mag march. Syempre requirements para sa clearance. Kami naman ni juts, tuloy tuloy lang. Hanggang sa nagseselos na ako. Oo nagseselos na ako. Sa totoo lang ang landi landi nyang si juts. Kaya nagseselos ako na ako lang nakaka alam. Lalo na pag si alex kausap nya. Tangina tumbang tumba ako. Hindi dahil sa mas maganda sakin si alex kundi mas mahal talaga sya ni juts. Masakit oo sobra. Dun ko lang yun naramdaman. Sabi nya pa sakin gusto nya daw ako, gusto nya akong ligawan. Pero tinatawanan ko lang sya kahit kinikilig ako. Alam nyo kung bakit? Kasi ayoko magmukang tanga. Dahil hindi ko alam kung seryoso sya o hindi basta hindi ko sya ini entertain. Parang labas namin naglalandian. Sweet kaso walang level. Pero ako. Totoo. Mahal ko sya. Mahal na mahal. Sobra.

At ngayon grade na 10 na ako. Magkaiba na kame ng section pero pag nagkakasalubong kame tinatawag nya parin akong babe, inaakbayan ako, pinipisil pisnge ko. Sya naman inaasar ko nalang. Kasi baka lumalim na naman ulit e. Gusto ko na mag move on sa kanya kase, until now. As in now. While i writing this. Mahal ko parin sya.

Ps:hindi sya kagwapuhan pero may itsura.


2 Comments

  1. Yieeee wag susuko…..fight lng ng fight hahhah😉😂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.