0

Kidnapper


Report

Kidnapper
Author: writes_21
Naglalakad ako ngayon at bibili ako ng toyo sa tindahan ni aling biona habang naglalakad ako may puting van na huminto sa daraanan ko agad ko naman syang sinita dahil naglalakad ako eh haharangan nya yung daanan ko.
“Aba’y! Bakit mo naman hinarangan ang daraanan ko aber? Gold kaba para harangan yan?”
“Kidnapper ‘to sumama ka samin”
“Ayoko nga!! Sa gold lang ako sumasama dun kanga!! Lumayas ka sa harap ko!!”
“Kung ayaw mo sumama kailangan ko gawin ‘to.”
Agad akong nawalan ng malay dahil sa itim na panyong ipina-amoy nya sakin. Nagising na lamang ako na nasa higaan at may nakita akong lalaki na nakatalikod.
‘Mukhang hinihintay ata ako magising ng lalaking ito ha.. hmm eh kung tumakas na kaya ako? Nakatalikod naman sya eh tsaka malapit lang naman sakin yung pintuan’ sabi ko sa aking isipan.
Dahan dahan naman akong naglakad papunta sa pinto ngunit nang malapit na ako sa pintuan may gwapong lalaki sa harap ko...


na nagpatigil saakin
“Ayoko ng magising jusko!!! Napaka-gwapo, ikaw naba ang sisira sa pagka-single ko?”
“Hoy assumerang babae ako yung kumidnap sayo kaya wag kang umasa na mapapasaiyo ako.”
“Medjo masakit parang kagat lang ng dinosaur, ikaw pala yon? Dimo kasi ipinakita yung mukha mo edi sana dimo na kailangang lagyan ng pampatulog yung panyo”
“Nga pala nagugutom na ako meron bang pagkain dyan? Gusto ko yung friend chicken”
“Ay wow sosyal ka? May pagkain jan pero hindi fried chicken yon.”
“Ayoko ng kahit anong ulam basta yung gusto ko fried chicken gold ako.”
“Napaka-kulit oo sandali lang bibili lang ako sa labas wag kang tumakas”
“Sige paalam”
Habang wala sya nagikot-ikot muna ako sa bahay nya tapos may nakita akong babae na kasama nya sa picture napakaganda nya hindi ko maipaliwanag kung gaano sya kaganda halos mapanganga ako sa sobrang ganda nya, agad naman akong napaisip na baka kapatid nya iyon ngunit kung kapatid nya iyon nasaan yung kapatid nya?


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.