0

Kapag Puso’y Tumibok CHAPTER THREE


Report

Matapos mailagay ni Ben ang mga bagahe nila sa likod ng sasakyan ay ipinagbukas na sila ng pinto nito para makasakay ng sasakyan.naunang sumakay si faith at puwesto sa likod ng driver,sumunod siya.
“Ayos na po kayo diyan ma’am?”Tanong pa nito sa kanila.Hindi niya ito sinagot dahil agad na napunta ang paningin niya sa lalaking nakaupo sa driver seat.Hindi niya makita ang mukha nito dahil May hawak itong dyaryo na nagtatakip sa mukha nito.Napakagat nalang siya ng labi sa inis dahil hindi man lang ito natinag sa pagbabasa at kahit batiin lang sila ay hindi nito ginawa.
“Tara na Pab”Wika noong Ben dito pagkapasok ng sasakyan tsaka lang din nito binababa ang dyaryo at tinabi.Hinawakan nito ang manibela at nagsimulang paandarin ang sasakyan.Talagang hindi sila pinansin ng mok*ng.
“Bast*s”Gigil niyang bulong habang nakatingin ng masama sa lalaking nagmamaneho.
“Ha?May sinasabi ka cuz?”Tanong ni faith sa kanya sa pagkakaakalang kinakausap niya ito.
“Ang sabi ko,Kahit talaga saan may makikita kang BAST*S na tao at MAK*PAL ANG MUKHA”Sabi niya na may kalakasan at pinagdiinan pa ang saltang BAST*S at MAK*PAL ANG MUKHA para iparinig sa nagmamanehong lalaki.
“Huh?”
Nilingon niya ang pinsan.Nakatingin din ito sa kanya na may nagugulohang mukha.
“Anong sinasabi mo?”Tanong pa nito.Napairap nalang siya sa pinsan at napatingin muli sa lalaking nagmamaneho,napalingon rin dito ang pinsan.
“Ahhh,Alam ko na,kaya pala”Bulong nito at lumapit pa sa tenga niya.”At mali pala ako di naman pala siya old,Young pa naman pala at mukhang hot.Diba cuz”
Tiningnan niya ito ng masama kaya napalayo ito sa kanya.
“Seriously Faith?,Eh ang bast*s Kaya niyan at Hot?Anong Hot?Malabo na ba ang mga mata mo?Hindi siya hot okay,Masarap kamong s*nugin ng buhay “Malakas na sabi niya.wala na siyang pakialam kong marinig ito ng nasa harapan nila dahil totoo naman ang sinasabi niya.
“Shhh naririnig ka niya oy”
“So what?,Eh totoo naman talaga eh.Di siya hot,”
“Oo...


na hindi na,Bunganga mo.Talagang yang katarayan mo ay walang sinasanto eh no?”
“Eh kasi nga I hate this mok*ng.Hindi ko makakalimutan ng ginawa niyang paninigaw at pambabast*s sakin sa cellphone”Inis niyang sabi habang tinuro pa ang nagmamanehong lalaki.
NAPAPAILING nalang si pablo sa naririnig mula sa masungit na babae tungkol sa kanya.Ito pa ang may ganang magalit samantalang ito naman ang naunang nagsisigaw sa kanya sa cellphone kanina na akala mo kong sino.
‘Tsk,tsk,Ang ganda pa naman sana kaya lang ang sama ng ugali’.Sa isip niya.
“Hay naku may mga tao talagang walang galang!”
“Bakit ba binuhay ng diyos ang mga ganung tao faith?”
“Akala ko pa naman magiging maganda ang pagpunta ko dito sa pilipinas iyon naman pala ay hindi.Imagine unang araw ko palang dito may nakasalamuha na akong makapal ang mukha at antipatikong bast*s na lalaki.Mygosh talaga”
“Nakakairita talaga faith”
“Hoo sarap batukan ng isang ungg*y diyan oh”
“Bakit ba ito ang inutusan ni titang sunduin tayo.Nakakainis”
Mahaba ang naging byahe nila at walang tigil sa pagpaparinig ang masungit na babae sa kanya na binalewala niya nalang kahit na gusto niya ng pasakan ng sangkatutak na papel ang bunganga para lang matigil kakadaldal.
“Sa wakas na tumahimik narin”Mahinang niyang sabi ng tumahimik bigla at makita niyang mahimbing na natutulog ang masungit na babae sa likod ganun din ang kasama nito.Napagod yata sa kabubunganga.
Natawa sa kanya si ben.”Oo nga eh,Makakapahinga narin ang mga tenga natin”
“Napakasungit talaga eh no?”
“Sabi mo pa,Maganda sana Kaya lang ang sungit”
“Kaya nga eh,Maganda kaya lang napakapangit ng ugali,Spoiled brat nakakainis.Kung pwede ko nga lang siyang itapon palabas dito kanina ay baka itinapon ko na siya kanina sa bangin na nadaanan natin”
“Grabe ka Pablo,”Natatawang tugon ni ben.
“Eh ang sungit kasi,Siya pa itong magagalit.Eh siya nga itong naunang manigaw”
“Bayaan mo na pre,laking Ibang bansa eh”


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.